Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
Tumibok ang puso ko
Hindi dahil sa may hinihinga pa
Ngunit bunsod sa kaba.

Tumayo ako't humakbang
Narating ko ang entablado;
Hindi ko lubos maisip
Na ito na ang pangalawang beses
Na tutuntong ako't haharap sa madla.

Isang pribilehiyo
Salamat sa grasya ng Panginoon.

Panimula ko'y winaksi na sa isipan
Bagkus ang bibig ay kusang niluluwalhati Siya
Maging ang pangwakas ay nakatuon lamang sa Kanya.

Ang buhay ko'y minsang naging sakal
Akala ko noon, kaya kong walang sinasandalan
Ngunit ako'y minsang naupo sa silya-elektrika
At tinawag na nasasakdal.

Isarado natin sa siyam na taon
Ako'y nasa rehas pa ng kadiliman
Na tanging sariling latay ang nasasaksihan
Kilala ko Siya na may lalang sa akin
Ang tingin nga lang ay ambulansya Siya:
Na 'pag kailanga'y, panay hikbi't nanlilimos ng grasya
Ngunit 'pag ayos ang lahat,
Iniiwan ang sarili't umiindayog sa dilim.

Sa siyam na taon
Ako'y binahiran ng itim na blusa
Akala ko'y hindi ko na matatakasan ang rehas;
Ang sekswal na kasalanang bumalot sa pagkatao
At naging mitsa nang paghinto ng nararapat na pagpapala.

Ngunit ang lahat pala'y kayang limutin ng Ama
At ang maling relasyo'y kinitil sa tamang panahon
Na ang pag-ibig ay magkaroon ng katuturan
At doon nalaman na 'pag para sa kapwa'y
Sunod lamang sa mas rurok
Ng saktong timpla ng pagmamahal.

Umaagos ang luha ko nang walang nakakakita
Ang puso'y hinihele ng Kanyang mga anghel
At ang Kanyang sakripisyo'y tagos sa kamoogan.

Hindi ko lubos na maintindihan noon ang pag-ibig Niya
Na kayang akayin ang buo kong pagkatao
At buburahin ang kamalian ng nakaraan
At maging ng ngayon at ng bukas.

Hindi ko alam kung saan paparoon
Kaya't pilit kong sinuot ang maling maskara noon
Ang puso'y mali rin ang naging direksyon
Maling galaw at mali ang naging layon.

Ibinaling ko ang lahat sa sariling persona
Nag-aral nang mabuti't hindi nalulong sa anumang droga
Maraming organisasyon ang kinabilangan
Sa pag-aakalang matatakpan ang bawat butas
At masisilayan lamang ang magandang antas ng sarili.

Sa madaling salita, binuo ko ang sarili kong pagkatao
At nalimot at nakaligtaan na may nag-iisa lamang na Manghuhulma
Ngunit salamat at naarok ko ang tamang landas
Na ang minsang batong sinantabi't itinapon
Ang siyang tutuwid sa baku-bako kong daan.

Hindi pala ako magiging masaya
Kung ang sentro ko'y ang aking sarili
At nang ako'y palayain Niya,
Masasabi kong ganap na ang aking pagkatao
Na nakilala ko ang sarili --
Kung sino ako't kung para kanino.

Wala na akong mahihiling pa
Mahirap man sa sansinukob na ito'y
Patuloy pa ring maghihitay sa Kanyang pagbabalik.

Hindi ko kinalilimutan ang mundo
Ang labindalawang disipolo na Kanyang regalo sa akin
Ang kanilang mga buhay na tangan ko hanggang sa huli
At hindi sapat na sumuko lamang
Hindi ko kaya, ngunit kaya Niya.

Ang pag-ibig ko sa pamilya ko'y hindi maaawat
May mga tanong sa isipan ngunit hindi ko ito ginising
Hindi ko abot ang Kanyang kaalaman
Kaya't inilapag at inihain na lamang sa Kanyang paanan.

Muli, hindi ko kayang mag-isa --
Mag-isang nag-aarok ng pansamantalang tagumpay
Ngunit ang paniniwalang may pag-asa pa
Ay patuloy ang pag-usbong gaya ng mga malalagong dahon;
Ang bawat kaluskos ay maririnig ng Ama
At ang pugad na kinatitirikan ko ngayo'y
Haplos ng Kanyang banal na mga kamay.

(6/28/14 @xirlleelang)
solEmn oaSis Nov 2015
maglayag gamit ang bagwis ng alapaap
duon walang sino mang makaka-apuhap
sa bawat hikbi ng pag-iyak
halu-halong luha ng galak*

pakawalan ang enerhiya ng kamalayan
sa araw-araw **** ensayo ng paglisan
ipagmalaki ang kulay ng iyong pagbabago
sabihin ng matingkad sa mundo at wag itago

magpakatatag ka sa hamon ng kaibigan
hawakan ang ningas sa iyong mga kamay
maging mahina sa tawag ng pagmamahalan
ibalik-tanaw ang ibinunga ng iyong tagumpay!
isang wika sa mabuting ibubunga!
INTERNATIONALLY IN OTHER WORDS..."an idiom optimism"
Isang gabi, sa paghiga
Tumabi kay inang nahihimbing
Di niya batid ang luhang
Sa mga mata ko'y naglalambitin

Di ko alam kung paano
Maitatago ang sakit
Di ko alam kung ano
Ngunit parang sa puso'y gumuguhit

Kinupkop ang sarili sa aking pagtabi
Labi'y halukipkip tinakpab ang bibig
Pilit pinatatahan ang aking sarili
Ngunit luhay umaagos na para ngang tubig

Ang hikbi kong ako lang ang nakakarinig
Ang wasak kong puso, ikaw ang may hatid
Ang huwad na pag-ibig sa akin inilaan
Sino pa ang susunod mo na sasaktan?

