Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
RL Canoy Sep 7
From afar
I smile on your smile
Like a stargazer
Watching the brightest star

Always wondering
On how to reach the sky
And kiss those lovely twinkle
If only if I can fly.

If you feel happy in knowing
someone admiring you.
Then be proud of yourself
as I always dreaming you.

But if doesn't
and just irritates you.
Then my apology
for loving you.
For you JMPC
RL Canoy Sep 6
Kung ikalulugod mo at ako'y pagbibigyan
at iyong tatanggapin ang aking pag-aalay.
Ang buong kagalingan ko'y iyong maasahang
ihahandog sa yapak mo aking Paraluman.

Hindi ko maibigay sa'yo ang katiyakang
sa iyong mangingibig ako'y nakakalamang.
Ngunit maasahan **** ang hangaring dalisay
ay walang makakadaig kahit sino pa man.

Nababatid kong ikaw ay may pinipithaya,
kung gawing panukat ko'y aking kinabahagya.
Ngunit kung papalaring lilingunin mo Sinta'y
hindi ko sasayangin ang matatamong tuwa.
RL Canoy Aug 28
For so long
I want to walk,
always longing
to approach to you.
Now the time
gives me a chance,
then now
my heart's desire
is to continue the path
with you.
Shares the happiness
as long as in the pain.
Together against challenges
under the sun and rain.
In this long ride journey of life
I believe you will be the best
companion I ever had.
RL Canoy May 10
Sa bawat paglipad ng diwang mapanglaw,
handang mararating ang di masasaklaw,
wari'y walang pagal yaring paglalakbay,
kahit saang sulok ng sansinukuban.

At saang dako man akong magmamasid,
ikaw bukod tanging nakita ng isip,
kung masilayan man ang loob niring dibdib,
laging larawan mo ang ninitang wangis.

At sa pagkahiga't hanggang sa maidlip,
ikaw yaring dalaw sa hapo kung isip
at ang laging huling mutawi ng bibig;
"Makapiling nawa, kahit panaginip".

At sa pamimitak ng bukang liwayway,
tanging hinihiling na masisilayan,
ang iyong pagngiti kahit sulyap lamang
at di ipagkait ang sigla sa araw.

©Raffy Love Canoy |April 2020|
Ang tulang ito ay alay ko sa binibining aking minamahal na si JMPC
RL Canoy May 10
Tuwing balikan ko ang nangakaraang
araw na nagugol noong kabataan.
Wari'y nagbabalik ang diwang malumbay,
na minsang dinanas niring abang buhay.

Ang bawat nagdaang aking mga araw,
doon sa luntiang ating paaralan
gunita ay pawang dusa't kapanglawan,
ang bumabalot niring balintataw.

Subalit ang dusang nakapanghihina,
pilit napapawi ng mumunting saya.
Ang isang bituing kahali-halina'y
naging hugot-lakas niring pusong aba.

Hindi ko mawari noon yaring dibdib,
tuwing binabaybay ang daang matinik.
Anong ubod sayang naglaro sa isip,
ang sinintang Musa ng aking pagibig.

Simula nang ikaw ay aking mamasdan
O! hangad kong tala sa sangkalangitan,
hindi ko malirip at di na maparam
tila nanggayumang lagi sa isipan.

At magbuhat noo'y aking hinahangad;
ang sangkalangita'y aking malilipad,
upang mahahaplos ang talang pangarap
at isang dahilan niring pagsisikap.

Subalit ang hangad wari'y panaginip
at tila'y malabo itong makakamit.
Pagkat ako'y lupa't ikaw'y nasa langit,
at kutad ang pakpak at walang pangsungkit.

Ang tanging nagawa, sa layo'y pagmasdan.
Puso'y inaaliw sa taglay **** kinang,
at kung anong siglang sa akin nanahan,
ang sanlibong dipa'y lakaring di pagal.

