Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mary Lupague Apr 10
Sa kabila ng lahat ng sakit

Sa iyong mapupungay na mga mata, ako parin ay naakit.

Sa kabila ng mga luha.

Makita ka lang, 'di ko mapigilang sumaya.

Para kang isang droga gustong gusto kong balik balikan

Kahit mali at pinagbabawalan.

Bawal, kasi 'di ka pwede maging akin

Bawal, kasi iba ang nasa iyong piling.
AUGUST Sep 2018
saan nga ba nagmula ang aking masamang balak
Kung kapupulotan ng aral o kapupulutan ng alak
Anong kahahantungan nitong simpleng inuman
Sa sobrang kalasingan katabi na ang naging pulutan

Papel na madaling mapunit madali ring nagliliyab
Kanyang Damdaming malupit madali ring nagaalab
Nang nakipaglaro ako ng apoy lahat biglang nalaglag
Ang abo sa mga panaghoy dali daling pinagpag

Saplot ng mahinang katawan lahat natupok dahil sa init
Pusong may kapahangasan Naging marupok sa labis na galit
Ngayon alam ko na kung bakit di masaya kumain ng magisa
Dahil ang luto ng Diyos sinta  pinagsasalonan para lang sa dalwa.


Patawarin ako ng aking mga magulang, inay at itay
Pagkat di ko namalayang nasusunog na pala ang aming bahay
08=19=18

Panatiliing nasa katinuan lalo na pagnalalasing. Basta may alak, may balak.pagibig
Neerethak Calina May 2018
Alam kong bawal
Pero di ko mapigilan
Aking damdamin

Alam kong bawal
Pero mahirap labanan
Mahirap suwayin

Alam kong bawal
Pero anong magagawa ko
Siya ang laman nito

Alam kong bawal
Umibig sa kanya
Pero anong aking gagawin?
Now, alam ko na ang pakiramdam nang magkagusto sa taong pagmamay-ari na ng iba

— The End —