Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Eugene Nov 2015
Kapayapaan...

Isang salitang hindi maikakaila.
Na may sampung titik na mailap makuha.
Isang salitang nais na ibandila,
Pinapangarap ng ating buong madla.

Kapayapaan...
Isang salitang may sampung letra...


                                                  Pag-­asa...

Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga.
Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa.
Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa,
Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.

Pag-asa...
Isang salitang may anim na letra...


Pag-ibig...

Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan.
Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan?
Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan.
Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?

Pag-ibig...
Ikaw ay nasaan?


                                         Kapayapaan ang gusto ko.
Pag-asa ang nais ko.
                                         Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...
iya Jun 2015
Pag-ibig na tila ang tagal dumating
Nasa isip ay mga palabas na nakakakilig
Upang pag hihintay hindi nakakainip
Ngunit ito'y panandaliang saya lamang ang hatid.

Nais ng Panginoon na ipaalala satin
Na ang pag-ibig ay matagal ng dumating
Noong ipinagkaloob ni Hesus ang Kanyang sarili
Upang mga tao ay maligtas sa kasalanan.

Ang pag-ibig ng maykapal
Ay siyang tunay na nakakagalak
Nagbibigay sigla sa pusong naghahanap
Ating pagyamanin relasyon sa unang pag-ibig.
unknown Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Dhaye Margaux Oct 2015
Mayroong isang awiting nais kong marinig
Isang mapagpala at malamyos na tinig
Mayroong isang pangarap na nais kong matupad
Dito sa puso ko'y isa lang  ang aking hangad

Mayroong isang halamang nais kong mahagkan
Nag-iisang bulaklak na may angking kariktan
Mayroong isang pangakong iaalay ko sa iyo
Sa buhay kong ito'y tanging ikaw aking mundo

Koro:
Paglisan ko'y walang iiwanang luha
Paglisan ko'y hindi wakas kundi isang simula
Iiwanan kong bakas ay kahapong walang sigla
Haharapin ko ang ngayon at ang bukas na masaya
Paglisan ko'y hindi wakas, paglisan ko'y pagdating
Sa isang buhay na may pangakong lakas,
Pag-asa at pag-ibig na wagas
Paglisan sa kahapon
Pagdating sa 'king magiging bukas

Mayroong isang damdaming sinikap itago
Pagtahak sa isang landas na di nais mabago
Pagyakap sa liwanag, paghalik sa pag-asa
Maaari nang ipagsigawan, maari nang magsaya

>Koro<
I miss my keyboard. Perhaps this semestral break, I can do this.
Crissel Famorcan Apr 2017
May isang bagay na nais kong sabihin
May mga salita akong nais na bawiin,
Di ko alam kung dapat ko pa bang banggitin
Pero kahit saglit, ako sana'y iyong dinggin
Naaalala mo pa ba nitong araw na nagdaan?
Isang tula mula sa akin ang iyong napakinggan
Huling Mensahe kuno kaya ako nagpaalam
Ipinangako na pipilitin kong maparam
Na pipilitin kong mawala
Itong damdamin na di ko alam kung paano ba nagsimula
At mas lalong di ko alam kung paano mawawala!
Ano ano pa ba ang mga dapat na gawin?
Bakit ba kay hirap nitong tanggalin?
Inunfriend ka sa fb, dinelete message mo
Di ka pinapansin,umiiwas na ko ng todo
Lahat na yata ng paraan ginawa ko
Pero di ka pa rin talaga natiis ng puso ko
Kanina lang kausap ulit kita
Napapangiti tuloy ako ng para bang tanga
Nagsasalita na ako dito mag isa
Mga tao sa paligid ko para bang nagtataka
Mga kasama ko bigla na lang napapanganga
Eh ano bang **** nila?
Minsan na nga lang maging masaya,
Papakialaman pa ba?
Minsan na nga lang magkaroon ng sigla
Itong mundo kong puno ng lungkot, ng takot,ng pangamba, ng kawalang pag asa,
Kaya salamat talaga at nariyan ka
Picture mo pa lang ang laki na ng epekto,
Para akong sira ang ulo, malaki ang depekto
Sa isip na walang ibang laman kundi ikaw
At puso na walang ibang sinisigaw
Kundi ang pangalan ng nag iisang ikaw
At magdaan man ang maraming taon
O lumipas ang mahabang panahon,
Ikaw lang at walang iba
Sasabihin ko lang naman talaga
Gusto kita.
JOJO C PINCA Nov 2017
“I am not a teacher, but an awakener.”
― Robert Frost

May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat.

Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo.

Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya.

**** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan.

Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang.

Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
Marthin May 2019
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan.

Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda.

Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila.

Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo.

Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam.

Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
A deep tagalog poem
Ikaw Mahal yung taong pinangarap ko.
Ikaw mahal ang nag bigay halaga sa tulad ko.
Ikaw Mahal Na sa bawat pag gising ang nais masilayan ko.
Ikaw mahal sa bawat pag inom ng kape ang nais na laging kasalo ko.
Ikaw mahal ang nais kakulitan,kaharutan ang katawanan  ko
Ikaw mahal ang nais makakwentuhan bago matapos ang buong maghapon ko.
Ikaw mahal ang nais makayakap pag ako'y napapagal
Ikaw mahal ang nais kasama patungo sa lugar na magaganda.
Ikaw mahal ang nagbibigay sigla  kapag ako’y lumbay
Ikaw mahal ang laging nais sa araw-araw.
At Ikaw at ikaw lang mahal ang laging pipiliin hangang sa pagtanda.
Appreciate the person that giving you worth
Mister J Jan 2019
Umpisa pa lamang
Alam ko nang gusto kita
Nakita ka pa lamang
Atensyon ko'y nadukot mo na

(From the beginning
I knew I like you
The moment I saw you
You already captured my attention)

Paghawak ng iyong kamay
Pintig ng damdamin ay bumilis
Mga emosyong itinago nuon
Pilit nagpaparamdam muli ngayon

(When I held your hands
Heartbeats in overdrive
Buried emotions in the past
Making themselves felt in the present)

Sa pagpungay ng mga mata
Ako unti-unting nabibighani
At nung akapin sa'yong mga bisig
Tuluyan na kong nahulog

(The way your eyes look at me
Makes me intrigued by the second
And when you wrapped me in your arms
I completely fell, then and there)

Ngunit pag-sinta'y parang walang halaga
Sigla ng unang pagkikita'y unti-unting nawala
Di malaman at mawari ang mga dahilan
Na nang dahil sa nadarama ay pinipilit maintindihan

(But it seemed these feelings hold no value
The passion from our first meeting dwindling
I can't comprehend and identify the reasons why
But because of this love I feel, I still try)

Pilit tinitiis ang mga pighati
Kahit unti-unting nadudurog ang puso
Aanhin ang dignidad na patapon
Kung puso'y hindi marunong umibig

(Enduring the searing pain
Even if my heart is crushed
Setting aside my meaningless pride
If I don't know how to love right)

Siguro'y nagiging makasarili
Ngunit lahat ay binago at binigay
Lahat ay tinitiis damhin
Kahit na lungkot ay di mapawi

(Maybe I'm being selfish
But I changed and gave my everything
I endured all the ill feelings
Even if the loneliness doesn't go away)

Bakit hindi pa yun sapat?
Para ika'y sumugal sa akin?
Nangako ng pag-ibig na di magbabago
Kahit ang mundo natin ay tuluyang maglaho

(Why is it not enough?
For you to take a chance with me?
I promised you a constant, stable love
Even if our world crumbles to dust)

Naghihintay sa iyong pagbalik
Mula sa malayong dako kung san naroon
Ang puso **** labis nang nasasaktan
At takot nang umibig muli

(Waiting for your fateful return
From that far, hidden place where
Your broken and beaten heart is
That lost all hope in love)

Ialay ang pusong nagdurugo
Kapalit ng puso kong gusto kang mahalin
At nang lahat ng sakit ay aking akuin
At nang maibalik natin ang ngiting mailap

(Exchange with me your bleeding heart
With mine that anticipates to love yours
To share with me the burden of your pain
And bring back the elusive smile on your face)

Mahal kita umpisa pa lamang
Mamahalin kita kahit masakit
Lulunukin ang dangal at dignidad
Sa pagsusumamong ikaw ay maging akin

(I loved you from the very beginning
And I will love you still amidst the pain
I will swallow my pride and dignity
In this arduous quest to make you mine)

Sana matapos na ang ating paglalaro
Ang tagu-taguang walang patutunguhan
Panalangin kay Bathala sana'y marinig
Ang pusong nagsusumamo'y sana yakapin muli

(I pray for the little games to end soon
This hide-and-seek that seems meaningless
Dear God, hear my prayers and pleas
Of the heart that yearns be embraced again)
Originally a Tagalog poem
But I made an English translation for the foreigners

I hope everybody likes it!
Happy Reading! Thanks!

-J
Lanox Aug 2016
Ang mutually exclusive ay tumutukoy sa dalawang pangyayaring hindi maaaring maging parehong totoo.

Di ito nalalayo sa kasabihang nasa Bibliyang “Hindi maaaring pagsilbihan ng isang alipin ang dalawang panginoon nang sabay.” Ngunit habang ang nasabing nagmula sa banal na aklat ay may mga binanggit din patungkol sa Diyos at sa pera, ang mutually exclusive ay mas malawak ang saklaw kaya’t maaaring gamitin para ihalintulad o paghambingin ang kahit anong dalawang konsepto sa matematika, pangyayari, pakiramdam.

Sa programming, may tinatawag na Boolean data type. Ang data type na ito ay maaaring “tama” o “mali.” Ang itinatalagang halaga kung tama ay 1 at 0 naman para sa mali. Kung may dalawa tayong konsepto, pangyayari, o pakiramdam, at ituring natin silang mga data types, ang mga posibleng values na makukuha natin ay 00, 10, 01, at 11. Kung ang mga nasabing dalawang konsepto, pangyayari, o pakiramdam ay mutually exclusive, maaaring makuha ang 00, 10, at 01 ngunit hindi ang 11.

Gumamit tayo ng mga halimbawang mas madaling maunawaan.

Data type number 1: ang pag-inom ng iced coffee, decafeinated, served in a mason jar with a paper straw, and with extra whipped cream, at pagpost nito sa Instagram, #stressreliever #compromise #freewifi.

Data type number 2: ang pagtulong sa mga kawawang bata sa lansangan na walang tsinelas, marumi ang kasuotan, at pinagpatung-patong lamang na mga karton ang natutulugan.

