Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
katryna May 2018
Wednesday, February 28, 2018
5:43 PM

Sa panahon ngayon uminom ka ng maraming salitang "mag ingat ka".
Dahil sa mundong ginagalawan mo hindi ka sigurado.

Hindi ka tiyak sa mga makakasalubong mo at lalong hindi ka tiyak sa seguridad mo.
Tao ka lang at di imortal na may kapangyaring i time machine ang nakaraan, kung sakaling bawiin na ito.

Hindi ka mutant na kayang patigilan ang mga taong may masamang balak sayo.
At lalong hindi ka super hero para di tamaan ng mga balang hatid sayo ng mundo.

Hindi ka si superman na may kakayahang hindi makaramdam ng sakit.

Na kung sa panong paraan, hindi ko 'yon alam.

Tama na ang pagpapanggap.
Hindi kana tulad ng dating matibay.
Kasi matibay ka lang.

Hindi kana tulad ng dating malakas para sabihing kaya mo ang lahat.
Kasi kinakaya mo lang.

Para kang si joker na kahit nakasimangot may malaking ngiti parin sa labi.
Pinapaalala ko lang sayo,
hindi lahat ng tumatawa ay masaya.

Hindi kana bata para sa tuwing iiyak ka ay may handang sumaklolo para pawiin ang lungkot mo.

Hindi din mapa ang makakapagsabi ng lugar kung saan ka dapat magtungo, bagkos hanapin mo ito.
Tulad ng isang batang nawawala,
Sabik at handang tanawin ang bukas.
Hindi para tumakas kung hindi para hanapin ang lugar na magpapasaya sayo.

Hindi lahat ng tao ay totoo, iba ay balatkayo.
Hindi ako sigurado sa paghakbang mo kasama ako ay hindi ko masusugatan ang mga paa mo.

Kung ako ba ang makakapag pahilom ng sugatan **** pagkatao.
Kasi tulad mo duguan din ako.
Hindi ko 'yon masisigurado.


Kaya uulitin ko sayo,
Sa mundong ito,
Inumin mo ang salitang
"mag ingat ka".
kingjay Dec 2018
Mahal kita

Di ko maintindihan
Ako ay lagi **** iniiwasan
Simula lang noong inamin
ang pag-ibig na matagal ko sa iyo nilihim

Bigay kong mga rosas sa akin ay ibinalik
pati ang puso ko na aking inihati
Nang hindi na sumugpong ang isang piraso
Nalaman ko na kay sakit pala mabigo

Tatlong beses nanalamin
Hinanap ang sariling kapintasan
Buo kong kalooban ay naranasan
na madurog nang lubusan

Ngayon nagmukmok sa loob ng madilim na kwarto
Liwanag ng buwan ay tumungo sa silid
at nakapagsulat ako gamit ang hinanakit

Mahal, ang una kong salita na  magdudugtong ng aking pagsinta
Kita, ang kasunod para malaman mo na ang saklaw ng aking mundo ay tayo lang dalawa

Di magtatatapos sa tuldok ang mga huling taludtod
at ang ningning ng estrelya
ay susundo sa wikang pampag-ibig
na puno ng mga ninanais

Nais kong tanggapin mo ang aking pag-irog
at malaman mo na sa iyo lang ito nakalaan
Ikaw ang pinipintuho ng mga ulap at sa ibaba ako'y makikipagsapalaran

Nais kong kipkipin mo ang mga rosas
na minsan nahiya
Dalawang puso natin na sabik
Nais ko rin basbasan ito ng langit

Gusto ko tumaglay ng katangian na sa iyong mga mata ay kagigiliwan
Di man matipuno, may galaw sana akong magalang

Nais ko sa isang kubo tayo ay mamituin
Sa labas ng bintana, sabay natin ipanalangin
na ang pag-iibigan ay pagpalain

Tulad ng pananalamin ng mga letra
gayun din ang pangyayari sa unang apat na saknong ay kabaliktaran ng aking mga kagustuhan
At ang huling mga salita
Ang Hiling sa Pasko na tula ko'y pakinggan
kingjay Aug 25
Binilang ang mga araw
Na wala si Dessa
Ang bahagharing  bumabalantok sa langit
Ay nakakasuyang larawan sa daigdig
Malamlam kahit sagana ang kakulayan

Umiibayo ang hinagpis
sa namumutlang pisngi
Nangungulila nang lagaslaw
sa dikit na hindi kumukupas

