Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sino ka para limitahan ako
sa making kalayaan sa murang edad
na kung tutuusin ay
batbat pa ng pakikipagsapalaran?
Maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.

Sino ka?
Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay;
Akong sinasabing
'pag-asa ng' inyong 'bayan'
ngayon ba'y magiging
kalaban ng estado't pamahalaan,
nang batas ng taong
tutugis at pipiit sa akin
sa loob ng kulungang nakahandang pumatay
ng kinabukasan?
Ako dapat ay malaya,
malayang maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Ang tulang ito ay base sa isyung pagbaba ng edad ng liyabilidad mula 15 hanggang 9 na taong gulang.
Danice Feb 11
lahat daw ay pantay-pantay
sabi ng mga balatkayong nakaupo sa silya ng salapi,
ngunit naguguluhan itong batang isipan,
lahat pa ba ng ating gawa ay pantay sa mata ng Maykapal.

biyayang ipinagkaloob Nya sa atin,
biyayang unti-unting nasisira,
puso'y lumuluha sa nakikita; ang may sala,  yaong Kanyang kawangis.

Kanyang 'kawangis' pa ba kung isalita?
kung mga gawa na abot langit ang pinagkaiba.
atin din' pangalagaan ang biyayang kalikasan, huwag puro ang ating sarili.
HYA Jul 2017
Andali ng mga taong maniwala
Sa mga sabi-sabi ng ating madla
Ang mga mali ay ginagawang tama
Totoo, mga tao'y nagkakasala

Sila'y tutulungan, sila'y magagalit
Kung sila'y tutulong, dapat may kapalit
Kagaya nalang ng pabahay ng gobyerno
Maliit daw kaya sila'y nagreklamo

Mga reblede sa Marawi, kumikilos na
Ang kinatakutang martial law, dineklara
Ang iba'y nagalit, ang iba'y nagsaya
Halaga ng Pinas, meron ba talaga?

Binomba ang mga importanteng lugar
Ewan kung seryoso ba o pang-aasar
Ngunit 'di na nakakatawa itong kilos
O, Diyos ko, kailan ba ito matatapos?

Konti nalang ang mga gumagamit ng droga
Ang iba'y sumuko, ang iba'y patay na
Nagtatago pa ang mga natitira
Upang ang kanilang buhay ay maisalba

Ano pa nga ba ang ating ginagawa?
Halina't tayo ay sumugod sa gyera!
Kung saan ating naaabot ang tala
Kung saan kinakaibigan si karma
Dunno but hindi talaga ako satisfied sa kalabasan neto hahahha, baka dahil ginawa ko to for compliance but nah.

Checkout our poem for the sabayang pagbigkas entitled "Nasaan Ang Sinasabing Pagbabago?' This poem is our second option, btw. However, I like the first one better hehe. Thanks for reading~

— The End —