Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Elmo Cross Dec 2018
Maraming tao ang nagtatanong
Bakit hindi ako nagsasawa sa kanya
Andaming taong nagtatanong
Ano bang meron at gustong gusto ko siya

Simula nung una ko siyang makita
Naramdaman ko na siya na
Siya na ang bubuo sa mundong kulang
Kulang ng kanyang ganda at kabaitan

Ganda niya ay bukod tangi
Tingin niya ay nakasasabik
Wala akong ibang gustong makita
Kundi ang kanyang matamis na mga mata

Hindi ko rin talaga alam
Kung bakit gustong gusto ko siya
Kung sa tutuusin
Ay marami naman ang mas maganda sa kanya

Siguro ito na nga ang pag-ibig
Hindi nakatingin sa panlabas na anyo
Ngunit tapat at desidido
Sa taong gustong **** maging kalaguyo
Minsan ako ay nagugulat sa aking pagiging tapat sa kanya. Kung tutuusin ay matagal na dapat akong nagkaroon ng ibang gusto dito sa unibersidad pero hinde. Mahal ko siya at patuloy akong iibig sa kanya hanggat sa mawalan na talaga ako ng pag-asa.
Lira Bianca Oct 2018
Mahal naalala mo ba ang araw na una kitang makita, agad akong nahulog sayo.

Ang mapupungay **** mga mata at ang mga ngiti **** nakakatunaw.

Mahal naalala mo ba ang araw na sinabi **** " Mahal din kita pero " ang apat nakatagang ayaw kung marinig mula sa bibig mo.

Mahal kailangan ko pa bang maging tanga para lang mapansin mo ang nararamdaman ko para sayo! Handa akong maghintay. Bakit pero, Bakit nakita kitang may kasamang iba.

Bakit siya pa? Bakit siya? Bakit di nalang ako! Bakit dina lang tayo.

Mahal naalala mo ba ang mga araw na naging masaya tayo! Ang mga araw na sabay tayong nangarap, Sabay tayong nangako sa isat isa.

Na magmamahalan tayo hangang sa dulo ng walang hanggan. Pero bakit siya pa talaga? Pwedeng ako naman.

Tayo na lang, Tayo na lang uli. Pero ang tanong bakit mo ko pinagpalit sa tulad niya, Bakit may kulang ba ako?

May mali ba ako? May mali ba sa akin? Kaya nagawa **** akong pinagpalit. Mahal may kulang ba sakin? Kaya nagawa mo akong hiniwalayan ng ganito.

Pakisabi naman sa akin oh! Kung may anong kulang sa akin? Para mabago ko man kung ano ang dahilan bakit mo ko iniwan.
Kung magmamahal ka, maging handa ka sa mangyayari at magtiwala kayo sa isat isa
aj ochavo Aug 7
Kung sakaling mabasa mo ito,
Gusto kong sabihin sa iyo,
Na sa tuwing kasama mo siya ay hindi maintindihan ang nararamdaman,
Tinatanong ang sarili kung ano ang pagkukulang.

Bakit siya? Bakit hindi nalang ako?
Ako na karamay mo,
Ako na laging nandito,
Ako na nakikinig sa lahat ng iyong problema,
Kahit na akoy magmukhang tanga,
Dahil alam kong hinding-hindi kita makukuha.

Mahal na mahal kita,
pero bakit sa lahat ng tao
Bestfriend ko pa.
Anne Maureen B Apr 2018
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan
Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan
Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan
Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan

Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya
Masaya sa piling ng isa't isa
Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral
Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal

Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido
Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako
Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo
Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
m i m a y Sep 2017
Sa tinagal-tagal ng pag-iisip ko.
Sobra akong naging masaya ng mapagtanto kong ikaw, ikaw ang mahal ko.
Nasasabik akong ibahagi sa mga kaibigan ko ang nalaman ko.
Ngunit napawi lahat ang kasiyahan ko, nawala ang mga ngiti sa labi ko, at tuluyan ng tumulo ang luha ko.

Dahil narinig ko, narinig ko lang naman ang pangalan mo.
Pangalan **** sinasambit ng kaibigan ko.
At sinasabing mahal, mahal ka niya.
Nakita ko ang mga ngiti niyang abot taenga habang sinasabi niyang mahal ka niya.

Bakit, bakit ngayon pa, bakit ngayon ko lang nalaman.
Kung kailan handa na ang aking puso't isipan
Na sabihin itong nararamdaman
Bakit, bakit parehas pa tayo ng minamahal, kaibigan?
inggo Sep 2015
Kumapit ako sa isang patalim
Kahit alam kong masusugatan ng malalim
Nangakong hindi ito bibitawan
Kahit ito'y mangalawang sa katagalan

Sa patalim ng pagmamahal ikaw ang nasa hawakan
Ngunit naisip mo pa rin na ito ay bitawan
Hindi ba naging sapat ang aking mga naibigay?
Na mas pinili **** bumitaw at humiwalay?
Third collaboration with my friends Taki and Angge

— The End —