Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
EU EU May 17
Tila ako'y pinaglaruan ng tadhana
Nalulunod sa mga baka sakali
Bungad nito'y panandaliang tuwa sa una
At pangmatagalang pait at sakit sa huli

Unang yakap at halik mula sa kabiyak
Nagdulot ng pagluha dahil ang tayo'y malabo maging tiyak
Handa akong masaktan at bitawan ka
Mamahalin kita habang may oras pa
This is a poem I made when we decided to end our relationship in 5 months but now we are forever. ITS A CUTE AND LONG STORY HEHEHE
HYA Nov 2018
Si ulap ay nabighani sa sikat ni araw
Kaya pabalik balik siyang dumadalaw
Upang masilyan ang kagandahang alay
Kahit na minsan, sa paglalakbay ay sumasablay

Hanggang sa dumating ang panahon
Upang ibahagi na ang ipinagmamalaking ambon
Sa wakas ay kanyang maiibigay
Ang damdamin nang walang humpay

Sinimulan niya sa ambon at pagkatapos ay ulan
Ibinahagi rin niya ang kidlat na sinumpaan
Sa pamamagitan ng kulog, siya ay sumigaw
Nangakong magiging matibay sa tayog at saklaw

Pagdating sa dulo, nandoon pa rin siya, naghihintay
Kahit na matagal na siyang hindi umuuwi sa bahay
Ginawang hangin ni araw ang kanyang pag-ibig
At ibinalik sa kanya ang mga ipinagmamalaking tubig
evaporation, it is
HAHAHAHAHAHAHA
who says science can't be fun?
HYA Nov 2018
Habang ako ay naglakad-lakad sa iskinita,
Nakakita ako ng isang marikit na lumuluha
Ang perpektong mukha ay hindi maipinta
Ang mga mata ay palihim na nagmamakaawa

At sino ba naman ako upang tanggihan
Ang hiling ng isang dalagang luhaan?
Dahan-dahan, siya ay aking nilapitan
At tinanong kung ano ang kailangan

"Gusto ko ng sorbetes," saad ng maganda
Ang sagot ay hindi inasahan kaya ako'y napatawa
Tumango ako at inalay ang aking kanang kamay
Kung tutuusin, hindi lamang iyan ang dapat ibigay

Kinabukasan, sinimulan ko ang aking paglalakbay
Susungkitin ko ang buwan at mga bituin nang sabay
Itatali ko sila na para bang mga lobong malalaki
Siguradong maipapakita ng mga ito ang kanyang ngiti

Sa gitna ng aking biyahe, natanaw ko ang hindi gawi
Ang plano sa pagsungkit ay kanilang nasaksi sa dagli
Sila ay buong tapang kong nilabanan para sa marikit
Hanggang sa aking mga kamay, ang mga bituin ay dumikit

Ang buwan nalang ang kailangan at ako ay babalik na
Ang aking mga isinungkit ay para sa likom ng kanyang mata
Buong kalawakan kung saan ang mga planeta'y sumasayaw
Iba't ibang kulay kung saan sa bahag-hari ay humahataw

Sa hindi inakala, dumayo ang buwan at nagpabihag
Ayon sa kanya'y tutulong siya upang magbigay liwanag
Sa kaluluwa ng dalagang labis ang tulo ng mga luha
Dagdag pa niya'y sa marikit, hindi na dapat ako mabahala

Kaya itinali ko na sila na para bang mga lobong malalaki
Sa pagtanggap ng mga ito, sana'y hindi siya mag-atubili
Sapagkat handa akong sungkitin ang lahat lahat
Kung ang saya niya ang kapalit, lahat ay sulit at sapat

Binalikan ko ang eskinita kung saan ko siya unang nahagilap
Ang espasyo kung saan ako dinala ng araw at ng ulap
Nandoon pa rin siya subalit hindi na umiiyak
Nang suriin ko ang kanyang mukha, siya ay nagagalak

Ako ay tumakbo nang mabilis at tinawag si marikit
Ang lobong buwan at bituin ay hindi magkasiya sa sikip
"Marikit, narito na ang pasalubong ko sa'yo; ang buwan at tala.
Sila ang gagabay sa iyo kapag naubusan ka na ng bala."

