Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Maria Leslie Mar 31
When I wake up in the morning I suddenly remember you,
I don't know how long I have to think about you and come back to you.

I thought I was done.
I thought I had forgotten my feelings for you.
No matter where I go,
I remember you,
Because there is something hidden in my heart,
You are there in history and have been revealed in my personality

The secret of my love for you,
That has been hidden for a long time and years in my heart and I need to forget.

You are still the one I want,
You are still the one I like,
You are still the one I love.

I don't know if you love me.
Because I feel this in you.
Do you love me?
You make me feel special to you.
Every time I see you I can't explain the feeling.

Even though I want you,
even though I want to be with you and let you love me,
But I have to avoid you.
I have to stay away from you.

You are the person I want to be with and stay in my life.
But I can't turn back time to the way it was when we were just the two of us.
The days and times I was with you are over.
A long time and years have passed without you being with me.

You have someone else and are loved.
It's too late to plead and bring everything back

With the cheap thought that I need someone like you by my side.

Will all the shortcomings in my heart be filled if we had only been together then until now.

The love that should have been mine and that I should have received because of you.
Will all the wounds in my heart heal by your side.

The love that cannot be removed from my heart.
Because you are a part of my heart forever.

I am not just a childhood friend and family member,
You are the root of my heart and my blood that you are always in my heart.

Whatever my feelings and emotions were for you before, that's all.
I never wanted to be consumed by the love that you wanted to give and that I wanted to possess.

I could forget how I looked at you for the rest of my life.
This hidden in the past, I abandoned.

Even though my past heart haunts me again and again, but the love that I want to have is only there.
Nothing else.

I want you to be happy.
I'm happy that you love someone else.

I'm thirsty for love but
I don't want to be hurt and force my heart to steal a moment to be happy with you, but tomorrow I'll only be hurt because I'll still be left alone and you're no longer with me.

Yes, I should come back to you but I can't.
Please don't remind me anymore.
Everything is gone, it's different now.
Let's put all the past to rest.
Let my heart rest in love.

I know you still love me but you can't take it anymore.
I still love you but not like before.

I love you even though there's something wrong with my feelings,
even though it hurts to hurt you
but I put it in the right place
because I love you,
because you love me that's what I reciprocated.

I chose the right love, not the forbidden love.


*******


"𝔹𝕒𝕨𝕒𝕝 ℕ𝕒 ℙ𝕒𝕘𝕚𝕓𝕚𝕘"

Pag gising ko sa umaga bigla kitang naalala,
Hindi ko alam kung hanggang kailan kita kailangan isipin at balikan.

Akala ko natapos ko na.
Akala ko nakalimutan ko na ang feelings ko sayo.
Kahit saan ako mag ***** naalala kita,
Dahil may nakatago sa puso ko,
Naroroon ka sa history at nabungkal sa pagkatao
Ang lihim ng pagibig ko sayo,
Na natago ng mahabang panahon at taon sa puso ko at kailangan ko ng kalimutan.

Ikaw parin ang nais ko,
Ikaw parin ang gusto ko,
Ikaw parin ang mahal ko.

Hindi ko alam kung mahal mo ako.
Dahil nararamdaman ko sayo ito.
Mahal mo ba ako?
ipinararamdam mo saking special ako sayo.
Sa tuwing nakikita kita hindi ko maipaliwanag ang nadarama.

Kahit gusto kita,
kahit gusto kita makasama at payagang mahalin ako,
Pero kailangan kong iwasan ka.
Kailangan kong lumayo sayo.

Ikaw ang taong gusto ko makasama at manatili sa buhay ko.
Ngunit hindi ko na maibabalik ang panahon sa dati na tayo pang dalawa.
Tapos na ang mga araw at panahong nakasama kita.
Dumaan na ang mahabang panahon at taon na wala ka sa piling ko.

May roon ka ng iba at mahal.
Huli na para makisumamo at ibalik pa ang lahat

Sa murang pag iisip na kailangan ko ng isang tulad mo sa tabi ko.

Mapupunan ba lahat ng pagkukulang sa loob ng puso ko kung naging tayo nalang noon hanggang ngayon.

Ang pagmamahal na dapat na sa akin at dapat na natatanggap ko na dahil sayo.
Ang lahat ba ng sugat sa puso ko ay maghihilom sa tabi mo.

Ang pagibig na hindi maalis sa puso ko.
Dahil habang buhay kang laman sa puso ko.

Hindi lang kita kababata at kapamilya,
Ikaw ang ugat sa puso ko at dugo ko na palagi kang nasa puso ko.

Kung ano man ang nararamdaman at feelings ko sayo noon hanggang don nalang yon
Hindi ko na ninais pa na lumubos sa pag mamahal na gusto **** ibigay at gusto ko maangkin.