Madaling magpatuksong pumalakat gamit ang Facebook status at sabihing, “Ang daming mga batang nangangailangan tapos yung iba dyan pakape-kape lang, #pasoshalpamore.” Ngunit kung susuriing maigi, hindi mutually exclusive ang dalawang data types. Pwedeng si ateng nagkape ay pagkalabas ng coffee shop, binigay yung extra croissant nya dun sa batang nanghihingi ng limampiso. Habang si ateng nag-rant sa FB, na nasa bahay lang, kaya nga bitter dahil di makagala, malamang di rin naman nag-effort lumabas at mag-ikot sa mga kalsada para maghanap ng mga paslit na matutulungan. Ang dalawa pang maaaring posibilidad ay may isang ateng mahilig magkape at allergic sa mga bata at may isa pang ateng tumutulong sa mga bata at nagkaka-anxiety pag umiinom ng kape. Pwedeng magkaibigan sila, pero di sila nangingi-alam sa isa’t isa.

Naaalala ko tuloy nang minsa’y tumambay akong mag-isa sa isang kapehan malapit sa bahay.

Gaya ng inaasahan, may mga batang nag-aabang sa mga lumalabas na mamimili upang magbakasaling mabigyan ng mga barya o tirang pagkain—katakam-takam tingnan ang mga pastelerya roon.

Tiningnan ko ang makukulay na tinapay sa platito sa harapan ko.

Napagdesisyunan ko nang ipabalot ito at ibigay sa isa sa mga batang ngayo’y naglalaro na habang wala pang dumaraang kustomer.

Tapos ko rin naman itong kunan ng larawan upang ipost sa Instagram.

Kelangan kasi updated ang account ko.

Baka kasi isipin **** nawalan na ko ng sigla at nagmumukmok na lamang sa bahay simula nang tumigil na tayong mag-usap.

Baka tuloy magmistulang ang kalungkutan ko at ikaw ay mutually exclusive.

Na dumarating lamang ang kalungkutan sa tuwing ika’y lumilisan,

O na iniisip ko pa lamang na maaari kang bumalik, ito’y napapalitan agad ng kaligayahan.
kingjay Dec 2018
Pagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana
Hindi ang sandaling sa kulungan
Ito'y sa bawat saglit na nag-iisa
ang matinding lungkot na nadarama

Ipinta ang larawan ng estado
Berde,dilaw,pula kahit anuman
ito'y walang sigla
Sa mga mata puro puti
-tinta ng lahat ng kasalatan

Bagwis na malapad
taglay ang malakas na hampas
Ngunit nanatiling suwail sa hangin
hindi na makalipad

Isang akyat pa sa hagdan
Ang patpating nilalang ay uhaw
sa pag-uwi ng titulo
Karangalan ang pagtitiis
Ang pagwawagi ay bihira lamang

Sa taglagas ay ang pagsibol ng mga tanim sa palayan
Kunting saya sa isang linggong kasawian
Ilang ulit kaya sa isang buwan?

Ang orasan ay panauhin sa pagkakaylan man na paghimbing
Hindi linggatong kung ituring
Ito'y paala-ala na hindi pa kamatayan
kingjay Dec 2018
Hindi panggagayuma
Lubos ang kagustuhan
kaya ang aguha ay itutusok sa mannekin
At si kupido ay sumibangot
Mapapamahal o mamaalam
Itugon kahit alinman

Pakinggan ang katwiran kung bakit di kaagad nagtapat
May kaparasuhan man ay hayaan na lang
Sapagkat parang binidbid ang buong katawan sa pag-uusig
ng mismong salang pang pag-ibig

Sapagkat kapatid ng pipi, di nagsasalita
Ayaw sabihin sa minumutya
May kaba sa dibdib
Nag-aalangan nang labis
Likas na mahiyain

Gaya ng linta na sumusupsop ng sigla hanggang sa naghinagpis
Matinding kirot ang dahilan ng pagnguyngoy na abot-langit
Kumukurap ang ilaw sa paligid
Natagpuan na nabuwang na umaaligid

Sa yungib nagtago ang takas sa pag-ibig
Mga bitak sa bato ay inihahambing
Ang bahagi ng buhay kung saan naglaho ang mga bituin
solEmn oaSis Dec 2015
mula sa bintana ng mga katotong tahanan
may pinaghuhugutan balitang pinagkainan
merong budbod di-umano ang bibingka sa bilao
madalas di-ginugusto,,minsan nama'y napapa-tipo.

bihira man ang daloy sa hiwa ng pagkakataon
nariyan pa rin ang kuro at haka sa loob ng kahon
sa tulong ng walang patumanggang bulong na hindi naririnig ang tunog
sa likod ng pulang bilang matatanaw may abiso sa kidlat na walang kulog.

