Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Mar 2015
isang musmos na lahi
isang munting nasyon
parang itinanim na buto
itinakdang
sumibol at lumago
sa paglaon ng panahon

nag-aabang, naghihintay
puno nang sabik
pero kay tagal dumating
tayo ay nainip
tadhana nating tagumpay
kailan kaya makakamit
kasi

apat na raang taon
hanggang ngayon
lulong pa rin sa putik
nangangapa, nadadapa sa dilim
mga butong nanginginig sa lamig

mga isla
pitong libong isang daan at pito
ito
ang ating lupang sinilagan,
tahanan ng ating lahi
pero nga bahay ba ito o burol?

mga pangarap na
masilayan ang mga sinag ng araw at
mahagkan ang malayang langit
mananatili lang bang panaginip dito
sa bayang natutulog
o kaya namang natutulog lang kunwari

tanggapin mo na lang na
humikbi, humagulgol,
ibuhos mo man ang iyong luha
walang darating
kumayod ka man at magdamag magsikap
diligan mo man ang lupa ng pawis
wala
pa ring mangyayari

kasi
dugo
dugo lamang na dumaloy
mula sa mga palad ni Hesukristo
kung ang Kanyang pag-ibig ay
babaha sa lupa
ng parang delubyo
ito ang nag-iisang paraan
ang nag-iisang sagot:

dugo
dugo lamang na ibinuhos
ang tanging
makakatubos
makakaahon
makakaligtas
sa atin
Performed this as spoken word in Creative Faith's Doxa.
Ken Alorro Sep 2015
Sa labing-apat na araw na nakilala kita
Minahal ka ng buo
Puso'y napahinto, natulala
Dahan-dahang bumilis ang bawat pintig
At sa bawat pintig na ginagawa nito
Dala'y dugo na umaasang sana mahalin ako

Namumulang pisngi
Namumulang labi
At kagaya ng dugo sa katawan
Akoy pinaikot-ikot, ikot, ikot...
Hanggang sa maubos ang enerhiya
Na baon-baon mula ulo hanggang paa

At sa dahon ng saging ako ay ibinalot
Na parang betamax
Iniluwa ng hindi nasarapan
Ikinamuhi dahil sa lasa
'Di ko alam kung ako'y tanga o nagmamahal lamang
At kung alin man ako sa dalawa
Hindi na mahalaga dahil alam kong mahal kita

Sa labing-apat na araw na nakilala kita,
Pinaglaruan mo ako
At kagaya ng mga bata sa lansangan
Ako ay naging kalsada
At ikaw, ikaw ang trak
Na piniling di pansinin ang mga butas sa ibabaw ng dibdib
Dinaanan lang
Hinayaang bukas
Nakabilad sa araw
At sa pagbuhos ng ulan
Tinulungang lunurin ng tubig na may dalang putik

Sa labing-apat na araw na nakilala kita
Minahal ka ng buo
Nang walang halong pag-aalinlangan
Na di inisip kung mahal din ba ako o hindi
Pero sa ating munting panahon
Nalaman ko na ikaw ay isang relihiyon
Na piniling isantabi ang agham
At ako, kagaya ng lahat ng bagay sa mundo mo
Ay isang bersikulo lamang ng iyong bibliya
Na kung hindi maintindihan
Gagabayan ang sariling kamay
At ibubuklat ang mga kasunod na pahina

Mahal, sa labing-apat na araw na nakilala kita
Pagod na akong maging kalsada
Ayaw ko nang maging parte ng iyong bibliya
At higit sa lahat
Hindi ako ang iyong dugo
Na gagawing betamax at ibebenta
Kapalit sa kapirasong salapi
Mahal, hindi ako iyon

At ngayong tapos na ang labing apat na araw
Magiging mahalaga ako para sa akin
Nasaktan, nadurog
Pero noon 'yon!

Mula ngayon tatanggi na ako
Tatanggi akong masaktan
Tatanggi akong paglaruan
Tatanggi akong gamitin
At higit sa lahat tatanggihan na kita
Lilimutin ko ang iyong pagkatao gaya ng paglimot mo sa akin.


Masakit, pero kaya.
Matagal, pero kailangan.
George Andres Mar 2018
Isang-libo, siyam na raan, siyamnapu't-siyam
Nang una nilang marinig ang pagtangis

Dalawang libo't labing-walo
Napakarami kong gustong bigkasin
Pero nauutal ako't lumalabas pagiging utak alipin
Para sa'yo sana, gusto ko pa ring sabihin,
Na, patawad Felipe, kung kay hirap **** mahalin

Wala ako nang tumangis ka kay Macoy
Huli kong nalaman ang tungkol kay Luisita
Masyado pa ba 'kong musmos upang ibigin ka?

Lubha lamang daw akong bata
Nagpupuyos ang damdamin
Walang pang kaalaman magdesisyon ng tama
Mapusok at madaling matangay
Manatili na lamang daw ako sa klase,
at kinabukasan ko'y sa mataas na marka ibase

Kaya't pinilit kong hindi pakinggan ang pagdaing mo
Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?

Batid ko man ang kasaysayan mo sa mga prayle, kano't hapon, labis ko pa ngang inidolo si Luna't Bonifacio noon

Hindi ba't namatay rin sila sa kasibulan nang dahil sa'yo?
Natatakot ako, na balang araw iyon rin ang sapitin ko sa piling mo
Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Hindi ka pa pwedeng umiyak
Hangga't hindi pa tapos ang lahat
Ano bang alam mo upang magalit, maghimagsik?

Ngunit hindi ko kayang lumingon pabalik
Hindi ko kayang matulog muli nang wala ang 'yong halik
Hindi ko kayang mahimbing nang wala ang mga gunita

Dekada Sitenta.
Bungkos ng namumuong nana
Nilalapnos ng kumukulong tubig
Dumaranak ang dugo sa sarili **** balat
Tumatalilis at tinatanggalan ng bayag

Paiikutin ang roleta't ipuputok sa sintido
Ihihiga ang katawan sa bloke ng yelo
Papasuin ng upos ng sigarilyo
Ibabalanse ang katawan hangga't may lakas pa ang kabayo
Hindi ito mga metaporang naririnig ko lang sa mga kwento

Hindi na ako magtataka kung may diyos pa ba
A kung kahit isang beses nilingon ka man lang niya



Kung ang nakikita ng mata ay dumudurog ng puso
At ang mga salita ay pumapainlalang

Silang 'di nakaririnig ay dapat kalampagin
Hampasin ang higanteng pintuan at sipain
Ang pader na marmol na walang bintana
Galit na sumusunog ng patay na tala
Hindi kumakalma, pilit nagbabaga, nagtatangka

Ano bang alam ko upang magalit, maghimagsik?
Maaari ko bang palitan ng paglilingkod ang iyong biyaya?
Mas madali naman siguro magsalita
Kung 'di mo batid ang paghangos ng maralita


Mainit ang puso ko, pero malamig ang paa't kamay
Hindi ko kayang palayain ka
Tipid ang boses ko upang ipagsigawan ka
Nagtagpo tayo sa panahong akala ko malaya ka na

Nang masulyapan ka nang unang mabuksan ang aking paningin
Gusto ka lang naman palaging kita ng mata
Wala pa man natatakot na akong makitang umiiyak ka
Mas mapalad ba ang mga bulag o tulad kong piring ang mata?
Hinayaan mo akong maging alipin
Itinatatwa ko ang araw na namulat ako
Ang hirap naman kasing maka-usad mula sa'yo
Matapos mabura ang mga kasinungalingang sa'yo'y ibinabato
Kumbaga, ikaw 'yung maraming sakit na pinagdaanan, dadagdag pa ba 'ko?
Patawad
Oh, Felipe, kay hirap **** mahalin

Habang binabasa ko ang kasaysayan ****
Nagaganap pa rin hangang sa ngayon
Parang itinutulak ang aking sikmura
At ang balat ko'y nagsisiklabo
Hindi tumitigil ang mga luha

Ilang taon matapos maghalal ng bagong pangulo
Pinaulanan ng bala ang mga humihingi ng reporma


Dalawang-libo't apat
Matapos ang tatlong dekada
Mga batas na pabor lang sa mayama't may kaya

