Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA Nov 2018
Si ulap ay nabighani sa sikat ni araw
Kaya pabalik balik siyang dumadalaw
Upang masilyan ang kagandahang alay
Kahit na minsan, sa paglalakbay ay sumasablay

Hanggang sa dumating ang panahon
Upang ibahagi na ang ipinagmamalaking ambon
Sa wakas ay kanyang maiibigay
Ang damdamin nang walang humpay

Sinimulan niya sa ambon at pagkatapos ay ulan
Ibinahagi rin niya ang kidlat na sinumpaan
Sa pamamagitan ng kulog, siya ay sumigaw
Nangakong magiging matibay sa tayog at saklaw

Pagdating sa dulo, nandoon pa rin siya, naghihintay
Kahit na matagal na siyang hindi umuuwi sa bahay
Ginawang hangin ni araw ang kanyang pag-ibig
At ibinalik sa kanya ang mga ipinagmamalaking tubig
evaporation, it is
HAHAHAHAHAHAHA
who says science can't be fun?
Wynter Oct 2018
Nakikinig sa himig ng ulan
Habang ginawa ang ika-isang daan.
Ganito ba talaga ang magmahal
O ako lang 'tong hangal?
Pinilit ibalik ang bagay na wala na
Dahil akala ko pwede pa.
Sana'y madinig nang langit
Ng tuluyang mawala ang sakit.
Posted Day 1 to Day 99 at my Tumblr. Now I will post Day 100 onwards here.
deadwood Jul 2018
Heto na naman,
Panahon ng tag-ulan,
Sakit sa ulo't katawan,
Damdamin at karamdaman.
Basang puno't halaman,
Basang kumot na pinunasan,
Pumapatak na naman,
Ang pag-ibig at tubig-ulan.

Heto na naman,
Sipon ko'y balik-balikan,
Luha ko'y 'di mapigilan;
Simula na ng buwan,
Na masakit ang ulo't isipan,
Masakit ang puso't lalamunan,
Pagkat ako'y iyong iniwan,
Sa gitna ng ulan.
Flu season na. Forgetting I Love U kumbaga.
Raf Reyes Mar 2018
Natuyo na ang kaalatang pumapalibot sa kanyang mga mata

Ilang papel na ang nasira sa pagtulo ng mga basang kalungkutan sa mga salitang pinagsikapang idikta't ibuga
Umaasang, balang araw
Ang sakit na kinikimkim ay tuluyan ding
maiibsan

Ngunit

Lumipas ang mga buwan, humina ang katawan
Nagkulong sa loob ng sariling kasakiman't kadiliman sa takot na muling masaktan.

Pero tama na.

Sa wakas, dumating na ang realisasyong matagal nang inaasahan: Nakakasawa nang magtiis matulog sa mga basang unan.

Panahon na para ito’y labhan.
I've been trying to write more poems in my native tongue. Lately, I've been falling in love with its rythmic flow. I hope that the people who got so used to my english poems can appreciate this new direction.
Krad Le Strange Aug 2017
Halika na, tara na
Hayan at giniginaw ka na
Nanginginig ang katawan
Habang ang mata'y pilit pinupunasan

Halika na, tara na
Hindi mo na kailangang itago pa
Pait na nadarama
Kay tagal nang binaon sa alaala
'Di na rin kasi kayang itago ng ulan
Bawat luhang naglalaglagan

Kaya't halika na, tara na
Sa aking payong, ikaw ay sumilong na
Hayaan mo na ang nakaraan
Sabay na lang nating bagtasin ang kasalukuyan.
Dawn Jul 2017
Umiiyak nanaman ang langit
habang ako'y narito, naiinggit.

Gusto ko rin sanang lumuha
ngunit mga mata ko'y pagod na.
Rain

The skies are crying again,
and i'm here, jealous.
I just want to weep,
But my eyes are too tired for tears.
Nagsimulang pumatak ang ulan
Mula sa maitim na ulap at kalangitan

Binuksan ko ang aking payong
Upang mula sa ulan ay sumilong

Aking kapote ay isinuot
Upang damit ko'y manatiling tuyot

Naglakad lamang ako ng patuloy
Sa kabila ng buhos ng ulan na tuloy tuloy

Ang buong akala ko ay hindi ako mababasa
Dahil sa kapote at payong na aking inihanda

Ngunit 'di ko napansin na ako'y naglalakad na,
Naglalakad sa gitna ng baha

Tulad ng pagibig ko sa iyo na pilit kong itinanggi, iniwasan
Na buong akala ko'y di na ako maaapektuhan

Pero sa huli ako pa rin ay lumusong, nilamon,
Sa huli ay hindi na ako makaahon.

*Kailan ba itong baha huhupa?
Kailan ba itong ulan titila?
June 29, 2017

very rare of me to write poems in Filipino. But it will always give off a different feeling of satisfaction
Idiosyncrasy Nov 2016
Ikaw yung unang ulang bumuhos**
Pagkatapos ng mahabang tagtuyot.
Rain

You were the first rain that came
After the long drought.

/Random thoughts./
Micah Pascua Apr 2016
Titila na naman ang ulan,
Sana ay huwag nalang.
Madilim parin ang mga ulap,
Pati repleksyon kong nakaharap.

Basag na salamin,
At ang daang tatahakin.
Lahat ay alanganin,
Ayoko nang alamin.

Umuulan na naman,
Umiiyak na naman.
Bakit ganito?
Sana mawala na ako.
Next page