Kalimutan ko man ang pag tingin ko sayo habang buhay
Ito ng nakatago sa nakaraan ay tinalikuran ko.

Kahit paulit ulit man akong multuhin ng nakaraan kong puso pero ang pagmamahal na gusto kong mangyari ay hanggang doon nalang.
Wala ng iba.

gusto na kita maging masaya.
Masaya na akong may mahal ka ng iba.

Uhaw man ako sa pagmamahal pero
Ayaw ko ng masaktan at pilitin pa ang puso ko sa mga nakaw na saglit upang lumigaya kasama ka ngunit kinabukasan masasaktan lang din ako dahil maiiwan parin ako mag isa at hindi ka na kasama.

Oo dapat kitang balikan pero hindi ko na kaya.
Please huwag mo ng ipaalala sakin.
Wala na ang lahat, iba na ngayon.
Ipahinga na natin ang lahat ng nakaraan.
Ipahinga mo na ang puso ko sa pagibig.

Alam ko mahal mo parin ako pero hindi mo na din kaya pa.
Mahal parin naman kita ngunit hindi na tulad ng dati.

Mahal kita kahit may mali sa aking nadarama,
kahit masakit man na masaktan kita
ngunit nilagay ko na yon sa tamang lugar
dahil mahal kita,
dahil mahal mo ako yon ang iginanti ko sayo.

Tamang pagmamahal ang pinili ko hindi ang bawal na pag ibig.
Written: 9.28.2024
kate May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
Eugene Feb 2018
"KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN MO! LALO  MO LAMANG SINASAKTAN ANG SARILI MO-- ANG PUSO MO!" sigaw nang sigaw ang utak sa mga katagang iyon sa kaniyang puso.


"May pag-asa pa! Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako kahit matagal. ****-usap, bigyan mo ako ng pagkakataon. Nararamdaman kong darating sila," litong-lito naman ang puso at pilit na nagmamakaawa sa utak na bigyan pa siya ng pagkakataon.


"Hindi ka ba nakakaintindi? Iniwanan ka na nila. Hindi ka na nila mahal. Wala ka ng puwang sa mga puso nila. Hanggang kailan ka dapat umasa ha?" galit na galit na ang utak sa puso nang mga sandaling iyon. Nag-aalab na at kaunti na lamang ay magiging makasalanan na siya.


"AKALA MO LANG IYON! HINDI IKAW ANG NAKAKARAMDAM KUNG HINDI AKO! AKO ANG MAS NAHIHIRAPAN!"


"AKALA MO LANG IYON! AKO RIN NAHIHIRAPAN NA AT DUMUDUGO NA ANG UTAK KO SA IYO! HINDI KA  BA TITIGIL?"


"HINDI!"



"P'WES! Gagawin ko na ang nararapat upang manahimik ka!"


At hindi na napigilan ng utak ang kaniyang paninibugho. Inutusan niya ang mga paa na magtungko sa kusina. Ipinakuha niya sa kamay ang isang kulay puting bote na may nakasulat na muriatic acid. Kusang bumukas ang bunganga at ipinainom ng kamay ang lahat ng laman sa bote hanggang sa dumaloy na ito sa buong katawan.



Habol-habol ang paghinga, pinilit pa ring lumaban ng puso upang mabuhay ngunit, huli na. Huli na dahil nangisay na ang katawan, naging kulay ube na rin ito at tuluyang namaalam pareho ang utak at ang puso nang mga oras na iyon.
Benji Mar 2017
Sa sandaling iwan kita,
Ay doon ka naman lalabas
Habang tahimik na nanunulsol,
Upang hindi ako makatakas

Subalit ako'y bukod tanging nasasakal!
Ang hininga'y bumibilis sa iyong pagdating
Pakibit balikat akong nagdarasal,
"Huwag mo sanang tapatan ng iyong patalim."

At sa oras na matapos ang nginig,
titingin nalang sa oras habang nakapikit.
Ang aninong nagmumulto galing nakaraan
Ang nagdala sa aking kinahahantungan.
Nangungusap ang mga mata
Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita
Walang kuwit, walang tuldok
Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo,
Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap.

Nababalot tayo ng hiwaga
At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong
Sinulsi ng kirot ng kahapon.
Lumipas na --
Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga
Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay.

Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba
Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon.
Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit?
Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure.
Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam
Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti?

Umiiwas tayo sa hanging mapanakit
Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na.
Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula
Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na.

Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y
Pipiliin nating tumayo pa rin
Bitbit ang ating mga bandila
At kahit pa sa ating pananahimik
Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin
At mas magliliwanag pa ang mga ito.

