Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
071416

Kape ang sining
Sa walang katapusang takipsilim.
070216 #ElNidoToPPC #SeeingLowtide

Ramdam ko ang pagkauhaw mo
Ngunit sa aking pagdating,
Huli na pala ang lahat
Wala man lamang paalala
Na bilang na rin ang araw.

Ako'y lutang sa pagtangay mo ng lahat,
Sayang ang panahon,
Sayang ang paghahanda ng sarili.
Hindi ka nagsabi, **huli na pala talaga.
Minsan, sinasadya nating magbagong-bihis, bagkus ibabalik rin ang lumang istilo. Minsan, nasasayang ang panahon pagkat hindi natin batid ang tamang pagkakataon.
Tumambad sa akin ang rehas
Na may tuklap-tuklap na nakaraan,
Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw.
May mga banderitas ding panlayag
Siyang simbolo ng mainit na pagbati.

Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa
Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari.
Ang pagtatampisaw sa putikang
May sirit ng pagmamadali.
Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan
At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain.

Sampung minuto raw
Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala
Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon
Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon.

Nilalatag ko nang paulit-ulit
Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento
Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa
Buhat sa matatapang na mga matang
Hindi ko man lamang masuyo.

Nililingon ko sila sa aking paghihintay
Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan.
Malaya ko silang pagbubuksan,
Yayapusin ng buo kong pagkatao.

Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada
Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo.
Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag,
Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
ElNido

I found no water dripping from my hairtips
As I had that face-to-face look to my fave jeans.
Lost as when I did the transferring of feet,
I thought that departure was quite a break of heart.

The open window has sent me a bright invitation,
Sun's glaring but I never saw her fine reflection.
I felt the Air strolls through my skin
The taste of the floral serum enveloped by the sachet.

I had poured myself with the aquifer's liquor,
The remembrance of the search was over my psyche.
I could still feel the pain that excites my upper muscles
As I tried pushing and pulling to break the ground level.

Cuddling the old reversible jeans, he says I'm Free to Go,
I crowned my soul with an inner bliss and whispered to the Air.
My eyes were shut for a moment, but I was an alliance with them -
Of them whose not emptied yet * revitalizes my potential.

One boasts that *
the Light was completed,
The other has kept me envy his softening skills.
I never thought that there's still hope for dull flying-tips
But they simply say, "It's not the end of bad hair days."
112715 #8:20PM

Pagkat ako'y tanod sa pagtalilis
Sa yari **** agos
Ni tikas mo'y nakakubling paraiso
Sa bulag kong pag-irog.

Ang masimod **** yakap,
Daplis lamang O, Sinta
Sana'y matantya mo
Ang pagkukumahog ng pangamba.

Di nais na masukol ang tiyak na pagdaloy,
Kaya't heto ako't hahalili sa bukas
At tunay na buhay, **siyang isisikhay.
(Para sa amazing creation ni Lord na beach front ng Las Cabanas, El Nido, Palawan! Amazing!)

— The End —