Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tigilan mo na
Sobrang ako nasaktan
Lumayo ka na.
Haiku in a Filipino version.
margàrita Jan 10
it's very much easy to say
that today is the day
wherein you no longer
have feelings that grows fonder
for him— who you loved freely
but indeed so genuinely.

but your challenge
is to look at his every edge
and the way he laughs and smile
without asking for a while
if you still love him for real;
you should then infer
that you are now happier
without him— to whom you gave your all,
though from him you only got a downfall.
daily poems! ♡
Jay Co Jan 5
Minahal kita higit pa sa inaakala ko
Minahal kita higit pa sa sarili ko
Minahal kita higit pa sa buhay ko
Minahal kita higit pa sa pamilya ko
Minahal kita higit pa sa oras ko

Lahat nang 'yong minahal kita kasi akala ko mahal mo din ako.
Ibinigay ko ang lahat ng meroon ako.
Subalit, ako'y tila nagkamali.

Tila na pa-isip ako...

Balang araw makakalimotan din kaya kita?
Balang araw makakamove-on na ba ako?
O kaya naman, balang araw mamahalin mo na rin ba ako ?
Hulaan ko, hindi.

Kasi... alam ko naman, sa simula palang talo na ako.
Masaya ka sa mga taong kaya kang pangitiin, patawanin, paligayahin, at higit sa lahat kaya ka nilang mahalin, sapagkat malapit na sila sa puso mo.

Ano nga ba ako sayo ?

Ako lang naman 'yong tao na nag bibigay ng effort para lang makita ka.
Ako lang naman 'yong tao na, pupuntahan ka kasi alam ko nalulungkot ka.
Sa tuwing magtetext ka ng...
"Good am/pm gawa mo ?"
"Tara, Kape tayo ?"
"Tara sa tabing dagat?"

Ako namang itong si engot...
"Sige ***** na ako after 5mins"
"Wait lang paalam lang ako kay mama."

Dali-dali ako pupunta sa bahay niyo, dahil sabik akong makita ka.
Ewan ko ba, hindi ko alam kung anong meroon sayo ?

Kahit anong pilit ko na iwasan ka, pero sadyang mahal talaga kita.
margàrita Nov 2018
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto;
ㅡ at 'di lahat ay agad na natatamo.

ito ay ang aking napagtanto
nung nalaman kong may iba kang gusto,
at ayaw ko namang ipilit sa iyo
ang mga bagay na ayaw mo.

oo, mahal na mahal pa rin kita
puso ko'y walang sinisigaw na iba.
ngunit ikaw ba, aking sinta,
ay siya ring nadarama?
talagang hindi yata.

ako ma'y nahihirapan
na tanggapin at maunawaan
na tayo'y hanggang dito na lamang
pero aking hirang,
damdamin mo'y aking igagalang.
ㅡ inilalaan para kay p.m.f.
margàrita Aug 2018
kaligayahan mo'y akin pa ring dalangin,
kahit iyon man ay wala sa akin.
kung sakali'y ikaw ay luluha,
sana'y ikaw ay mapapatahan niya.

ang magandang ngiti
sa iyong mga labi ay sana'y mamalagi;
ang kintab sa iyong mga mata,
ay sana'y laging makikita;
pagsinta niyo'y sana'y pang habang buhay,
at higit pa sa kung anong kaya kong ibigay.

kung sakaling umibig ka sa iba,
sana'y ang tunay na ikaw ay sapat sa kanya;
hangad ko sa inyo'y magagandang bagay,
at sana'y bawat araw niyo ay makulay.
sana'y ikaw ay makatamasa
ng pag-ibig na wagas galing sa kanya,
o aking sinta.
margàrita Jun 2018
alam kong napakabata ko pa
upang ibigin ng sobra
ang taong akala ko'y kaibigan ko lang,
na kahit kailan ay 'di ako binigyan ng daing.

labis na ligaya
ang natamo ko galing sakanya.
lahat ng maliligaya kong araw,
ala-ala namin ang nakasaklaw.

subalit ito'y kailangan kong itigil,
nang pati ang sarili ko'y aking natatakwil;
lalo na't ngayon ay aking napagtanto,
na ako lang pala ang nakadama ng ganito.
masakit, pero ito ang katotohanan ㅡ mag-isa akong umiibig sayo.
margàrita Jun 2018
hindi ko makakalimutan
kung paano mo hinawakan,
ang aking mga kamay
noong ako'y nalulumbay.

binawasan mo ang aking pagdadalamhati,
at ibinalik mo ang ngiti saaking mga labi;
kasiyahan ko'y ikaw ang pinagmulan,
presensiya mo'y lagi kong inaabangan.

ngayon ako'y iyong iniwan,
at puso ko'y tunay na nasugatan.
sino bang mag-aakala
na ang dating dahilan ng aking saya,
ngayon ay sanhi na ng aking mga pasa.
paalam saating maliligayang araw.
unnamed Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
unnamed Feb 2018
ang huling pagkikita ay hindi mo man lang napansin.
minsan kang nasilayan sa ilalim ng mga bituin.
ilang buwan naghangad na ika'y makapiling;
kailan ka kaya mapapasaakin?

