Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karl Gerald Saul Aug 2011
Nais kong lumipad tulad ng ibon sa kalawakan
nais kong lumangoy gaya ng isda sa karagatan
nais kong maging leong mabangis na katatakutan ng lahat
nais kong maging serena na kumakanta habang lumalangoy sa dagat

Nais kong maging musikero na tumutugtog na mga instrumento
nais kong maging sikat na singer na hawak hawak ang mikropono
pagkat ako'y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible

Lahat ng iya'y imposible kong makamit - imposibleng magawa
sinong tutulong sa'kin?
sinong gagabay sa'kin?
wala, wala talaga, kung meron sino kaya?
sa pangarap ko lang talaga ito magagawa
marrion Sep 14
Kung may bayad lang ang bawat pag-silay sa'yo
Malaki na siguro ang aking
pagkakautang
Pag-ibig ko'y parang bangkay sa karagatan
Hindi maitatago
pagkat kusang lumulutang
Nahulog na ang loob ko sa'yo
Wala ng matatakasan na lagusan
Humihingi ng pag-ibig mo
Wag sana akong mapagdamutan
.....
kingjay Dec 2018
Tulad ng duling, di kayang magbilang
Wala na makadugtong sa pangarap
Nanlimos sa kanto
sadyang naulila
Sa bayang sinisinta nawawala

Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian
Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay
Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari
Sa isang kisapmata, laging nauulit

Sining ng pagbabalatkayo
Magpakalabis ng konting katuwaan
Tinakpan ng panlabas na ekspresyon
Naanod sa kasayahan

At nalungkot ang nagsidatingan sa piging
Ang nagtago ng tunay na damdamin
Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing

Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw
sa lagablab ng araw na unti-unting naparam
at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
kingjay Jan 10
Handa na  ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay
Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan
Kung binastos kahit malinggit ay
kikibo ang nanahimik na balasik

Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay
Lumusong sa baha sa baryo
at ginunam-gunam ang sandaling yaon

Kung may oras sa pag-aaral
gayun din sa paglilibang
Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap
ng medalya ng karunungan

Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip
para di matukso sa mga bisyo
Sa pagsusugal ay nalulong
Hindi mahilig sa anumang  pampalakasang laro
Napasama sa kapatiran

Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama
Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing
Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman
kingjay Dec 2018
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan
Nang nahulog sa bangin ng nakaraan
itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan
ang maiksi na lubid na pinanghahawakan

Kumikinang na perlas ng silangan
namumukod-tanging mutya sa dalampasigan
Nang makatakas sa karagatan
Di na bumalik sa kinagisnan

Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan
Ang liham nito'y kanyang huling alab
Yugto ng masamang pangitain
kung kailan dadapo ang mga paniki

Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim
Sa walang pakundangan pugon
Nagliyab ang lunggati ng pangangalit
Marahas na pagbati nito ay pasakit

Ang simpatiya ay kumukupas
Sa trahedyang sumira
Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay
Walang paghikbi sa kapaligiran
Labis na kasawian
Triste May 11
Sumikat ang araw sa puso ko
Tinangay ang mga ulap sa isipan
Sa wakas may ngiti na sa mga labi ng umaga
At ang gabi ay tumahan sa lilim ng iyong mga mata
Ang kinang ng mga tala ay lumulutang sa ibabaw ng karagatan
Habang ang oras ay naglalayag sa asul na kalawakan
Mga salita kong binulong sa hangin
Naging paru-paro sa iyong mga kamay
Mga paa kong ligaw ay nakatagpo ng hiwaga sa mga yapak mo
At sa himig ng mga iiwanang bakas ay mananatili tayo.
Luna May 24
Sinisid ang karagatan ng pangamba
Upang matagpuan ka

Hinarang ang mga bagyo ng takot
Upang mahagkan ka

Kinalaban ang oras at panahon
Upang makapiling ka

Isinantabi ang mas mahalaga
Upang maramdaman mo ang pagpapahalaga

Ngunit, natalo ako ng tadhana
Sa katauhan niya.

At doon ko napagtanto
Na bakit kailangang matalo
Kung sa pakikipaglaban
Ang lahat ay ibinigay mo?
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid,
Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip.
Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan,
Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan.
Ano ang pipiliin? Ano ang susundin?
Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin?
  
Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay,
Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan.
Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab,
Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan.
Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita,
"Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan,
Ang katotohanang wala kang paroroonan.
  
Ikaw na ninais ang siyang iginapos,
Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos.
Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay,
Aking tinalikuran pag-asang hinihintay.
Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan,
Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan.
Subalit matapos ang gabi ng panaginip,
Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit.
Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula,
Sa aking paglabas, kinatatakutan nila.  
  
Sa aking paglalakad sa mundong umiikot,
Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot.
Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid,
Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig.
"Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw,
Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw.
Nagpatiluhod at doon ay nagnilay,
Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay.
  
Isang katauhan ang nababalot sa liwanag,
Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita".
Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay,
Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot,
Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot.
Supot na naglalaman ng buhanging Kristal,
Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya.
  
Kukunin ba kita at titikmang muli?
Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit?
Ano ang gagawin ng isipang sabog,
Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?

— The End —