Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Carl Mar 3
Pagkatapos ng takipsilim
Bumabalot ang dilim
Ilang oras maninimdim
Ang gabi ay lalalim.

Nag aantay sa iyong pag dating
Naiinip, kung minsan pa'y napapailing
Matagal na ring humihiling
Katotohana'y gusto ka nang makapiling.

Nakasilip na ang haring araw
Hindi pa naman ako bumibitaw
Habang sa mga pangako mo'y ako'y nakadungaw
'Andito pa rin ako, hindi gumagalaw.

Wari ko nga'y ako'y maghihintay
Sa pagibig **** walang humpay
Pusong ginawa nang alay
Sa pagibig **** nakamamatay

Narito pa rin ako, hindi makagalaw wari'y napako na sa pangako **** nakakasilaw.
cmps
Carl Nov 2018
Yayakapin ka nang mahigpit
Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit
Tititigan ko pa rin ang mga mata mo
Kahit na malabo na ang paningin ko rito

Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo
Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo
Madali na rin siguro ako makalimot
Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot

Marahil puti na ang ating mga buhok
Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok
Uugod-ugod, kulubot ang balat
Ikaw pa rin ang aking prinsesa hangga’t ako’y nakadidilat
cmps
leeannejjang Sep 2017
Ilan taon na din ang nakaraan
Noong huli tayong nagmahalan.

Mga batang sabik magmahalan
Kahit ayaw ng magulang.

Naaalala ko yung mga lihim natin
Paghawak kamay sa silid aralan.

Mga tinginan kasing tamis ng candy.
Sulat na punong puno ng pagmamahalan.

Ngunit kung gaano kabilis ang atin pagmamahalan,
Ganoon din kabilis ang katapusan.

Ilang taon na din ang nagdaan,
Naaalala mo pa ba ang ating nakaraan?

Sa ating muling pagkikita,
Ang mga puso'y sugatan.

Takot magmahal dahil sa sugat na
Iniwan ng iba.

Handa na ba tayong suungin ang
Pag-iibigan naudlot?

Handa na ba tayong ipaglaban ang pagmamahalan ito?

Andito lang ako maghihintay sa sagot mo.
Sorry for the hugot. ♡

— The End —