Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sana, bata na lang tayong lahat…

Walang alam kundi ang gumising, maglaro, tumawa, matulog at kumain
Yung tipong wala kang alam na problema kundi paano ka makakapaglaro bukas kasama ng mga matatalik **** kaibigan.  Paano ka tatakas sa nanay mo dahil gusto kang patulugin pero ang isinisigaw mo ay “maglalaro ako!!!”

Sana , bukas ay bakasyon na…

Late magigising tapos kakain lang, manonood ng paboritong palabas, liligo, gagala tapos pagkauwi ay manonood ulit mamaya ay matutulog na.  Habang nakahiga ay nagtetext sa importanteng tao sa buhay mo kaya naman ay kakwentuhan mo ang kapatid mo, magulang mo o ang  asawa mo.

Sana, pasko na lang bukas…

Lahat ‘tila ba walang problema kundi “paano ang mga inaanak ko?, paano ang mga regalo?  at sana mapasaya ko sila…”  Tiyak lahat ay Masaya dahil napakahirap magalit sa araw na ito.  Ito ang araw na napakadaming taong nagbabati o nagkakaayos mula sa pangit na nakaraan dahil sa bisa ng Pasko.

Sana bukas ay may darating kang regalo- pera man o gamit o di kaya’y isang kasiyahan …

Siguradong ngayon pa lang ay excited ka ng magbukas o tumanggap nun dahil wala namang taong di Masaya kapag nakatanggap ng regalo.  Itatago mo ito at pakakaingatan lalo na’t ang nagbigay ay napakahalagang tao sa buhay mo.

Sana ikakasal na ako bukas…

Lahat tayo ay may pangarap na magkaroon ng sariling pamilya kung hindi man lahat ay madami.  Siguradong kung naiisip mo ito, walang laman ang isip mo kundi masasayang sandali.   Kung ikaw man ay naikasal na, maaalala **** minsan ay naglakad ka papuntang altar habang inaantay ka ng mahal mo o ikaw yung naghihintay sa harap ng altar kasabay ng mga nagtatakbuhang daga sa dibdib mo.

Napakaraming masasayang bagay ang naiisip natin ngunit di ito kadaling ibinibigay.  Dapat, paghirapan natin ito…
-meynard
071812
Sa kabila ng ngiti ay ang pusong sugatan at umiiyak
‘Di mawala sa isip ang bangungot na halos gabi-gabing kumakatok sa pinto ng ala-ala
Paggising ay panibagong umaga na nababalot ng liwanag at dilim
Pinipilit kalimutan… Ngumingiti kahit nasasaktan.

Ayaw maalala ang sumpa ng salitang kailanma’y di na magagamot
Sa isipan ay mga bunganga ng taong nagagalit at sumisigaw
Nais malimutan ngunit patuloy pa rin ang pagbalik
Iwaksi man ng paulit-ulit ngunit para ng pilat sa katawan dulot ng malalim na taga.

Lumayo para makalimot ngunit sa tuwing pumipikit ay naandoon ang nakakatakot na anino
Anino na nakasakay sa likod habang ang mga kamay ay nakasakal sa leeg
Hindi na makahinga parang mapuputulan na ng buhay
Tumawag sa Kanya… Ipinakita ang halaga at kulay ng mundo

Oh kadenang nakatali sa mga paa, sana ito’y mawala na
Pagod na ang isip at ang puso ay umaayaw na
Umaayaw sapagkat parang wala ng pag-asa
Humahalik sa pangarap na kung minsan ay parang malabo  nang matupad.
06/07/2017
Ang puso ng nakaraan ay unti-unting nasusugatan
Di mo napapansin ang tahi ay unti-unting nabubuksan
Sa paglipas ng araw ang hapdi ay lalong tumitindi
Parang apoy ang init sa katawan ay dumadampi

Nasasanay na sa ganitong sistema
Wala ng usapan magpanggap na lang di nagkakitaan
Sanayin ang sarili sa pagkawala ng isa
Ang luha ay pigilan balewala lang kung dumungaw

Sa iba ibaling, paningin at isipan
Humanap ng kakampi sa ibang tao kung maaari
Sandamakmak na galit subuking maiwaglit
Ang tropeo nito sa dulo ng laro makikita.
-meynard

— The End —