Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Kelly Bitangcol Nov 2016
Noong Nobyembre 8 2016, magandang araw ang aking naranasan. Lahat ng tao ay naging mabait sa akin, masaya ang mga pangyayari at nakangiti ako buong araw. Nang sumapit ang hapon at ako ay pauwi na galing sa eskwelahan, mayroong ibinalita sa akin ang aking ina. At dahil sa balita na iyon, nasira ang aking mabuting araw, at napalitan ng pagiging miserable. Isang pangyayari na tumatak sa isip ng madaming Pilipino,  isang pangyayari na naghimok sa akin upang magsalita at lumaban. Noong Nobyembre 8 2016, pinayagang ilibing ang dating presidente at diktador na si Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani.


          Bayani ba si Marcos? Siya ay naging presidente ng Pilipinas sa loob ng dalawampu’t isang taon. Alam nating lahat ang kanyang mga nagawa, dahil sa kanya mayroong NLEX, at iba pang mga imprastraktura at gusali. One is to one ang peso at dolyar noong kanyang panahon. Madami siyang nagawa para sa ating bansa. At sabi nga ng maraming Pilipino, ginawa niyang mayaman ang Pilipinas. Pero ano nga ba ang katotohanan? Noong ako ay bata, nasa isip ko rin na si Marcos ay naging magaling na Presidente at pinaganda niya ang Pilipinas. Pero nang ako ay tumanda, nalaman ko ang mga katotohanan na ayaw tanggapin ng karamihan. Bago pa maging presidente si Marcos, mayroon ng malaking oportunidad na magkaroon ang Pilipinas ng economic bloom, at yuon ay dahil sa administrasyon ng mga dating Presidenteng si Magsaysay at Macapagal. Kung mayroong dapat ikredito kay Marcos yuon ay ang pagpapayag niya ng paghiram ng malaki at ang ginawa niyang malalaking utang sa mga dayuhan na dapat kanyang gamitin para sa industrialization at pagpapaunlad. Ngunit sinayang ng rehimeng Marcos ang lahat ng perang ito sa pamamagitan cronyism at katiwalian. Ang hindi alam ng nakakaramihan ay isa siyang kurakot na lider, at ang kanyang mga utang ay babayaran natin magpahanggang sa taong 2025. Oo, madami siyang naipatayong mga imprastraktura at may mga nagawa siya sa bansa, pero hindi ba galing sa mga Pilipino ang pera na iyon? Nasa kapangyarihan siya sa loob ng dalawampu’t isang taon, malamang sa malamang ay madami siyang magagawa. At hindi ba responsibilidad iyon ng isang presidente? Na paglingkuran ang bansa? Bakit kailangang isumbat iyon? Ang daming bagay na hindi alam ng mga Pilipino at lubos na nakalulungkot ito, ang mas nakakalungkot pa ay ang mga nakalimot sa Martial Law. Pinili ng mga tao na kalimutan ang mga totoong bayani, na nagbuwis ng buhay nila para sa bansa na ito. Nakalimutan nila ang mga libo libong tao na namatay at nasaktan. Nakalimutan nila ang dami ng dugo, at sakit na dinanas ng Pilipino noong panahon ng Martial Law. Ang demokrasyang binura ng administrasyong Marcos ay pilit na kinalimutan ng mga mamamayan ngayon dahil sa kadahilanan na ginawa naman nitong maganda ang bansa. Ang kalayaan na ipinaglaban ng mga Pilipino noon, ang kalayaan na dahilan upang makapagsulat ako ngayon, ay hinding hindi ko makakalimutan. Mga perang ninakaw,  mga Pilipinong lumaban pero namatay at nasaktan, mga karapatan na nayurakan, gaanon nalang ba kadaling kalimutan? P167.636 bilyon na ninakaw, 3,264 na namatay, 34,000 na tinorture at 70,000 na nakulong. Hindi bayani si Marcos, at kahit kailan hindi siya magiging bayani.