Maawa ka, sinta, maawa ka sa kanya
Huwag mo siyang wasakin na katulad ko
Maawa ka, mahal ko, wag mo na siyang saktan
Dahil ang puso niya'y madudurog mo lang

Ina, patawad, hindi ko masabi
Ang pait at hapdi nitong puso kong sawi
Dahil sa estrangherong nagpanggap na anghel
Matapos ko'y iba naman ang pusong kaniyang hinahati...
Austine May 2014
sa pagsasalubong ng araw at buwan
hindi ko pa rin magawang tumahan
ilang oras na nang ika’y lumisan
pero pagbabalik mo’y patuloy pa ring inaasahan

karapat-dapat bang hintayin
ang pag-ibig na hindi na sa akin?
mananatili pa rin ba akong sabik
sa iyong mga yakap at halik?

sa paglalim ng gabi
tila ang mga bituin ang pumapawi
sa sakit na dulot ng iyong labi
na siyang dahilan ng aking mga hikbi

hindi ba’t ikaw ay nangako
na sa laban na ito’y di ka susuko?
hindi ba’t ikaw ang sumuyo
at sa aki’y noo’y nagsumamo?

sa pagbabalik ng araw
alam kong di na kita matatanaw
ang hiling lamang ay agad malusaw
itong pag-ibig na di mo pinukaw
w Apr 2019
91
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
elea Oct 2016
Takot ka?
Sabihin mo sakin Takot ka ba?

Hindi tayo isang pelikula na ginawa para mag paiyak ng batang madaling mapaniwala.
Hindi tayo pag susulit sa matematika na gustong iwasan ng lahat sa takot na bumagsak sila.

Oo takot ka.
Ako din naman.

Nanginginig ang kamay ko sa takot na baka kahit piling piling mga salita ang gamitin ko ay mali parin ang aking maisambit.

Hinagpis.
Hinanakit.
Kapit.
Kaya pa ba?
Sabihin mo sakin kaya pa ba?

Ipagpapatuloy pa ba nating ang pag tupad sa mga pangako.
Pagtupad sa lahat ng mga "Itaga mo sa bato..."
O, iiwan nalang natin itong nakabinbin sa dating tayo.

Tayo.
Meron pa bang tayo?

Nasaan na yung ikaw at ako.
Nasaan na ang mga salitang "Hinding hindi ako magsasawa sa iyo".
Napagod ka na bang punan ang mga pagkukulang ko?
Kailan ka kaya makokontento.

Takot nakong tumingin sa karimlan ng langit na baka may isang bulalakaw ang mapadaan at hilingin kong tayo nalang palagi.
Hindi naman maari.
Napapagod din ang damdamin.
Hindi na alam ng tadhana ang gagawin.

Pagod ka na ba?
Sabihin mo sa akin pagod kana ba?

Kasi ako Oo.

Ayokong katakutan ang bukas.
Ayokong manghinayang sa kahapon.
Ngunit Mahal pagod na ako.
Pagod na ang puso matakot.
Nahihirapan na ako huminga sa hindi mo pag pansin sa patuloy kong pagkapit.
Gusto ko ng matapos ang pag hikbi.
Ano pa ba ang silbi.
Ako nalang ang natitirang sundalo.
Wala kahit na anong baril na dala.
Sugatan na tumatakbo.

Tama na.
Talo na.

Pagod na ako sa pagiging hindi sapat.
Hindi ko na mawari kung ano pa ba ang dapat.
Patawad mahal sa pag suko.
Pero eto na ata.
Tapos na ang gera sa isip at puso.
Tapos na tayo.
-dito ko nalang idadaan ang ninanaais kong sabihin dahil hindi ko kayang makita ang iyong mga mata na patuloy paring nagpapanatili sakin. Patawad pero tapos na ata ang kwento ng Tayo-
Mira Alunsina Jan 2018
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo
Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno
ng mga sigaw
ng mga hagulgol
ng mga mura
na pinipilit na hindi makawala
Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos
hanggang sa tuluyan nang mapaos
Hindi mo pa rin pakikinggan
Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon
sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin
ay tuluyan nang napupunit
Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag
Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi
Katulad ng pag-iibigan natin
Sa pahinang ito
Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho
Nabura na ang tinta at naging malabo na
ang mga salitang Mahal na mahal kita
Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na
Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo
Sa bandang kaliwa ng ating kama
Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan
Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal
Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal
Pero mahal
Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura
Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal
At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata
Nasaan na ang pinangakong walang hanggan?
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan
Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan
Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit?
Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat
Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan
Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka
Mali..
Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na
Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba
o hanggang kaibigan lang ang tingin niya
o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya
Putang ina
Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko
Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako
Mas masakit yun
Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan?
Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati?
Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal?
Gusto ko lang naman pakinggan mo ako
Gusto kong malaman mo na ayoko na
Na kahit ayoko na ay ayoko pa
Ayoko pang bumitaw
Dahil natatakot akong maligaw
Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw
Ayoko pang mawalay sayo
Ayoko pang ako’y iwan mo
Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba
Pero Mahal kita
Pero Ayoko na
Ayoko na sana
Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw
Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to
Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal
Mahal kita
Oo na hanggang sa huli
Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko
At nakasulat sa huling basang pahina na ito
Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
Mister J Feb 2019
Gising na naman ng alas dos ng gabi
Hinihingal at pinagpapawisan ng sobra
Mula sa isang bangungot ako’y nagising
Nagising sa katotohanang parang bangungot din.
Hindi mapigilang bumuhos ang mga luha
Puno ng hinagpis mula sa kahapong mapait
Bawat hikbi at buntong-hininga pilit pinipigil
Habang nagkukumahog hanapin ang nawawala