Gusto lang naman namin mabuhay
Nang hindi inaagaw ang aming kabuhayan
Nagtatanim ng bala't hindi binhi
Umaani ng bangkay hindi punla

Lupa mo'y hinulma ng dugo
Parang imbes na pataba ay pulbura ang inaabono
Para bang ang buhay ko sa'yo'y Walang katapusang pakikibaka
Para bang ang inaani ko'y dusa sa Buong buhay na pagsasaka


Dalawanlibo't-siyam
Matapos ang apat na taon

Kinikitil nila isa-isa ang mamamahayag
Nilibing ng traktora't patong-patong ang buto't balat
Pinagkanulo mo at hayagang pumayag
Mga berdugong hinayaan mo lang lumayag

Dalawang libo't labing-lima
Nangingisay sa walang habas na pangraratrat
Hanggang huling hininga'y maubos, mawala sa ulirat
Apatnapu't-apat **** mandirigma
Lumusong sa mapanganib na kagubatan na walang dalang sandata o pananggalang man lang
Malupit ka, hanggang saan ipagtatanggol ang laya mo?
Hindi pa ba sapat ang lahat ng luha?
Nagsasakripisyo para sa hindi siguradong pagkakakilanlan bilang Pilipino


Ikalawang Milenya.
Ngayon naririnig ko na ang pagpapatahimik laban sa karapatan **** magpahayag
Nagsasakripisyo ng dugo ng mga tupa
Para sa huwad na pag-unlad
Pinapatay ng bala ang uhay
Habang matapos tapakan ang upos ng sigarilyo,
Pagtatalunan ang dilaw at pula
Kung sino ba ang mas dakila
Aastang **** na tagapagligtas
Na siyang hawak ang lahat ng lunas
Napakarami nang diyos sa kasaysayan
Pawang dinikta, ibinigkis ang kalayaan

Ninais kong mahiga na lamang at hintayin ang bukang liwayway
Na pinangarap din noon ng mga ilustrado't rebolusyunaryong mararangal
Wala nang lunas ang sumpa ng edukasyon
Magpalaya ng isipang noo'y nakakahon

Wala sa akin noon ang lakas ng bagyo
Hanggang sa nabatid kong malulunod na rin ako
Wala akong nagawa kundi tumangis

Felipe, lumuluha ka rin ba? nasasaktan ka pa ba o manhid ka na?

Gayunpaman, tahan na, Felipe, tahan na.
112718

PoemsForE
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Eugene Oct 2015
Ayaw kong magkwento,
sa personal na buhay ko.
Ayokong sabihin,
bawat emosyon ko sa tao.

Tao ako at hindi ano,
hindi rin hayop o anino.
Hindi bato ang puso,
may laman at dugo.

Nagagalit, umiiyak,
luha'y pumapatak.
Naninibugho, nasasaktan,
nakakaramdam, nasusugatan.

Nauuhaw, nagugutom,
natutusok ng karayom.
Sumisigaw,humihiyaw,
minsan kinakantiyaw.

Kaya...

Kung personalan ang nais niyo,
Bakit di mo tanungin sarili mo?
Gusto mo bang pakialaman ko,
Bawat hibla ng buhok mo?

Ikaw ay ako,
Ako ay ikaw.
Tao tayo,
Hindi bagay,
Hindi hayop,
May puso,
may laman at dugo.
Tapos na ang giyera
Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan
Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan
Tapos na.

Pipiliin ko nang maging masaya
Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan
Ako ng kalakasan
Maghahanap ako ng kapayapaan

Kapayapaan na yayakap saakin
Sa mga takot na dinanas ko
Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi
Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin

Kapayapaan na pupunas
Sa mga luha na di na natutuyo
Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala
Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko

Magkakaron ako ng kapayapaan

Ngunit bakit hanggang ngayon
Na tapos na ang giyera
Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon?

Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala
Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili
Hanggang sa mawala?

Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan
Ay bumabalik parin ang sakit
Na dinanas ko habang nasa piling mo?

Ngunit ang dating nakaraan
Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit
Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan

Bumabalik yung nakaraan na
Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan
Naging matigas ang ulo't sumunod
Sa mga pusong pagal

Nasaksihan ng araw at buwan na
Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip
Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan

Ngunit sa isang pikit ko
Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya"

Simulan natin sa "Siya"

Simula nung araw na iyon
Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin
At tila naging digmaan sa isipan ko
Tila naging parusa sa puso ko

Ang dating "tayo"
Ay unti-unting naglaho
At nagbago
At naging "kayo"

Doon nagsimula ang digmaan
Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig
At binomba ito

Pinosas mo ito at ikinulong
Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam
Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa

Nagmamakaawang pakawalan

Sumulat ito ng kanta
Umawit gamit ang natitirang pintig
Sumulat gamit ang natitirang dugo

Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit
Ngunit walang nakakarinig sakanya

Naghihingalo para sa natitirang lakas
Umawit ulit siya muli

Hanggang sa marinig siya ng Maykapal

Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas

Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan
Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na

Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera
Possible na ang kapayapaan

Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko
Handa na akong kumalimot
Handa na akong tumalikod
Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan

Magtatapos ako sa "Ikaw"

Mag-isa ka na
This piece is meant to be spoken
japheth Aug 2018
Minsan mapapaisip ka na lang
kung ikaw ba ay nagkulang
o siya yung di lumaban.

Mapapaisip ka na lang
kung tama bang ikaw ang nahihirapan,
patuloy na lumalaban,
gulo’y subok na iniwasan,
upang di lang siya masaktan.

Mapapaisip ka na lang
kung kaya ka ba iniwan
kasi kahit gaano mo ipaglaban
— na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan
umuuwi ka paring luhaan.

Tama ba na tratuhin ka ng ganito?
na parang laruan na pag sawa na sa iba,
ikaw naman ang gusto?

Tama ba na maramdaman mo
ang sakit na nasa iyong puso
kasi pinili mo siya
kahit alam ng utak mo
na di siya nakakatulong sayo?

Tama ba na sa dinami dami ng taong
araw araw na kumakausap sa’yo,
dito ka pa nahulog
sa taong di ka naman isasalo?

Ang dami kong sinasabi sa ibang tao
na maraming gago sa mundo
na di dapat sila papaloko.
Pero sa dulo din pala,
ako yung magmamahal ng tulad mo.

Pasalamat ka,
ako na yung nagparaya
siguro kasi di ko na rin kaya
lalo na’t nakita kitang may kasamang iba.

Tinago mo pa,
sinabi **** kaibigan mo lang siya
ngunit ang totoo pala,
pag di tayo magkasama
tumatakbo ka pabalik sa kanya.

Di na rin siguro ako magtataka
kung bakit mas pinili mo siya
baka dahil ang puso nyo’y nagtugma
o mas magaling lang siya sa kama.

Bakit nga ba ako nagpakatanga?
Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita,
mga pangakong di ko alam kung matutupad ba
o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal
kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal
nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”  

Sinabi ng mga magulang ko
na lahat ng tao pinanganak ng may puso
na kailangan mo lang intindihin at mahalin
dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin.

Pero akalain mo yun,
may mga tao palang tulad mo
na di mo alam kung wala ba siyang puso
o ipinaglihi sa demonyo.

Nakakatawa ka,
na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras
sayo ko lahat nawaldas
buti sana kung nababalik mo ’to
pero wala, ginawa mo akong uto uto.

Isa kang patunay
na may mga taong
na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay
nag hahanap ka parin sa iba
ng wala kang kamalay malay.

Ngayon,
tapos na ako.
Di ko kailangan ang isang tulad mo.

Sa lahat ng gago sa mundo,
ikaw pa ang pinili ko,
ikaw pa ang minahal ko,
ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito,
ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso.

Pero salamat din sa’yo
dahil kung hindi sa pang-gagago mo
hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo
hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo
na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko.

Andami kong natutunan
di lang tungkol sa mga tulad mo
kundi pati na rin sa sarili ko:
na kaya ko palang magmahal ng ganito
na kaya ko palang lumaban ng husto
na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso.

Ngayong,
mag isa na ulit ako,
mas masaya na ako.