       Ang pangyayaring ito ay isang malaking bahagi sa ating kasaysayan at bansa. Sinasabi nila na tayo ay mag move on at magpatawad, pero paano natin ito mabibigay kung wala namang nanghihingi nito? At wala sa kanila ang desisyon kung kailan tayo magbibigay ng tawad. Habang ang mga Pilipino ay pinatay ay ninakawan, ang pamilya niya ang nagsasaya dahil sa kanilang yaman at dahil sa pagiging bayani ni Marcos. Sa pangyayari na ito, parang nabura ang ating kasaysayan. Para nating kinalimutan lahat ng nangyari. “Buti pa si Marcos may bangkay.”, sabi ng isang pamilya na hindi pa nahahanap ang bangkay ng isang Martial Law victim. Paano tayo magmomove on sa isang pangyayari na hindi pa naman nagkakaroon ng maayos na wakas? Ito ay parang paglagay ng asin sa sugat na hindi pa naghihilom. Ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sa katunayan, ay sobrang nakakatakot. Nakikita ko na simula ito ng panibagong panahon na walang demokrasya at pagapak sa mga karapatan. Baka masyado tayong takot sa kasaysayan, pero hindi tayo takot na maulit ito. Pero hindi ako titigil, hindi dapat tayo tumigil, upang ipaglaban ang tama. Tayo ay magsalita, at lumaban para sa ating bansa. Huwag tayong susuko para makamit ang tunay na hustisya.  Hahayaan ba natin na maulit ang madilim na nakaraan? Hindi na muli.

*(k.b)
AUGUST Sep 2018
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......

Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.

Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?

Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.

Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan

Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa  mimahal ko, na di nahahabag

Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,


Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid

Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura

Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
pang spoken poetry
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
CRESTINE CUERPO Sep 2017
Ipinanganak na mayaman,
Kakambal niya ang kasamaan,
Tanyag sa kapangyarihan,
Ngunit ang kaluluwa'y nangungulila sa kapayapaan,
Naghahanap ng kalinga't kaginhawaan.

Di niya iniisip ang kapakanan nang karamihan,
Sariling interes lamang ang pinapahalagahan,
Nanunungkulan ngunit puso'y di para sa bayan,
Kakampi niya ang droga't magnanakaw sa kaban ng bayan.

Kung ito'y iyo ng nasaksihan,
Bakit mo pa rin pinipili ang isang utusan?
Na tayong lahat ay kanyang alipin lamang.
Gumising ka kabataan!
Ninanais mo bang matikman ang tunay na kalayaan?
Idilat mo ang iyong mga mata at tingnan ang kapaligiran.

Ano ang nangyayari sa iyong nasasakupan?
Pagmasdan mo ang naka-abang na kasalukuyan,
Tayo'y pinaiikot sa kamay ng kanyang kapalaran,
Maging isa kang huwarang mamamayan,
Upang pagbabago ay maramdaman ng sambayanan.

Iligtas mo ang iyong kapwa Pilipinong nahihirapan,
Huwag mo silang pababaya-an,
Lagi **** tandaan,
Kailangan namin ang iyong tapang at panindigan,
Huwag kang magbulag-bulagan,
Oo! Tama! sa iyo nakasalalay,
Ang tamis ng tagumpay.


Ibigay mo ang tunay na kahulugan,
Salitang-----kasarinlan,
Tiyak! Pilipinas ay di mapag-iiwanan,
Kahit sa anumang larangan,
Makakamtan nito ang inaasam-asam na pagbabago,
Laban Pinoy! Laban Pinay! Laban Pilipino!
Ibandila mo ang iyong tunay na pagkatao!
Ialay mo ang iyong buhay,
Upang tayo'y hindi bilanggo habambuhay,
Huwag mo hayaang tayo'y magiging alipin,
Sa isang taong may puso ngunit-----walang pag-ibig!!!
Bangon Pilipinas.Makiisa sa pagmulat ng katotohanan na siyang magpapalaya sa atin sa kahirapan.
Gelo de Ocampo Aug 2011
Nang una kitang makita mahal na kita
Ngunit ng tumagal-tagal, may mahal ka na pa lang iba
Ako’y nasaktan at nalungkot sa nalaman
Hanggang kaibigan na lang pala ang ating turingan