Damdaming nagtitimpi ay biglang pumutok
Mga emosyong rumagasa ng walang habas
Mula sa nasirang prinsa ng aking puso
Umaagos papunta sa mga matang ayaw tumahan
Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong haplos
Pati mga halik na ibinuhos sa aking mga labi
Unti-unting nawawala ang wangis mo sa ating kama
Ang kamang nilisan mo nung ako’y iniwan mo

Gabi-gabing iniisip ang mga dahilan
Kung bakit dun pa sa ating kalungkutan
Bigla mo na lang akong isinantabi’t iniwan
Kahit pa nangako tayo ng walang hanggan
Hinahanap-hanap pa rin ang ‘yong anino
Mga bakas ng kahapong gustong balikan
Ngunit kahit kailanman at ano man ang gawin
Hinding-hindi ko na muling mararanasan

Sana’y naririnig ang mga sigaw ng puso
Na nagtitiis sa sakit habang nangungulila sa’yo
Sana’y marinig muli ang mga salitang
“Mahal kita” mula sa’yong mga labi
Kaya nandito pa rin ako sa ating dulo
Inaantay ang malabong pagbabalik mo
Kahit ang puso’y nawawalan na ng pag-asa
Pilit hinihiling ang katuparan ng mga “sana”

Pag-ibig ko’y iyo pa rin
Nag-aantay sa kamang unti-unting nilalamig
Ang mga bisig na ang tanging nais
Ang yakapin at hagkan kang muli
Piece written in Filipino.
Enjoy the read.
Will post a translated piece soon.


-J <3 RMIV
Sa pagpikit ng mata, pilit kong kinukubli.
Baka ang luha ay mapigilan, tulad ng iyak, naging hikbi
Pilit na ikinulong ang mga tubig ng pait
Pilit na nilululon ang sakit, ang hapdi

Gumuguhit ang sakit sa puso kong nagmamahal
Hinihiwa ito, tila di na tatagal...
Nanataling pikit at luha ay pinipigilan...
Tulad mo sa pusong ayaw kang pakawalan.

Hindi na ba talaga ako mahal?
Kung hindi na'y, huwag na akong gawing hangal...
Hindi na ba talaga ako iniibig?
Kung ganun, pakawalan na sa iyong bisig.

Hindi ko alam ang mahikang dulot mo.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang mahal ko.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang sinisinta.
At ang mahalin ka, sadyang kay sakit pala.

Pagmulat ng mata, alam ko, ito'y bubuhos
Mga luhang kubli, sa pisngi, aagos
Ang hikbi ay magiging hagulgol
Mga sasabihin ko'y nakabubulol

Patuloy ko na nga kayang ikukubli ang sakit?
Patuloy na nga lamang ba ako na pipikit?
O hahayaan na lamang kumawala ang tubig?
Baka sa pagbuhos, mahugasan ang pusong umiibig...
Isang kulisap
Ang ninakawan ng kinang
Ikinulong sa sisidlan

Bigla kang nanginig
Nang unang marining
Ang hikbi niyang puno ng pait
Bumalik din sayo ang sakit

Hindi ba't
Ikaw din ang may kakagawan
Ang iniisip ay sarili lamang
Bakit hndi ikaw ang magsimula
Pakawalan siya
At sindihan ang ninakaw niyang kinang




-Tula IV, Margaret Austin Go
Para sa mga murang isip hanggat maaga ay simulan mo ng magmalasakit.
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip

Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo

Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan

Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw

Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
040120

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan nga
Langhapin mo ang sariwang hanging pabaon Ko sayo,
Kasama ng mga pangakong kalasag at kalakasan mo,
Mga pangakong magsisilbihing pahingahan mo,
Mga pangakong ilaw mo sa dilim
Na mas maliwanag pa sa Buwan at mga bituin
Mas maliwanag kaysa sa mga alitaptap
Na sinusundan mo ng tingin.
Na sa tuwing tiyak ang ligaya o lungkot **** taglay
Ay napapawi nito ang sakit
Ang hikbi ng puso **** walang ginawa kundi umiyak
Ang bilis ng tibok na puso **** paulit ulit na kinakabahan —
Kinakabahan na mahuli ang iyong kamalian
At hindi tanggapin at akayin ng kahit na sinuman.
At habang pasan mo, tagumpay man o kabiguan
Ay matikman mo rin na hindi ka lang basta-basta
Hindi Basta-bastang buhay lamang
At nagtatago sa dilim.
Hindi ko hinayang madala ka ng dilim
Hindi kita dinala sa dilim para ikay maging sakim
At mapuno ng kirot ang kawalan mo ng pag-ibig.
Huminga ka na may gayak,
Huminga ka nang May pag-asa.

Hinga, buga
Hinga, buga
Ganyan, paulit ulit hanggang sa makuha mo ang tamang tiyempo
Nang masabayan mo ang binabato kong mga ritmo
Ibuga mo ang iyong mga kamalian
Ibuga mo ang iyong mga kasalanan —
Mga kasalanang tila isang kumunoy na humahatak sayo
Pabalik sa kadiliman
Mga kasalanang minsan mo nang iniwan
Tama na ang paghinga sa walang kasiguraduhan,
Tama na ang pagsambit na kasalanan mo naman
Tama na ang paulit-ulit na bersyon mo ng “Ayoko na ng kasalanan at gusto ko na tong iwan,”
Ngunit nariyan ka pa rin,
Humihinga ka pa rin sa iskwater na minsang ika’y parang sardinas na nakasiksik
Tama na, tama na Anak.