Kaya sa susunod na darating sa buhay ko,
tandaan mo
nagmahal ako ng gago
kaya ayusin mo ang buhay mo
kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
it’s basically means “To All The Douchbags In The World”

first spoken word piece i’ve ever attempted to write and will record soon

to all the filipinos out there, hope you enjoy it.
to everyone else, a translation will come out soon, let’s just pray my anxiety won’t get the best of me.
Marlo Cabrera Jul 2015
Jebs na jebs na ako.

Dumudungaw na siya na parang isang taong kagigising lang umaga,

gustong buksan ang mga bintana,

para lumanghap ng hanging bukang liwayway

Malapit na siyang lumabas,

unti uting tumitigas sa paglipas,

Ng bawat, segundo, menuto,

kung babae ako, dysmenorrhea na ito.


Pero sabi ng mga kaibigan ko,

wag ko daw pilitin ito,

baka naman daw kase

na imbis na ito ay tae,

mauwi lang sa utot.

At pinagmukha ko lang ang sarili kong  tanga.

Umasa, nasapag upo ko sa inidoro na lahat ng pagtiis ko, ang piling ko ay giginhawa.

Pero wala.

Para lang siyang damdamin ko, ang tagal kong kinimkim, ng taimtim sa pag-asang pag ito ay pinakawalan ko, na sasabihin mo na ikaw rin.

Na ang nararamdaman mo ay pareho din sa akin.

Lahat naman tayo dito nag huhugas ng pwet gamit ang tabo at tubig hindi ba?

Pwera nalang kung galing ka sa mataas na estado ng pamumuhay. Ikay gumagamet ng tissue paper o bidet.

Pero ako hinuhugasan ko ang puwet ko, kase ito ang turo saakin ng nanay ko.

Pero.

Bago ko natutunan ito, ang nanay ko ang nag hugas ng pwet ko.

Para saatin, wala namang espesyal dito,

Pero ngayon ko lang napagtanto, na ang pag hugas ng puwet ko ng nanay ko, ay puno ng pagmamal.

Sino ba naman ang gustong mag hugas ng labas ng butas kung saan lumalabas ang pinagtunawan pagkain.

Kaya kung sasabihin **** hindi ka mahal ng nanay mo, tignan mo lang ang sarili na nakatalikod sa salamin. At sariwain ang mga alala ng mga sandaling hindi mo kayang linisin.

Pero bago iyon, kung sa tingin mo na ang tula na ito, ay hugot lang, nag kakamali ka... Well actually, medjo lang.

Puwera biro.

Kung tutuusin, di' malayo ang pinag kaiba natin sa Jebs.
Kung iisipin, ang mga ginagawa natin araw araw ay mas masahol pa sa jebs.

Kung ipipinta ko ang isang imahe, makikita mo na ang jebs ay nakapahid ang tae sa buong kasuluksulukan, at kasingitsingitan ng katawan natin.

Pero may Isang tao na gusto padin yumakap at humalik sa pisngi natin.

Sino siya?

Siya ay ang Pagibig.

Araw araw lang siyang nagihintay, na ikay' lumapit sa kanya, magpalinis.
Ang gamit niya, na pang hugas ay mga kamay at dugo, dugo na ang tanging nakakapag linis ng katawan at ng kaluluwa mo.

Mula ulo hangang hangang sa talampakan ng iyong mga paa.

At sa kabila ng lahat gusto niya pa din tawagin mo siyang Ama.

At sa imbis na pangdidiri ang kaniyan nadarama,
Pag mamahal ang kaniya sayo ay pinadama.

Siya ay pinako sa mga kamay na ginagamit sa pag linis saiyo. Sa mga dumi na mas madumi pa sa jebs.

Ang iyong mga kasalanan.

Siya ay isinakripesiyo para ay ikay manatiling malinis, at iligtas ka sa lugar kung saan umaapaw ang jebs. At dalhin kung saan ang kalsada ay gawa sa ginto, at makasama ka magpakaylanman.
May seem really stupid at the beginning, but it gets better. I promise.
Paul Diesta Jul 2015
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman
Kahit aking puso'y lubos ng sugatan
Punyal na tumarak dito sa 'king puso
Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo.

Kaysakit isipin kung bakit ganito
Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo
Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa
Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta.

Sabihin man nila ako'y isang tanga
Puso'y di nagsisi ng piliin kita
Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka
Kahit buhay ko pa ang bawiin nila.

Ulan man o bagyo, aking tatahakin
Aking iniirog wag mainip sa'kin
Maghintay ka lamang tanging panalangin
Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
madrid Mar 2016
ito

ang sasabihin mo

sa mga taong iniwan ka

ito ang mga salitang binibitawan
sa panahong niloko ka niya, sa oras
na ang inihain sa iyong hapagkainan
ay ang sarili **** pusong naghihingalo
sumisigaw at sugatan, durog at duguan,
eto na


ang sarap ng tiwala




lasang PUTANGINA.




dahil tangina ng mga taong walang respeto sa tiwala
tangina  ng mga taong sinabihan na ng kanan pero nangangaliwa
tangina ng mga taong walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng iba
kaya ang sarap ng tiwala

nabudburan ng isang kutsarang 'tarantado ka pala'
nasangkapan ng limang tasang pagpapakatanga

kaya siguro lasang putangina

sabi nila walang aasa kung walang paasa
walang masasaktan kung walang mananakit
walang mafafall kung wala namang,
pafall
pero hindi ito paninisi sa mga kupal ng mundo
dahil sa gitna ng lahat
ikaw parin ang nandidikta sa tibok ng puso mo
nasa huli ang pagsisisi
at walang ibang maituturo ang iyong mga daliri
kundi ang iyong saliri
na iiyak iyak matapos malaglag
mula sa ika-sandaan apat na pu't tatlong palapag

sino ang sasalo sayo?

na pinaasa, nasaktan at nagpakagago
nauto ng makukulay na salitang umagos mula sa kanyang bibig

sino ang sasalo sayo?

ikaw at ikaw rin ang susubok magtagpi
sa mga tingi-tinging bahagi ng iyong sarili
na ibinigay mo ng buong buo
at ngayon ay ibinabalik sayo ng

pira-piraso

sino ang sasalo sayo?

pero tangina talaga eh

bakit mahirap tanggapin
ang hirap ilapat sa ngipin, kainin at lamunin ang ideya
na sadyang may mga indibidwal na ang tanging ninanais sa buhay
ang tanging hangarin bago sila mamatay
ay ang mangolekta ng mga pangalan, listahan
ng mga napanaan ng simpleng katangahan

Eh sino ka nga ba?
Para maging mahalaga sa isang taong sa simula palang
ay alam **** sasaktan ka na
Tanga ka rin eh.
Ganyan talaga
Mahal mo eh.
Ang tanong,
Mahal ka ba?

Oo - masakit.
Pinaglaban mo eh.
Oo - mahirap.
May pinagsamahan na kayo eh.
Oo - mapait.
Dahil sa bawat minuto na hindi mo siya kasama
mapapatanong ka nalang ng
"Bakit, hindi ba'ko naging sapat?
Hindi ko ba binigay ang lahat?
Ang oras, dugo,
Pawis at puso
Para lang maparamdam sayo
na ikaw lang ang gusto ko.
Na ikaw lang ang pinagdadasal ko.
Ikaw lang ang akala ko iba
sa kanilang lahat.
Uulitin ko hindi ba'ko naging sapat?"

Siguro nga hindi.
Pero tatandaan **** hindi lang ako ang nagkamali.
Hindi ako ang nanakit.
Hindi ako ang nagpaasa.
Hindi ako ang nanggago.
At mas lalong hindi ako ang nagsabi ng mga salitang.
"Mahal kita"
Pero hindi naman talaga.
Ako ang naging tanga.
Pero putangina mo.

Dahil sayo,
hindi nako naniniwala
sa salitang tiwala.
Hindi na ko naniniwala
sa mga katagang "namiss kita".
Hindi na ko naniniwala
sa anumang hugis ng pag-ibig.
Nang dahil sayo,
Natuto na ako.