Ang mga makakapal na ulap
Ay makakaya na nating hawiin
At magsisilbi itong palatandaan
Na tayo'y  hindi magpapalupig
Sa dikta ng tadhana at panahon.
Pipiliin pa rin nating maging tama
At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan
Ay magsisilbing pabaon natin
Sa kinabukasang henerasyon.

Kaya ko, kaya mo --
Kakayanin natin,
Kaya natin, kasama ang Panginoon!
Eugene Feb 2018
Tama na! Tama na ang mga pagtangis.
Tama na ang mga pagdurusang nararamdaman ng aking puso.
Tama na ang mga pasakit na pinapasan ko sa mahabang panahon.
Tama na ang mga luhang palagi na lamang pumapatak sa tuwing naiisip kong wala akong kuwenta!

Hanggang kailan ba ako dapat na aasa sa wala kung hindi naman akong kayang mahalin ng taong mahal ko dahil ako ay iba?
Bakit ko ipagpipilitang isiksik ang sarili ko kung sa simula't sapul ay hindi nila ako maintindihan?
Dalawang beses lang ako nagkamali at sa mga pagkakamaling iyon ay humingi ako ng kapatawaran pero bakit tila hindi ako pinakinggan?
Nasaan ang kalayaan kong ako ay dapat na pakinggan sa mga isiniwalat kong pawang katotohanan lamang?

Anong pruweba ba ang dapat kong ipakita upang mapagtanto nilang karapat-dapat din akong mahalin,
at bigyan ng pagkakataong
patunayan ang sarili kong hindi ako ang taong inakala nilang katulad ng taong kinamumuhian nila ng mahabang panahon?
Pera lamang ba ang kailangang maging dahilan upang mapansin ang kahilingan kong matagal kong inasam na makamit ito?

Tao pa ba ang tingin nila sa akin o bagay na kapag nakuha na ang gusto ay itatapon nalang nang walang pasubali at hindi na kayang balikan o kamustahin?

Hindi ako nagmamalimos ng pag--ibig mula sa kanila!
Ang gusto ko lamang ay tanggapin ako sa kung sino ako at kung ano ang nakaraan ko.
Sana ay bigyan naman nila ako ng puwang sa kanilang puso pagkat ako ay sabik na sabik na sila ay mahagkan nang mahigpit.
Kung buhay pa sana ang ilaw ng aming tahanan ay hindi niya pahihintulutang magkakaganito ako.

Tama na!
Tama na ang mga baluktot na katwiran!
Tama na ang mga salitang iyong binibitawang
Hindi sumasang-ayon sa nilalaman ng iyong puso at sa sinasabi ng iyong isipan.

Ikaw na nagmamahal pa, magmamahal pa ba,
Kung kaliwa't kanan ng ipinaparamdam sa iyo na hindi ka nararapat maging bahagi ng mga puso nila?
Ikaw na nagmamahal pa, magpapatuloy ka pa rin ba
kung tahasan ka nang itinataboy sa pintuan ng kani-kanilang damdamin at isipan?

Saan ka nga ba nagkamali?
Ang mahalin sila nang buong puso, tapat, at totoo?
O ang umasa ka sa mga mabulaklakin nilang mga salita
Na kasinungalingan lang pala ang lahat at hindi ikaw ang nais nilang makasama?
Daynyel Jan 2018
Sariwa pa sa aking alaala,
Nakaraan nating dalawa
Pinangakong magsasama,
Habang buhay hari't reyna.

Mga panahon ay lumipas,
Pangako'y tilang kumupas,
Tinangay ng hangin pataas,
At pagmamahalan natin tila nagwakas.

Ako'y iyong naging tanggulan
Nang buhay mo'y inulan,
Ako'y iyong naging sandigan,
Giliw, bat mo ngayo'y iniwan?

Tingnan kay di ko magawa,
Kalimutan pa kaya?
Nakaraan nating dalawa
Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
Pipin Nov 2017
Nagkita tayo sa maling panahon
Na hawak ang kamay mo sa maling pagkakataon
At ang pagtayo mula sa ating pagkakaupo
Ang tangi kong naalala ay ang likod mo

At ngayon..

Paano ko babalikan ang nakaraan
Kung sa bawat pagtalikod ko'y syang pagbuhos ng ulan.
Paano ko matatapos ang isang talata
Kung sa bawat pagsulat ko'y syang pagbuhos ng luha.

Paano ko masasabing kaya ko na
Paano ko malalamang tapos na

Sana ay kaya ko pa.. :(
Para sa iyo na kailanma'y hindi na magiging kayo.
Marg Balvaloza May 2018
Walang kasiguraduhan, ako, sa'yo ay sumugal
Nais ko ay kasiyahan, ngunit puso ko'y napagal
Ilang taong maghihintay sa  b u o  **** pagmamahal?
Ilang luha iaalay, para sa'yo aking mahal?

