Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wizmorrison Oct 2018
Bagong Kabanata ng buhay natin
May makikilala kang panibagong tao
Na makakapag pasaya sa buhay mo
At kakalimutan ang taong pasakit
Lang ang dulot sa buhay mo.
Para po ito sa mga nagmahal, nasaktan at nabigo. Cheer up mga erp. Malay niyo may darating na bagong tao sa buhay niyo na sasaktan ulit kayo.
Krad Le Strange Aug 2017
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan

Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan

Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.

— The End —