Ito na ang huling beses na lolokohin ako ng tadhana
Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko lahat
sa iisang tao lang.
Ito na ang huling mga salita.
Kaya makinig ka.
Hindi na ako magpapakatanga
Para sa isang taong walang karapatang tawagin
akong pagmamayari niya.

Tama na.

para sa mga taong walang lakas ng loob magsalita
para sa mga nagpakatanga, nagpapakatanga at may balak na magmukhang tanga
para sa mga pinaasa ng salitang tiwala

pasensya na sa mararahas na salita
sa pagsabog ng aking dibdib
at pag agos ng mga bala
kailangan ko lang talagang ibahagi sa iba
ang pait ng isang taong binulag ang sariling mga mata
ang kasinungalingan sa likod ng pagiging masaya
ang pinagmumulan ng punyetang duda
ang sarap ng pagiging malaya
ang lasa
ng putanginang tiwala
Gwen Pimentel May 2015
Putang inang pakshet gago putangina mo tarantado x2
Kinakanta ko 'to tuwing nagagawa ng isip kong paglaruan ang mga alaala kong ang nilalaman ay ikaw
Ikaw lang naman talaga eh, dati, ngayon, at bukas, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng pipi kong puso
Ikaw ang tanging Nakikita ng aking mga matang bulag
Ikaw ang tinig na naririnig ng bingi kong tainga
Ikaw ang nakapapasok sa maliliit na eskinitang daan papunta sa aking puso
Ikaw lamang ang may kakayahang baguhin ang daloy ng ilog ng aking dugo upang masundan ka

Ikaw
Ikaw pa rin ang pipiliin
Kahit ilang beses mo akong saktan
Kahit ilang beses mo akong saksakin gamit ang bubog ng aking nabasag na puso
Kahit na mawalan ng boses kasisigaw ng iyong pangalan
Kahit ilang babae pa ang pinagkukwento mo sakin at ang pakiramdam ng bawat kuwento ay tila baril na tumatagos sa aking puso
Dahil pagkatapos mo akong saktan nagpapakatatag lang naman ako upang masaktan mo muli

Ikaw
Na minsan kong tinawag na mahal, babe, pangga, bebe luvs,
Ay matatawag ko na ngayon na
Tanga, ulol, manhid, pangit, hampas lupa, haliparot, lintek, demonyo, leche, gago, tarantado,kulelat, hayop, sira ulo, walang hiya, bakulaw
Iilan lang to sa mga katagang binigay ko sayo
Sa pag-asang malilimutan ng puso ko kung gaano kita minahal
Pero wala
Nag-aalumpihit na ang sikmura kong pinipilit ilabas ang lahat ng mga parte **** linunok ko hanggang sa wala nang maiwang bakas na minahal nga kita
Nag-aalinlangan ang isip ko, kung itatapon ko na ba ang ating mga alaala o itatago lamang upang mabalik-balikan kapag nalulumbay

Siguro ikaw si Kuya Kim, diba ang buhay ay weather weather lang?
Kasi nagdala ka ng bagyo sa aking mga mata na naging landslide pababa ng aking pisngi
Nagdala ka ng lindol na ang epicenter ay sa puso ko at nabulabog ang buong mundo ko, at ang puso’y nawasak
Nagdala ka ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako
Nagdala ka ng tsunami sa aking isipan at binura mo ang lahat kaya’t ikaw nalang ang laging isip

Ikaw
Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin
Oo
Ako na yung tangang nagmahal pa rin sayo
Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin
Ako na ang sumalo sa lahat ng bubog ng iyong puso, sa lahat ng luhang iyong iniyak
Ako na ang trainer wheels sa iyong bike, sabi mo di mo na ko kailangan pero gusto kong naroon pa rin ako upang masigurong hindi ka masasaktan
Ako na ang bandaid sa bawat sugat na iniiwan ng mga babaeng minahal mo, mga halik sa sugat pinapatigil ang dugo
Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil
Ako na yung stik-o sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo
Ako na ang babaeng umaasa sayo na parang naghihintay ng ulan sa tagtuyot
Bakit ba hindi nalang ako

Ito ang tanong ko sayo, ako nga ba ang talagang tanga rito? Di ba ikaw rin?
Bago ka maghabol nanaman ng isa pang babae, kuya tingin tingin naman diyan sa paligid
Baka nasa harap mo lang, ang babaeng matagal nang hinahanap
ikaw filipino tagalog hugot nanaman potek saklap sakit pagibig love
ZT Oct 2015
Masyado kitang minahal
AT masyado mo rin akong minahal
Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan

Kailan nga ba nagsimulang maging lason … ang masyado nating pagmamahalan?
Sa nakaukit sa aking memora’y nahulog ako sa napaka tamis **** ngiti,
Ang mga mapang-akit **** titig at ang napaka lamig na boses na binubulong ng yong labi

Nang ako’y iyong ligawan masyadong mabilis mo akong napasagot ng oo
Kasi napaka laki naman ng amats ko sayo
Kaya nagkaroon agad ng isang “tayo”

Tayo ay nagtagal…. Masyadong nagtagal
Na tila masyado nang napuno ng “tayo”
Nakalimutan na natin ang para sakin at sayo

Masyado nang naging masikip

Bumuo tayo ng napakaraming mga pangarap
Para sa ating hinaharap
Kaya masyado nitong kinain ang ating panahon
Ang dugo at pawis nati’y nilamon

Masyado tayong naging kampante
Na palaging nariyan ang isa’t isa kahit sa oras para sa kanya’y nagkulang ka na
Masyado nang naubos ang ating lakas
Upang mabuklod ang ating bukas
At di na natin namalayan na ang ngayon pala’y naging masyado nang marupok
At ang ating tayo’y.... unti-unti nang nalulugmok

Hanggang sa naging madalas na ang paglabas ng mga salitang nakakasakit na
Ang paglakas ng mga boses na nakakabingi na
Masyado nang naging madalas ang pag-aaway sa kokonting pagkakataon na tayo’y nagkikita

Masyado nang dumalas ang pagtatanong kung bakit pa?
Kung ipagpapatuloy ko pa ba...
Dahil masakit na

Masyado nang dumami
Ang rason ng aking pagsisisi
Hanggan nasabi ko sa aking sarili
Na tama na
Ayaw ko na
Kasi napakasakit na

Masyado kitang minahal
AT masyado mo rin akong minahal
Dahil sa masyado nato, Masyado tayong nasaktan
AT ang sakit nato’y gusto ko nang makalimutan


Kaya hanggang dito nalang ang pag-ibig na binuo ng Napaka at Masyado.
Minsan kung anong pinakamamahal mo siyang mas nakakasakit sayo
Jey Oct 2015
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga. Isang araw, naisip na naman kita. Isang araw **** ginulo ang isip ko. Isang araw, binalik-balikan ko ang masasakit na alaala mo dahil isang araw, biglang iniwan mo ako.

Iniwan mo ako… at mula noon ilang araw akong wala sa sarili. Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka umalis. At kung bakit hindi ako ang iyong pinili. Ilang araw na akong nagbakasakali na maiisip **** ako na lang. Ilang araw na patuloy na umaasa sa pangakong babalik ka… “Babalik ako, bigyan mo ako ng isang linggo.” Ilang araw pa at naghintay ako, naghintay ako kahit alam ko na kung sino ang pinili mo.

Isang tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Isang tanong na hindi masagot nino man. Isang tanong na hindi ko makalimutan. Isang tanong na wala naman talagang kasagutan. Isang tanong, “Mahal, bakit mo ako iniwan?”

Hindi nga lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan. Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan. Puta isang buwan, ganyan, isang buwan nga lang naman. Marahil naging mabilis nga ang mga pangyayari pero ipapaalala ko lang sa’yo ikaw – ikaw ang naunang nagbukas ng pinto. Ikaw ang naunang nagsabi ng “Mahal, bakit di natin subukan?” At sumubok ako. Lumaban tayo.  Ngunit pagkatapos ng lahat ay ano? Wala, wala nga palang tayo.

Alam mo, ito na marahil ang pinaka-tangang nagawa ko sa buhay ko. Sa sobrang ganda at saya kasi parang pwede nang isulat bilang isang nobela, baka nga bumenta pa sa Wattpad eh at ititulo ko “Tinidor” o kaya “Alexa”? Haha.