Isipang puno ng pait, pusong puno ng pag-ibig
Pagluha, saya, at galit, ano nga bang mananaig?
Tagal ng pinagsamahan, ‘di madaling kalimutan
Anong dapat asahan kung tayo'y nagkakasakitan?

Wala na nga bang katapusan itong mga sisihan
Magturuan sa kung sino ang dapat na parusahan
Isa, dalawa, tatlo, ilang beses na nangyari ‘to?
Aabot ba hanggang dulo, o mananatili dito?

Ninais kong kalimutan, masakit na nakaraan
Hangad ko ‘yong katapatan, tiwala ko'y alagaan!
Ngunit ano bang gagawin, kung sya ay di pa “raw” handa
Gusto bang ika'y hatawin pa upang ika'y magtanda?

Mahal, alam ko namang ika’y tuluyang magbabago
Sa ilang pagkakataon, sana’y wag akong mabigo
Dahil ako ay tao lang, napapagod sa kalbaryo
Puso kong nagtamo ng sugat, napuno na ng kalyo

Naniniwala, na sa huli tayo'y ‘di mawawala
Seryosohin lang sana itong aking mga babala
Sa pag-ibig, tayo man ay magkaiba ng konteksto
‘Wag mo lang sana hayaan ang puso ko'y maging bato!

© LMLB
Tired but hopeful. I still believe in us.
04.19.18
Twelve Nov 2017
sa loob ng isang taon,
kaya mo bang kalimutan,
ang nakaraan,
kung saan ka sinaktan,
ng unang tao na minahal mo ng lubusan,
kaya mo ba akong pagbigyan,
na palitan natin,
ang mapait **** nakaraan,
at maging masaya sa kasalukuyan.
sana
Lance Cecilia Dec 2015
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala
pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa
bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan

'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang
at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso
ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot

at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit

hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag

at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin
at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag

ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal
ay imposible at walang katuturan
dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala
at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa
ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
cherry blossom Sep 2017
at muli kitang nasilayan,
tumingin ng walang pakundangan
walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan
pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan

at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan
hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan
naaalala pa noong handang handa kitang awitan
nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan

isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis
isang kulay sa espektrong makitid
kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat
at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan

sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan
maraming bubog ang iyong nakaligtaan
mga patalim na ilang taon nang iniiwasan
binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan
Para sa tilamsik na akala ko ay dagat
09/16/17
Anne Maureen B Apr 2018
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan
Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan
Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan
Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan

Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya
Masaya sa piling ng isa't isa
Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral
Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal

Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido
Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako
Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo
Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
MarLove Jun 2020
Ikaw ang LUnas

Mga alaala nang nakaraan ang pumukaw sa aking gunita
Ala ala na sa puso ko nagbigay na nang marka
Ala-alang gusto kong balikan na nagsisibing sandata
Sandata sa aking buhay para baguhin ang aking tadhana


Nakaraan na puno nang pagsisi;puno nang sugat at sakit
Na kahit pilit kung kalimotan..ramdam ko parin ang pait
Sa kabila nang mga luha na aking binuhos,
Alam ko may bukas na magbibigay liwanag sa unos


Tamang oras at panahon ang binigay
Ikaw ay dumating bigla sa aking buhay
Pinawi mo ang sakit at lumbay
At binigyan ang aking buhay nang kakaibang kulay

Binaon mo sa limot
Ang kahapon kong puno nang puot
Binigyan mo ako nang lunas
Sa sakit na aking dinaranas

Ikaw ang dahilan nang aking muling pagbangon
Na sa kabila nang masalimoot na kahapon
Pinili kong tumayo nang matayog
Sa ano man hirap;Para sayo...ang laban kong ito

Ikaw ang naging lunas
Sa lahat nang sakit na pasan
Ikaw ang dahilan nang aking kasiyahan
At ang iyong pagmamahal ang tanging lunas,
Para akoy magmahal muli nang walang katumbas

😘😘LOVE😘😘
JOJO C PINCA Nov 2017
"Gather ye rosebuds while ye may,
    Old Time is still a-flying;
    And this same flower that smiles today
    To-morrow will be dying. "

Robert Herrick


Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa.

Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba.

Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay.

Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan.

Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap.

Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo.

Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay.

At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka.

Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
Donward Bughaw Apr 2019
Umalingawngaw
ang huni ng mga ibon
sa bukang liwayway.
Ilang minuto rin akong naghintay
hanggang sa kumulo na
ang tubig;
at nagsalin ako
sa baso,
nilagyan ng kape't asukal
saka maingat na kinutaw
gamit ang malamig na kutsara
saka hinipan ang pinakaunang nasandok
at nang aking malasahan
ay unti-unting nagbalik
sa akin ang nakaraan
kasama si amang nabubuhay pa't
tanaw kong umiinom
ng kape...
sa lilingkuran.
Masarap ang kape. Minsan naranasan kong magkape ng mag-isa at wala akong ibang maisip kundi ang aking pamilya na nasa bahay lang. Malayo sa akin. Nag-aaral kasi ako no'n
cherry blossom Feb 2018
ano ang pinakamaling ipilit sa kalawakan?
ang naisin ang paglaho
ang pagkasabik sa destinasyon
ang madaling paglisan
mga maling kamay na kanlungan
ilang beses na tayo nagbabakasakali
sa 'di mabilang na pagpapasubali
sa mga bahay na akala natin ay tahanan
sa mga taong ilang beses napaghandaan
sa mga baka sakaling hindi tayo iiwan
o ang tiwalang hindi tayo lilisan
mga ilang beses pa dapat umulit ang palabas?

may magbibigay ba ng kasiguraduhan?

dahil isa lang ang sigurado ngayon
ang walang pag-aalinglangang pagod
ang pagsuko
ang sunod-sunod na pagkalunod
ang ilang beses na pag-iyak sa walang katuturan
mga walang katuturan, dapat

pinilit nating manatili
bigyang sagot ang mga tanong sa nasirang haligi
tignan mo ang mga bituin
isa tayo sa kanila
o ang mga bulalakaw,
mga bato na pinagliyab ng damdamin
tignan natin ang ganda
mamaya na natin alamin ang kasinungalingan nila
mamaya na natin pag-isipan
na ang mga liwanag na ito'y nakaraan na
pagmasdan natin ang ganda
mamaya na natin pag-usapan
ang pagkawala matapos ang pagbagsak
'wag na nating itatak
sa mga munting isipan
ang nagbabadyang katapusan
dahil alam na natin ang kahihinatnan
sa maling paglusob sa gyera ng kalawakan
at ang pagsalungat sa mga propesiya na minarkahan

hintayin na lang natin ang katapusan.
ibato na lang natin sa kalawakan ang hinaing sa mundo
02/20/18
RLF RN Feb 2018
Masakit na nakaraan,
tayo'y kapwa mayroon.
Syang dahilan ng ating takot,
Huwag ng balikan, bagkus
Sa isa't isa halina't kumuha
ng bagong lakas,
ng bagong simula,
at ng bagong pag ibig.

Tila sinadya ng tadhana,
Tayo'y sinaktan at tinuruan muna,
Upang sa araw ng pagtatagpo,
Kapwa tayong nakahanda.
May dahilan ang lahat, ika nga.

Ilang sulok na ba ng mundo,
Ang ating nilakbay?
Ilang tao na ba ang sinubukan
kilalanin at sinugalan?
Gaano karaming luha na ba,
ang pumatak at naubos?
Ilang beses na ba?
At ilang beses pa ba?
Nandito na ako, hindi ba?
Nandito ka na rin,
Nandito na tayo,
Palalagpasin pa ba?

Sa malayuan, mananalangin na lang ba?
Sa malayo, mangangarap na lang ba?
Aasa na lang ba sa malayo?
Magmamahal na lang ba sa malayo?
Hanggang sa malayo na lang ba ang lahat?

Humawak ka lang sa akin,
Pangako, hindi kita bibitawan.
Buksan mo ang iyong mata,
ang ganda ng bagong pagkakataon,
pangako, ipapakita ko sayo.
Maaari ka rin pumikit,
Damahin mo ang aking haplos,
pangako, ikaw lang ang mamahalin
pangako, sa iyo, ako'y tapat.

Huwag ka ng matakot, mahal ko.
Tayo'y magtiwala sa Diyos,
Sapagkat Siya ang may akda,
Ng istorya ng ating pagtatagpo,
Ng kwento ng ating pagmamahalan.
Huwag kang sumuko, mahal ko.
Huwag tayong susuko, mahal kita.
072924

O kayraming pangarap na binuo —
Binuno sa sariling salamangka.
May ibang nagwawaging nakangiti,
Habang ang ila’y nalalagas kamamadali.

Nakamamangha nga sa umpisa
Pagkat ito ang batayan ng karamihan
Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.”

Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik
Bagamat sa mga sandaling iyo’y
Gusto ko na lamang mapaos
Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan.

Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan
Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan.
Ngunit sa patımpalak na ito’y
Wala naman pala akong ibang kalaban
Kundi ang sarılı kong anino,
Ang kumunoy ng aking nakaraan.

Madilim —
Madilim ang paligid saanman ako dumako.
May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag?
Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko.

Mahiwaga —
Ganyan nila ituring ang mga alitaptap
Na para bang may isang diwatang
Umaaliw sa kanila,
Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng
Wala naman palang kabuluhan
Kaya’t sabay-sabay silang mauubos
Na parang mga paupos na kandaling
Wala nang balak na sindihan pa.