ilako ang lakbay ng himay sa mga nagdidilang anghel
para mahumpay ang tamlay mula sa pader na papel
ibahagi ang natatanging kuwento sa oras ng hanay ng kasarinlan
mag-manman sa likuran bago dumating at gumawa sa tambayan

matabunan man sa araw-araw ang pag-apaw ng dalaw sa estado
wag mag atubili,hataw lang sa paggalaw muling ibangis ang talento
bagamat ano mang bulwak meron ang katha sa salamin,matapos na
maisulat
sa ere man hanggang sa paglapag ng tuyong dahon,may mangha na ipamu-mulagat

sapagkat hinde mababanaag sa mga nilakaran
ang iniwang bakas sa pinanggalingang upuan
dahil ang dati nang puting kulay sa loob na 'ala pang bahid
magkukulay dilaw sa pagkakaroon ng matimtimang masid

at kung ang inaasahan ay taliwas sa nakatakda,,alin lang yan sa dalawa :
bumilis ang pagbagal ng patak kaya manunumbalik ang dati nang sigla
o malamang na mangamba sa pakiwaring hindi daratnan dahil sa
pagkaantala?
kung magkagayo'y ituloy lang ang pagkasabik sa pagtatapos pagkat
*magkakabunga!
Ang bawat simbolo ay sagisag....
palatandaan ng makabuluhang kahulugan!
At ano mang uri ng bantas ay marka,,,
na tatak sa ating utak patungo sa isang palaisipan.
Jan Carlo Ramos Oct 2016
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala
Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya
ikaw yung dating nagbibigay sigla
kaso unti untiang nabura.
Yung imahe mo na dating buo
na palitan ng mga linya na sobrang gulo
Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot
sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok.
Kumapit sa bisyo at doon nalugmok.
napaaway, nag maoy, at doon nasuntok.
Nasuntok ng katotohanan na wala kana
at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba
Pero maligaya ako na maligaya kana
kahit yung sarili kong ligayay mawawala na.
sa dinamidami ng ligaya sa tulang to
kabaligtaran ang nadarama ko.
kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
Pinanday ka ng panahon
May tapang na hindi
basta sumusuko,
sa lahat ng laban
wala kang inuurungan,

Agimat mo ay katapangan
na umagaw mula sa kalaban.
Buo at tibay ng iyong loob
ano man ang iyong sagupain
walang di kakayanin.

laban mo’y hindi biro
Una kami sa iyong puso
Bago ang iyong pagkatao
Karamay ka, sa bawat
along bumubugso.

Ikaw ang bagong bayani
ng ating lipi na nagbabalik
ng kulay at sigla bitbit
ang bandila na may kisig
at buong katapangan.
Dedicated to all frontliners and to all great leaders.
kyleRemosil Jan 2019
Sisikat na ang araw
Ngunit mga mata’y dilat pa
Nangangarap na balang araw
Mayakap na ulit kita
Alam mo bang halos di ako makagalaw
Sa tuwing binabanggit mo sa’kin ang salitang “mahal Kita”
Gusto ko sanang marinig ng personal araw-araw
Ngunit malayo tayo sa isa’t-isa

Ayoko pang matulog
Hihintayin ko pa si haring araw
Sa pagsikat nya akoy nakaupo lang sa sulok
Habang sa bintana nakadungaw
Habang hinihintay ako muna’y magpapausok
Sigarilyo ang paraan para maibsan ang ginaw
Gusto kong makita ang pagsikat nya kasi naaalala ko Ang ganda mo pag sa kanya akoy nakatanaw

Ganda mo ay natural
Kaya napaibig mo ako ng sobra
Ayokong mawala kapa mahal
Kasi baka hindi ko kaya
Halos magkaparehas lang kayo ng Araw
Pinapaliwanagan mo ang buhay kong magulo’t walang sigla
Tama lang na kinumpara kita sa araw
Madilim kasi ang mundo ko kapag wala ka

Pasikat na sya’t akoy nakahintay
Kita ko na rin ang mga ulap na sa’kin ay kumakaway
Kakaiba sa pakiramdam para bang akoy buhay na buhay
Kahit paulit-ulit ko pang tignan Hindi nakakaumay
Naaalala Kita pag sa kanya ako naka silay
Mahal kasing ganda mo ang bukang liwayway
Peter Simon May 2015
'Wag kang mag-alala,
'Pag nilangaw na ang
     bahagharing tuyot na
     at wala nang sigla,
Lilipad ang mga paru-parong
     matagal nang nagtago
     sa aking sikmura,
Noong mga panahong
     pinaghalong saya at kaba pa
     ang nararamdaman ko
     'pag kasama kita...
'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag napagod na ang
     dagat sa pag-alon
     at pagsayaw ng mahinahon,
Patutulugin siya pansamantala
     ng mga minahal at
     pinagkatagu-tago kong mga ibon
Na nagkubli sa tinig mo
     habang inakala kong
     hindi lilipasin ng panahon...
'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag tinamad nang umawit
     ang hangin para sa
     iningatang puso,
Bababa ang mga tala
     na inipon nang
     matagal at itinago,
Upang alisin ang lamig ng gabi
     na noo'y nasa mga bisig mo
     at inakalang 'di magbabago...
'Wag kang mag-alala,
    mamahalin pa rin kita...

'Wag kang mag-alala,
'Pag nakalimutan nang
     ngumiti ng araw
     dahil sa inis,
Yayakapin siya ng buwan
     kahit pa ang kapalit
     ay masunog siya nang labis,
Pipigain ang huling patak
     na luha mula sa mga matang
     tinirahan na ng hinagpis...

'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita
     kahit sa huling dugong
     dadaloy sa ugat ng puso
     kong sirang-sirang na...