Hinga, buga
Hinga buga,
Naghihingalo ka na
At paulit-ulit **** nasasaktan ang iyong sarili kahit Sabi Kong tama na
Naghihikahos ka na —
Ngunit wag **** isiping napapagod ako
Na sa tuwing nakikita kita sa iyong kahinaan
Ay napapagod na rin akong gamutin ka.
Pagkat hindi ako nagsasawang mahalin ka,
Na sa tuwing sinasabi ko sayong
Umuwi ka sa akin ay naghihintay ako sa pagbabalik mo
Na hindi ako nagsasawang maghintay sa pagsabi ****,
“Ama, narito na ako.”

Hinga, buga,
Hinga, buga
Malayo pa Lang ay nakikilala ko na maging ang iyong anino
Ang iyong pagsisisi buhat sa iyong paglisang makasarili
Ngunit buo ang aking pagpatawad
At ang pag-ibig ko’y dalisay at wagas
Na sa Krus ay dumanak ang dugo ng bugtong kong anak
Ang Anak ko si Hesus na nagpalaya sa iyo
At nagbigay sayo ng daan patungo sa katiyakan
Naririnig ko na
Ang mga padyak **** sabik sa aking paglambing
Ang mga pandinig **** naghihintay sa aking mga Salita
Na pinuno ko ng siksik, liglig at umaapaw kong pag-ibig
Maging ang pagtambol ng puso mo sa kaba
Nakikilala ko ang lahat sayo at sana alam ****
Sanang alam ****
Matagal nang bukas ang ating pintuan para sayo,
Oo ating pintuan at hindi pintuan Ko lamang.
Tahan na Anak, tahan na at nakauwi ka na
Nakauwi ka na sayong tahanan.

Hinga, buga,
Hinga, buga
Tayo na anak,
Sa akin ka na mamahinga.
Jose Remillan Dec 2015
Kahapon, hinintay kong
Lumatag ang liwanag sa
Parang. Parang kahapon
Lang, ganitong oras din

Hinintay natin ang huling
Patak ng hamog ng Disyembre.
Habang ang marami ay abala
Sa kusina ng Pasko, tayo ay

Nasa Pebrero kasama si
Balintino. Tunay ngang iba ang
Kalendaryo ng ating mundo.
Ngunit ang himbing ay hikbi,

Kagaya

Kahapon, hinintay ko ang
Paglatag ng dilim sa parang.
Parang antok na hindi dumating
Dahil walang dahilan ang bukas

Na darating.
December 13, 2015
Pasacao, CamSur, Philippines
Gat-Usig Oct 2013
Aniversari ng Mag-jowa
Mansari ng Mag-jowa,
Valentayns Dey
Sa loob ng bartolina.


May wan en onli,

Kahapon kaututan ko si Bebot,
Nakaposas ang mga kamay at 'di makakilos
Nakatali ang mga paa sa kadenang
May bolang bakal,
Si Bebot ay matitigok na.
Nagkaututan kami sa gawing madilim,
Tangan ang Gud Morning,
Pamunas ng luha.
Humahagulhol dahil kay Dok Puti,
Hinahanda na nito
Ang kanyang kahahantungan,
Said na said ang mga hikbi;
Pinid na pinid ang mga kagalakan,
Gustong pahintuin ang bawat saglit.
Di mapigil ang hatol,
Nasa dulo ng karayom
Nakasalalay ang lahat;
Unti-unting naniningkit si Bebot,
Ginagapos na siya ni Dok Puti sa katre;
Walang sinuman ang makakaampat
Sa naturang likido.
Kahapon, kaututan ni Dok Puti si Bebot.
"Lav, sapitin mo nawa ang iyong katahimikan."


Sa Valentayns Dey,
kahit sinong mag-jowa.
-  Juan Dela Cruz, M.D.


P.S.
Alay sa bawat magkasintahang pinagtagpo't
pinaglayo ng pagkakataon.
Sa ilalim nitong mga ngiti at tawa,
ay isang pusong nangungulila
na puno ng mga hikbi at dalita.

Kailan kaya kita muling makita?
Kailan muli masilayan matamis **** tawa?
Kailan ulit kita mayakap aking sinta?
astrid Feb 2018
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin.
minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin.
ilang buwan naghangad na ika'y makapiling;
kailan ka kaya mapapasaakin?

ang nais ko lang naman ay magkakilanlan -
magkita, magka-usap, maging magkaibigan.
limutin mo na ang iyong nakaraan,
gawing ako ang iyong kanlungan.

sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan,
pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan;
sakit at pagod ay maiibsan
kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan.

pagmamasdan ang mga matang hapo,
ang mga gitarang sira ang capo,
ang amoy ng kape mula sa hininga mo,
pati ang paghilik **** nasa tono.

ang iyong damit na babad sa pawis,
at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis;
kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis
ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis.

at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista,
habang ang lapis sa papel ay nabubura na;
sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra
hanggang sa kung paano ka tumatawa.

isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri,
habang ang buhok mo'y hindi na mahawi.
sa bawat galaw **** aking tinatangi,
at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili

pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi.
kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili,
maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili,
ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali.

ang pagmamahal kong lubus-lubusan,
tila apoy na sinilaban;
sa'yo inialay ang bawat laban,
ngunit umuuwi akong laging luhaan.

kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito,
mayroong ibang nagsusulat para sa'yo.
kahit ipilit ko pang gandahan ito -
hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo.

at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan,
na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan;
dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan
ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan.

oo, alam ko. hindi ako nagkamali.
dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali;
patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi
na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi.

aking sinta, ikaw ang aking mundo,
mabura man ng hangin itong monologo,
mabaliktad man ito ay hindi magbabago,
at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
ESP Feb 2016
May problema talagang dala
kunwari panaginip
Halika sulat tayo

Nagtago man sa ulan
Ang ngiti ay kanta
at sayaw sa hikbi
ng ngayon
NGA Oct 2020
Umuulan na naman,
Natutuwa ba o nalulungkot ang langit?
Walang nakakaalam,
Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit.

Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha,
Pilit nanunumbalik masasayang alaala.
Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo,

Sa ulan din pala magkakalayo.
Lakad at takbo sa gitna ng ulan,
Mabasa o magkaputik ay hindi alintana.
Bugso ng ulan ay biglang dumahan,

Payong ang nakita pagkatingala.
Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata,
Iyan ang naaalala sa unang pagkikita.
Tila bang tayo ay nasa koreanobela,
Damang-dama ang pagiging bida.

Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan,
Kwento nating dalawa ay may hangganan.
Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan,
Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan.

Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka.
Basang-basa at putikan, hindi alintana.
Mga hikbi ko ay hindi mapatahan,
Kasabay nang pagbuhos ng ulan.

Payong mo'y hindi na matanaw,
Wala na, tuluyan ka nang bumitaw.
Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita,
Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
katrina paula May 2015
Tulad ng kinimuyos na papel
Sinta, kaya kitang isantabi
sa mga botelya ng alaala ng hikbi
Isasalampak sa isang sulok
Pabubulukin sa tagal ng panahon

Tulad ng maruming basahan
Puso, kaya kitang itapon
Sa'king labahan ng paglimot
Doon kita'y ikukula sa mga buntong hininga
Patutuyuin hanggang muling mapakinabangan

Marahil ito na nga ay pagtanggap
Na tulad ng maraming bagay na napaglumaan
Kaya kitang limutin at talikuran
Sa lupa, doon ang pinaglibingan
Ng ikaw at ako na walang patutunguan.
Kung pwede lang sana

Sasalungatin ko ang daloy ng panahon,
maitama lang ang pagkakamali ng kahapon.

Nasasabik akong masilayan muli
ang mga matatamis **** ngiti
na natabunan na ng hikbi at pighati.
Katryna Jan 2019
kung sakali man malihis ng landas,
lingunin nawa ako ng pagmamahal.

kung sakali mang mapagod sa kakalakad,
tangayin nawa ako ng hanging payapa
patungo sa bisig na mapagkalinga.

kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga,
dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala.

nang matapos lamang ang laban na wala akong laban.

walang salitang naririnig,
walang hikbi,
walang palag.

wala.

dahil walang handang makinig
kapag sarado ang isip.
Hanep na yan
Nang dahil dyan,
Tiwala ay nagkalamat
Pero ako ay magpapasalamat
Kung ikaw ay mananatili
At hindi magpapatali
Sa mga bagay na hindi dapat
At hindi na dapat na ilapat
Sa buhay natin
Na magbibigay sa atin
Ng kirot at hapdi,
Ng sakit at hikbi.
Salamat
Jun Lit Mar 2019
Hinahanap kita, Kaibigan . . .
Tinatawagan kita, Kapatid . . .
Sabay tayong nanghiram ng aklat,
sa Aklatan ng Pag-asa,
Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko
ang talaan ng buhay mo’y binawi na
Pilit pinapawi
Ng paroo’t paritong mga alon
at ihip ng hangin
Ang mga impit naming pahatid
Na iniukit
Ng mga palihim na hikbi
Sa tila natutulog na buhanginan
Sa dalampasigan
Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba
aming Kasama?

Hindi mawawala
ang iyong pangalan
sa harap ng pinid na pintuan
Ng kani-kanina lang
Ay dambana
Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat
At tabernakulo
Ng namimitig na mga binti
Ng nagtalumpating tinig.

Namamahinga ka na kapatid.
Ngunit hindi mapipipi ang batingaw
Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag
Ng mga kapanalig,
Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig.

Sumisilip na ang araw.
Mamamaalam na ang mga tala.
Patuloy na nagliliwanag ang bituing
Ikaw, oo, ikaw, maningning.

Hihimlay kang tahimik
sa puntod at bantayog
ng mga hindi namin malilimutang
Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala.
dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka
at maraming salamat na ikaw ay nakilala
at aming nakasama.
para kay Dr. Perry S. Ong, Oktubre 2, 1960-Marso 2, 2019;
Bayani ng Laksambuhay at Agham sa Pilipinas
[This poem is dedicated to Dr. Perry S. Ong, Dean of the College of Science, University of the Philippines Diliman and the most prominent leader of the conservation movement in the Philippines until his untimely demise.].
Eugene Mar 2016
Ilang taon kang nagtiis,
Sa kaniyang pagmamalupit.
Ilang taon kang nagtimpi,
Hikbi'y wala nang silbi.

Sinaktan, binubugbog, inupakan.
Sinuntok, binulabog, niyurakan.
Pinagsisipa, pinukpok, pinagsamantalahan.
Nasaan ang pagmamahal na kailangan?


Masisisi mo ba kung luha'y ayaw pumatak?
Sa mga matang kinalimutan ang kinabukasan,
Sa mga matang inararo ang katahimikan,
Ng pamilyang ayaw kang pangalanan.


Nasaan ang luhang gustong lumabas?
Nasaan ang luhang gustong makatakas?
Nasaan ang luhang pilit na kumakalas?
Nasaan ang luha sa pag-ibig na nagwakas?
Nangungusap ang mga mata
Kasabay ng paglagas ng mga utal-utal na salita
Walang kuwit, walang tuldok
Pilit na binubuksan ang mga pusong nililok ng galit at tampo,
Walang katapusan ang kani-kanilang mga pangungusap.

Nababalot tayo ng hiwaga
At ang ating mga puso'y napupuno ng mga lasong
Sinulsi ng kirot ng kahapon.
Lumipas na --
Nilipasan na tayo ng ilang mga umaga
Napuno na tayo ng mga agiw sa paghihintay.