Ako’y nanalangin na sana’y mahalin mo rin
Upang di na masaktan ang puso kong nagmamahal din
Alam kong Diyos ay mabait at aking hiling ay tupdin
Kaya paggising sa umaga’y ikaw na aking katabi

Ngunit isang araw nalaman mo
Ang mahal mo ay may iba nang kasama
Tumakbo ka at sa aki’y nagpunta
Di alam ang gagawin
Di rin alam ang sasabihin
Sa aki’y panaginip lamang ang lahat ng nangyayari

Ngunit paggising ko sinabi mo
Mahal mo na ako at ako’y iyong-iyo sa buong buhay mo
Ako’y nagulat sa iyong inasal
Ngunit sa kabilang banda di mapapantayan ang sayang nadarama
Pagka’t tayong dalawa ay iisa na
Tagalog..hahaha!!:))
Leonoah Apr 2020
Alas sais y medya na ng umaga nang makauwi si Natividad mula sa bahay ng kanyang amo. Pagkababa n’ya ng maliit na bag na laman ang kanyang cellphone at wallet na merong labin-limang libo at iilang barya ay marahan siyang naglakad tungo sa kwartong tinutulugan ng kanyang tatlong anak. Hinawi niya ang berdeng kurtina at sumilip sa kanyang mga anghel.
Babae ang panganay ni Natividad, o di kaya’y Vida. Labindalawang taong gulang na ito at nasa Grade 7 na. Isa sa mga malas na naabutan ng pahirap na K-12 program. Ang gitna naman ay sampung taong gulang na lalaki at mayroong down syndrome. Special child ang tawag nila sa batang tulad nito, pero “abnormal” o “abno” naman ang ipinalayaw ng mga lasinggero sa kanila. Ang bunso naman niya, si bunsoy, ay kakatapak lamang ng Grade 1. Pitong taong gulang na ito at ito ang katangkaran sa mga babae sa klase nito. Sabi ng kapwa niya magulang ay late na raw ang edad nito para sa baiting, pero kapag mahirap ka, mas maigi na ang huli kaysa wala.
Nang makitang nahihimbing pa ang mga ito ay tahimik s’yang tumalikod at naglakad papuntang kusina. Ipagluluto niya ang mga anak ng sopas at adobong manok. May mga natira pa namang sangkap na iilang gulay, gatas, at macaroni na galing pa sa bahay ni Kapitan noong nangatulong siya sa paghahanda para sa piyesta. Bumili rin siya ng kalahating kilo na pakpak ng manok, kalahating kilo pa ulit ng atay ng manok, at limang kilo ng bigas.
Inuna niya ang pagsasaing. Umabot pa ng tatlong gatang ang natitirang bigas nila sa pulang timba ng biskwit kaya ‘yun na lang ang ginamit niya. Pagkatapos ay agad niya rin itong pinalitan ng bagong biling bigas.
De-uling pa ang kalan ni Vida kaya inabot siya ng limang minuto bago nakapagpaapoy. Siniguro niyang malakas ang apoy para madaling masaing. Kakaunti na lang kasi ang oras na natitira.
Habang hinihintay na maluto ang kanin ay dumiretso na sa paghahanda ng mga sangkap si Vida. Siniguro niyang tahimik ang bawat kilos para maiwasang magising ang mga anak. Mas mapapatagal lamang kasi kung sasabay pa ang mga ito sa kanyang pagluluto.
Habang hinahati at pinaparami ang manok ay patingin-tingin s’ya sa labas. Inaabangan ang inaasahan niyang mga bisita.
Mukang magtatagal pa sila ah. Ano na kayang balita? Dito lamang naikot ang isip ni Vida sa tuwing nakikitang medyo normal pa sa labas.
May mga potpot na nagbebenta na pan de sal at monay, mga nanay na labas-masok ng kani-kanilang mga bahay dahil tulad niya ay naghahanda rin ng pagkain, at mga lalaking kauuwi lamang sa trabaho o siguro kaya’y galing sa inuman.