Pero sa sobrang sakit din parang pang-soap opera. Kaya bakit ganun? Bakit parang ako lang ang nasaktan? Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmahal? Bakit ako lang? Bakit? Ah alam ko na… kasi hindi ako ikaw.

Hindi ako ikaw, ikaw na naging pipi sa pagsigaw na ako ang mahal mo. Ikaw na naging bulag sa pagtingin sa kung sino ang nandito. Ikaw na naging bingi sa mga salita niyang “hindi kita gusto!” Ikaw na pilit umiwas sa maliliit na eskinitang daan papunta sa puso ko. Ikaw na naging duwag sa pagtangkang sumabay sa daloy ng ilog na magdadala sa atin sa bukas.

Hindi ako ikaw. Ikaw na nagdulot lamang ng bagyo sa aking mga mata. Ikaw na nagdala ng lindol at bumulabog sa mundo ko. Nagdala ka lang ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako.

Ikaw. Ikaw pa rin ang bumitaw. Ikaw pa rin ang bibitaw. Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin. Oo. Ako na yung tangang nagmahal pa rin sa’yo.

Ako na ang mabibingi at sa kalaunan ay magiging pipi, sa pagsigaw na mahal kita. Ako ang magiging bulag sa pagtingin sa iba dahil sa’yo lang mahal, sa’yo lang ako susubaybay. Oo, ako. Ako naman ang magiging bingi sa mga salitang minsan mo na  din sinabi sa akin, “hindi ikaw ang gusto ko!” At ngayon alam kong, hinding-hindi yun magiging ako. Ako ang sisiksik sa maliliit na eskinitang daan sa puso mo. Ako na ang lalangoy at sasabay sa daloy ng ilog maging sa hampas ng alon kahit wala ka na sa bukas na kahahantungan ko. Oo, ako.

Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin. Ako na ang trainer wheels sa iyong bike. Ako na ang band-aid sa bawat sugat na iniwan ni Alexa, mga halik sa sugat na magpapatigil sa dugo. Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil.  Ako na yung huling stick sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo.

Masyado nang mahaba ito, kaya tutuldukan ko na. Kasabay ng pagtutuldok sa masasaya at mapapait **** ala-ala. Kasi ngayon ako naman ang napagod na maghintay. Ngayon puso ko na naman ang unti-unting namamatay.  Pero hindi ko ito hahayaan kasi mali eh, sabi nga ni Trixie, “nasaktan mo lang ako, pero hindi mo ako napatay.”

Hindi ako ikaw, ikaw na tanga kasi pinakawalan mo ako. Mayabang man kung maririnig nila pero oo gago, ang laki **** tanga dahil iniwan mo ako. ‘Wag kang hangal kung sasabihin **** hindi siya ang pinili mo kundi ang sarili mo dahil alam natin pareho at sa kanya ka pa din babalik. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Minsan subukan **** maging ako.” Para alam mo kung gaano kasakit. ‘Wag kang mabuhay sa parang. Sa parang sa’yo, pero hindi. Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi.
Uni(berso)
1:05 AM
August 5, 2015

celestialdeity.wordpress.com
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
Maemae Tominio Sep 2016
SYA
Sa dami ng tao  na nabubuhay sa mundo,
Hindi lang isa o dalawa ang nakakaranas nito,
Mga tanong na animo'y basag na salamin na di na mabuo,
Walang ibang kayang sumagot kundi mismong puso mo.

Sinu ba naka imbento ng pagmamahal?
Bakit pag nasaktan, paglimot ay kaytagal,
Mga nakaraa'y gusto **** balikan,
Ngunit tadhana sayo'y gusto ng kalimutan.

Biktima ka na ba ng maling pagmamahal?
Yung tipong mahal mo sya, mahal ka nya ngunit bawal,
Mainit sa mata ng iba at hindi kaaya aya,
Ngunit para sa inyong dalawa'y pag sasama nyo'y anong kasing saya.

Agwat ba ng edad ay hindi alintana?
Sa paningin ba ng iba'y hindi maganda?
Mamahalin mo pa ba ang isang tulad nya?
Kahit ba ang edad mo'y doble sakanya?

Paanu ba masusukat ang pagmamahal sayo?
Sa tagal ba ng kanyang paghalik o pagsusundo sayo?
Sa rami ng okasyong nabibigay nyang regalo,
Dun mo ba makikita kung mahal kang totoo?

Paanu kung isang araw puso mo'y tumibok,
Sa taong di pa nakikita o nahahawakan kahit hibla ng buhok,
Mamahalin mo pa ba sya kahit sobrang lungkot,
Hindi nya magawang yakapin kapag ika'y nagmumukmok.

Mahirap talaga kapag ang mahal mo'y nasa malayo,
Lalo na kung umaasa kalang sa wifi ng kapitbahay nyo,
Na kapag mahina ang net , babagal din sayo,
Ngunit tinitiis ang lahat para sa mahal mo.

Paanu kung nalaman mo ang nakaraan nya?
Pagmamahal mo ba'y magbabago at mawawala,
Mga supling na nag aalaga sakanya,
Nagpasaya't nag aruga noong wala ka pa.

Iisipin mo pa ba ang nakaraan,?
Kung sa puso mo'y masaya ka sa kasalukuyan,
Mahirap man tanggapin sa unang nalaman,
Ngunit tinanggap mo parin sya sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Hindi pa ba napapagod ang iyong puso?
Sa nalaman mo'y bat hindi ka sumuko?
Ganito ba talaga kapag mahal **** totoo?
Tatanggapin lahat kahit komplikado.

Sa muli **** pagtanggap, may biglang nagparamdam,
Babaeng nakasama nya at gusto syang balikan,
Ikaw ba'y magpaparaya na at sya'y iwanan,
Na kahit labag sa loob mo'y iyong bibitawan.

Ngunit sa pag bitaw mo'y syang pag kapit sayo,
Mga paliwanag nya na nagpapatatag sa puso mo,
Pipiliin mo ba ang kasiyahan ng iba o kasiyahan nyo?
At tanggapin sya ulit at bumuo ng panibago.

Tadhana na ba talaga ang gumagawa para ika'y ilayo,
Nakaraan nya'y nagbalik na at may isa pang panibago,
Biyaya sa sinapupunan nya'y dugo't laman mo,
wala na bang magandang mangyayari sa relasyong to?

Mapapabuntong hininga ka nalang sa mga pangyayari,
Kailangan na ba tong itigil at hindi na maaari,
Kayrami ng rason para sa sarili mo naman ika'y makabawi,
Sa lahat ng luhang pumatak at pighati.

Panu kung ang mahal mo'y taglay lahat yan?
Dobleng edad, may mga anak, at meron pa sa tyan?
Tanga ka kapag hindi mo pa binitawan,
Nagmahal ka ng totoo kapag sya'y iyong pinag laban.

Ngunit hindi na susukat sa pananatili mo kung gaano sya kamahal,
Minsan gagawin **** bumitaw para sa katahimikan ,
Katahimikan ng puso nyo at ng nasasakupan,
Kailangan sumugal kahit na nasasaktan.

Alam **** darating ang panahon na maghihiwalay tayo,
Pero sana bumalik ka kapag puso mo'y tinitibok pariny ay ako,
Masakit man isipin na mag hihiwalay tayo,
Pero sana isipin mo na minahal kita ng totoo.

Yang katagang yan ang gusto kong sabihin sayo,
Ngunit takot ang dila ko na ipahayag ang mga ito,
Takot ako na masaktan ka sa paglayo ko
At takot ako na baka di matanggap ng puso ko.

Alam kong marami pang pag subok ang darating,
Alam kong panghihinaan ako ng loob kapag itoy dumating,
Sana gabayan mo ako sa anumang pag dedesisyon
Huwag kang titigil para bigyan ako ng leksyon.

Umiyak man tayo ng ilang beses,
nasaktan man tayo nag paulit ulit,
Marinig ko lang malalambing **** boses,
Sakit ng nadaramay ,saya ang pumalit.