Iyon ang gunita't aking kabataan,
doon sa mahal kong ating paaralan.
Kung pagsaulan ko'y pawang kapusukan,
subalit tiyak kong sa puso ay bukal.

Sumapit ang yugtong di ko na namasdan
ang tanging bituing aking minamahal.
Pagkat ay nalayo ako sa tahanan,
upang susuungin ang bago kong daan.

Ang pakiwari ko'y sa taong nagbago,
paghanga'y aayon at ito'y maglaho.
Tulad ng magapok ang buhay na bato,
kung saan inukit ang puso't ngalan mo.

Taon ay nagdaa't panaho'y lumipas,
ngunit ang paghanga'y hindi kumukupas.
Hindi ko maarok na lalong nagningas,
nang muling magtagpo ang ating nilandas.

Kaya ninais kong maipapahayag,
ang mga damdaming sa puso'y nailimbag.
Limang ikot-araw ang mga nagwakas,
magpahanggang ngayo'y laging umaalab.

Ikaw ang bituing aking hinahangad,
isa sa nagtanglaw niring aking landas.
Ang Musa sa puso't tanging nililiyag,
ang umakay niring diwa na sumulat.

At ngayon ay aking naipapabatid,
dito sa talatang nagsalasalabid.
Mula sa paghanga't tungo sa pagibig,
ang hindi maihayag niring dilang umid.

Papalarin kaya itong abang lingkod,
at mula sa langit ikaw'y pumanaog?
Diringgin mo kaya yaring tinitibok
ng pusong noon pa'y sa'yo umiirog?

At kung yaring akda'y sa'yo walang lasap,
ipaguumanhin ang pusong sumulat.
Ninanais ko lang na maipahayag,
ang aking pagtangi sa'yo at paglingap.

At kung kasadlakan nito'y pagkabigo,
sa aking paglapit, ikaw ay lalayo.
Tanging hinihiling, sa iyong pagtakbo,
nawa'y di burahin ang mga yapak mo.

©Raffy Love Canoy |March 2020|
Ang tulang ito ay handog ko sa dilag na aking hinahangaan na si JMPC
RL Canoy Oct 2019
A flock of sheep
Wandering amidst desert
Walking along the thorny path
In seems like endless arid land
Someday I will lead them
Towards oasis and green pasture.

©Raffy Love Canoy |October 2019|
Dream for my family
RL Canoy May 2019
Sa bawat paghakbang ng paang maputik,
anaki'y malugmok ang katawang impis.
Hindi iniinda ang ngawit ng bisig,
sa bawat paghampas ng pulpol na karit.

Mata'y pumapait sa agos ng pawis,
di ramdam ang init sa katawang manhid.
Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik,
tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.

Tinig ng sikmura'y parang humihibik,
lalong gumagatong sa hapo at sakit.
Pilit pinapawi sa tuwing iihip,
ang simoy ng hanging tila umaawit.

Sa gitna ng hirap na pinagdaanan,
ang tanging hiling sa Poong Maykapal.
Nawa'y didiligan ang sangkalupaan,
at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay.

Sapagkat sa munting pawis-magsasaka,
sanlibong sikmura ang pinapasaya.
Ang tinik sa paang nakapanghihina,
Sanlibong katawan ang pinasisigla.

Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat,
hindi iniinda kahit naghihirap.
Para may mahain sa mumunting hapag,
at pagsasaluhan na mayroong galak.

Ang iba'y inisip kung anong lutuin,
ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain.
Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin,
ang mga nagtanim salat sa makain?

Ganito ang buhay ng may gintong kamay,
na puno ng lipak, marumi't magaspang.
Subalit malinis ang pusong tinaglay,
bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay.

Sila ang bayaning dapat na purihin,
sandata'y palakol, tumana'y suungin.
Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim,
katumbas ang bungang gumigintong butil.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Ang tulang pastoral na ito ay sumasalamin sa mga pinagdaanan ko noon sa kinalakhang bukirin.
Next page