'Wag kang mag-alala,
     mamahalin pa rin kita
     kahit sa huling hanging
     aagpas sa aking bibig
     na pagod nang sumigaw...

'Wag kang mag-alala,
mamahalin pa rin kita, Mahal...
RL Canoy May 2020
Sa bawat paglipad ng diwang mapanglaw,
handang mararating ang di masasaklaw,
wari'y walang pagal yaring paglalakbay,
kahit saang sulok ng sansinukuban.

At saang dako man akong magmamasid,
ikaw bukod tanging nakita ng isip,
kung masilayan man ang loob niring dibdib,
laging larawan mo ang ninitang wangis.

At sa pagkahiga't hanggang sa maidlip,
ikaw yaring dalaw sa hapo kung isip
at ang laging huling mutawi ng bibig;
"Makapiling nawa, kahit panaginip".

At sa pamimitak ng bukang liwayway,
tanging hinihiling na masisilayan,
ang iyong pagngiti kahit sulyap lamang
at di ipagkait ang sigla sa araw.

©Raffy Love Canoy |April 2020|
Eugene Aug 2017
Saglit lang ang ligawang nangyari.
Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali.
Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali,
Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali.

Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi,
Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi.
Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi,
Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti.

Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi,
Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki,
Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki,
Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini.

Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti,
Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati?
Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi,
Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi.

Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti.
Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi.
Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili.
Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati.

Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi.
Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi,
Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi,
Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
120815

Siya ngang may pakpak, walang laya
Siya ngang boses ang umaga, walang hininga.

"Pisi Mo'y walang tugon,
Sinumpang lupai'y may butil ng biyaya --
Pukpukin Mo ang pakong may anay na kalawang,
Pagkat Balangkas Mo pa lang,
Ako'y napayuyukod na.
Ako'y marupok kaya't nasilo Mo --
Na-silong Sa'yong pag-ibig."

"Aking paglisa'y pansamantala lamang,
Ako'y magbabalik sa panibagong araw,
Babalikan kita,
Huni mo'y siyang sigaw sa balintawak,
Ika'y patotoo sa Aking pagbabalik
*Kaya't humayong may sigla."
Random Guy Jan 2020
ang hirap mamatayan
ng sigla mula sa dating kinahiligan
pagkanta, pagsusulat
at iba pa
at mas mahirap
bumuhay ng namamatay na sigla
dahil ang oras ay limitado
kahati ang responsibilidad sa mundo
at ang dating nagniningas ay humihina na
lalong hindi naging mas madali
gumawa ng orihinal
na bumabase sa gusto ng lipunan
o tumatalima sa kasalukuyan
o bumabagay sa kapaligiran
nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy
ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon
at matapos na ang mga kanta
mga kwento, liriko
pagpinta
at mga blangkong espasyo
na nag-aasam ng yakap
mula sa mga letra, kulay, linya
at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo
dahil ang matapos ang mga ito
ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata
nandiskrimina at nanghusga
ito'y para mabuo ka
muli
www.soundcloud.com/wildepick
www.wattpad.com/user/wildepick
012116 #Genesis

"Ikaw na siyang tagapangalaga ng mga tupa,
Habang ako'y hamak na ligaw lamang,
Sa lupaing yaong paraiso sa inyo.
At kagandahan mo'y
Siyang bukas kong may sigla."

"Ginoo, ako'y hanga sa iyo
Pagkat tupa ko'y iyong diniligan.
Ni hindi mo sinadyang ako ang unahin."

"Hayaan **** pagsilbihan kita,
Kahit pitong taon pa.
Giliw, ako'y maghihintay.
Mabilis lang ang araw
Sa pusong tunay na nagmamahal."

"Paumanhin, tila nabalewala ang iyong pagpapagal.
Kaya mo pa bang ako'y ipaglaban?
Kung hindi ma'y, sana'y sambitin mo
Nang maarok ko ang tugon mo."

"Sinta, ako ma'y subukin pa
Ng pitong taong muli.
Ipaglalaban pa rin kita,
Pagkat pag-ibig ko'y hindi limitado ng panahon."

"Salamat pagkat ikaw ang kabiyak,
Puso mo't lakas, tila'y napagod.
Hayaan **** ako mismo
Ang siyang magbigay kapahingahan."
MarLove Jun 2020
AKING TULA

Para lang sayo aking ginawang tula
Na aking tulay sayo lang nakatalaga
Na ikaw lang ang pinaghugutan nang aking sigla
Na ang bawat linya sayo lang tanging nakalaan

Mga salita ay sayoy pinagmulan
Itoy hindi malabas sa isipan
Kung sayoy walang nararamdaman
Ikaw ang tanging inspirasyon nang aking puso at isipan

Ang bawat nakasulat na titik
Ay sa puso nakaukit
Mga tulang sinulat
Tanging sayo lang sinta inuulat

Mga matatamis na salita
Ang tanging handog sayo aking sinta
Mga tulang ginawa
Sayo lang iaalay na puno nang diwa

Sa bawat araw nais kong ipadama
Na sa lalim nang nararamdaman
Sa tula ay gustong idaan
Maipahiwatig ko lang ang pag-ibig na sayoy nakalaan

Kay sarap sa pakiramdam
Kung akoy makabuo nang isang talata
Na ito ay nakalathala
At tanging sayo lang ibabalita

Nais palagi na sayong paggising
Mabasa mo ang nararamdamang lambing
Na itoy nagmula sa kaibuturan nang aking damdamin
At pagmamahal mo lang tangi kong hiling

Sanay laging magustuhan
Tulang sayo lang nilaan
Sanay sa pagbasa nang bawat salita
Maramdaman mo ganu kita kamahal aking sinta
At Aking tulay ay para lang sayo nilikha💋😘
VJ BRIONES Aug 2018
Tula: Takbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito



Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo


Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
ArominizedM Jun 2015
Nais ko lamang makita ang bayan,
Sigla ng unawa sa kasarinlan.
Bagkos natatanaw ang puot at pighati
Sa lupaing nais muling ibalik.

