Hello Poetry is a poetry community that raises money by advertising to passing readers like yourself.

If you're into poetry and meeting other poets, join us to remove ads and share your poetry. It's totally free.
Cal Ashiq Feb 2017
Pag-ibig na parang pagsikat ng araw
Damdaming tila umaapaw
Ito'y simoy ng hangin sa bukang liwayway
Pag-ibig na sadyang walang kapantay

Ito'y haplos sa dalampasigan ng mga alon
Kasing ganda ng paghuni ng ibon
Sadyang nakakabighani na parang bahaghari
Ito'y walang sinumang pinipili

Ito'y sinang ng tala sa gabing madilim
Liwanag ng buwan sa kalangitang kulimlim
Pagmamahal na sadyang kay tamis
Damdaming hindi mo matitiis

Ito'y rosas na bumubukadkad
Wari mo'y ibon na lumilipad
Sadyang kay ganda magmahal
Pag-ibig na kailanmay magtatagal
Ayin Medina Feb 2017
Susundan ng aking matang sabik sa kagandahan
Natatanging liwanag sa itim na kalangitan
Susulitin itong oras maging panadalian
Mawala ma'y mapalad pa rin dahil nasilayan
Ayin Medina Jan 2017
Namumutawi sa bibig ang mga salitang "mahal kita"
Paulit-ulit na mababasa sa bawat tula ang "sinisinta kita"
Makikita mo sa mga mata ang mga letrang "iingatan kita"
At sa higpit ng yakap, madadama mo ang mga katagang "pahahalagahan kita"
Hindi mo malaman laman
Kung paano niya nahahanap ang mga salitang pagmamahal
sa kabila ng sukdulang pag-iisa
sa loob ng mapait at malupit na mundo sa napakatagal na panahon.
Paano niya naibibigay ang mga salitang pagmamahal sa tila pagkabingi na sa paghihintay ng ganti sa mga matatamis na salitang
paubos na

-a.m
"kung magsulat, kala mo ay nagmamahal" - @fromthebeers on twitter
Gene Dec 2016
Paano kung sabihin ko sa’yong patapos na,
Na ang dulo’y abot na ng aking mga mata?
Ngunit sa bawat hakbang kong papalayo sa’yo,
Tila ba ang loob ko’y napupuno ng bato.

Paano kung sabihin ko sa’yong ayoko na,
Na hindi ko na kaya kung patatagalin pa?
Sapagkat ga’no man kalalim akong nahulog,
Natatapos din ang himig ng awit at tugtog.

Paano kung sabihin ko sa’yong panahon na,
Para sa pagpalaya natin sa isa’t isa?
Dahil kahit gusto ko mang kumapit pa sa’yo,
Pareho tayong mapapako kung ‘di lalayo.

Paano kung sabihin ko sa’yong paalam na?
Salamat sa mga ala-ala nating dal’wa,
At patawad sapagkat hindi napanindigan,
Ang unang pagsuyong ating inaalagaan.

Mahal, pa’no kung sabihin ko ang lahat ng ‘to,
Nadarama mo rin ba ang sakit na taglay ko?
Kung ang puso kong nasa iyo ay sugatan na,
Pa’no ko pang masasabing— mahal pa rin kita.
grade 10 assignment in filipino / 101015 10:11 pm
Idiosyncrasy Nov 2016
Ikaw yung unang ulang bumuhos**
Pagkatapos ng mahabang tagtuyot.
Rain

You were the first rain that came
After the long drought.

/Random thoughts./
Natatakot ka kung saan tayo dadalhin.
Natatakot ako kung hindi tayo makarating.

Hindi tayo makakarating kung hindi ka magpapadala.
Hindi tayo madadala kung di tayo makakarating.

