Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Celestial Tales Mar 2021
Pagtulog na lang ang pahinga
Pag gising, ikaw ang laman ng isip, ngunit
Pagkapikit ng mga mata
Pag-ibig mo pa rin ang hanap sa panaginip.

Sa gabi'y isang bangungot;
Sa araw'y malabong imahinasyon
Samantalang ang pinakamasalimuot—
Sabik akong magkatotoo lahat ng 'yon.
Tayo sana sa katapusan
Ikaw sana ang wakas
Prinsesa sa kaharian
Sumilip ka sa awang bukas
Xian Obrero Jun 2020
Mahal, kumusta ka?
Ako ay masaya sapagkat panaginip kita.
Mahal, masaya ka rin ba ?
Ano bang nadarama mo? Sana’y nalalaman ko.

Mahal, nandito lang ako..
Sana andito ka rin, nandito sa tabi ko.
Ngunit alam ko na kahit ako pa’y manalangin
hinding-hindi ka na posible pang mapasaakin.

Mahal, bakit ka lumisan ?
kaunti na lamang ay akin nang maaabutan.
Kaunti na lang mayayakap na kita
ngunit pagdating ko nakaalis ka na. Tuluyan nang nawala.

Nawala ka, dumating ako.
Tumakbo ako palapit, tumakbo kang palayo.
Bakit ba hindi man lang tayo nagtagpo?
Bakit ba umakyat ka na noong bumaba ako?

Ngunit ganoon pa man ay panaginip kita.
Kung pwede lang manatili ay ginawa ko na.
Kung pwede lang matulog nang mahimbing, gagawin kong talaga...
Ayoko nang magising, panaginip kita.
Pusang Tahimik Mar 2020
Halika't dadalhin kita sa palasyo
Ipagbibihis kita't ipagluluto
Ang lahat ay tatalima sayo
Sapagkat ikaw ang reyna sa palasyo

Walang suliranin na darating sa atin
At ang lahat ay magiging atin
Ang lahat ay magagawa natin
Maging ang oras ay susunod sa akin

Lilikha ako ng maraming bituin
Ang lahat ng iyon ay kaya Kong bilangin
Madali kahit maging ang buhangin
Dahil hawak ko ang oras natin

Hindi ka luluha at masasaktan
Dahil tatangalin ko ang kamatayan
Hinding hindi kita pababayaan
Kahit magising pa sa katotohanan

Halika na at tayo na ay uuwi
Sa kaharian kong ako ang hari
Pangakong hindi ako hihikbi
Sa pagka gising ko sandali.

-JGA
Wynter Feb 2019
Roses are red
Violets are blue
I'm awkward and stupid
But I still dream of you
Danice Feb 2019
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;

ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.

nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan

isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
Meruem Sep 2018
Kung may didinggin man na isang panalangin,
Maari bang hindi nalang magising?
Kung ito man ang huling sandali,
Gusto ko ng magbakasakali.
Ika-1 ng Oktubre taong 2018.
Angel Aug 2018
Hawakan mo aking kamay
Magpadala sa agos ng buhay
Huwag sayangin ang oras
Huwag hayaang lumipas

Mga sandaling kay saya
Mga araw na malaya
Tila wala ng bukas pa
Sa mga kamay mo aking sinta

Ngunit ako'y nagising
Sa isang panaginip
Wala ka sa aking piling
Hinanap ka sa paligid  

Lumipas ang mga sandali
Nakita ang mga mali
Nawala ang lahat sa isang saglit
Nakitang ako'y pinagpalit

Namasdan ang iyong saya
Namasdan na ika'y malaya
Masaya, malaya sa piling ng iba
Lahat ng yon ay panaginip lang pala
cherry blossom Jun 2018
naaalala ko ang lamig ng tubig sa mga balikat natin
mga oras na tumigil ka sandali,
at sumuko
tinanong mo ako tungkol sa mga panaginip ko kagabi
sinusuklian mo ako palagi ng ngiti
mga oras na tayong dalawa lang ang may alam
4/30/18
Paraluman Jul 2015
Gabi-gabi
Sa unan ay dali tumatabi,
Nananabik
Mata'y pumikit, Bibig humilik,
Panaginip
Kitang mahagkan at makapiling.
Paraluman Jul 2015
Ang sarap isipin
Na ika'y kapiling
Sana'y di magising
Sa mulat na panaginip
Atin may gustuhin
Ito'y totohanin
Ngunit di natin kakayanin
'Wag natin pilitin
Panatiliin na lang itong
Mulat na panaginip.
HugoTula #1

— The End —