Lumayo ang kanyang tingin at yumuko nang kaunti
Ang mga kanyang mga salita ay nagbigay ng pighati,
"Ginoo, hindi ko tatanggapin ang iyong mga handog
sapagkat isang maginaw na sorbetes lamang ang gusto kong alindog."
Minsan, kahit ginawa mo na lahat, kapag hindi para sa iyo, hindi para sa iyo.

hindi gawi - alien
---
I'M BACK!

I suffered from a writer's block for months. Months, pipol, months. Ugh. I never thought I'll be back with writing again. Thank my friend, Danielle for giving me an inspiratioooon. Gah, I'm so happy.

I'm learning to write narratives sooo I hope you liked it and sorry if it's disappointing tho. I'm trying, swear.
WizardsPen Oct 2018
Bagong Kabanata ng buhay natin
May makikilala kang panibagong tao
Na makakapag pasaya sa buhay mo
At kakalimutan ang taong pasakit
Lang ang dulot sa buhay mo.
Para po ito sa mga nagmahal, nasaktan at nabigo. Chin up mga erp. Malay niyo dadating ang tamang tao para sa inyo nang hindi niyo napapansin. Syempre, sa tamang panahon.
seluring Oct 2017
mukha mo’y paulit-ulit na inaalala,
kasabay ng paulit-ulit kong pagluha,
mata ko’y pasulyap-sulyap,
ikaw ang palaging hinahanap-hanap.

tuluyan na akong nalunod,
at tuluyan na akong inanod,
sa aking bawat pagtingin,
bumubugso ang aking damdamin.

sa oras ng iyong paglingon,
tila naguluhan ako sa sitwasyon,
ang lahat ba ng akala ko ay umaayon?
mahal mo na ba ako ngayon?

sa iyong paglakad, ako’y napatagilid,
sa aking mata’y may luhang nangingilid,
sapagkat sa iba ka lumapit,
at heto ako, tiniis na lamang ang nadaramang sakit.
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
aphotic blue Jul 2017
una sa lahat marami akong katanungan
lalo na sa araw ng iyong pag iwan
kahit isang taon na ang nakalipas ako parin ay nalilito
tuwing sasambitin ko ang iyong pangalan ako'y nanlulumo

aking napagtanto kung ang iyong ani saakin ay totoo
totoo nga ba ang lahat at minahal moko ng husto?
isa pang katanungan, bakit moko ginaganito?
hindi pa nga tayo sa gitna, bakit natapos na agad ang kwento?

bumalik sa aking isipan ang bawat salitang iyong nasambit
isa doon ang iyong inalay  na "mahal ko ito'y isang awit"
ngunit isang araw ako'y nakaramdam ng kaba sa dibdib
animo'y malayo pa lamang ay akin ng narinig
inalayan ko ang aking bisig, sa sobrang lakas ng iyong tinig
hindi ko alam kung sa paraang ito, pinapakita mo ang iyong pag ibig
gusto kong isigaw ang aking himig at ipadama lahat sa aking bibig.
ako'y tumakbo ng tumakbo ng di alintana ang paligid.
gusto kitang gisingin o idaan lahat sa panaginip
bakit mahal ko, umuulan naman aking mga mata
ikaw naman ang dahilan kung bakit ako ay nagdurusa
bigla akong pumikit at tiniis ang sakit
ngunit sa aking pag gising kailanman hindi mawawaglit
ang lahat ng mga salitang iyong nasambit.
©aphoticblue
Idiosyncrasy Aug 2016
Huminga ulit ako nang malalim
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha
Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon
Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.

Wala na, pumatak na ang unang luha
Di ko na maalalang sinulatan kita
At na sa bawat salita ay naiisip ka
Nalimot ko na ang masasaya.

Pumatak ang pangalawa
At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata
Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin
Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.

At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma
Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala
Masakit na wala na akong mabalikan
Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.

Mahirap ang makalimot
Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan
Mahirap ang...
Bakit ko ba sinusulat ito?
Parang nakalimutan ko na ring magsulat.
thegirlwhowrites Jun 2015
panahon nang sumulat…
muli…
hubaran ang puso’t
bulatlatin ang mga alaala.

para saan pa’t
sa maraming tao’y
inimbak
ang luha
ng nakaraan,
kung ito’y kailanma’y
hindi mapapakinabangan?

kaya’t patawad, puso,
sa aking sayo’y pagpapaluhang muli.
salamat, isip,
sa iyong pagpapaunlak
sa hiling
na paminsan pa’y
isatitik silang kapagdaka’y
lumisan din.

*060915
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go

— The End —