Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Jul 6
at ang pagsusulat ay ang naging pagtakas
sa mundong nagpapaka-mundo
ngunit bakit
tila hindi makapag-isip
ng tema
ng letra
ng tugma na bumebenta
ngayo'y parang
walang kwenta
'di maitugma sa eksena
at para bang ang pagsusulat
ay isa na rin sa tinatakasan
hindi matapos na kanta
librong natigil sa gitna
itong tula na pilit kong tinutugma
palaging nais magsulat
ngunit hindi makahanap
ng kabuluhan sa lahat
Elly Apr 12
habang ikinakawing ko ang aking mga daliri unti-unti rin nitong napupunan ang bawat patlang sa pagitan ng aking mga daliri, naisip ko kung bakit patuloy akong nagsusulat. nagsusulat ako na para bang pinupunan nito lahat ng patlang na aking nararamdaman. umaasa na sa paraang ito kahit papaano, kahit kaunti mabawasan lahat ng halu-halong emosyon. na tulad ng mga kamay na ikinawing ay mas magiging matibay ito, hindi madaling paghiwalayin. na para bang kinukuha ko ang lakas sa mga kataga na binibitawan ko at pinupunan ang bawat butas na para bang kailan man hindi ito nagkaroon ng kakulangan o guwang. nagsisilbing bakas bilang patunay na, "kaya ko" o kadalasan ay, "okay lang ako"
japheth Mar 25
‪huminga ka.‬

‪hindi porket nagparamdam siya, ‬
‪susubukan mo kung may pag asa pa;‬
‪kung may natitira pa.‬

‪sa oras na ‘to na lahat ay magkakalayo, ‬
‪na lahat ng tao’y may distansiyang higit sa isang metro, ‬

‪isabay mo na rin ang puso mo. ‬

‪di lahat ng bagay, may pagasang bumalik sayo.‬
english translation:

“metro”

breathe.

just because you felt his presence,
you try to see if there’s still a chance;
if there’s a hope left.

in these times where everyone’s apart,
where every person has a distance of 1 meter,

do so with your heart.

not everything has a chance to come back to you.

- been a while since I last wrote. i checked my messages now and i cried because someone told me they like the pieces i write. im sorry for not writing enough. i promise to make it up to you all once this pandemic is over.
Random Guy Dec 2019
minsan nang nalimutang sumulat
nautal, nagtagal sa iilang salita
na hindi ko man lang napansin
na ang pagiibigan pala natin ay isang buhay na tula
japheth Apr 2019
di ko alam kung ako lang ang ganito
o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto.

nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno,
buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig.

isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan
isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.”
isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel
ay magkakaroon ng kahulugan.

oo.
madalas akong ganito.
na andaming gustong sabihin ng utak ko
pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo.

bakit ang dali magsulat?
pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat?

minsan,
nananalangin ako
na sana may taong lalapit dito
para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko.

ngunit kahit meron mang ganung tao,
alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto.
dahil ang mga salita na galing sa utak ko,
na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika
ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta.

kaya oo.
kahit hirap na hirap ako,
na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko,
tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito.

dahil onti onti kong naiintindihan
na ang lungkot, saya, o mapa ano man,
ay iba iba ang kahulugan sa tao.

pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
“Writing.”

This piece represents where I am now in terms of my writing. It’s been an awful couple of months and slowly I’m losing touch.

I keep forgetting that the only thing stopping me is myself. That’s why moving forward, I’ll keep on writing.

Ilalaban ko ang pagmamahal ko sa aking sining.
(I’ll fight for the love of the art.)
HYA Jan 2018
Sa segundong tinatapos ng araw
Ang iyong mga ngiti ang aking sinisigaw
Humihingi sa kapalaran ng iyong pagpapahalaga
Habang nauubusan ng mga salitang maaaring maitugma

Sa mga sariling panaginip na aking binubuo
Na kahit ang aking utak ay patuloy na nalulumpo
Mga tawang kahit sa iba mo na inilalahad
Waring ang melodiya ay napupunta sa aking palad

Ngunit sinta, parang ayaw ko nang sumulat
Kung parati ko nalang nalalasahan ang tipik na maalat
Ang plumang hinahawakan ay nauubusan na ng tinta
Ayaw lumabas sa kaniyang lungga kaya ako ay kanyang binabanta

Saad ay tapusin na ang pagsusulat
Ng mga aninong nasosobrahan sa pagiging tapat
Iyong pagpapahalaga, iyan lamang ang hinihingi
Subalit, mahal, bakit parang ikaw ay nabibingi

Ayaw ko nang sumulat, nakakapagod na
Nauubusan na yata ako ng mga parilala
Na maaaring maitugma sa mga karanasan
Na pinipilit ng aking nakakaumay na imahinasyon na balikan