Tulog pa ata ang karamihan ng mga bata. Mabuti naman, walang maingay. Hindi magigising ang tatlo.
Binalikan niya ang sinaing at tiningnan kung pupwede na bang hanguin.
Okay na ito. Dapat ako magmadali talaga.
Dali-dali niyang isinalang ang kaserolang may laman na pinira-pirasong manok.
Habang hinihintay na maluto ang manok ay paunti-unti rin siyang naglilinis. Tahimik pa rin ang bawat kilos. Lampas kalahating oras na siyang nakakauwi at ano mang oras ay baka magising ang mga anak niya o di kaya’y dumating ang mga hinihintay n’ya.
Winalis niya ang buong bahay. Maliit lang naman iyon kaya mabilis lamang siyang natapos. Pagkatapos ay marahan siyang naglakad papasok sa maliit nilang tulugan, kinuha ang lumang backpack ng kanyang panganay at sinilid doon ang ilang damit. Tatlong blouse, dalawang mahabang pambaba at isang short. Dinamihan niya ang panloob dahil alanganin na kakaunti lamang ang dala.
Pagkatapos niyang mag-empake ay itinago niya muna backpack sa ilalim ng lababo. Hinango niya na rin ang manok at agad na pinalitan ng palayok na pamana pa sa kanya. Dahil hinanda niya na kanina sa labas ang lahat ng kakailanganin ay dahan dahan niyang sinara ang pinto para hindi marinig mula sa loob ang ingay ng paggigisa.
Bawat kilos niya ay mabilis, halata **** naghahabol ng oras. Kailangang makatapos agad siya para may makain ang tatlo sa paggising nila.
Nang makatapos sa sopas ay agad niya itong ipinasok at ipinatong sa lamesa. Sinigurong nakalapat ang takip para mainit-init pa sakaling tanghaliin ng gising ang mga anak.
Dali-daling hinugasan ang ginamit na kaserola sa paglalaga at agad ulit itong isinalang sa apoy. Atay ng manok ang binili niya para siguradong mas mabilis maluluto. Magandang ipang-ulam ang adobo dahil ma-sarsa, pwede ring ulit-ulitin ang pag-iinit hanggang maubos.
Habang hinihintay na lumambot na ang mga patatas, nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran.
Nandito na sila. Hindi pa tapos ‘tong adobo.
“Vida.” Narinig niyang tawag sa kanya ng pamilyar na boses ng lalaki. Malapit niyang kaibigan si Tobias. Tata Tobi kung tawagin ng mga anak niya. Madalas niya ditong ihabilin ang tatlo kapag kailangan niyang mag-overnight sa bahay ng amo.
“Tobi. Andito na pala kayo,” nginitian niya pa ang dalawang kasama nitong nasa likuran. Tahimik lang ang mga itong nagmamasid sa kanya.
“Hindi pa tapos ang adobo ko eh. Ilalahok ko pa lang ang atay. Pwedeng upo muna kayo doon sa loob? Saglit na lang naman ‘to.”
Mukhang nag-aalangan pa ang dalawa pero tahimik itong kinausap ni Tobi. Maya-maya ay parang pumayag na rin ito at tahimik na naglakad papasok. Narinig niya pang sinabihan ni Tobi ang mga ito na dahan-dahan lamang dahil natutulog ang mga anak niya. Napangiti na lamang siya rito.
Pagkalahok ng atay at tinakpan niya ang kaserola. Tahimik siyang naglakad papasok habang nararamdaman ang pagmamasid sa kanya. Tumungo siya sa lababo at kinuha ang backpack.
Lumapit siya sa mga panauhin at tahimik na dinaluhan ang mga ito tapos ay sabay-sabay nilang pinanood ang usok galing sa adobong atay.