Bago sana idaing ang kawalan
Sarili muna'y puno ng kasiglakan
Bagamat pagtitiis ang ninais kabisaduhin
Pananampalataya sa Diyos ang dapat isa-isip.
derek Feb 2016
Naalala mo pa ba, noong magbukas ang Nagi?
Pagkahaba pa ng pila, umabot ng Yabu dati.
Kahit pa nga yata Yabu, ay kayhaba din ng pila
Araw-araw laging ganyan, kaya dapat maaga ka.

Sa katagalan pagdaka ay nagkaupuan na nga
Ang babae ay sisigaw, at susundan ng iba pa
Bigay todo ang pagbigkas, tila baga walang bukas
Rinig mo ang tinig nila kung ikaw ay nasa labas.

Sunud-sunod na araw pa, na kami ay nasa Nagi
Itanong mo pa kay amo, siya po ang aming saksi.
Kung paanong alas-onse'y, naghihintay na ng taxi
para sa pila'y mauna, at nang makakain kami.

Ilang buwan din siguro ang sa mundo ay dumaan
na ang pagdalaw sa Nagi ay biglang naging madalang
Na mula sa bawat araw, ito'y naging linggo-linggo
Kalaunan pa ay naging Enero, Pebrero, Marso.

Lumipas ang mga taon, at ngayo ay Pebrero na.
Ngayon na lang uli kami doon sa Nagi nagpunta.
Ang dating mahabang pila, ngayon ay tila wala na
Alas-dose na noon, tanghali na po partida.

Noong pumasok na kami'y sumisigaw pa rin sila
ngunit dinig mo sa boses na ang sigla ay wala na.
Kahit yung pitsel ng house tea na laging inihahanda
Ngayon baso-baso na lang, tapos manghihingi ka pa.

"Nakakain na po kami, puwede bang bukas na lang?"
"Mayroon na n'yan sa Mega, pati na sa Katipunan"
"Huwag ka nang magmadali, hindi na dapat agahan"
"Kahit anong araw pwede, kasi nandyan lang naman 'yan".

Tayo'y magaling lamang ba, kapag bago at simula
kapag bago sa paningin, kapag bago sa panlasa?
Na 'pag nilamon ng oras o kinasanayan mo na
ay tila pinagsawaan at pinagwalang bahala.

Kailan kaya darating, ang sa aki'y tinadhana
na sa aking pagtangkilik, hindi ako magsasawa?
Na kapag nakita ako'y ramdam ko ang galak niya
at ang puso ko'y lulukso marinig lang ang ngalan n'ya.

Malamang ay naglalaro ngayon sa iyong isipan
"Tungkol pa rin ba sa Nagi, ating pinag-uusapan?"
Huwag mo na itong isipin, sagutin mo na lang ako
may pila pa kaya ngayon, sa bagong tayong Ippudo?
It's been a while since I wrote a metered poem. This one has 16 syllables per line. Not really a big deal, but I hope you enjoy.

UPDATE:

When Ramen Nagi first opened in SM Aura (a mall in Manila), it was really popular. Imagine long lines of people waiting to get a seat and try their ramen (especially during lunch). I think they were really popular somewhere, that people were really that excited that a store opened up in Manila. We usually went earlier than your usual lunch time just so the line won’t be that long. We loved their ramen so much that we ate there as often as we could.

It’s been a while since we last ate there. I tried to contemplate in this poem how much has changed since it opened, how the long lines of people are no longer present, how the enthusiasm of its staff was not as great as when they first started serving ramen. Then I realised how similar the situation was with relationships — feels like sometimes we only show our “maximum effort” at first, which diminishes over time. I sure hope that at some point in my life I would find the one that I won’t get tired of loving.
Nang minsang mawala ang kulay at sigla dahil sayong Paglisan.
Kalungkutang nadarama,hindi na ata mawawala.
Bakit kasi Mahal sa piling ko ay kailangan mo pang Lumisan?
Di bat nangako ka naman na saking tabi hindi Lilisan.
Ngunit bakit nagising na lang ako, ikaw pala ay hindi na masisilayan.
Pagmamahal mo ngayon ay nasaan,
Pangungulila sayong yakap at lambing sana ay Punan.
Pwede ba Mahal kahit minsan lang sa Panaginip
Ako naman ay Puntahan.
Kahit isang beses lang,Pakiusap aking Mahal.
Yakap mo muli ay nais maramdaman,nang aking Pangungulila ay Maibsan.
christine Oct 2015
sisimulan ko sa kumusta
pagkatapos ay sunod-sunod na tanong
kung kumain ka na ba
o kung bakit mukhang galit ka
may umaway ba sayo?
may problema ba tayo?