Nakakatakot mabuhay sa takot, mahal ko.
Hawakan mo ang aking kamay, at tatalon na tayo

Palayo mula sa takot. Saan man tayo dalhin, kahit hindi makarating.
Para sa iyo, C.J.
Ayin Medina Sep 2016
Kung sakaling ito na ang huling sandali
Sa pinakasandaling pagkakataon ako ay pinili
Magmimistulang tama ang mga mali
Mababahiran ng itim ang puti

Kalilimutan ang kahapon at kasalukuyan
Hayaan muna ang kinabukasan
Ang ating higaan ang magsisilbi nating munting kaharian
Ang mga labi at init ang magsisilbi nating panlaban

Pipiliting ibahin ang mundo
Palambutin ang damdaming naging bato
Paaalabin ang mga puso
Ipananalangin na hindi huminto

Pagbibigyan ang pusong sabik
Palalalimin ang bawat halik
Boses ay mawawalan ng imik
Patuloy na magsusulat ng mga titik

Ikaw ang piyesang paulit-ulit na babasahin
Ang tulang kakabisaduhin
Ikaw ay sasalubingin
Kung sa pag-alis mag-iba ang ihip ng hangin
Ayin Medina Sep 2016
Ayaw ko nang maglaro
nakapapagod, nakakasawa
Ayaw ko nang maglaro ng habulan
noong bata pa tayo
isa, dalawa, tatlo hahanapin kita
maliliit pa lamang ang mga hakbang
alam kong maaabot kita
hindi matatapos ang maghapon nang hindi kita nahahawakan
Pero ayaw ko nang maglaro ng habulan
sobrang layo na nang tinakbo mo palayo
nakabilang na ako ng isa, dalawa, tatlong taon, ako pa rin ang taya
Ayaw ko nang maglaro
nakapapagod, nakakasawa

Ayaw ko nang maglaro ng langit lupa
lumipas ang sampung taon, ika'y tunay na langit na
mahirap ka nang mataya ng tulad kong matagal nang nasa lupa
ika'y nasa taas kasama siya
Ayaw ko nang maglaro ng taguan
noong tayo'y anim na taong gulang
hahanapin lang natin ang isa't isa sa bakuran
Ayaw ko nang maglaro ng taguan
humayo ang panahon, ako pa rin ang naghahanap
hindi na sa bakuran lamang, sa buong mundo na mahal
Ayaw ko nang maglaro
nakapapagod, nakakasawa

Ayaw ko nang maalala ang larong tumbang preso
minsa'y nakikita ko ang sarili ko sa lata
Binabato ng mga masasayang alaala natin
Na unti unti sa aki'y nagpapatumba
Ayaw ko na maisip ang laro nating luksong tinik
minsan ay naiisip kong sana wala na lang ang ngayon
sana nanatili na lang ang kahapon
na ang mga nilulundag lang natin ay ang pinagpatong patong na daliri
at hindi ang mga nasayang na pagkakataon

Ayaw ko na
Ayaw ko nang maglaro
Dati ay kasama ka
Kalaro, kakampi
Ngayon ako na lang ang mag-isang naglalaro sa kapalaran
nakapapagod, nakakasawa
Sa paglipas ng panahon, ayaw ko na talaga
Kwento nating dalawa ay isang laro
Laro na kung saan lagi akong natatalo
Sa bawat pagkatalo, bibigyan ng panibagong buhay
Buhay, at pagkakataon
Upang muling maglaro
Para lang muling matalo
Ayaw ko nang maglaro
nakapapagod
nakakasawa
This piece is inspired by Autotelic's Laro and Patintero, Habulan Larong Kalye by Ang Bandang Shirley
Ang ating tadhana'y sadyang pinagtagpo
Di ko nga malama't ako'y nalilito
Maging hanggang ngayong naging ikaw't ako
Nanatili pa ring tuliro isip ko.

Dati ay pangarap lamang kita mahal
Ngunit 'wag isiping ako'y isang hangal
Libre pong mangarap ng sariling dangal
Lalo pa't ikaw ang ibig kong matambal.

Kay sarap gunitain una nating usap
Di ko man lang pansin bilis niyong oras;
Sa muni-muni ko ikaw ay kaharap
Ibig ko'y magtagal mapahanggang bukas.

Sa bawat minuto't nagdaang segundo
Aking sinusubok perpil mo mahal ko;
Sa tuwing makita iyong litrato mo,
Di ko maiwasang kiligin ng husto.

Nang dahil sa Facebook, nakilala kita
Nang dahil sa Facebook, naging tayong dal'wa;
Ang ibig ko sana'y makatagpo ka na
Nang ikaw'y mayakap at makakasama.
Karapatang Ari 2016 ni Donward Cañete Gomez Bughaw 07/09/16 11:25 PM
With co-author Joyca Valenzona
Next page