Iniisip natin sa kung papaanong paraan ba
Maihahayag ang mga palamuti sa ating imahinasyon.
Paano ba natin masasabayan ang lumalagablab na galit?
Na ibinubuhos sa atin gaya ng may kumukulong tubig sa takure.
Paano nga ba tayo mananataling walang pakiramdam
Hanggang matapos ang delubyo ng poot at paghihiganti?

Umiiwas tayo sa hanging mapanakit
Ngunit tila ba hinahabol tayo kahit tayo'y nakapikit na.
Walang hikbi at walang kamalay-malay tayong minamanipula
Ng mga pagkakataong tumutukso na tayo'y talunan na.

Ngunit sa lahat-lahat ng mga ito'y
Pipiliin nating tumayo pa rin
Bitbit ang ating mga bandila
At kahit pa sa ating pananahimik
Ay kusang sisigaw ang mga tala para sa atin
At mas magliliwanag pa ang mga ito.

Ang mga makakapal na ulap
Ay makakaya na nating hawiin
At magsisilbi itong palatandaan
Na tayo'y  hindi magpapalupig
Sa dikta ng tadhana at panahon.
Pipiliin pa rin nating maging tama
At ang lahat ng mga pasakit ng nakaraan
Ay magsisilbing pabaon natin
Sa kinabukasang henerasyon.

Kaya ko, kaya mo --
Kakayanin natin,
Kaya natin, kasama ang Panginoon!
Christien Ramos Jul 2020
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin,
silàng may kanya-kanyang hinanaing,

Huwag mo akong yayakapin.

Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.

Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.

Naniniwala ako na sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas.
sapat nang natuto táyo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang káya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan,
ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa.
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing,

"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.

Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.

Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,

Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak

dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos

kalilimutan ko na.

---
Kinabahan akong bigla
Sa isang basong tubig at kapsula.

May takot, may hikbi
Pagkat sa paglunok
May gawad na pighati ng kahapon.

Nilisan ko na iyon
Ikinubli na ang kahapon
Sa estanteng kayrupok
Malay ko ba,
Nagbabalik-tanaw din.

(5/1/14 @xirlleelang)
Terry S Cabrera Jun 2020
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam.
Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang.
Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam.
Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita.
Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama.

Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa.
Nagagawa **** maging matapang -
Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan.
Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili.
Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi.
Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan.

Ngunit sa lahat ng iyan,
Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka.
Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang
Sa pakikisama mo sa karamihan
O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan.
Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam.
Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan
Na mag-isa ka -
Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama.

© Tres
Agust D Apr 2020
maitim ang gabi
patagong hikbi'y
nagmumulto sa tabi
nagpaparamdam, pasintabi

kwentong nakaukit sa dilim
binabalik-balikan, palihim
umaasa nang mataimtim
nawa'y bumalik sa takipsilim

hangal mang maituturing
alaalang matagal nang nakalibing
ay muling bubuhayin, sinungaling
eksena, alaala, nakakahumaling

natapos na ang ulan
maaari na bang tumahan
magpahinga't lumaya nang marahan
upang mabitawan, panandalian
Hiraya ng Pag-ibig
Lecius Jan 2021
Sa pag-lubog ng araw, dahan-dahan sabay ko nanaman bibilangin ang mga t'yansang naging panghihinayang-- na sana'y para sa atin. Ang mga pag-kakataon na ngayon ay hanggang sakop na lamang ng aking paningin.

Sa pag-usbong buwan ay ang pag-patak ng luha, habang saksi ang napakaraming mga tala. Wala namang pilat o sugat, subalit nakararamdam ako ng bahid ng  pait at sakit, na tila ba matagal nang sa akin ay nakadikit.

Papalalim pa lamang ang makulay na gabi, subalit naririnig na ang aking mahinang pag-hikbi. Sa maliit at masikip na silid, na kung saan walang ibang nakamamasid. Hahayaang mga mata'y mamaga ng tuluyan, dahil ako naman ang may kasalanan, kung bakit s'ya tuluyang binitawan.

Sinisisi parin ang sarili sa naging desisyon kahapon, binabangungot parin ako ng mga opurtunidad na tuluyang nabaon. Paano kaya kung pinili ko noon umamin? Paano kaya kung pinili ko noon sumugal, at hindi natakot sa kanilang mga sasabihin? May pag-asa kaya aking pag-tingin?

Ngunit kahit ano man kayraming pag-hikbi aking gawin, pilitin man sarili hapdi tuluyang limutin, ay hindi parin ito sasapat, lalo pa kung ang nawala ay ang pinakamamahal mo na tapat. Na para sa'yo s'ya lamang tanging karapatdapat.
Aira G Manalo Apr 2016
Sa dilim ng gabi ay nakapako ang mata
Sa maputing liwanag ng makina
Na tanging nagdudugsong sa manipis na hibla
Ng ating kasalukuyan at umpisa
Ng ating pangarap at mga alaala

Diretso ang tingin at sa bawat lubog ng daliri
Ay nabibigyang-buhay ang mga hikbi
Angel Nov 2018
Aking kaibigan bakit ganon
Nilamon na ata ng alon
Lahat ng ating pinagsamahan,
Sa mahabang panahon  

Maari ba kitang tawaging kaibigan
Nahihiya nga lang ba?
O tunay ng kinalimutan
Lahat ng ating mga alaala

Nasaan na ang ating pangako
Na kailan man ay hindi mapapako
Nasaan na ang dating tayo
Na tila ba ay naglaho

Nasaan na ang masasayang ngiti
Na nawala na sa aking mga labi
Ngiting napalitan ng hikbi
Hikbing napalitan ng pagsisisi

