Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
ZT Apr 18
Sila na nagkasala
Sila pa ang galit
Kahit ikaw sana tong nabahala
Dahil ikaw ay pinagpalit

Dating tiwala ay sinira
Nung kabit ay kanyang tinira
Tapos ngayong nahuli
Parang ikaw pa ang may mali

Kesyo, bat ka raw nag eskandalo
Sa harap pa ng pamilya
Ng kinakasama
Ng ASAWA Mo

Siya pa ngayon ang galit
Kasi ikaw daw ay nagbitaw ng mga salitang mapanakit
Di ka naman daw sana ganyan dati
Dahil dati kaw daw ay mabait

Pero di ba nya mapagtanto
Kung bakit ikaw ay nagkaganto
Dahil sa labis na pangagago
Na dinulot ng sariling asawa mo
Affected lang sa napanood na korean series. Masyadon kainis si guy. Cheater na nga, xa pa ang galit.
ZT Apr 18
I used to write sad poems
Because that was me then.
I was unhappy
Unhappy because I was me.
I did not liked my reality
But that was then,
Back when

Back when
The dominant emotion was blue
Graduation was long overdue
Did not know if my feelings where valid and true
Waiting for someone new

Someone to sweep me off my feet,
Someone to take me away,
Someone to expel all the misery
Someone to understand me

But behold,
Months passed, no one came,
I was stuck, with the me
Who hated me
Thus I wrote all my feelings
Let it flow thru poetry
Hurt my self not physically
But with all the words
Using my poetry

Though my vocabulary was limted
With every like given,
I felt wanted
So I poured all my feelings into poetry
Thru my words, I've shared every piece of me,
But when I got it all out, suddenly I felt empty
Were all that emotions defined me
Now, who is the real me???

Fast forward years later.
To the last question, I still don't know the answer.

But the thing I can say
I used to write sad poems
And its actually here to stay
Well partly its here to stay since we get sad sometimes. I'm happy to share to everyone, that i used to feel sad most of the time but now, it's down to only sometimes. That's an improvement right?
ZT Apr 18
Di ko mawari kung bakit mas masakit
Ang mga katagang "mataba kana"
Pag sa bibig mo galing ay mapait
Gusto ko lang sana'y madama
Na sayo ako'y may halaga
Ngunit imbes na matatamis na salita aking madinig
Ang pagtaba ko lang iyong bukambibig
Kung sa ibang tao ay kayang palampasin
Pero pag ikaw ang nagbitiw,
Kaya akong inisin

Oo, maari
Sa timbang akoy nadagdagan
Aba'y sa quarantine nga naman
Oras di mo na malaman
Minsan di mo na nga namamalayan,
Dalawang beses kana palang nag hapunan.

Pero kasalanan ba talagang maituturing
Ang makailang beses kong pagkain?
Eh sa may kaya kaming ihain
Afford po namin
Ang ilang beses na mag saing

Mas pinipili ko kasi magluto
Kasi la pa ako lakas ng loob mag TikTok

Lalo pa ngayon nasabihang mataba
Aba aba
Hampasin ko yang pangit **** baba

Pero joke lang kasi mahal kita, kahit na bash moko miss pa rin kita
Kaya hayaan mo ako magtampo ng konti
Bukas baka humpa na ang inis
Kasi di kita matiis
Ikaw ay aking miss
Marupokpok paminsan minsan. O baka madalas.
ZT Nov 2017
Ikay'y iniwan
Sabi raw'y babalikan
Pero ilang taon ang nagdaan
Siya ba'y asaan?

Habang ika'y nauumay
Sa kanya'y kahihintay
Ikaw pala'y tuluyan nang itinapon
Kinalimutan pati ang inyung kahapon

Habang kasi siya'y nasa malayo
Nakahanap na pala ng bagong kalaguyo

Babalikan raw yon ang sabi niya
Kasi akala niya noon importante ka pa
Noong kasama mo pa siya
Akala kasi niya mahal ka pa niya

Pero nung umalis siya at malayo kana sa kanya
Doon nya napagtanto na mahal ka niya
Ay hindi na pala
Kaya kinalimutan at binasura ka na

At naghanap ng iba
At bumuo ng mga bagong ala-ala

Habang ika'y walang malay sa nangyari
At sa kanya'y naghihintay
Na bumalik sa iyong tabi

O, parang gago ka lang diba
Ang tawag jan ay tanga

Kasi ginago kana't niloko
Patuloy parin ang pagmamahal mo
Na try mo na ba maging tanga?
ZT Nov 2017
Likes are good
Love is great
But Feedback is the best

Like is sweet
Love is hot and spicy
Feedback is umami
Something like tasting MSG
Be it good or bad, I still want it
I can never be full
I am always hungry

Satiate my hunger
Let me taste that
Give me what I want
Yes I want that
ZT Nov 2017
Gusto ko maging iba
Kahit hindi yong tipong nakakawow, basta lang kakaiba
Kasi baka pag ganun ako e may pag asa pa
Na mabihag ang iyong mga mata
Na sa akin ay nakatingin ka
Kahit sa isang sandali lang ay maramdaman ko na
Sa ganun ay parang akin ka

Gusto ko maging iba
yung kakaiba
kahit na maging katawa tawa
basta lang kapalit nito'y
ako'y
mapansin mo na
ZT Nov 2017
Gusto kong magmahal
Pero takot akong masaktan
Takot akong masaktan
Kasi baka hindi ko kayang bumangon
Kasi kapag di ako agad nakabangon
Takot akong maiwan
Maiwanan ng panahaon
At sa aking paglingon
Walang saki'y humihintay
Walang saki'y tutulong
Kaya takot akong magmahal
Pero gusto ko
Next page