Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eve 1d
sabihin mo kung may iba kana
para di na ako mag pakatanga pa

tama na ang una
hindi ko na kaya pang gawing dalawa

mga pag kakamaling ikaw ang dahilan
at kung bakit ako iniwan

unang araw palang nung naging tayo
alam kung iiwan mo din ako

sa una masaya
masaya na ka piling ka

pero lumipas ang mga araw at
buwan ikaw ay nawalan na ng gana

ikaw ang unang lumayu
na syang nag sabi na di ako iiwan

ikaw na nag sabing mahal mo ako
pero nagawa pading palitan

dulot nung akoy iwan mo
ay syang pag ka durog ng puso ko

di ko na uulitin
ang mga pag kakamaling dapat limutin

sarili ay sinabihan na dapat ikaw ay limutin
kasama ang mga pinag samahan natin
Eve 1d
Paano ko ba tatakasan
Ang mga ala-alang di makalimutan.
Paano ko ba iwawala ang sakit,
Kung sa aking pag pikit
Nakaraan natin ang na sa isip
HYA 6d
| isinulat sa prosa (written in pose) |

Gusto ko sanang bumangon sa umaga nang nakangiti pero napakahirap namang matulog nang mahimbing kung sa mismong pagpikit, ikaw pa rin ang nakikita.

Kaya gabi-gabi, inaanyayaan ako ng buwan na makisabay sa kaniyang bisyo. Ipinangako nga niya sa akin na kaming dalawa lamang ang makakaalam sa aming ginagawa at gagawin pa lalo na at purong dilim din naman ang nakapaligid. Kaya ayon, naglasing ako.

Nilunok ko ang aking laway para mapigilan ang sarili na isigaw ang iyong pangalan. Nagpasipa ako sa pulang kabayong hatid ng buwan sa kalagitnaan ng paghiga ko sa damo. Gumulong gulong ako para naman maihambing ko ang pagpapaikot ikot mo sa akin sa iyong napakalaking mundo kung saan magkasinglaki kami ng langgam.

Alam mo naman, kapag naglalasing kinakailangan ng pagkaing maaalat na bagay ipares sa iniinom. Kaya kinain ko lahat ng mga salita **** napakatamis na umaalat kapag pinatagal.

Grabe, lasing na lasing na ako.

Makakalimutan na kaya kita pagpikit nitong mga mata? Mabuti sana kung iwanan mo na rin ako kahit sa mismong panaginip. Sana rin hindi ka na talaga magpakita kahit isang segundo man lang doon. Sabi mo kasi iikotin pa natin ang buong mundo. Ako pa ba ang hahanap sa mga salitang binigkas mo?

Kaya, parang awa mo naman, hindi mo nakayang lumaban sa mundo ng liwanag kaya huwag ka nang sumunod sa kabilang bahagi ng kalawakan para pabalikin lang ako diyan sa mga kamay mo at papaikotin na naman. Trabaho iyon ng buwan.

Sinusubukan ko kasing hindi ka na maalala. Gusto ko sana na sa pagdilat ko, masaya na ulit. Kaso kahit manatiling lihim ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ng buwan, malalaman at malalaman mo pa rin na sinusubukan kong kalimutan ka kasi

nagawa ko na to noon pa e, pero bumabalik pa rin ako sa iyo lalo na sa umaga.

Mahal, gising na. Diba sabi mo may kailangan kang gawin ngayon? Subukan mo nang bumangon, baka ma-late ka pa.
O, sa mga tanga diyan. Magpapasipa na naman kayo sa pulang kabayo?
marga May 14
hindi naman ako tanga
upang sa inyo pa ay humanga
kung ang kahirapan ngayon ay bunga
ng pagtatakip ninyo ng inyong mga tainga.

alipin man sa pang-aabuso,
pamahalaan man ay payaso;
paniniwalaan ko pa rin ang mahinang proseso
balang araw makakarating rin tayo sa paraiso.
Xian Obrero Mar 30
Nakaupo't-nag-iisa, kagaya kahapon sa bintana siya'y nakadungaw
Mula sa kanyang silid, mga mata niya'y malayo ang tinatanaw
Ang palagi niyang inaabangan ay ang napakagandang paglubog ng araw
Sa paglubog nito'y siya ring pagsalubong niya sa gabing walang kasing ginaw.


Sa paglipas ng panahon ay nasanay na nga siyang palaging ganoon
Ang paglubog ng araw ay inaabangan niya pa rin maging hanggang ngayon
Hindi siya nagsasawa at napapagod sa paghihintay buong maghapon
Wari'y kakayanin niya ring mahintay ang pagtuyo ng mga dahon.



Ang wika niya, "Sa tuwing lulubog ang araw ay naaalala ko siya"
Naaalala niya raw ang kanyang sinta at ang taglay nitong yumi at ganda
Kasing liwanag rin daw ng araw ang pagkislap ng kanyang mga mata
Ngunit isang hapon raw ay bigla na lang itong kinuha sa kanya.



Sa labis niyang pagmamahal sa sinisinta niyan iyon
Nabatid kong marahil sa lungkot ay hindi siya makaahon
Kaya pala ganoon na lang ang kanyang paghihintay sa buong maghapon
Sa paglubog na araw pala na nagpapaalala sa kanyang sinta kahit papaano siya'y nakakaahon.
twenty-six Jan 17
ilang oras pa ba ang dapat hintayin
para tanggapin ko'y wala ka na sa akin
tila parang sinaksak ng isang patalim
ang puso kong patuloy nagkikimkim

tinatago ang bawat pait
dinadama ang bawat sakit
inaalala ang bawat saya
umaasang ika'y babalik pa

bawat oras ika'y naiisip
ikaw parin hanggang sa panaginip
LL
Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi mahilig sa tula,
Ng mga matang di mahilig sa malalalim na salita
Ng mga tenga na hindi mahilig makinig sa mga tugma

Nagmahal ako minsan ng mga labi na may matatamis na ngiti
Ng mga lumalabas na salitang nakakabighani
Ng mga mabubulaklak na kasinungalingan na masarap sa pandinig
At oo, nagmahal ako ng mapaglinlang na bibig

Nagmahal ako minsan ng mga kamay na hindi ko nahawakan
Ng mga haplos na hindi manlang naramdaman
Ng mga daliring hindi kamay ko ang hanap
Ng mga bisig na hindi ako nayakap

Nagmahal ako minsan ng isang taong hindi ako ang pinili
Ng mga mata na sa iba nakatingin
Ng mga tenga na sa iba nakikinig
Ng pusong hindi ako minahal
LDR *****
Yep, I'm back. Broken again.
Random Guy Dec 2019
minsan nang nalimutang sumulat
nautal, nagtagal sa iilang salita
na hindi ko man lang napansin
na ang pagiibigan pala natin ay isang buhay na tula
Random Guy Dec 2019
nahuhulog
at patuloy na nahuhulog
sa kung anong nararamdaman sa dibdib
isang hukay
bangin
butas
na kumakain sa konsepto
ng sarili kong buhay

may lulang dala
may sakit na kasama
na hindi na rin pala dama
dahil ang araw-araw
ay isang paulit-ulit
na nahuhulog
at patuloy na nahuhulog
sa kawalan ng mundo
Random Guy Dec 2019
dinadama ang malakas na ihip ng hangin
sabihin
sa akin
ano nga bang dapat gawin
sa tuwing
binabalot na ng dilim
Next page