Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
MM Feb 3
Hindi mo mapapatahimik ang mga kumakalam na sikmura

Ang mga sumisigaw para sa pagbabago,

para sa katarungan

para sa ating mga karapatan

Maari **** busalan ang kanilang mga bibig,

magpanggap na wala kang naririnig

O piringan ang kanilang mga mata,

magbulag-bulagan sa katotohanan na sa bawat karapatan na patuloy kinikitil at niyayapakan,

baka sa’yo na ang susunod

Pero sabi mo, ‘bakit pa ako makikisali, hindi naman ako apektado’

o ‘bakit ba sila nanggugulo, wala namang magandang nadudulot ‘to’

Hindi ka sumasama sa laban,

dahil ngayon hindi pa ikaw ang nasa loob ng rehas kahit walang kasalanan

Hindi pa ikaw ang sapilitang hinuhuli at tinatadyakan sa daan

dahil lamang pinaglalaban mo ang iyong kabuhayan

Hindi pa ikaw ang nakahandusay sa daan, duguan

dahil lang napagkamalan

Hindi pa

Pero baka malapit na

Hihintayin mo pa ba?
Sy Lilang Jan 15
01152021

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
Sy Lilang Jan 2
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
J Dec 2020
Paano ka magiging kalmado?
Kung kapulisan mismo ang delikado,
Paano ka matutulog nang mahimbing?
Kung hindi ligtas sa iyong paggising.

Sinabi niyo sainyo kami ay protektado?
Pero bakit sa isang iglap may buhay na naglaho?
Mga inosenteng tao namamatay,
Walang awang pinapatay; anak, ina man o tatay.

Paano mo masasabi wag mabahala?
Kung sila mismo ang may sala,
Paano ka mabubuhay sa mundo?
Kung hindi ka na ligtas at sigurado.
Ang tulang ito ay para sa mga pinatay ng mga abusadong nasa itaas at may kapangyarihan. Kung hindi ka nagalit sa nangyari ngayon, bakit? Kelan ka pa magagalit?
renzo Sep 2020
Lantad 'sang digma, sakit laban sa masa.
Bungad sa madla, kalabang 'di makita.
Kailan ba bibisa? Babad sa pangamba,
Basag nang tiwala, saklolo pa'y wala?

Ang pobre'y pilit na tinatanikala,
Layang haring uri'y, 'di binabahala.
Mga biktima ay hindi inalintana.
Nakapagtataka ‘yong pangangasiwa!

Sino ba'ng salarin, sino ba'ng may lagda?
Ano ba'ng dahilan ng pamamayapa?
Corona bang sakit na nakahahawa?
O ang siyang Ulo na namamahala?

Lantad ang huwad nilang pakikisama,
Gobyerno'y siniwalat nitong pandemya,
Idilat ang mata, bibig ay ibuka.
Itanim 'tong aral na sana'y magbunga.
idilat ang mata, gising sa pagkabalisa. 'wag kang matakot magsalita, ikaw ang natitirang pag-asa.
pat v Aug 2020
Ang nakaupong tiwali—
siya ang binoto ng masa.
Sa manggas ng kanyang barong,
panganib ng maralita

May kinang ang kan’yang ngiti
mapungay ang mga mata
Sa bawat pangakong lahad
ay pagsibol ng pag-asa.

Pag-asa na tayo'y ligtas
ay naging katakot-takot.
Para raw sa Inang Bayan,
peligro na nakabalot.

Ang salitang bulaklakin
ay daglian ding nalanta
kapalit ang pagtungayaw,
at banta ng direktiba.

Hindi natin inasahan—
bahid ng dugo sa daan.
Mga kamay, nahugasan
ngunit hindi ang lansangan.

Sa lapida nakaukit
ngalan ng mga biktima.
Sunod kayang tatahimik
ang silang may pinupuna?

