Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Umalingawngaw
ang huni ng mga ibon
sa bukang liwayway.
Ilang minuto rin akong naghintay
hanggang sa kumulo na
ang tubig;
at nagsalin ako
sa baso,
nilagyan ng kape't asukal
saka maingat na kinutaw
gamit ang malamig na kutsara
saka hinipan ang pinakaunang nasandok
at nang aking malasahan
ay unti-unting nagbalik
sa akin ang nakaraan
kasama si amang nabubuhay pa't
tanaw kong umiinom
ng kape...
sa lilingkuran.
Masarap ang kape. Minsan naranasan kong magkape ng mag-isa at wala akong ibang maisip kundi ang aking pamilya na nasa bahay lang. Malayo sa akin. Nag-aaral kasi ako no'n
Nakakabulayaw
ang umaalingawngaw
na sigaw
sa katahimikan nang malungkot na gabi
ng tatlong aninong susuray-suray
sa paglakad
habang binabagtas
ang madawag na bahagi ng gubat,
kung saan naglilisaw
ang masasamang loob
at hayop—
Lumabas ako ng bahay
at nakitang nagmamadali sa pagtakbo
ang isa sa mga anino
habang nagsisigaw ng "Pumarito kayo!"
kaya't agad din akong nagtakbo
at natutop na lamang ang sariling bibig
nang madatnan
ang malamig na bangkay
ng isang babaeng
walang alinlangang pinagsamantalahan.
Tirik ang matang
nakatingin sa kawalan katabi ng
Ang tulang ito ay hango sa totoong kuwento at pangyayaring nangyari sa aming lugar.
Hindi mo namalayan,
nagiging abo
na pala ang iyong buhok
na dati-rati ay sing-itim ng iyong mga matang
ngayo'y unti-unti ng nanlalabo;
at sa dati makinis na balat
umusli ang buto
at ugat
na tila nalalantang katawan
ng kapayas.
Sa paglipas ng panahon, hindi natin namamalayang tumatanda tayo.
Walang halaga ang mabuhay
sa mundong ibabaw
na puno ng kasinungalingang
ang lahat ay may pagkapantay-pantay,
na ang buhay
ay instrumento ng Diyos
upang gumawa
ng mabuti
sa kabila ng kakaharaping
unos;
Maghihirap kang
linangin ng 'yong mga kamay
at paa ang lupa,
magbubungkal,
magsisikap
na abutin ang mga pangarap
subalit sa huli
lilisan di't 'iwang lahat.
Walang halaga ang mabuhay.

— The End —