Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Krysha Oct 9
Labimpito ako nang unang matutunan
ang kaliitan ng pag-ibig.
Madalas hindi ito bulalakaw sa dibdib,
bumubulusok at rumaragasa.
Hindi paputok o dinamitang pailaw
sa dilim ng kagabihan ng pusong isa.
Hindi isang maringal na pagtatapat
ng katipan. Hindi isang pangako ng
isang libong bukas sa oras ng ngayon.
Hindi mga bibig na tumatapos ng
pangungusap ng isa.
Hindi mga katawan na lumulutang.
Labimpito ako nang magkaroon
ng aso sa bahay.
Labimpito rin nang magsimulang
maglagay ng tisyu
tuwing naggugupit ng mga kuko
dahil sa takot na masaludsod ang tuta
kapag hinayaang tumalsik ang mga putol
na kuko sa kung saang sulok ng silid.
Minsa'y pag-ibig ay tahimik sa gilid.
NGA Oct 6
Umuulan na naman,
Natutuwa ba o nalulungkot ang langit?
Walang nakakaalam,
Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit.

Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha,
Pilit nanunumbalik masasayang alaala.
Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo,

Sa ulan din pala magkakalayo.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan,
Mabasa o magkaputik ay hindi alintana.
Bugso ng ulan ay biglang dumahan,

Payong ang nakita pagkatingala.
Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata,
Iyan ang naaalala sa unang pagkikita.
Tila bang tayo ay nasa koreanobela,
Damang-dama ang pagiging bida.

Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan,
Kwento nating dalawa ay may hangganan.
Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan,
Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan.

Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka.
Basang-basa at putikan, hindi alintana.
Mga hikbi ko ay hindi mapatahan,
Kasabay nang pagbuhos ng ulan.

Payong mo'y hindi na matanaw,
Wala na, tuluyan ka nang bumitaw.
Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita,
Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
yama verita Oct 3
hindi ko na ilalagay ang sarili ko sa panganib
tatanggalin ko na ang pana ni kupido sa’king dibdib
'wag mo sanang masamain kung ako’y nanlalamig
napagod lang ako sa gerang isang panig lamang ang umiibig
RL Canoy Sep 6
Kung ikalulugod mo at ako'y pagbibigyan
at iyong tatanggapin ang aking pag-aalay.
Ang buong kagalingan ko'y iyong maasahang
ihahandog sa yapak mo aking Paraluman.

Hindi ko maibigay sa'yo ang katiyakang
sa iyong mangingibig ako'y nakakalamang.
Ngunit maasahan **** ang hangaring dalisay
ay walang makakadaig kahit sino pa man.

Nababatid kong ikaw ay may pinipithaya,
kung gawing panukat ko'y aking kinabahagya.
Ngunit kung papalaring lilingunin mo Sinta'y
hindi ko sasayangin ang matatamong tuwa.
solEmn oaSis Nov 2015
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN
KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN
ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala
naniniwalang kaya ko pang magpatuloy
magpatuloy sa aking mga adhikain
adhikain na nagsisilbing inspirasyon
inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak
mga anak na gagabay sa ating pagtanda
sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin
buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa
pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon
loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe
mensaheng dapat ingatan at gawing pribado
pribado na hindi tulad ng aking buhay
aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata
makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang*  nagningas
nagningas hanggang sa pumutok  ang araw
ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN!
kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig
nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA
TULANG PINAMAGATAN KONG
=_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
i proudly present to you my 21st presentation
of my emotion beyond the caption...
here in Hello Poetry,,
i found my self unselfishly!
though each one of us,
attending our own world sometimes.
chi Aug 16
noon, tayo ay nag mahalan
bumuo tayo ng mga pangakong aking pinang hawakan
gumawa tayo ng mga bagay na nag resulta ng sobrang kaligayahan

ngayon, wala na; wala ng tayo
kinalimutan at binalewala mo ang ating mga pangako
pero sinta, ako'y hayaan mo
tutuparin ko kung ano man ang ating na plano

at sa hinaharap, patuloy kitang mamahalin
ang ating sinimulan, itutuloy ko parin
kahit ako nalang mag isa, at ikaw ay hindi na akin
—g.l
here’s to all my filos out there <3
Mayari Jul 29
Lahat ng dahilan, naipon na
Saan na ako pupunta?
Masyadong marami para bitawan
Hindi naman sapat para ipaglaban