Alam kong masaya na kayo
Sa inyong bagong yugto
Naiisip niyo pa ba minsan
Minsan tayo ay naging isang tunay na kaibigan
Memories
Taon na Ang lumipas ng tayong dalawa ay mag sama.Mga ala-alang sobrang saya.
Road trip Dito,Gala don.Pasyal sa kung saan man Tayo mapadpad.
Tampisaw sa dalampasigan,sabay ng pag tanaw sa papalubog na araw.
Picnic sa gilid ng karagatan,pinagsasaluhan Ang alak habang nanonood ng masayang palabas na dinownload sa cellphone mo.
Sabay magtatawanan at magkukulitan.
Ninanamnam Ang bawat sandaling Tayo ay magkasama sa Isang romantikong Lugar na walang gumagambala,at maririnig sayo Ang mga salitang laging nagpapasaya at nagpapakilig sa buong pagkatao ko.Ang salitang "Thank you at  I love You".
Sarap lang balikan nitong masasaya at nakakilig na ala-ala.
Anong tuwa Ang nadarama sa tuwing makikita Kang Masaya.

Ngunit nagising Ako Isang Umaga  na nagpapaalam ka na.
Nais **** sa piling ko ay lumisan na,sinasabing Hindi ka na masaya at Ang dating pag ibig sakin ay biglang naglaho na.wala na Yung kilig at romantikong pagtatangi na lagi sa akin ay pinapadama.
Wala Naman tayong pinagtatalunan o Hindi nga Tayo nag away man lang.
Kinausap ka sa malumay na paraan dahil ayukong Tayo ay magkasakitan.
hinihingian ka ng paliwanag kasi Wala Naman Akong nagawang kasalanan.
Ano ba Ang naging kasalanan sayo para Gawin mo sakin ito,Meron n din bang iba?(pero Kilala kita alam Kong wala kang iba at Wala pang pumapalit sakin Jan sa puso mo.)

Ngunit bakit Sinasaktan mo Ako sa mga luha at hikbi mo,at ito'y labis na nagpapadurog sa puso ko.
Ilang araw tayong nagtalo at ayaw Kong pumayag sa gusto mo.
Paulit-ulit na binabangit mo Ang salitang Sorry kasi nasaktan na naman kita.

Realization
Ngunit Ang Tanong ko Sayo ay Ako din Ang nakasagot.
Ano nga ba Ang kasalanan at nagawa kong mali sayo?

Nagtatanong at hinahanapan ka ng dahilan ngunit Ako pala itong may kasalanan at pagkukulang.


Mali ko kasi,Hindi na Ako Yung dating pinaparamdam sayo Ang pagmamahal ko.
Mali ko kasi,Ni Hindi na kita hinahalikan o niyayakap sa tuwing aalis ako.
Mali ko kasi,Pati salitang mahal kita Hindi ko na nababangit Sayo.
Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang tawagan o ichat ka sa tuwing nasa malayo Ako.
Mali ko kasi,ni kamustahin ka Hindi ko na nababangit sayo.
"Kumusta Ang araw mo,ok ka lang ba,masaya ka pa ba?miss n kita,mahal na mahal kita".mga salitang naipagkait ko Sayo ng Hindi ko namamalayan.
Mali ko kasi, sa tuwing matutulog Tayo di ko na din nagagawang mag good night at ngumiti man lang sayo.kahit good morning d mo na din naririnig ito mula sa labi ko.
Mali ko kasi,Nakalimutan ko na rin Ang ipag luto ka ng mga paborito **** pagkain.
Mali ko kasi,hindi na rin kita nasu-surprise sa tuwing darating Ang espisyal na araw natin.

Sobrang kampanti at palagay ng loob ko. madalhan ka lang ng pagkain sa tanghalian,meryenda at hapunan ay ayos na Yun.mabilhan ka ng grocery ay sapat na Yun.
Ngunit Hindi ko naisip na Hindi lang pala Yun Ang kailangan mo.
Kasama din pala dapat Ang Aruga at Pagmamahal ko.


Sorry sa mga panahon na sobrang kampanti Ako.
Sorry sa mga Oras na hinayaan Kong Hindi ka kamustahin.
Sorry sa mga Oras,araw at buwan n lumipas na Hindi Ako naging sweet Sayo.
Sorry sa mga panahon na masaya Ako pero malungkot ka.
Sorry sa mga bagay na Hindi ko nagawa para mapasaya ka.
Sorry sa mga pagkakataon na pinalipas ko para mawala Yung pananabik at pagmamahal mo.
Sorry sa lahat lahat ng Hindi ko nagawa ,nasabi at Naiparamdam  Sayo.

Sa minuto,Oras araw at panahon na binigyan mo ulit Ako ng pagkakataon na maipadama Sayo Ang pagmamahal ko,ay sasamantalahin ko para bumawi sa lahat ng pagkukulang ko.
Sisakaping Ibalik ulit Yung dating TAYO.
Break up is not only Cheating or Third Party,It is also Out of Love.
Minsan ok na Tayo sa salitang mahal kita,pero Hindi na natin napapadama at napapakita ito.hindi na Tayo gumagawa ng effort kasi alam natin na mahal Tayo ng mahal natin.
ipadama mo hanga't andyan pa sya sayo.wag sayangin Yung mga Oras at panahon na di mo napaparamdam at nababangit sa taong mahal mo Ang pagmamahal mo.baka magising ka Isang umaga Wala n pala sa sa piling mo.at marerealize Ang pagkukulang mo pag Wala na ito sa tabi mo.
Nix Brook Dec 2020
Lungkot at bugnot sa kawalan
Mga suwestiyon sa kapaligiran
Sa kung paano nila pinangangatawanan
Lahat sabik sa kasarinlan

Sa bawat paling ng labi
Matang may tagong hikbi
Lumbay ang tanging katabi
Paano uusad sa bawat gabi?

