Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mariazyka Sep 2017
Pasensya na.

Pasensya na kung sinasabi ko paring paasa ka kahit alam kong umiiwas ka na.

Pasensya na.

Pasensya na sa mga kaibigan kong tinutukso parin ako sayo kahit siyang tumutukso naman talaga ang gusto mo. Diba?

Pasenya na.

Pasensya na kasi di ko alam kung ititigil ko ba to o ipagpapatuloy ko pa.

Pasensya na.

Pasensya na kasi di ko alam kung paano tumigil, lalo na't hati-hati ang isip ko.

Pasensya na.

Pasensya na kasi ang totoo, ayaw ko. Ayaw ko pang itigil to.

Pasensya na.

Pasensya na talaga. Pasensya na kasi tanga.
P̶i̶n̶a̶a̶s̶a̶ Umasa.
Nadatnan kita sa isang tabi
Umiiyak at walang pake
Sa mga dumaraan na akala mo'y nanunuod ng sine
Ang mga mata mo'y namamaga na sa sobrang paghikbi

Ako'y naglakas ng loob na lumapit
Inabutan ka ng pamunas, ngunit sa'king kamay ika'y kumapit
Nagkausap at nagkakilala tayo hanggang sa hapon at sumapit
Naglakad tayo papunta sainyo, hinatid kita kahit ako'y pagod na at nangangawit

Naging sobrang lapit natin sa isa't isa
Halos araw-araw tayo'y lumalabas magkasama
At isang araw 'di ko namalayan at nahulog na pala ako sayo sinta
Sinabi ko sayo't iyon rin pala ang iyong nadarama

Araw-araw tayo ay masaya
Pinaramdam sayo ang pag-ibig at sa puso ika'y nag-iisa
Ngunit isang araw ay nagbago ka
Tinanong kita kung anong problema

Ang sabi mo'y nagbabalik siya
Na siya pa rin at walang iba
Binuo kita noong winasak ka niya
At winasak mo ako nang bumalik siya.
JL Dec 2020
Ang bilis lumipas ng oras at panahon
Parang kahapon lang kung iisipin
Nakaraang buwan iyong kinalimutan
Kasalukuyang buwan, muli'y nakalimutan.

Nakatutok pa rin ako sa aking telepono
Nagbabakasakaling sana maalala mo
Espesyal na araw sa ating dalawa
Na patuloy **** hindi inaalala.
It's okay not to be okay.
Denise Uy Sep 2020
when thunder strikes,
i hear you in my head.
scared, childlike
while you're lying in bed.

tell me what you need.
warmth, a hug from me?
it was what you let me believe
and i was too blind to see.

you tossed me the next day,
from your bed to the streets.
you said we'd be okay

but i guess you really were lying in bed.
oops
JAIDY Nov 2018
Noong una tayong magkita ramdam ko ang kaba,
Hindi ko maipaliwanag kung bakit nga ba,
Mga ngiti **** puno ng ligaya,
At ako'y balisa sa sobrang saya,
Sa wakas, Nakilala din kita,
Walang araw na hindi mo ako pinapasaya,
Lumipas ang ilang buwan,
At para bang may kakaiba akong nararamdaman,
Hindi ko alam, hindi ako sigurado,
Pero parang totoo,
Ako'y nahuhulog na saiyo,
Gusto kong magtapat sayo,
Pero inunahan mo ako,
At sinabe **** "Gusto kita"
Akala ko wala ng karugtong mayroon pa pala,
"Pero may mahal na akong iba."
AUGUST Sep 2018
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......

Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.

Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?

Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.

Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan

Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa  mimahal ko, na di nahahabag

Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,


Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid

Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura

Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
pang spoken poetry
Ako'y nahulog sa matatamis **** salita
Hindi ko alam kung ako'y maniniwala
Walang kasiguradohan kung san ba ito patungo
Ngunit kailangan kong panindigan sapagkat ikay minahal ko

Sa araw araw na pagpupuyatan nating dalawa
malabong hindi mo ako magustuhan,diba?
Sinabi mo pa nga na masaya kang kausap ako
Kaya ako naman itong walang alam,nagpauto.

Ilang buwan ang lumipas,ayos naman tayo.
Ngunit hindi ko naman pala pansin na ika'y unti unting nawawala sa akin
Wala akong alam kung bakit humantong sa ganito
Yung masayang usapan naging malabong ugnayan.

Nalaman ko nalang na iba na pala ang pinag kakaabalahan mo ngayon
Yung dating ako lang yung nagpapasaya sayo,ngayon iba na
Kaibigan,pinapalaya kita,hindi sa naging duwag ako kundi dahil minahal na kita
Mahal na kita samantalang yung matalik na kaibigan ko ang minahal mo.
Ferns Jul 2018
The pile of books
The array of papers
They long-await
that ink will pour
on their vacuous
void of emptiness
For the deadline
draws near
Yet I'm still here
Sitting on my windowsill
Lackadaisically waiting
Certainly expecting
For water to descend
From the firmament
surrounded by dullness
where a mass of clouds
are there to be seen
Alex Jul 2018
Sabay maglakad sa kalsada hatid hanggang sa aming bahay,
Kaya ko pa bang magpanggap at masaktan??
Ang kaya ko lang ang titigan ka sa iyong mukha,
Sabi mo maganda siya, sabi mo siya na talaga,

Ang sakit sakit na siya lang ang pinaguusapan nating dalawa,
Hinawakan mo ang aking kamay, ang labo mo talaga,
Tama ba na paasahin mo ang isang taong alam naman niyang may mahal kang iba??
Bumitaw ako, sana ako nalang siya??  Maganda kaya siya??

Tumigil ka at kumalma, tinanong moko ako, paano ko mapapaibig siya??
Walang sagot sa aking isipan,  ngunit sabi ko gawin mo lang ang ikakasaya niya,
Ang tanga ko para isipin na ito ang paraan mapalapit sayo, kahit alam kong hindi ako magiging sayo,
Ang tanga kong iparaya ka nalang sa ibang tao,

At ako ay tulyang nag paalam, sa tapat ng aking bahay,
Huminto ka at tinitigan ako, Hinalikan sa aking bibig,
Sinapal kita kasi hindi mo dapat ako pinaasa ng ganon,
Nagsalita ka at sinabing 'Di mo parin alam talaga kung sino ang tinutukoy ko? '
deadwood Dec 2017
Darating ka pa nga ba?
Mukhang marahil di na
Totoong ika’y nanlimot, aking sinta,
Sa pangakong pagmamahalan nating dalawa.

Maaaring sabihin **** ako’y baliw, di-karapat-dapat,
Ngunit ikaw, giliw, ay kailanman naging sapat,
Sapat na upang patuloy kong ibigin,
Ibigin kahit na iyong di mapansin.

Pero bakit?
Bakit nga ba di ka na darating?
Bakit ba labis ang lungkot na aking tinatamasa sa iyong di pagsipot?
Tanggap kong hindi mo nga talaga ako kailanman magugustuhan,
Subalit matindi pa rin ang hapdi ng puso kong iyong sinugatan.

Sabi nga nila, ang tulad mo ay tipong paasa,
Yung tipong mangangako at di sasama,
Marahil ako nga ang siyang problema,
Ako nga ang taong umasa,
Pero tangina,
Salita mo ay iyong bigyang halaga.
Next page