Lagi **** tatandaan na mahal kita,
Mahal kita at tanggap ko kung anu ka,
Hindi importante kung ano ang nakaraang iyong nagawa,
Ang mahalaga ay ngayong masaya tayo sa isat isa.

Hindi ko man maramdaman ang init ng yakap mo,
Hindi ko man maramdaman ang dampi ng mga labi mo,
Maramdaman ko lang na nandyan ka lagi sa tabi ko,
Hindi ako mag sasawang unawain ka at magpaka totoo.

Balang araw magsasama tayo at sana ikaw na,
Kung hindi man ikaw, ang mahalaga tayoy naging masaya,
Hindi man matagal ngunit magsisilbi itong alaala,
Na dadalhin natin sa ating pagtanda.

#love
#sacrifice
KHAYRI WOULFE Nov 2018
Unang gabi sa huling sandali
Nag-aagaw ang ilaw at dilim
Katahimika'y namamayani.


Nakatayo sa gilid ng bangin
Isang hakbang tungo sa libingan
Nakapikit ngunit nakatingin.


Sumilip ang buwan sa kalangitan
Hudyat ng katapusan ng duyog
Tuluyang bumukas ang pintuan.


Lumiyab ang bawat alikabok
Mga alitaptap na dumadapo
Sa bawat sugat nangingimasok.


Buhok ay nagsimulang lumago
Sabay sa pag-ikli ng hininga
Nagpupumiglas sa bawat pulso.


Isang bulaklak na bumubuka
Dugo at ginto ang tanging dilig
Usbong sa hungkag at tuyong lupa.


Buto at laman ay nanginginig
Balat ay nagsimulang uminit
Halik ng apoy sa pulang tubig.


Umuungol sa bawat pagpunit
Likuran na may bagong pasanin
Ngipin na sukdulang nagngangalit.


Nakalutang sa payak na hangin
Kamay ang nagsisilbing kandila
Maglalakbay sa tulay na itim.


Isang sulyap bago kumawala
Ibinuka ang pakpak na pilak
Huling yugto ng pakikidigma.
Written
11 November 2018


Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
J Dec 2018
Pinas na minamahal
Lugar na aking sinilangan
Bansang kayraming yaman
Ngunit buhay ang kapalit
Nang sumigaw upang marinig
Pagkat nanlaban kaya dugo ang kapalit
Laban nga ba sa droga o laban sa bayan?
Ang tanging tanong na binabatid
Ang tanong na di mawala sa isip.
Ang yaman ng bayan naglalahong parang bula
Sa bulsa ng pamahalaan makikita
Bilihin na nagmamahal
Sa bibig na lang ng presidente ang mura
Sa atin pa ba ang bayan?
O kabilang na sa mga estado ng tsina at amerika
Mga kababayan na lumuluwas sa bayan
Makamit lamang ang kaginhawaan
Dugo, pawis at buhay ang naging kapalit
Ang kabataan nga ba ang pag-asa ng bayan?
Pagkat sila’y sa selda makikita imbis na sa paaralan
Sambit nila’y kulang daw sa disiplina at pagsisikap
Habang sila’y nagbubulag bulagan at nag-bibingi-bingibingian
Ano na nga ba ang katotohanan?
Saan na nga ba nakabase ang tama at mali?
Susunod ba sa pamahalaan o sumigaw para sa ating kinabukasan?
w Oct 2017
80
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan
Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo
Hindi mo man malugod na matanggap
Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag
Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit
May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita
Iba na kasi ang hugis
Hindi ka na tulad ng dati
Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan
Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi
At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo
Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya?
May iyak na pisikal
May iyak na hindi kayang ihayag ng luha
Isang tapang na paimbabaw
Pero sa totoo lang, isang kaduwagan
Kailangan **** ilabas yan
Isigaw mo kung kinakailangan
Maglupasay kang parang bata
Suntukin mo ang unan
Magtapon ka
Magbasag ka ng pinggan
Ilabas mo
Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak
Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak
Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian
Ipikit ang pagal na isip
Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig
Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka
Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag
Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa
Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili
Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang
Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal
Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang
Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang
Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo
Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon
Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan
Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan
Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
George Andres Sep 2018
sumulat ako ng elehiya

ginamit ko lahat ng palasak na salita
ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan
mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma
'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya

tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina
napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA!

nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw
mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay
may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan
ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa.

hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan
ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka
nanlamig ako at namutla,

binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan
pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya

at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan:
ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban

sa huli, wala akong armas na nilundayan

sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang,
sumulat ako ng elehiya
Jun Lit Oct 2018
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan,
Enero, Pebrero, Marso ng kabataan
Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam
balatkayong pinasikip ng mga agam-agam
mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham
sa yungib ng pipíng isipan.

Sa pagtalikód ko’y hiniwa
ng balaraw ng panghihinayang
ang banig na naidlip saglit
sa magdamag na paglalamay
banig na nilala ng mga dekada
mula sa mga hibla ng pagsusumikap.

Paalam,
kaibigang nabingi sa tawag ng luho
Walang alinlangang maririnig mo rin
ang tibok at bulong ng puso
Ninais ko sanang samahan mo ako
at ating anihin
ang mga uhay na mula
sa binhing ipinunla
sa mga alapaap.
Ninais kong lasapin
ang matamis na bunga,
pinahinog ng tiyaga
at patuloy na pag-asa.

Subalit
dagtang makapit,
luhang mapait,
kumikirot ang lupa
sa patak ng namuong dugo
ng bayaning nagbuwis
ng sariling pagsuyo.

Kikitlin ng Nobyembre
ang bawat naiwang himaymay
sa lamig ng yakap ng amihan
- akala’y dakila ang dayuhang niyebe.
Mamamaluktot muli sa maigsing kumot
hanggang sa magising
sa aguinaldo ng Disyembre
at pagpasok na naman ng Bagong Taon
walang kamatayang panahon
aasa na naman sa ****
na iba ang pangako at iba ang tugon
sa dalangin at maraming tanong

Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
Oktubre - Filipino word for October; for several years now, sometime within my birth month, I unconsciously start to reflect on events in my life and the places I call home.
s u l l y Mar 2017
Itong tulang ito ay para sa mga taong nag mamahal pero pagod na dahil nabigyan sila ng motibo na bumitaw o lumayo

"Mahal kita, pero pagod na ako"

Mahal, naalala mo pa ba kung paano tayo nag simula?
sa kung paano tayo napapangiti sa mga kwentuhan nating dalawa,
sa mga masasaya nating ala-ala,
yung malulungkot nating ala-ala,
yung mga ngiti mo na pati mata mo napapangiti na rin,

Pero naalala mo pa ba ang una kong pag laslas dahil nag selos ako?
nakita mo ba yung mga dugo na tumutulo galing saaking kamay
na tila parang gripo na walang tigil sa pag daloy?
nakita mo ba yung mga luha na tumulo sa aking mga mata
na tila hindi na kayang tumigil,
nakita mo ba sa mga mata ko kung gaano ako nasaktan
nung nakita kang masaya sakaniya, kahit magulo tayo?

Naguguluhan ako, naguguluhan ako dahil sabi mo
mahal mo ako, pero hindi ko ramdam,
hindi ko ramdam yung mga salitang binitawan mo,
hindi ko ramdam yung "I love you" mo,
hindi ko ramdam na mahal mo ako,

Naalala mo pa ba yung mga pangako mo saakin?
yung pangako mo sakin na tayo lang?
yung pangako mo sakin na ako lang?
yung pangako mo na hindi mo ako iiwan?
yung pangako mo sakin na hindi mo kayang mawala ako?
yung mga pangako mo na pinako mo lang,

Alam mo? para kang bubble gum, sa una ka lang matamis,
para kang asukal, matamis nga mabilis naman mawala,
para kang bula, ang bilis **** nawala,
para kang anino, sa liwanag mo lang ako sinusundan,

Mahal, Mahal na mahal kita. Pero.. Pagod na ako.
Paalam na, Mahal. Ayoko sana itong mangyare,
Pero binigyan mo ako ng motibo.
Paalam, Mahal.
Pluma Apr 2015
Kling Klang....  Kling.. Klang..

Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.

Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.

Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.

Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.

Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.

Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.

Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?

Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!

Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa *anghel
sa tiyan nito.

Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.

Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.

Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.

Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.


*
Kling Klang... Kling.. Klang..
Bells and their ironies.
HYA Jan 2018
Sa segundong tinatapos ng araw
Ang iyong mga ngiti ang aking sinisigaw
Humihingi sa kapalaran ng iyong pagpapahalaga
Habang nauubusan ng mga salitang maaaring maitugma

Sa mga sariling panaginip na aking binubuo
Na kahit ang aking utak ay patuloy na nalulumpo
Mga tawang kahit sa iba mo na inilalahad
Waring ang melodiya ay napupunta sa aking palad

Ngunit sinta, parang ayaw ko nang sumulat
Kung parati ko nalang nalalasahan ang tipik na maalat
Ang plumang hinahawakan ay nauubusan na ng tinta
Ayaw lumabas sa kaniyang lungga kaya ako ay kanyang binabanta

Saad ay tapusin na ang pagsusulat
Ng mga aninong nasosobrahan sa pagiging tapat
Iyong pagpapahalaga, iyan lamang ang hinihingi
Subalit, mahal, bakit parang ikaw ay nabibingi

Ayaw ko nang sumulat, nakakapagod na
Nauubusan na yata ako ng mga parilala
Na maaaring maitugma sa mga karanasan
Na pinipilit ng aking nakakaumay na imahinasyon na balikan

Tapos na, hanggang dito nalang ito
Sa dami ng mga piyesa, ikaw ang laman, ikaw ang itinuturo
Kaya, mahal, ayaw ko nang sumulat
Kung ang aking tinta ay nagiging kasing kulay ng dugo kapag napupunta sa iyong balat
ayoko naaaaaaa
INSPIRATION PLEASE. PLEASE. PLEASE.
Jose Remillan May 2016
44
Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng ating mga ninuno.
Mga alingawngaw na daing,
Mga daing ng gatilyo,

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Biktima ng huling uwak ng
Takipsilim, unang kalapati ng

Bukangliwayway.

Sanlaksang katotohanan, kayo'y
Hindi mga bayani, bagkus mga
Moog sa pedestal ng idelohiya't
Pananampalataya ng digmaan.

Naihasik na ang luhang dugo
Sa tigang na lupa ng mga Pangako.
Kapagka ang yeso ang ipinambato
Doon sa madaldal na estudyante mo,
At saka-sakaling tamaan ang ulo,
Bala ang babalik sayo mismong noo!

Kapagka pambura'y ipahid sa mukha
Niyong mag-aaral na tatanga-tanga,
Pakaiwasan mo't baka maging kawa
Yaong igaganti sa iyong ginawa!

Kapagka ang pluma ang siyang ginamit
Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis;
Sapagkat di tinta yaong ipapalit,
Kundi ang dugo **** mas nakakahigit!

Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa
Niyong estudyanteng labis na nagdusa--
Pakaasahan mo't gaganti ang bata,
Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
Wala hong personalan, trabaho lang!
jia Jul 2019
kung walang tatayo para sa bayan, sino?
ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro?
ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago?
kung hindi tayo lalaban, sino?

sino bang dapat lumaban at makiaklas?
sino bang nandyan hanggang bukas?
sino bang nais humamon upang maging patas?
sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas?

hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan?
hindi ba't ikaw na mamamayan?
hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman?
hindi ba't ikaw na anak ng bayan?

sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon,
ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon.
mga aksyon natin dapat iayon,
kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
para sa bayan.
AL Marasigan Apr 2017
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig…

Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo.

Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko.

Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba?

Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit.

Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula.

Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin.

Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan.

Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay.

Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
Inspired by Juan Miguel Severo's  "Sampung Bagay na Natutunan ko sa mga Umiibig"
wizmorrison Jul 2019
Ako'y sayo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y natatakam
Dugo mo ay matikman

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Papakinggan ang iyong sigaw
Na nasasaktan

Ayokong mabuhay kang malungkot
Sigaw mo'y musika
At gilitan ka hanggang sa dugo'y maubos
Halina't sa akin sumama

Sa'n kaya?

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Papakinggan ang iyong sigaw
Na nasasaktan

Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang gusto
Ikaw lang ang gusto kong patayin
Dala ko'y isang matulis na panaga
Ibig kong ika'y akin nang hatakin

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Papakinggan ang iyong sigaw
Na nasasaktan

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Papakinggan ang iyong sigaw
Na nasasaktan
sa may dagliang liko
abot ng aking ligaw na sulyap ang
sabungan. matatas ang kanyang
ngalan.

"Cockfighter's Rendezvous" kaunting
lakad lamang pabalikwas sa
MERALCO kung saan isang mahabang
karagatan ng tao ang pilit
na inaalon ng bayarin, kaltas
sa sahod, bulag sa paroroonan.

ayon sa mga akda ay mayroong
Kristo sa sabungan. siya ang
nangangasiwa sa aliwan ng mga
drayber. ang matalas na tari
ng kanilang hagikgikan
ay lumulubog sa haba ng
pantimpalak

naroon daw si Kristo
habang
ang dagundong ng batingaw
ay tulog sa tore.
pitikan ng pitikan ng yosi
kung saan na lamang maisipan
ng pagod na kamay na may samyo
ng dala nitong lansa,
at matapos ay papasok ng muli
sa simbahan kung saan
kasabay ng pag-danak ng dugo
ang pag-kubra ng nag-wagi.

hawak ni Kristo ang patay
na manok,
nasusulat sa tari ang
linya ng dugo.
alam ko naroon si Kristo.

hawak ni Kristo
ang mga baryang kumakalansing.
ilang pirasong pag-asa
para sa pawisang drayber,
para sa parokyanong lasinggero,
para sa baguhan sa aliwan,
para sa llamado.

hawak ni Kristo ang lahat,
at siya ang panuto
sa pagsusulit ng ganid.

pauwi na ako. wala na ang
alingawngaw ng sigawan.
Lunes nanaman at ramdam
ng lahat ang bigat
ng parating na mga araw.
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go
Sy Lilang Nov 2016
110916

Yugyugan, walang hele
Galit at poot, walang tuldok.
Bayan, Bayani at Rebolusyon
Dugo, Latay at Krus.

Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani
Pasismo'y binabali
Demokrasya'y katunggali.
Hampasan ng Hustisya,
Latay ng Pagtutuligsa.
Kalampag ng mesang panay barya
Sigaw ng paghain ng kamatayan.

Bukas ang Pintuang tila batong hinati
Uhaw, sawing-palad,
May luwad na dalamhati.
Di makilala, suyod nang kaladkaran,
Saboy ng pighati.
Walang bahid, walang bisa --
Hindi maramot ang May Grasya.

Negosyo sa pulitika
Kalakal ng mga salita.
Palimos nang makaraos
Lusong, tapon, salo at ahon --
Yan ang pagtatapos --
Isa, dalawa, tatlo
Tatlumpu't tatlong taon.

Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi.
Nalimot ba ang Kasaysayan?
Hindi.
Ang natatanging Kasaysayan,
Tanging Kristo ang tutuldok
Tanging Kristo ang saysay
Walang iba, tapos na.
Sy Lilang Apr 2015
Sinasalipadpad* ang mga *kalat sa pulitika
Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato
Sa modernong botohan
Tila may iilang selyo,
May mga balotang sanay
Sa may agnas na kandado.

Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto
Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi
At may mga bulag na nabibili ang dangal
Iisa lang sana ang daan
Pero may nagwawagayway ng limang daan.

Sa Pula at sa Dilaw
Andaming banderitas.

Alam nyo, kapwa ko
Magising tayo
Mamulat na tayo
Tama na ang bawian-buhay.

Itong Hari ng mga Pula
May tandem na Itim
Dugo't budhi ma'y kayrumi
Hindi kasi pinapansin
Ang Itim ang Hari ng Droga
Panay ang kalat sa Puerto Princesa
Ang Pula ang taga-walis
Tila anghel sa bawat sigaw ng masa
Naglipana kasi ang salapi
Mula sa bulsa niyang binulsa lang din
Nagkabaun-baon sa utang
Itong siyudad na wala noong bahid.