Hahayo't mag papatuloy
Minsang naging sabik sa daloy
Subalit bunga'y nalunod sa kumonoy
Nais matamasa biyayang sinaboy
Danica Nov 2017
Isang gabi ika'y narinig
hikbi **** ni isa'y walang nakaririnig
tila luha mo'y di nila batid
bawat pag susumamo'y tainga nila'y nakapinid

bawat umaga mo'y kawalan ng pag-asa
kitilin sariling buhay lagi mo nang panata
paanong nangyari ika'y nakaalpas
sa mga mata ng mga mapanirang nilalang

sinong lumapastangan sa bata **** isip?
sinong lumason, dahilan ng iyong paghihirap?
sinong may pakana? isigaw mo at ituro!
ilantad at iluluklok sa trono ng kamatayan!

maghanda sila sapagkat araw nila'y darating na
mapapawi na rin yaring luha sa iyong mga mata
pagbabayaran ang pagka ganid sa mura **** katawan
itatarak ang kutsilyo ng kasamaan, pabalik sa lugar
na kanilang pinagmulan.
Just want to dedicate this poem for those people who suffer trauma after being a victim of **** and any other crime, I hope and I pray that someday you'll find peace by forgiving yourself and start and get a new life.
Sho Victoria Apr 2018
Di ako umiiyak sa away o sigawan.
Umiiyak ako sa labis na katahimikan.
Sa mga panahong kailangan ko ng kasama
Sa mga panahong pati sarili'y ayaw ko na.

Mga kumukuliglig na huni at bulong.
Mga inipit na hikbi at paghingi ng tulong.
Lahat ‘yan ay naninirahan sa isipan.
Lahat ‘yan ay mahirap takbuhan, mahirap takasan.

Bumibilis na tibok ng puso,
Malalamig na pawis na sa leeg ay namumuo
Mga hiningang hinahabol ang takbo,
Magang mga matang nagmamakaawang ang luha'y huminto.

At unti-unti
Hihimasin ang isip
Mula labas palalim sa loob
Unti-unti
Pipigain ang puso
Makirot sa una ngunit nakakamanhid rin pala kapag nasanay na.

Hahalungkatin ang nakaraan,
Nang dumilim ang kasalukuyan.
Babasagin ang kasalukuyan,
Nang mabaling ang tingin sa iba maliban sa harapan.

"Huwag kang mag-isip."
Ang abiso nila.
Ngunit diba nila naisip
Na tila ka na ring sinabihan na:

"Huwag kang huminga kung ayaw mo na."

"Huwag kang tumingin kung nahihirapan ka."

"Huwag kang makaramdam kung nasasaktan ka."

Huwag ka nalang mabuhay kung di mo na kaya."

Oo, ayaw ko na.
Lahat kinatatamaran pati paghinga.
Bawat gabing inilaan sa iyak.
Tila ang isip, pinipilit na mabiyak.

Oo, nahihirapan na.
Di maiwasang tumingin sa mga mata
Ng iba't ibang taong may iba't ibang kwento.
Ng iba't ibang ngiti sa kabila ng malungkot na  mga anino.

Oo, nasasaktan na.
Mula sakit, gusto ko nang kumawala
Mula sa kadenang mas malambot pa sa bakal
Ngunit kung hawakan ka tila ka sinasakal.

Oo, di ko na kaya.
Sana nga tumigil na.
Na bawat umaga nagdarasal akong gabi na
At sa bawat gabi, nananalangin akong matapos na.

Ang sinimulang buhay na inilaan sa iyak.
Inilaan sa pag-iisip na sa bawat takbo tila ka winawasak.
Bukas sa lahat ng bagay mabuti man o masama.
Bukas rin sa posibilidad na ipagpatuloy pa o tapusin na.

Ito.

Ganito.

Ganito kahirap, ganito kasakit.

Ganito kasimple ang isang atake.
Jun Lit Dec 2018
Nais kong humimlay
ang tibok ng puso
sa saliw ng taludturan
Subalit pipi ang mga daliri
sa pagdiin sa tipaan.
Mga hikbi’y nalulunod
sa naiwang bakas
naghihingalong daing
kalungkutang di-matawaran

Para na kitang anak, at maraming salamat
Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin
At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat
hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin

Narating mo ang rurok
At iyong hinawakan ang mga alapaap
ng iyong malaon nang pangarap
Sa musmos **** puso
namulaklak ang maliwanag
Sa isip na pinagpala
nagbunga ng pang-unawa,
karunungan at syensya’y para sa madla,
ipamahaging parang kawanggawa.  

Hinahanap ka ng mga kabag
na kinatakutan ng iba
ngunit iyong kinilala’t niyakap:
“Nasaan na si Kuya namin?
Bakit di pa dumarating?
Tutubusin niya kaming pawa
sa panganib ng pagkasira.”

Naghihintay mga bundok at gubat
May luklukan pa sa yungib
kung saan namamahinga ang malayang pangkat.
Subalit tahimik, walang sumasagot . . .
Puyat ka sa magdamag
ng buhay **** makulay at tampok.
Hindi ka sumasagot -
Naabot mo na pala ang tugatog.

          Magkaganun man, malayo pa ang layunin
          Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin
          Paalam kasama, kaibigan namin.
          Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
Dedicated to the memory of James de Villa Alvarez, 21 April 1991-08 December 2018, who perished while on fieldwork as a wildlife biologist on Mount Apo in Mindanao, The Philippines. The poem summarizes my appreciation for him as well as my feelings of sadness and great loss, he being a protege who we expected to continue our science and advocacies.

— The End —