Sino nga ba?
Sino nga ba ang aking susundan?
Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap
Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan
Nang mabaon na rin sa limot
Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan.

Tinatanong ko ang sarili
Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan?
Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito?
Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari?
At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag?

Ako at ang kadiliman
Ako at ang liwanag.
Sino nga ba ang pamato?
Sino nga ba ang tunay na kalaban?

Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang,
Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan.
At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y
Sigurado pa rin akong
May liwanag pa rin sa aking sinusundan.

Ikaw, Anong tantya mo?
Makararating ka rin ba sa dulo?
Ikaw, anong pasya mo?
Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
zee Aug 2019
hindi ba't nagpaalam na sa isa't isa
aking tinanggap kahit 'di alam ang dahilan
kung bakit at paano nagawa; ika'y hinayaan na lang lumisan
nais mang tutulan ngunit ayaw tanggaling ang karapatang piliin ang daan
na iyong napagdesisyunan

naging mahirap sa umpisa—tanggaping
tayong dalawa ay dumating na sa katapusan
at hindi na kailaman pang mababalikan ang nakaraan
parte na lang ako ng mga alaala na kung saan masaya tayo sa piling ng bawat isa; gumawa ng sariling mundo ngunit tulad ng lahat ng kwento, lahat ay nagbago;
nandito na tayo sa huling pahina ng libro

ngunit bakit nandito pa rin yung
sakit?
sa t'wing naaalala kang paminsan-minsan
marahang napapapikit na tila bang ngayon lang naramdaman lahat ng pait;
nasisiraan na ata ako ng bait
naitanong na naman sarili kung bakit
sa puso ko'y ikaw pa rin ang
nakaukit?
Joseph Floreta Nov 2017
Ang sabi mo'y di na mauulit,
Ang nakaraan na nag marka ng takot
Sa puso't isip,
Pilit isasambit na aalagaan na kita,
Basta't ipangako mo lang na dito ka lang sa aking tabi.
Pero teka bakit sa tuwing may tampuhan
Ang laging sigaw ay bigyan ka ng oras
at panahon para mag isip.
Sa simpleng pag ihip ng hangin
Na tangay ang iyong mga pangako,
Ang sabi mo di na mauulit,
Pero heto't sobrang sakit,
Ang mga nadaramay unti unting binabalot sa nakaraan.
John AD Jun 2018
KKL
Sira nanaman ang kalikasan
Para sa makabagong kalakaran
Gumanda nga ang larawan
Magkukulang naman sa kasaganahan

Matatandang puno at halaman
Dapat nating alagaan , darating ang araw
Wala nang proteksyon sa kapaligiran at,
Tayo'y titingin muli sa nakaraan

Kapag ako'y pumanaw , katawan ko'y tamnan
Upang sa gayon ang aking bunga ay dapat pangalagaan
Ngayon nasan na ang dignidad ng mga mamamayan na
pinagpalit ang magandang larawan
sa mga punong pinutol na kasama natin sa kaunlaran.
Kalikasan Kapalit ng Larawan
G A Lopez Jul 2020
Palagi ka na lamang nagdududa sa t'wing iyong nakikitang ako'y may kasama
Mahal ko, hindi mo kailangang mag-alala
Sapagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng naglalagablab na apoy
Titiyakin kong hindi ka na muling mananaghoy

Madalas **** itanong sa akin kung nagsasawa na ba ako
Mahal ko, tanggalin mo ang "nagsa" sapagkat ikaw ang gusto kong maging "asawa"
Madalas mo ring itanong sa akin ; "sa aming dalawa ng nakaraan mo at ako sino'ng mas nagustuhan mo?"
Mahal ko, 'wag mo akong papipiliin sa dalawa dahil sa huli kahit sino pa sila ikaw at ikaw lang ang nag-iisa.


At kung pilit pa tayong paglayuin ng mga tao,
tandaan mo ang nag-iisang pangako ko
Tumingin ka sa itaas at bilangin mo muna kung ilan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan
Pagkatapos ay maging dalawa muna ang buwan
saka kita iiwanan.
Sana all mahal 😂 nabored lang dahil sa quarantine
majsrivas Jan 2023
Nitong nakaraan, naging nostalgic ako sa mga new year na nagdaan, mga new year nung bata kami, and sa new year na dadating pa.