Kung maaaring mapanaginipan
Ay yayapusin
Hindi dahil sabik sa yakap
Ito 'y upang maipadama
ang pamimintuhong dumadarang

Sa gaslaw ng mga dahon
Himig ng mga ibon
May kailaliman ang gabi
Mangunguyapit sa liwanag ng buwan,
Gigiliwin ang dinadaing ng kalooban

Di makaalpas sa anino ng liwayway
Pinahiran ang kaluluwa
Ng pabangong di pumaparam
Ginustong gumanap bilang martir sa pag ibig
kingjay Dec 2018
Dapat mahigitan ang bilis ng segundo
Matarok ang hangganan ng langit
Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang
Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran

Itatwa ang pagkabuhay sa mundo
Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo
Sawimpalad sa kinabukasan
Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog

Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik
sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga
Mayroong kislap ng liwanag,
agiw sa sulok- nag-iisa

Yakapin ang talim ng punyal
Kay sarap masaktan, sa peligro humantong
kaysa malayang namumuhay
Ano ang kahalagahan ng buhay
Ang obalo na hubog ay binabaybay

Pakawalan ang ibon na nasa hawla
Huwag na umasa na babalik pa
Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
kingjay Jan 12
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Eugene Oct 2018
"Ilabas ninyo ang kuya namin!" sigaw ni Mon.

"KUYA! Kami to mga kapatid mo!" sigaw naman ni Jef.

Halos magambala na ang mga kapitbahay sa kalye Casa dahil sa ingay ng pagsisigaw ng magkakapatid. Mahigit sampung taon na rin nilang hinahanap ang kanilang nakatatandang kapatid. At may nakapagsabi sa kanilang nasa kalye Casa lamang ito at kasama ang tunay nitong mga kapatid.

"Anong problema ninyo ha? Nakakaistorbo na kayo sa kabilang at sa kalye rito. Sino ba hinahanap niyo ha?" lumabas ang isang matangkad na lalaki at nagsalita sa kanila.

"Alam naming nandito ang kuya Regie naman. Ilabas niyo siya!" sigaw ni Mon.

"Walang Regie dito. At sino kayo? Ni hindi ko nga kayo kilala e," sagot ni ng lalaki.

"Kilala ka namin at ikaw ang nakatatandang kapatid namin. Magkakapatid tayo sa ama. Ikaw si kuya Ryan," wika ulit ni Mon.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko yata alam? Sino bang tatay ang tinutukoy mo?" takang-taka ang mukha ni Ryan nang sabihin nito na magkapatid daw sila sa ama.

"Hindi ikaw ang sadya namin dito. Ilabas mo ang kuya namin!" wika ni Jef. Agad siyang nakipagpatintero upang makapasok sa loob ng bahay. Pero napigilan ito ni Ryan.

"At anong karapatan mo, ninyo na pumasok sa bahay ko? Kayo ba ang may-ari?" mataas na ang boses ni Ryan nang mga sandaling iyon pero nanatili pa rin siyang mahinahon dahil ayaw niyang gumulo pa. "Ang mabuti pa ay umuwi na lang kayo. Walang Regie dito. Nagkamali kayo ng pinuntahan."

"Hindi kami aalis dito. Alam naming nasa loob ang kuya namin. Ilabas niyo siya?" nagpupumilit pa rin si Mon at bigla na lamang niyang iwinaksi ang kamay ni Ryan na nakaharang sa pintuan ng kaniyang bahay. Hindi naman hinayaan ni Ryan na makapasok ito at doon ay ibinuhos na ang kaniyang galit.

"SUBUKAN NINYONG MAGPUMILIT PA NA MAKAPASOK! Ipapa-barangay ko na kayong lahat!" halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ryan sa pagsigaw nito sa kanila. Pero hindi pa rin natinag ang magkakapatid.

"Wala kaming pakialam kung iyan ang gusto mo!" bulyaw naman ni Mon.

Magsisimula na sana ang matinding kaguluhan sa pagitan ni Ryan at ng magkakapatid nang isang boses ang kanilang narinig.

"Sino ba ang hinahanap ninyo ha?" wika nito at mula sa likuran ni Ryan ay nakita nito ang kaniyang kapatid na inaalayan ng isa pa niyang kapatid. Mangiyak-ngiyak naman ang magkakapatid na Mon at Jeff nang makita ang pakay nila.

"Kuya! Kuya Regie!" magkasabay na tawag nila sa pangalan nito.