“M-ma’am.” Rinig niyang tawag sa kanya ng kasama ni Tobias. Corazon ang nakaburdang apelyido sa plantsadong uniporme. Mukhang bata pa ito at baguhan.
“Naku, ser. ‘Wag na po ganoon ang itawag niyo sa akin. Alam niyo naman na kung sino ako.” Maraan niyang sabi dito, nahihiya.
“Vida. Pwede ka namang tumanggi.” Si Tobias talaga.
“Tobi naman. Parang hindi ka pamilyar. Tabingi ang tatsulok, Tobias. Alam mo iyan.” Iniiwasan niyang salubungin ang mga mata ni Tobias. Nararamdaman niya kasi ang paninitig nito. Tumatagos. Damang-dama niya sa bawat himaymay ng katawan niya at baka saglit lamang na pagtingin dito ay umiyak na siya.
Kanina niya pa nilulunok ang umaalsang hagulhol dail ayaw niyang magising ang mga anak.
“Vida…” marahang tawag sa kanya ng isa pang kasama ni Tobi. Mukhang mas matanda ito sa Corazon pero halatang mas matanda pa rin ang kaibigan niya.
“Ano ba talaga ang nangyari?”
“Ser…Abit,” mabagal niyang basa sa apelyido nito.
“Ngayon lang po ako nanindigan para sa sarili ko.” garalgal ang boses niya. Nararamdaman niya na ang umaahon na luha.
“Isang beses ko lang po naramdaman na tao ako, ser. At ngayon po iyon. Nakakapangsisi na sa ganitong paraan ko lang nabawi ang pagkatao ko, pero ang mahalaga po ay ang mga anak ko. Mahalaga po sila sa’kin, ser.” mahina lamang ang pagkakasabi niya, sapat na para magkarinigan silang apat.
“Kung mahalaga sila, bakit mo ginawa ‘yon? Vida, bakit ka pumatay?”
Sasagot n asana siya ng marinig niyang kumaluskos ang banig mula sa kuwarto. Lumabas doon ang panganay niyang pupungas-pungas pa. dagli niya itong pinalapit at pinaupo sa kinauupuan niya. Lumuhod siya sa harap nito para magpantay sila.
“Anak. Good morning. Kamusta ang tulog mo?”
“Good morning din, nay. Sino po sila? ‘Ta Tobi?”
“Kaibigan sila ni ‘Ta Tobias, be. Hinihintay nila ako kasi may pupuntahan kami eh.” marahan niyang paliwanag, tinatantya ang bawat salita dahil bagong gising lamang ang anak.
“Saan, nay? May handaan po uli sina ser?” tukoy nito sa mga dati niyang amo.
“Basta ‘nak. Kunin mo muna yung bag ko doon sa lamesa, dali. Kunin ko yung ulam natin mamaya. Masarap yun, be.”
Agad naman itong sumunod habang kinukuha niya na rin ang bagong luto na adobo. Pagkapatong sa lamesa ng ulam ay nilapitan niya ulit ang anak na tinitingnan-tingnan ang tahimik na mga  kasama ni Tobias.
“Be…” tawag niya rito.
Pagkalingon nito sa kanya ay hinawakan niya ang mga kamay nito. Nagsisikip na ang lalamunan niya. Nag-iinit na rin ang mga mata niya at nahihirapan na sa pagbuga ng hangin.
“Be, wala na sina ser. Wala na sila, hindi na nila tayo magugulo.” ngiti niya rito. Namilog naman ang mga mata nito. Halata **** natuwa sa narinig.
“Tahimik na tayo, nay? Hindi na nila kakalampagin ang pinto natin sa gabi?”
“Hindi na siguro, anak. Makakatulog na kayo ng dire-diretso, pangako.” Sinapo niya ang mukha nito tapos ay matunog na hinalikan sa pisngi at noo. ‘Eto na ang matagal niyang pinapangarap na buhay para sa mga anak. Tahimik. Simple. Walang gulo.
“Kaso, ‘nak, kailangan kong sumama sa kanila.” Turo niya kayna Tobias. Nanonood lamang ito sa kanila. Hawak na rin ni Tobi ang backpack niya.