Oo sobrang saya ngayon, hindi rin naman mapapantayan ang saya! Pero alam ko na iba na siya. Ibang-iba na siya―kasi noon, kumpleto pa kami at wala pang nawawala samin. Kumpleto pa ang mga lolo at lola namin. May mga fireworks display, sinturon ni hudas mula sa kanto hanggang kabilang kanto. Isinasampay pa ung sinturon ni hudas sa katawan namin tapos magppicture kami, may trumpilyo, luces tapos isusulat ang pangalan sa daan, maging yung ray-gun na paputok meron din. May mga pagkain pang nakalagay sa la mesa dahil naghahanda ang mga lola. May ham, tinapay, hot choco, at kung ano-ano pa na pati mga kapitbahay namin doon din kumakain salo-salo ang lahat! Meron din sayawan sa kalsada mga 90's na tugtugan "don't cry" sa gitna ng kalsada.

Habang sinasalubong ang taon, we played this game na "thankful for 2022, and looking forward in 2023" with cousins and titos and titas while drinking wine and alcohol til we drop. Ang saya mapakinggan yung mga bagay na pinagpapasalamat nila at mga bagay na nilo-look forward nila lalo yung mga things they share about our family. It means so much na pare-parehas kami na support sa isa't-isa at ramdam yung pagmamahal sa bawat isa.

Sabi ng isa kong tita, darating daw yung time na baka maiba na dahil siyempre magkakapamilya, career, ibang paths to take, na baka yung iba di na mag new year sa Clemente. Pero sabi niya sila ay nandiyan pa din dahil yun ang gusto nila. Oo alam ko pwedeng mangyari dahil na-experience ko na sa mga kaibigan ko. Dati palagi kaming magkakasama tuwing new year at pasko. Mahal namin ang isa't-isa na kung pwede nga lang palagi kaming magkakasama. Pero siyempre iba-iba kami ng mundong ginagalawan at tinatahak, may lumipat ng bahay, may mga pamilya na din kaya bihira na lang din kami magkasama sama. Nakakamiss!

Hindi ko alam ang future, pero sana lahat kami nandito pa din magkakasama, isang buong pamilya na magkakasamang haharap sa panibagong taon habang nabubuhay kaming lahat!

Masaya ako na na-experience ko ang pasko at new year sa Tondo! Marami akong ipinagpapasalamat hindi lang sa 2022, kundi magmula 1992! Alam ng puso ko kung ano yung mga bagay na yun hindi ko maisa-isa, basta alam ko masaya lahat at grateful ako sa family na ibinigay sa akin ni Lord. Hindi man kami mayaman, madami man kaming pagkakaiba-iba, pero solid mahal namin ang isa't-isa. Looking forward to 2023 and more! **
J Nov 2020
Sa panandaliang pagtigil ng mundo,
Hindi mapigilan ang mga tanong sa isipan,
Na para bang mga sasakyan sa EDSA,
Buhol buhol at walang kaayusan.

Ang mapait na naranasan ay iiwan na sa nakaraan,
Akapin ang kasalukuyan at kinabukasan,
Patawarin ang sarili sa nagawang kasalanan,
Bitawan ang sakit na nararamdaman,

Hindi para sakanya at hindi rin para sa iba,
Para sa'yo; Para tuluyan ka nang sumaya,
Mga gabing puro luha at kalungkutan,
Balutin sana ng umagang puno ng kasiyahan.

Nawalan ka man ng kaibigan o kasintahan,
Mga memoryang hanggang isipan nalamang,
Pulutin at dalhin sa susunod na kwento,
Dahil sadyang may mga kabanata na hindi para sa'yo.
Huminga ka kaibigan.
Mister J Sep 2017
‘Heto na naman tayo’t nagbabangayan
Parating nagtatapat na magkabilang panig
Sinusubukang amuhin ang galit na nadarama
Pinipilit ayusin ang matagal nang nasira
Nandiyan ka na naman sa iyong sulok
Hindi mapigilang umiyak at magmukmok
Ako nama’y nandito sa kabilang dako
Pinupulot ang mga bubog na iyong binato

Ang mga sugat na matagal nang naghilom
Muli na namang binuksan ng mga sakit ng kahapon
Bakit pa ba natin binabalikan ang nakaraan?
Ang gusto ko lang naman ay ang ‘tayo’ ng kasalukuyan
Ngunit sa bawat titig na iyong binibitawan
Para bang ramdam mo pa rin ang sakit na ako ang pinagmulan?
Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Para tuluyan mo na akong patawarin?