"Sinong maysabi sa inyo na lapitan ang kuya Ron ko ha?" sigaw naman ng isang binata na nakaalalay kay Ron.

"Hayaan mo muna sila Anghel," saway nito sa kapatid na patuloy pa rin sa pag-aalay kay Ron.

"Kuya, ako ito, si Mon at kasama ko si toto Jef. Kuya, miss ka na namin. Uwi na tayo, please!" nang mga oras na iyon ay nanatiling walang emosyon si Ron sa mga salitang kaniyang naririnig.

"Hindi ako si Regie at lalong hindi ako ang kuya ninyo. Wala akong kapatid na Jeff at Mon. Anghel lang at kuya Ryan ang mayroon ako. Kaya, pakiusap umalis na kayo rito!" wika ni Ron.

"Kuya, bakit? Ano ba ang nangyari? Anong ginawa niyo sa kuya namin ha?" nagtatakang tanong ni Mon nang mapansin sa iisang direksyon lang ito nakatingin.

"Bulag ang kuya Ron namin. Naaksidente siya. Kaya kung maaari ay lisanin niyo na ang bahay namin dahil hindi ito makabubuti sa kaniyang pagpapagaling. Pakiusap," sagot ni Anghel.

"Kuya. Alam naming ikaw iyan. Ikaw si kuya Regie namin. Ikaw ang tumulong sa amin nang mga oras na kailangan ka namin at nandito na kami upang kami na ang mag-alaga sa iyo. Please bumalik ka na sa amin. Nakikiusap kami kuya Regie. Kuya Ryan, payagan niyo na po kaming iuwi kuya namin," parang gripong sunod sunod sa pag-agos ang mga luha ni Mon.

"Walang isasama! Hindi niyo siya kuya. Kuya namin siya! Umalis na kayo rito!" bulyaw ni Anghel. Naitulak ni Anghel si Mon at muntik na itong matumba. Nang makabawi ay sinuntok niya si Anghel sa mukha at nakipagsuntukan na rin ito kay Mon. Pilit namang nakikinig at nakikiramdam si Ron sa mga pangyayari.

"ITIGIL NINYO 'YAN!" sigaw nang sigaw si Ron pero tila walang nakakarinig. Panay naman ang awat ni Jef at Ryan kina Mon at Anghel. Hindi na nakatiis si Ron at muli itong sumigaw.

"TITIGIL KAYO O AKO ANG AALIS!" lahat ay napalingon kay Ron at maagap na bumalik si Anghel sa tabi ng kaniyang kuya upang pigilan ito.

"Sorry, kuya," pagpaumanhin ni Anghel.

"Kayong dalawa, Jeff at Mon, pakiusap. Ayaw ko ng gulo. Umuwi na kayo dahil walang Regie sa pamamahay na ito. Hindi ko kayo kilala at lalong wala akong matandaang tinulungan ko kayo bago pa ako maaksidente. Kaya, umuwi na kayo!"

Hindi naman nakapagsalit sina Jef at Mon. Mabibigat ang mga paang nilisan nila ang bahay na iyon na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil nabigo silang iuwi ang kanilang kuya Regie.

Habang papalayo naman ang magkapatid ay doon na bumigay si Ron at hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ang totoo ay kilala niya sila ngunit ayaw na niyang matali pang muli sa nakaraan. Masaya na siyang malaman na ang kaniyang mga step brothers ay nasa mabuti nang kalagayan. Kahit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay sabik din itong mayakap sila pero naipangako niya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ang kaniyang pinagmulan at ang mga taong naging bahagi ng kaniyang nakaraan. Nais niyang ituon na lamang sa kaniyang tunay na mga kapatid ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam sa mga ito buhat nang sila ay nawalay sa isa't isa.
zee Oct 4
Mga kantang nagpapaalala ng kasaysayan ng ating pagmamahalan;
Prosa at tulang ikaw at kwento nating dalawa ang nag-iisang paksa;
Ang pait at sakit sa bawat pagsambit na ‘di ka na muling manunumbalik;
Luhang nagmistulang mga talon hanggang sa natuyo na lang paglipas ng panahon;
Bawat araw na lumilipas ay naiipon na lang tulad ng mga pangako ng kahapon
At nang dumating ang araw nagpasiya kang bumalik; hindi na maramdaman ang sabik
Tuluyang napagod na at namanhid sa sitwasyon; hindi na ako muling aasa
Na masimulang muli ang istoyang ikaw mismo ang nagpasyang ito ay wakasan.

— The End —