mahaba ako kung magsulat sa simula
punung-puno ng sigla
wala pang takot o kaba
dahil ang liham na ito ay hindi ko ipapadala
ang importante lang ay masabi ko na
kahit na sa ngayon,
ito ay akin lang muna
pagkausap sa sarili ko dahil hindi pa sapat yung pagkatanga ko para sa'yo eh
John Emil Sep 2017
Bathala nga’y di nanghushusga
Sa kawangis na nag – iba
Mula ulo hanggang paa
Lahat ginawa at pinagawa
Matupad lamang ang sigaw ng diwa
Nagsilabasan matatalas na dila
Upang bigyan kami ng kakaibang mukha
Bahagharing sa aming makikita
Ito’y naging makulilim na sigwa
Kami’y ginagawa nilang nakakatawa
Kahit sakit na ang nagdudulot sa’ming sigla
Mapagbigyan lamang ang kanilang tawa
Ngunit ang kagustohang sinta
Ay iyong ikinasasam’t pinagdadamut pa
Nais lang naman pag – ibig at pag – aaruga
Tanggap naming na walang magmamahal sa’min ng tama
Wag lang ikumpara sa masahol na hayop sa gubat makikita
Pantay na pagtingin kailan kaya ninyo ipapadama
Ganito nga ba talaga ang gusto ni Bathala?
Mababang tingin saaming ipinapakita
Baluktot na paniniwala mayroon sila
Siradong utak ay pagbuksan na sana
Nang pagkakapantay ay Makita
Ako at ikaw ay hinumal ng kamay ni Bathala
Na walang pag-aalinlangang kasama
Ol Ga Apr 2020
Handa ako sa mga titig **** magpapabilis ng aking puso,
Sa init na hatid ng mga yakap mo,
Sa halik **** magpapatigil ng aking mundo,
At sa mga masasayang ala-ala na tayo ang bubuo.

Handa din ako sa mga araw na sasakit ang ating tiyan sa kakatawa,
Sa mga gabi na aalagaan ka kapag nalasing ka,
Sa mga panahon na kailangan natin ang isa’t-isa,
At sa mga oras na bumibilis kapag ikaw ang kasama.

Pinaghandaan ko din ang mga pagsubok na ating pagdadaanan,
Ang mga di pagkakaintindihan at tampohan,
Mga maliliit na bagay na ating pag-aawayan,
At mga masasakit na salitang pwede nating mabitawan.

Pinaghandaan ko lahat ngunit…

Di ko napaghandaan ang paglamig ng iyong mga titig,
Ang pagkawala ng sigla sa iyong mga ngiti,
Ang pagdalang ng iyong lambing,
At ang unti-unti **** paglayo saakin.

Di ako handa sa tuloyan **** paglisan,
Sa paglimot ng boses na nakasanayan,
Sa pagtapos ng ating sinimulan,
At sa mga ala-ala na hahayaang mabaon ng nakaraan.

Sana una palang hinanda ko ang aking sarili,
Sa posibilidad na ika’y di mananatili,
Na hiram lang pala ang bawat sandali,
At sa huli maiiwan lang din akong sawi.
kingjay Mar 2019
Pupungas-pungas pa
Nasisilawan sa munting sinag
Di-makagulapay ang mga binti
Daig pa ang nakaratay na may sakit

Sa bawat umaga ay di pagkagaling
Tumighaw sana kahit na ang lumbay
Kung sa huni ng mga ibon ay naaaliw
makakagising nang may sigla at panibagong ginhawa

Ngunit nang minsan ang kaginhawaan ay nalasap
nanguluntoy ang pangarap
Sa tanghali na matindi ang bugso ng init
naranasan ang pagkapagod sa bukid

Hahayaan para sa kapakanan niya
na ang higad makisama sa mga paruparo na magiging siya
Huwag na dumapo sa dahon
na nagpakain noon
datapwat tumungo sa bulaklak ng palasyo

Pigilan ang tibok
Kahit parang buhos ng tubig sa talon
Ang ikamamatay ay siyang ikalulugod
Sapagkat sa kasaysayan ay napapako,
pinaparusahan ng panghihinayang
JOJO C PINCA Nov 2017
"Gather ye rosebuds while ye may,
    Old Time is still a-flying;
    And this same flower that smiles today
    To-morrow will be dying. "

Robert Herrick


Ang buhay ng tao ay sadyang maiksi at walang tibay, katulad lang ito sa kastilyong buhangin na agad gumuguho sa hampas ng alon at ihip ng hangin. Kaya marapat lang na ito ay ating samantalahin habang may panahon pa, hindi dapat na masayang ang bawat sandali ‘pagkat hindi na ito muling magbabalik pa.

Bakit ka nagsusumiksik sa isang tabi at nagmumukmok? Walang saysay ang maging malungkot sapagkat sandali lang itong ating buhay. Tumindig ka at gawin mo kung ano ang nararapat, piliin mo ang maging maligaya at kapakipakinabang. Tuklasin mo ang pilosopiya at kahulugan ng iyong sariling buhay nang hindi umaasa sa iba.