Ayoko na dito sa gitna.
G A Lopez Jul 15
Palagi ka na lamang nagdududa sa t'wing iyong nakikitang ako'y may kasama
Mahal ko, hindi mo kailangang mag-alala
Sapagkat ang pag-ibig ko sa iyo ay sing init ng naglalagablab na apoy
Titiyakin kong hindi ka na muling mananaghoy

Madalas **** itanong sa akin kung nagsasawa na ba ako
Mahal ko, tanggalin mo ang "nagsa" sapagkat ikaw ang gusto kong maging "asawa"
Madalas mo ring itanong sa akin ; "sa aming dalawa ng nakaraan mo at ako sino'ng mas nagustuhan mo?"
Mahal ko, 'wag mo akong papipiliin sa dalawa dahil sa huli kahit sino pa sila ikaw at ikaw lang ang nag-iisa.


At kung pilit pa tayong paglayuin ng mga tao,
tandaan mo ang nag-iisang pangako ko
Tumingin ka sa itaas at bilangin mo muna kung ilan ang mga kumikinang na tala sa madilim na kalangitan
Pagkatapos ay maging dalawa muna ang buwan
saka kita iiwanan.
Sana all mahal 😂 nabored lang dahil sa quarantine
aennij Jul 10
pagod na ang aking puso,
sa pagbubukas ng nararamdaman.
kaya't sa susunod ay ako naman ang magiging tuso,
baka kahit papaano'y biglang gumaan.
ilang beses kong tinanong kung bakit,
bakit walang maibigay na sagot?
bakit parang sa akin lamang masakit?
ayokong makaramdam ng galit o poot.
ngunit kaysa salita,
ang tanging sumagot ay 'yong aksyon.
at 'tila parang isang balita,
nabaling ang aking atensyon,
sa iba mo na pala sinasabi ang nararamdaman mo,
may iba ka na palang sinasabihan ng paborito **** banda,
pati na rin ang paboritong kanta mo,
di ka naman nagsabi, sana manlang ako'y naging handa.
wala ka manlang paalam,
ni hindi rin nagbigay ng huling pangungusap.
hindi man lang nabigyan ng sagot ang isip kong kumakalam,
hanggang sa huli ako pa rin ang nakikiusap.
parang tangang naghihintay ng 'yong kasagutan,
pero wala na pala dapat akong hintayin.
sa akin na lang pala dapat 'tong mga katanungan,
dahil kahit minsa'y di ka naman naging akin.
Kfjt Jun 19
Pinagmamasdan kita sa malayo habang ang iyong buhok ay hinahangin

Para bang may kumurot saking puso at bigla nalang naging magulo ang damdamin

Pakiramda'y di ko mawari kung ako ba'y masaya o malungkot

Galit sa mundo at damdamin ay puno ng poot

Alaala ng kahapo'y sadyang mapanakit at sa puso'y nanunuot

Nais ko na sumigaw at tumakbo palapit
Nag ayos ng sarili at nag subok lumapit

Saya at lungkot ng kahapo'y saakin ay nakakapit
Habang tumatagal damdami'y lalong pumapait

Puso ay tila wasak parin
Pagkat sugat ay sariwa parin

Sa aking paglapit
Sa dibdib ay bigla nalang may gumuhit

Yayakapin ka na sana
Ngunit wala ka na nga pala

Aking napagtanto
Alaala na lamang pala ito
Next page