Hapis ng inang nawalan,
“Crispin, Basilio, anak ko,”
oyayi ng Inang Bayan.
“Pasismo! Peligro rito!”
Sid Bulan Apr 2020
Mirror, mirror, oh, horrors on the wall!
Shall we pinpoint the most noxious of them all?
The Orient's Pearl shed the vehemence of a breathing nightmare,
Where divided abundance were forced to fit the mouth by power.

Shall we pinpoint the most noxious of them all?
Those angels who led the whole domain to its fall,
Where divided abundance were forced to fit the mouth by power?
Or the spawns who crippled the only way out of hell's lower ladder.

Those angels who led the whole domain to its fall,
At the temple of their Lord, they kneeled and kissed his filthy sole.
Or the spawns who crippled the only way out of hell's lower ladder.
A dictator of what is enough and what is not for each other.

At the temple of their Lord, they kneeled and kissed his filthy sole.
To paint scarcity with the luxurious blood of their skinny soul.
A dictator of what is enough and what is not for each other.
The development of their lives mirrored the regression of their cower.

To paint scarcity with the luxurious blood of their skinny soul.
And erase the borderline between good and evil in hell's deepest hole.
The development of their lives mirrored the regression of their cower,
Without a cost of every soul, who survived but cannot live any further.

And erase the borderline between good and evil in hell's deepest hole.
After all, we're just people, who wanted a magical egress without a toll.
Without a cost of every soul, who survived but cannot live any further.
A down-spiralled glass where progression always got knocked over.

After all, we're just people, who wanted a magical egress without a toll.
But now, we're certain who is the most noxious and vicious of them all.
A down-spiralled glass where progression always got knocked over.
Hidden beneath its transparent cover is nothing but hell and its fiery fire.

But now, we're certain who is the most noxious and vicious of them all.
The Orient's Pearl shed the vehemence of a breathing nightmare.
Hidden beneath its transparent cover is nothing but hell and its fiery fire.
Mirror, mirror, oh, horrors on the wall!
A first shot at pantoum poetry for a little online writing competition. Didn't win anything but I got this as a takeaway so it's worth joining.
Eyji Noblesmith Dec 2019
Siyang nagsisilbing tahanan at ilaw
At buhay nitong sangkalangitang bughaw
Ay s'yang sa pag-ibig ng anak ay uhaw
'Pagkat kasaysayan ng bandila't araw
Ay 'di na singtingkad at nakasisilaw

Mayroong bayani't magiliw na supling
Mandirigmang hahayo at magigiting
Ngunit mga lilong anak ay mayr'on din
Banyaga ang dila't hindi sasambitin
Ang panata sa inang dapat mahalin

Awit ng puso ni Inang Maralita
Na mula sa luha, pag-irog, salita
Ay hindi kaylanmang dininig ng madla
Na nukal sa bayan subalit ang sutla
Ng kasuota'y kay Ina'y 'di nagmula

Ang inang mayaman sa ganda ng ngiti
Ay nagkukubli sa likod ng pighati
Palibhasa ay dalita sa pagbati
At pagmamahal ng anak na lumaki
Sa yakap ni Pilipinas hanggang huli
A Tagalog poem
marrion Sep 2019
Mahal ko ang Pilipinas
pero hindi ng walang kapintasan
Mahal ko sya kahit
traffic ay di nababawasan
Mahal ko sya kahit
talamak pa rin ang kahirapan
At patuloy kong mamahalin
Pagkat siya ang bayan ko
na sinilangan

Kahit problema nya sa droga
ay hindi nalulunasan
Kahit mga teritoryo pa nya
ay unti-unti nang nababawasan
Kahit mas marami pa sa tama
ang mali sa aking bayan
Mahal pa rin kita, Pilipinas
Hinding-hindi kita iiwan
.......
Natalia Molito Aug 2019
ang siglong magulo
wala namang multo
pero bakit maraming nawawala nalang bigla
na parang mga multo
kinuha ba sila ng mga kulto?
nakalilito
liko sa kaliwa
sa kanan
sa kanina
kina
kian
ina

ka!
wala
na sila
alis
baka mapatay ka
yata?
KABAhan ka na
Next page