Kumawala ka sa tanikala ng mga maling akala at walang kwentang panukala, ang mga patakaran ay mga paraan upang ang tao ay alipinin kaya hindi ito dapat na tanggapin. Maging hari ka at panginoon ng sarili **** buhay sa ganitong paraan ka lang magiging totoong hayahay.

Huwag **** lingunin ng paulit-ulit ang kahapon dahil kahit anong gawin mo hindi na ito muling magbabalik pa, walang time machine na maghahatid saiyo pabalik sa nakaraan.

Huwag mo rin masyadong tanawin ang malayong hinaharap pagkat baka nga hindi mo na makita ang bukas na iyong pinapangarap.

Ang “ngayon” ang tanging panahon na iyong hawak at wala ka nang ibang mapanghahawakan pa. Ipagdiwang mo ang bawat ngayon na parang ito na ang huling araw mo.

Huwag kang makinig sa mga sinasabi ng iba sa halip ang puso mo ang iyong sundin at umasa ka na hindi ka nito kailanman ililigaw, gamitin mo ito na ilaw **** gabay.

At huwag **** sayangin ang nalalabi **** panahon, umahon ka mula sa iyong pagkakabaon at magsimula ka.

Katulad sa mabango at magandang bulaklak na iyong nakikita ang buhay **** tunay ngang maikli ay malalanta at mawawalan rin ng sigla kaya’t bago ka pumanaw gawin **** makasaysayan ang iyong bawat ngayon.
Leslie Jade Sep 2021
sa rami ng tulang nilikha
panaghoy ang tila namamayagpag
emosyong natatakpan ng mukha
ay patuloy na binabagabag

madalas ay natatapos sa lungkot
madalang na naguumpisa sa saya
bawat linyang kataga'y puot
tila walang dinudulot na ligaya

sa daang salita na kayang bigkasin
nasaan ang malalambing na parirala?
sa bawat boses na nais kalasin
kailan ang araw na maaabot ang tala?

May dalisay nga ba sa mga letra?
May pag-asa nga ba sa mga talata?
muli nga bang darating ang saya
sa paggising ng bagong hiraya?

Marahil ay unti-unti, hindi bigla-bigla
yayakapin nang mahigpit, dahan-dahan
upang ituloy ang naudlot na sigla
upang magmistulang sarili ang tahanan

Gaya ng dapit-hapon ay manlalamig
ngunit sa bukang-liwayway, gugunitain
sarili ang maging unang daigdig
pagkamuhi ay tuluyan nang palayain

kaya't sa bawat salitang isusulat
yakapin ang letrang namumukadkad
darating ang araw na muling pagkamulat
masisilayang muli ang ligaya sa paglipad
Danice Feb 2019
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;

ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.

nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan

isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
Franz Jan 2017
‘Para **’.
‘Yan ang sambit ng mga pasahero
sa t’wing sila’y magpapaalam.

Magpapaalam sa tapat na tsuper,
na sila’y nalalapit nang magpaalam.

Ngunit sa kaso ko, ipapaalam ko sa’yo,
Na ako’y magpapaalam na.

Sa tinagal ng aking pagsabit sa dunggot nitong hawakan,
Sa likod nitong pampasaherong dyip na sa kasagutan mo’y
pupunta,

Mas pipiliin kong bumitaw na lamang at masugatan.
Kaysa patuloy na mangawit sa dulo ng dyip na iyong minamaneho,

Tangay ang daan-daang mangingibig.
Bawat isa, sabik sa patutunguhang destinasyon mo.

Walang kaalam-alam na isa lamang ang maaring
parangalan,
Ng banayad at matamis **** ‘Oo.’

Ngunit sa bawat pagtapak sa silinyador ng jeep,
Sa bawat pagpihit ng kambyo,

Ang aking kamay, katawan, binti, at kaluluwa,
ay unti-unting nawawalan ng sigla,

Hanggang sa mabatid ng aking makitid na pag-unawa,
Na ito na ang hangganan, at wala na akong kawala.

Kaya bago ako bumitaw sa aking kinakapitang pulungan,
Nais kong ipa-alam, na ako’y magpapaalam.

Ibinuka ko ang aking nag-aatubiling bibig,
at ang mga salitang nakulong sa aking lalamunan,
tumakas at nagpaalam.


"Para, para sa inyo…
Ay hindi. Para sa’yo."
kingjay Feb 2019
Itinudla sa puso ang palaso
kung tumatagos at nagdurugo
maaaring ito'y kapalaran na
umaabay sa delubyo

Tunay na paggiliw
ang siyang magdudulot,
magpuspos sa talaarawan
ng saya't sigla
sa likod ng kapighatian

Sa silakbo ng pag-ibig
ang nararamdamang umiinit
Hindi marahan
Masyadong mabagsik

Kung gayon iba na ang ipinapahiwatig
Tawag ng laman ay ang kalibugan
at ito'y di kailanman maihahambing sa puso ng Pebrero
na walang iba na mag-aangkin

Mayroon na ang sinta ay itinatangi
halos ang larawan sambahin
sa araw at gabi nangabusog na sa
dasalin

Mas mabuti pa ang ganda
na pangkaraniwan ang uri
May kapintasan man ginusto pa rin at inibig

Ang nabigo't
nasadlak sa lumo
Nang muli kumabig ay
mas lalong naging matamis ang mga pagngiti

— The End —