Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Aug 2017
Hinahanap-hanap ko ang iyong pagkalinga,

Inaalala ang mga sandaling ako ay yakap-yakap mo pa,

Marami mang pagkakataon ang nasayang noon sa umpisa,

Lagi kitang naiisip sa tuwi-tuwina kahit pa ang layo mo na,

Ang puso ko ay sabik na sabik kang makausap at makita,

Yari na ang hihimlayan ko at sasalubungin na kita,

Ako ang unang lalapit sa iyo sa lugar kung saan ka huling nawala,

Nang ang puso kong sabik, nagdusa, nasaktan, at umasa ay tuluyang makatulog na.

— The End —