Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Christien Ramos Sep 2020
Kung ang sulat ay iba
sa nararapat na maramdaman---
hindi ito pagsisinungaling.
Huwag kang mabahala
kung nakakita ka ng panaghoy
sa gitna ng kaligayahan.
Kung paano ito sa'yo nakarating
ay igagalang
ng aking lapis at papel.
Hindi sila magagalit.
Ni hindi magtatampo.
Bagkus,
matutuwa pa.
Maiintindihan nilang mayaman
ang dala nilang damdamin.
May mga gusto silang sabihin
pero hindi ibig sabihin
ay hindi ka nila
pakikinggan.
Dahil nang minsang tumula ang tula,
ang sinabi niya
sa akin,
"Kayo ay aking naiintindihan."

Salamat.
Wala kang dapat ipag-alala.
Christien Ramos Aug 2020
but i am not her favorite poem.
Christien Ramos Aug 2020
she
she spat over the love
she deserved to receive
and yet
she kissed the wounds
she endured
for years.
#love #years #kiss #endure
Christien Ramos Aug 2020
i was so full
of myself
that I almost
threw up
when i ate my pride.
Christien Ramos Aug 2020
i dreamt of you last night.
why does it feel surreal?

why does it feel so real?
Christien Ramos Aug 2020
nawa'y sa pagtulog kong muli,
makadaupang palad ka.
kahit sa panaginip?

kahit sa panaginip.
Christien Ramos Jul 2020
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak tayo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin
silang may kanya-kanyang hinanaing,

Huwag mo akong yayakapin.

Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.

ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.
uulitin ko.
ayoko nang maalala ang kinabisa kong init mo.

sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi tayo katukin ng mga ala-ala bukas.
sapat nang natuto tayo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang kaya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring kaya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lamang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan.
sapat na ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking kwarto na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang takot na naramdaman ko noong iyong sinabing,

"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.

Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.

Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,

Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak

dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos

kakalimutan ko na.

---
Next page