Isang patawad na paulit-ulit na lang sinasambit
Isang patawad na matagal na dapat pumawi ng galit
Ngunit sadyang ganon yata talaga ang tindi ng sakit
Kung kaya’t ang pagsusumamo ay dadahan-dahanin at ‘di na ipipilit
Mula sa nakalalasong relasyon ika’y aking pinalalaya
Sige na’t humayo ka, bumangon at humanap ng ikasasaya
Mahirap para sa akin na ika’y bitiwan na parang wala
Ngunit ito’y ginawa dahil kahit ganon ay mahal pa rin kita

Isang rason lang ang aking sasabihin
Isang rason na sana’y di mo limutin
Sa pagdating ng tamang oras sana ako’y maalala mo rin
At ang pag-ibig na pinanghahawakan ang maging tulay para ika’y bumalik sa akin
First ever Tagalog poem. First time writing in my native language. I'm pretty much nervous but I hope it's well-received. :)
Krad Le Strange Aug 2017
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan

Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan

Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
Prince Allival Mar 2023
Hi this is my spoken poetry that I made, I'm not a professional, So by the way I hope you like it. If you like this poem dont forget to like and share love you mga marupok. 😊

Maaari bang mahagkan ko
ang mahigpit na yakap
mula sayo,
maaari ko bang sabihin na
nasasaktan ako dahil
ang hirap tanggapin ang
hirap pilitin yung sarili na
kalimutan ka dahil ang
sinasabi ng puso ay ilaban pa

Kung maaari ko lang sanang
ibalik ang nakaraan
nakaraan na tayong dalawa
ay magkasama at masaya pa
nakaraan na sabay nating
pinaplano ang pangarap ng bawat isa
sabay nating tinatapos ang ating
takdang aralin
ang sarap ibalik pero malabong
mangyare ulit

Ang sarap umasa pero nakaka-sakit
na, ang sarap balikan pero ang hirap
kalimutan, ang daming pwedeng balikan
pero pano kung ako nalang ang na pag-
iwanan paano kung ako nalang pala
ang lumuluha
paano kung masaya kana sa iba
na pupuno ng tanong ang isipan
na pupuno ng tanong, tanong na
paano, paano na ako
paano ako sasaya ng wala ka

At kahit alam kong may iba kana
kahit alam kong ang sakit na
kahit alam kong pagod kana
patuloy ko parin nilalaban ang lahat
pinipilit kong sumaya sa iba
pero hindi ko magawa dahil ang
saya na gusto ko ay wala sakanila
kundi nasa taong gusto ko ngunit
iba na yung gusto at iba na yung
pinapasaya

Sabi saking sarili na kaya ko nang
wala kana, kaya ko nang mag-isa
kaya ko nang titigan ka na
kaya ko na, pero lahat pala nang
yun ay kaya kong bigkasin ngunit
hindi ko kayang gawin dahil patuloy
parin akong nahihirapan, patuloy
parin akong lumuluha

Sana maaari mo parin akong mahalin
Sana maaari parin kitang pasayahin
dahil alam kong darating yung araw na
makakaya ko nang wala ka at kaya ko
ng sumaya nang hindi ikaw ang
kasama.
Prince Allival Mar 2023
HULING PAHINA

Nababalot ng kalungkutan
Nalulunod sa kabiguan
Nilalamon ng kadiliman
Pinapatay ng nararamdaman

Patak ng luhay palatandaan
Emosyon ay di mapigilan
Sugat na iyung iniwan
Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan

Pag kabigoy di malilimutan
Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang
Ikaw ay isang timawong nilalang
Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan
Ngunit niisa ay walang napatunayan

Walang gamot ang kasalukuyan
Para mag hilom ang sugat ng nakaraan
Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan
Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran.

Pagtataka'y diko maiiwasan
Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan
San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay
Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang
Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay

Binigyan mo ng katapusan
Ang tayo na akala ko'y walang hanggan
Inalisan moko ng kasiyahan
Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan

Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na
Pero bakit paba ako umasa
Sa salitang baka sa kaling pede pa
BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa
Ngunit kahit na ipilit ko pa
Ay wala na talaga
Dahil ikaw ang nagbigay proweba
Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala
At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
Meynard Ilagan Apr 2017
Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan
Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan
Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi
Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi

Nasasanay na sa ganitong sistema
Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan
Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa
Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw

Sa iba ibaling, paningin at isipan
Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari
Sandamakmak na galit subuking maiwaglit
Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.
-meynard
Maria Zyka Sep 2017
Dalawang bata
Isang matanda
Babae't lalaki
Kasama ang ama
Naglalaro sila
Doon sa may kalsada
Napadaan lang ako
Ngunit tila paa'y napako
Habang sila'y tinititigan

---Isip ko'y bumalik sa nakaraan

Naalala ko nang kami ni ama'y
Naglalaro ng tagu-taguan
Sa tuwing ako'y nahuhuli
Ako'y kanyang kinikiliti
Oo, ako'y naging masaya
Sa limang taong pinagsamahan

---Bumalik ako sa kasalukuyan

Ang mag-ama'y tuwang-tuwa sa aking kanan
Hinihiling ko lamang sa Panginoon
Sila sana'y bigyan pa ng mahabang panahon
Sana'y maranasan mo ang hindi ko naranasan.

— The End —