Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
inggo Jul 2015
Para sa mga taong puro reklamo
Tinignan mo na ba ang sarili mo
Sinubukan mo bang umpisahan ang pagbabago
Oh puro si PNoy ang may kasalanan nito

Yan ang hirap sayo
Puro ka post sa facebook ng reklamo
Nagpapanggap ka pang matalino
Eh gusto mo lang cool ka sa paningin ng tao

Bato bato sa langit
Pag tinamaan ka alam kong masakit
Pagmasdan mo ang lahat at wag kang pumikit
Ako lang naman ay nagmamalasakit

Hindi naman ako nagagalit
Gusto ko lang malaman mo na ang bansa ay may sakit
Dahil sa hilahan pababa lahat tayo ay naiipit
Ang kaayusan kailan pa kaya makakamit?
Sy Lilang Jul 2015
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Ronjoy Brahma May 2015
ख्लाब-ख्बिब मोदान फैयो
नोँनि लिप्सटिकनि...
मेव मेव मोनखांफैयो
थेनथौलांब्लाबो आंहा
बेसेदि बिरो बेरे सिखिरि
नोँनि फारनै गुसुथिनि नोजोर...।
15/05/2015

— The End —