Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Random Guy Mar 18
bibilis at babagal

ang oras at ang tempo
ang paghinga at ang paggalaw
ang tibok ng aking puso

bibilis at babagal

maging ang mga salita
maging ang mga hakbang

papalapit ng papalapit
ang ating mga tadhana
ang ating mga landas

dalawang bagyong magtatagpo
upang bumuo ng isang kalmadong relasyon
mapanuya
na hindi kailanman nila makuha

sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng busina ng sasakyan
ilang metro ang layo

sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng nagkukwentuhang lasing
ilang hakbang lang ang layo

sasayaw sa musikang
dala ng tadhana
dala ng sipol ng hangin
nagbabanta ng paparating na ulan

sasayaw sa kabila
ng mapanirang tadhana
na posibleng isa sa ating ang mapilay
o mapahiya
dahil hindi na makasabay
sa ritmo at giling
sa musikang dala ng tadhana

patayin ang musika
kagaya ng pagpatay sa nararamdaman
hindi na ulit ako sasayaw
kung hindi ikaw ang kasama
Random Guy Jan 12
walang maisip
walang magawa
walang salita na makapagpapaliwanag
ng nararamdaman
blangko ang isipan
walang laman
ang mga tibok ng pusong
dati'y bawat kabog
merong mas malalim na pinapahiwatig
tinig na wala ring patutunguhan
mga salitang walang tugma
mga himig na tila'y wala sa tono
blangko
walang laman
at kahit ano pang mensahe
ang gustong ipadaan
mawawalan ng kahulugan
dahil ang lahat ay
blangko
walang laman
Random Guy Oct 2020
mga salitang

ginawang tula
nilapatan ng kanta
isinulat sa mga pahina

at para bang umiikot lamang sila
sa iisang tema
at paksa

na ikaw pa rin pala

at ikaw pa rin pala

kahit na
hindi mo na sila mapakinggan
o mabasa
#Philippines #Filipino #Tagalog #hugot #sakit
Random Guy Oct 2020
red hair
and blue skies
black shirt
under white light

colors seem fun
if you're still mine
Random Guy Sep 2020
wala na rin namang bago
kung isasara mo
kahit ang nagiisang bukas na libro
upang mabasa ko ang mga nasa isipan mo
ginagawa mo
saloobin mo
dahil wala na rin namang bago
matagal na naman ding sarado
ang pinto, ang libro
at kung ano pa mang representasyon
na meron tayo
Random Guy Sep 2020
baha
bagyo
ulan
init

noong walang naniwala sayo
nandoon ako
sa tabi mo
at ngayon
na ramdam ang pait ng mundo
wag mo sanang kalimutan
ang mga paalalang binanggit noon sayo
at ako lamang ang naniwala sayo
Random Guy Sep 2020
patawad sa hindi paglaban
patawad sa agarang pagsuko
patawad sa natitira pang salita
na hindi kailanman makabuo--
ng isang diretsong talata
upang ang lahat ay mapaliwanag
ngunit hindi na rin naman kailangan
dahil huli na ang lahat
Next page