Binayaran pati ang dangal
Hindi lamang ng mga naturingang mangmang
Eh kasi pati yung may rango
Nagpatiwakal na rin
Nanlimos ng barya ng bayan.

Buhay mga kinitil
Kung ang salita ay bibitiwan,
Barilin nyo kami nang talikuran
Habang may hinagpis
Kaming Inang Bayan.

Magwagi ka man Pula
Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan
Patas siyang lalaban sa Bayan
Pagkat siyudad niya ito,
Kaya nga "City of the Living God."

Marami mang pakulo ang partidong Pula
Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak
Kami'y maralita
Palimos ng pag-asa
Lalaban para sa hustisya.

Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan
At basbas Mo'y sa Dilaw
Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan
Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo.

Ikaw ang Maghari Ama
Eugene Dec 2015
Hating-gabi na mahal, ikaw ay nasaan?
Naghihintay ako sa ating tarangkahan.
Taimtim na nanalangin sa iyong kaligtasan,
Gustong kitang masilayan kahit kabilugan ng buwan.


Madaling araw na mahal, wala ka pa rin.
Rinig na rinig ko na ang ungol sa labasan.
Nagbabakasakaling aking masaksihan,
Ang iyong pagdating mula sa gitna ng kagubatan.

Hating-gabi na mahal, ako'y takot na takot na.
Mababangis na hayop ay nagsimula ng naglipana.
Ang ingay ng uwak ay kaliwa't kanang namumutiktik,
Dinaig pa ang ingay sa piging ng isang bayan.


Hating-gabi na mahal, nagmamakaawa akong umuwi ka na.
Ako'y nag-iisa, walang kasama, at takot na takot pa.
Nararamdaman kong may mga matang nakatingin, uhaw na uhaw sila.
Sa bawat paghinga ko'y alam kong buhay ko ang kukunin nila.


Hating-gabi na mahal, nabuwal na ang pintuan.
Isang nilalang na may mahahabang kuko't matutulis na ngipin,
Ang nakapasok na't naglalaway, gusto na akong lapain,
Ngunit ako'y naging tulisan at hinarap ang kalaban.


Hating-gabi na mahal, tulungan mo akong puksain.
Ang halimaw sa bahay na handa akong patayin.
Naging matapang ako kahit walang alam sa pakikipaglaban.
Nakipagbuno, nakipagtagisan, at nakipagsaksakan.

Hating-gabi na mahal, ako'y kanyang nahuli.
Kinagat sa braso at kinalmot sa mukha ng walang pasabi.
Sa malalaking kuko niya'y lakas ko'y napawi.
Tumilamsik ang dugo, katawa'y nanghina, at ako'y nagapi.


Hating-gabi na mahal, ako'y parang kinakatay na.
Sa matutulis niyang ngipin, katawan ko'y pira-piraso na.
Hanggang sa tumitibok kong puso'y binunot niya,
At tuluyan na akong napapikit at nawalan ng hininga.

Hating-gabi na mahal, nakauwi ka na ba?
Sy Lilang Jul 2015
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Pia Montalban Aug 2015
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang mga butil ng bigas
Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay
Na bago pa man maitundos sa lupa
May paghahandang dapat na maisagawa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang kailangang palipasin
Ilang mga araw at linggong magdamag
Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo
Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y
Mahabang takipsilim ng pag-aabang
At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig,
Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may panahon ng paghahasa
Ng mga gulok, sundang at karit
May panahon ng paghahawan
May panahon ng paggapas at pag-aani
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Batid nilang may aangkin ng lupang kanila
Batid nilang may panahon ng paniningil
May panahon ng pag-ani ng karapatan
May panahon ng pagkapatas
 
Maalam maghintay ang mga magsasaka
Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay
Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising
Ang oras ng pagtindig
Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
Pipin Nov 2017
Kay liwanag na mga tala
Sa gabing walang pag-asa
Nakahundasay na mga latay
Sa lupa ko'y inialay

Dagundong ng mga bala
Patalim na pang-harana
Ang aming pamaskong handa
Para sa bagong noché buena

Alikabok na lumiliyab
Mga puwing na sumisiklab
Buhangin sa ilalim ng dagat
Sa balat ko'y namulat

Umagang kailan kaya mararanasan
Kung may bukas pang masisilayan
Ng aming pusong binubo
At winasak ng luha ng dugo...
Jeremiah Ramos May 2016
Huwag **** kalimutang huminga,
Bago magsalita,
Bago tumula,
Pagkagising mo sa umaga,
Huminga ka.
Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga
Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na

Huminga ka,
Sa bawat halakhak,
Sa bawat pag-iyak,
Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod.
Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa.

Huwag **** kalimutang pumikit minsan,
Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita,
Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim,
Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata,
Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya
Magpahinga ka muna kasi
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga

Huwag **** kalimutang makinig,
Sa hampas ng alon sa mga bato,
Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa,
Sa mga huni ng ibon,
Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim,
Sa tunog ng paborito niyong kanta,
Sa mga kwento niya,
Sa tibok ng puso mo,
Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap
Pakinggan mo silang mabuti,
Kasi
Kaya mo pang makinig
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga

Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig
Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo
Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo.
Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad
na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa
at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag
tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo.
Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo

At sa huling pagkakataon,
Huwag mo sana akong kalimutan,
Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo
Na patuloy pa rin kitang papakinggan
at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon.
Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel
at kung ipagtatagpi-tagpi,
sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra.

Sana alalahanin mo na
May baga ka para huminga
May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa
May mga tenga kang handang makinig
May mga paa ka para tumayo at maglakad
At may puso kang basag ngayon
Pero kaya pa ring umibig at maniwala
na kaya mo pa.
Kaya mo pa.
Marlo Cabrera Nov 2015
Bilang mga pilipino
Nakaugalian na nating
Bumili ng bagay bagay ng
Pa tingi-tingi,
Tulad ng
Sigarilyo,
Kendi,
Shampoo
And marami pang iba.

Bakit nga ba natin ginagawa ito?
Ito ba'y dahil
Tayo'y nag titipid,
kaya tayo'y dumudukot lang
ng pa-pirapiraso,

O baka naman,
Ayaw lang natin
Na may mga bagay na nasasayang

Pero kahit ano pang
Aspeto ito,
Nadala na natin ito
Hanggang sa paglaki.

Nasanay na tayong
Umasta ng patingi-tingi

Pati sa pakiki-salamuha
Natin sa kapwa
Tingi-tingi na din,
Tingi-tinging mga ngiti,
tingi-tinging mga halik,
Tingi-tinging mga kwento,
Pero ang pinaka masaklap
Sa lahat ng ito ay,

Tingi-tinging debosyon
Sa panginoon.

Na dinudukot lang natin
ang mga pirasong,
Tugma sa
Sa ating mga problema

Ang mga piraso,
Na nagpapasarap
Sa atin piling,
Hindi natin ito kailanman
Hinahayaang turuan tayo,
At itama sa ating mga
Pagkakamali.

Tulad ng mga bersiculo
Ng biblia

Tinabas-tabas natin ang mga
Kasuluksulukan
Na banal sa libro.

Binulsa lang
Natin ang pagmamahal ni Cristo,
Dudukutin lang
Pag kailangan.

Kapag tayoy nalulumbay,
Sabik na sabik
Sa mga bisig
Ng iba.

Si ay ating
Kinakalimutan
Sa panahon
Ng kaligayahan.

Tinatawag
Lang siya
Kapag tayo'y may
Kailangan.

Na sa oras ng kagipitan,
Sinisigaw ang kaniyang
Ngalan.

Sana matandaan natin

Na tayo'y
Binili ng buo,
Gamit ang buhay
Na hindi binigay ng
Tingi-tingi
Pero binigay ng buong buo.

Hindi lang isang
Patak ng dugo,
Pero buong pagkatao,
Ibinuhos para lang sayo.

Kaya,
Tigilan na
Nating ang patingi-tinging asal,
Tigilan nalang
Natin ang pagpapakipot
Sa taong
Nagmamayari satin.

Tayo'y hindi tingi, tayo'y buo.
A poem written for Logo's "Sulyap", held at Pintô Art Museum.
Inspired by Paulo Vinluan's "Ngiting Tingi"

— The End —