Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sy Lilang Jan 15
01152021

Iaalay ko ang aking katha
Sa mga sumusubok sa landas na kayhirap pasukin
At ang sigaw nila'y kalayaan sa pagpili
Kung saan ba ang kani-kanilang tatahakin.

Malayang pagpili --
Pagpili sa hindi lamang gusto,
Ngunit pagpili sa kung ano nga ba
Ang tunay na nararapat.

Kaakibat ng pagpili,
Ay ang pagtimbang sa kung ano bang
Makabuluhan sa panglahat na kapakanan.
Hindi tayo pipili dahil tayo'y makasarili,
Bagkus tayo'y pipili dahil ito'y ating pinag-isipan.

Bakit ba gusto nating tahakin kung nasaan
Naroon na ang lahat?
At ang lipon ng bawat kulay ng bahaghari
Ay sama-samang pumoprotesta
Sa kani-kanilang adhikain.

Minsan, gusto nating matahimik..
Tahimik na lumalaban
Hindi gaya ng mga nasa lansangan
At itinatali ang sarili
Sa kanilang nasanayang batas.

Tayo'y hahalili sa kahapong nagtapos na henerasyon,
O baka nalimot mo na ring
tayo'y demokrasya na ngayon
Ngunit mga alipin ng baluktot na administrasyon noon..

Ano nga ba ang malinis na konsensya
Sa bayan kong dinungisan na ng pawis
Ng iba'ibang ganid na mga bansa?
O minsan nga'y masakit pa pala ang malaman
Na tayo rin mismo ang sumira
At lumaspangan sa bandila nating
Noo'y dugo ang nasa itaas.

Sakim ang ating mga sarili
Pagkat tayo'y nauuhaw pa
Sa pansarili nating kalayaan.
Tayo'y walang ipinag-iba
Sa mga pailalim na bigayan
At pagsalo sa kaso ng iba,
Pagtalikod sa karapatang ipinaglalaban
Ng mga naging bihag sa selda.

Habang ang iba'y naghahalakhakan
At pawang mga hangal
Sa kanilang pagbalot sa sarili
Patungo sa bukas
Na hihimlay sa kani-kanilang mga hukay.

Susuong ka pa ba?
Kaya mo pa bang magbulag-bulagan?
Pero sa buhay na iyong pipiliin,
Piliin mo sana ang daang matuwid.
At paano mo nga malalaman
Ang mas higit sa timbangan
Kung ang iyong pamantayan
Ay sirang orasan at papel na ginintuan..

Nasayo ang hatol
Ang hatol kung saan ka lulusong
Kung saan ka makikiuso..
pat v Aug 2020
Ang nakaupong tiwali—
siya ang binoto ng masa.
Sa manggas ng kanyang barong,
panganib ng maralita

May kinang ang kan’yang ngiti
mapungay ang mga mata
Sa bawat pangakong lahad
ay pagsibol ng pag-asa.

Pag-asa na tayo'y ligtas
ay naging katakot-takot.
Para raw sa Inang Bayan,
peligro na nakabalot.

Ang salitang bulaklakin
ay daglian ding nalanta
kapalit ang pagtungayaw,
at banta ng direktiba.

Hindi natin inasahan—
bahid ng dugo sa daan.
Mga kamay, nahugasan
ngunit hindi ang lansangan.

Sa lapida nakaukit
ngalan ng mga biktima.
Sunod kayang tatahimik
ang silang may pinupuna?

Hapis ng inang nawalan,
“Crispin, Basilio, anak ko,”
oyayi ng Inang Bayan.
“Pasismo! Peligro rito!”
Eyji Noblesmith Dec 2019
Siyang nagsisilbing tahanan at ilaw
At buhay nitong sangkalangitang bughaw
Ay s'yang sa pag-ibig ng anak ay uhaw
'Pagkat kasaysayan ng bandila't araw
Ay 'di na singtingkad at nakasisilaw

Mayroong bayani't magiliw na supling
Mandirigmang hahayo at magigiting
Ngunit mga lilong anak ay mayr'on din
Banyaga ang dila't hindi sasambitin
Ang panata sa inang dapat mahalin

Awit ng puso ni Inang Maralita
Na mula sa luha, pag-irog, salita
Ay hindi kaylanmang dininig ng madla
Na nukal sa bayan subalit ang sutla
Ng kasuota'y kay Ina'y 'di nagmula

Ang inang mayaman sa ganda ng ngiti
Ay nagkukubli sa likod ng pighati
Palibhasa ay dalita sa pagbati
At pagmamahal ng anak na lumaki
Sa yakap ni Pilipinas hanggang huli
A Tagalog poem
marrion Sep 2019
Mahal ko ang Pilipinas
pero hindi ng walang kapintasan
Mahal ko sya kahit
traffic ay di nababawasan
Mahal ko sya kahit
talamak pa rin ang kahirapan
At patuloy kong mamahalin
Pagkat siya ang bayan ko
na sinilangan

Kahit problema nya sa droga
ay hindi nalulunasan
Kahit mga teritoryo pa nya
ay unti-unti nang nababawasan
Kahit mas marami pa sa tama
ang mali sa aking bayan
Mahal pa rin kita, Pilipinas
Hinding-hindi kita iiwan
.......
jia Oct 2018
mababa man o mataas ang lipad,
nagiisa ka sa himpapawid.
sana ay iyong matupad,
layunin **** matuwid.

ikaw ang agila,
tanyag at sikat.
ikaw ay aking maalala,
'pagkat ikaw ay tapat.
tula para kay Hen. Gregorio del Pilar

— The End —