ang nais ko lang naman ay magkakilanlan -
magkita, magka-usap, maging magkaibigan.
limutin mo na ang iyong nakaraan,
gawing ako ang iyong kanlungan.

sa bawat gabi na ika'y pinapakinggan,
pagsidhi ng damdamin ay 'di maungusan;
sakit at pagod ay maiibsan
kung hanggang sa pagtulog ay ikaw ang pinagmamasdan.

pagmamasdan ang mga matang hapo,
ang mga gitarang sira ang capo,
ang amoy ng kape mula sa hininga mo,
pati ang paghilik **** nasa tono.

ang iyong damit na babad sa pawis,
at ang iyong sapatos na kumikinang sa kinis;
kung sa umaga'y bubungad ang ngiti **** kay tamis
ay hindi ko kailanman gugustuhing umalis.

at sa lahat-lahat ng kaya kong ilista,
habang ang lapis sa papel ay nabubura na;
sisimulan ko sa pangalan **** may pitong letra
hanggang sa kung paano ka tumatawa.

isusunod ko ang mga singsing sa iyong daliri,
habang ang buhok mo'y hindi na mahawi.
sa bawat galaw **** aking tinatangi,
at ang ala-ala mo'y patuloy na mananatili

pagkarupok ng puso ay lalong sumisidhi.
kapag ika'y nakikita, kulang nalang ay tumili,
maraming nagtataka kung bakit ikaw ang napili,
ngunit mahal, alam kong hindi ako nagkamali.

ang pagmamahal kong lubus-lubusan,
tila apoy na sinilaban;
sa'yo inialay ang bawat laban,
ngunit umuuwi akong laging luhaan.

kung gaano ko man gawing mahaba ang tulang ito,
mayroong ibang nagsusulat para sa'yo.
kahit ipilit ko pang gandahan ito -
hindi ko matutumbasan ang gawa ng nanalo.

at kahit magbilang pa ako ng bawat patak ng ulan,
na maaari namang bilangin nalang kung ilang beses akong luhaan;
dahil sa katotohanang hindi ako ang lulan
ng puso **** kay sarap sanang gawing tahanan.

oo, alam ko. hindi ako nagkamali.
dahil patuloy akong magmamahal kahit sa iba pa ako maitali;
patuloy kitang sisintahin sa bawat gabi
na ika'y natatanaw mula sa aking mga hikbi.

aking sinta, ikaw ang aking mundo,
mabura man ng hangin itong monologo,
mabaliktad man ito ay hindi magbabago,
at kung mangyari'y sana'y ako na ang iyo.
HYA Jan 2018
Huminto ang pagtibok ng puso
'Pag ang tingin ay sa'kin nakapako
Huminto ang pagtakbo ng oras
Sa laro ng pagiging patas

Mata'y nagtama
Kahit hindi itinadhana
Ako'y napapatingin sa kaliwa
Kapag ika'y nakikita sa gitna

Nang tumingin sa kanan
Iba ang iyong nakuhanan
Na para bang isang litrato
Na ako ang nagsisilbing anino

Tilang naghahangad sa iyong magarbong atensyon
Subalit parating nahuhuli sa aksyon
Sinusubukang tumakbo papalapit sa'yo
Pero parang isang sakit na iniiwasan mo

Nagtanong sa sarili kung kinamumuhian ba
O kaya saan ako huling nagkaaberya
Sinubukang linisan at ayusan ang sarili
Pero kapag nasa iyong harapan, nagiging pipi

Tinanong mo kung maayos lang ba ako
Hindi ko alam kung ang ipinapakita mo'y totoo
Natatakot na baka ako'y iyong saksakin
Kahit ngitian, ako'y hindi mo hahamakin

Ngunit kung mamarapatin mo sana, ako'y iyong yakapin
Ang mga malalakas na braso, sa katawan ko'y panatilihin
Bagama't kahit na ika'y dapat kong katakutan
Hindi ka pa rin nawawala sa isipan

Sa kababasa ko ng maraming libro
Naghahangad na ang iyong pagtungo saki'y magbago
Napapantasya sa mga bagay na hindi naman dapat
Subalit kahit anong gawin ko, hindi parin sapat

Sa libro ko nalang ba iisipin ang lahat
O ang mata ko'y kailangan nang imulat?
Sa katotohanang sa una pala'y alam
Ngunit pinipilit pa ring mag-isip mangmang

Sa kapansin-pansing ngiti
Na sa akin ay tumatali

Pabalik sa mga librong ikaw ang pinapantasya
Pabalik sa mga pangungusap na
humahanap sa nakatagong hustisya
Pabalik sa kalsadang una kang nakita
Pabalik sa sakit na sa aki'y itinadhana

Pabalik sa tawang iyong inilahad
At papunta sa kasalukuyang paghingi ng patawad
Pabalik sa rosas na para sa akin ay inalay
Papunta sa bulaklak na sa iba ay may pakay

Pagbabalik sa mga ala-alang ika'y naging akin
Papunta sa kasalukuyang hindi dapat panatilihin.
Wrote this with ma fren, Kheisa Selma.
This was an unexpected one and it turned out good so yeah, there's no way I would not post this.
Next page