Tapos na, hanggang dito nalang ito
Sa dami ng mga piyesa, ikaw ang laman, ikaw ang itinuturo
Kaya, mahal, ayaw ko nang sumulat
Kung ang aking tinta ay nagiging kasing kulay ng dugo kapag napupunta sa iyong balat
ayoko naaaaaaa
INSPIRATION PLEASE. PLEASE. PLEASE.
HYA Nov 2017
Patawad kung  ang aking mga likha ay hindi masasaya
Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa
Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat
Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat

Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko
Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman
Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan
At kung ito lamang ang nag-iisang paraan

Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang
Kung wala namang nag-aabang
Kaya salamat na rin pala
At binasa mo ang aking mga salita

Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga
Ang mga sinisimbolo ng bawat letra
Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay
Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay

Kaya salamat at pasenya
Ngunit ito ay ang aking hustisya
Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit
Sana ay may naramdamang bago saglit

Pasenya, mambabasa
Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa
Ako ay isang makata
Makatang meroong sariling hustisya
Hahahahaha emoooo
cherry blossom Sep 2017
at muli kitang nasilayan,
tumingin ng walang pakundangan
walang makitang pagsisisi sa mga sulyap ng nakaraan
pumikit at nagkunwaring hindi ako muling nawalan

at hindi, hindi ako nawalan ng kamay na makakapitan
hindi isang kanlungan na una **** inalok noon sa ulan
naaalala pa noong handang handa kitang awitan
nawiwili ka sa himig ng aking kalungkutan

isang awit na sa akin ang una **** kinuha kasabay ng iyong pag-alis
isang kulay sa espektrong makitid
kasabay ng pagdiin sa mga naghihilom na sugat
at ang pag-apak sa araw na pasikat sa guhit-tagpuan

sa lahat ng iyong tinangay sa paglisan
maraming bubog ang iyong nakaligtaan
mga patalim na ilang taon nang iniiwasan
binigyan ng rason para limutin ang pag-asang kinapitan
Para sa tilamsik na akala ko ay dagat
09/16/17
Isabelle Jul 2016
Sa mga sinambit **** salita
Sa mga ngiting ipinakita
Unti-unti, ako'y nabiktima
Unti-unti ako'y nahulog na

Oo gusto kita, pinili pa nga kita
Minahal nga ata kita
Ayoko lang aminin sa sarili ko
Ayoko lang pakinggan ang puso ko

Takot ang nangibabaw

Takot masaktan
Takot maiwan
Takot na maging ikaw ang mundo
Takot na mahalin ka ng todo

Kasi sa pag-ibig, ganoon ako
Buo, buong-buo
Yung wala ng para sa sarili ko
Yung lahat ibibigay ko

Nagustuhan mo din naman ako diba?
Ikaw naman ang unang nagsabi diba?
Ikaw naman ang nagpakita ng interest diba?
Ikaw naman ang nauna diba?

May mga plano na nga ako
Para sa iyo
Para sa akin
Para sa atin

Kasi sa tingin ko handa na ako
Handa na ako

Pero wala
Bigla na lang nagbago
Wala na tayong magagawa
Wala pa ngang "tayo" ay naghiwalay na tayo

Sana totoong nagustuhan mo ako
Sana totoo lahat ng ipinakita mo
Sana totoo lahat ng sinabi mo
Sana, sana, sana

Hindi ako galit sa'yo
Galit ako sa sarili ko
Kasi pinili kita
Kasi nagustuhan kita

Ang huling hiling ko na lang sa'yo
ay sabihin mo na ginamit mo lang ako
baka sakali ay matauhan ako
at ako na mismo ang lumayo
Para sa'yo. Ikaw lang, alam mo yan. Kaya kong maghintay, sabihin mo lang.

Paalam sa ating huling sayaw,
may dulo pala ang langit,
kaya't  sabay tayong bibitaw...
gusto pud nako mafeel ang nafeel sa ubang baye.
kana bang panguyaban ka,
tapos isayaw ka sa laki sa tunga sa mga tawo,
haranahon sa balay, tagaan og bulak, magholding hands sa plaza, kantahan, ignan og pick-up lines, og uban pa.
kanang bang pakiligon ka niya.
gusto nako mafeel kung unsay feeling na naay nagmahal nimo.
pero unsaon man nako?
na ako usa ra man ka pobreng bayot
og maot pagyud
dili man ko usa ka baye
usahay makapangutana ko nganong wala pa man ko himoang baye sa ginoo?
muingon sila na ang yawa daw gahimo sa akoa
pero wala man nako gigusto na maning-ani ko.
manghinaot unta ko na naay mahigugma kanako pero kabalo ko nga wala
*hinaot unta na naa kay ako usa ra ka tawo nga nanginahanglan pud og gugma
111415-2159
Next page