“May ginawa kasi si nanay, be. Para diretso na ang tulog natin at para di na tayo guluhin nina ser. Pramis ko naman sa’yo be, magsasama ulit tayo. Pangako. Bilangin mo ang tulog na hindi tayo magkakasama. Tapos pagbalik ko, hihigitan ko pa ‘yon ng maraming maraming tulog na magkakasama na tayo.”
“Nay…” nagtataka na ang itsura ng anak niya. Namumula na kasi ang mukha niya panigurado. Kakapigil na humagulhol dahil ayaw niyang magising ang dalawa pang anak.
“Anak parang ano lang ito…abroad. Diba may kaklase kang nasa abroad ang nanay? Doon din ako, be.”
Bigla ay nagtubig ang mga mata ng panganay niya. Malalaking butil ng tubig. Hindi niya alam kung naniniwala pa ba ito sa mga sinasabi niya, o kung naiintindihan na nito ang mga nangyayari.
“Itong bag ko, andiyan yung wallet at telepono ko. Diba matagal mo nang gusto magkaroon ng ganon, be? Iyo na ‘yan, basta dapat iingatan mo ha. Yung pera be, kay Tata Tobias mo ihahabilin. Habang nagtatrabaho ako, kay ‘Ta Tobi muna kayo.”
“Nay, hindi ka naman magtatrabaho eh.” Lumabi ang anak niya tapos ay tuluyan nang nalaglag ang luha.
Tinawanan niya naman ito. “Sira, magtatrabaho ako. Basta intayin mo ‘ko be ha? Kayo nina bunsoy ko, ha?” Hindi niya napigilang lambing-lambingin ito na parang batang munti. Kailangan ay sulitin niya ang pagkakataon.
Paulit-ulit niya itong dinampian ng maliliit na halik sa mukha, wala na siyang pakealam kung malasahan niya ang alat ng luha nito. Kailangan ay masulit niya ang natitirang oras.
“Nay, sama po ako. Sama kami ni bunsoy. Tahimik lang kami lagi, pramis, nay. Parang kapag andito si ser, hindi naman kami gugulo doon.” Tuluyan na ngang umalpas ang hikbi niya. Naalala niyang muli ang rason kung ba’t n’ya ito ginagawa. Para sa tahimik na buhay ng mga anak.
“Sus, maniwala sa’yo, be. Basta hintayin mo si nay. ‘Lika ***** tayo doon sa kwarto, magbabye ako kayna bunsoy.” Yakag niya rito. Sumama naman ito sa kanya habang nakayakap sa baywang niya. Humihikbi-hikbi pa rin ito habang naagos ang luha.
Tahimik niyang nilapitan ang dalawa. Kinumutan niyang muli ang mga ito at kinintalan ng masusuyong halik sa mga noo. Bata pa ang mga anak niya. Marami pa silang magagawa. Malayo pa ang mararating nila. Hindi tulad ng mga magulang nila, ‘yun ang sisiguraduhin niya. Hindi ito mapapatulad sa kanila ng mister niya.
“Be, dito ka na lang ha. Alis na si nanay. Alagaan mo sina bunsoy, be, ha. Pati sarili mo. Ang iskul mo anak, kahit hindi ka manguna, ayos lang kay nanay. Hindi naman ako magagalit. Basta gagalingan mo hangga’t kaya mo ha. Mahal kita, be. Kayong tatlo. Mahal na mahal namin kayo.” Mahigpit niya itong niyakap habang paiyak na binubulong ang mga habilin. Wala na ring tigil ang pag-iyak niya kaya agad na siyang tumayo. Baka magising pa ang dalawa.
Nakita niya namang nakaabang sa pinto si Tobi bitbit ang bag niya. Kinuha niya rito ang bag at sinabihang ito na ang bahala sa mga anak. Baog si Tobias at iniwan na ng asawa. Sumama raw sa ibang lalaking mas mayaman pa rito. Kagawad si Tobias sa lugar nila kaya sigurado siyang hindi magugutom ang mga anak niya rito. May tiwala siyang mamahalin ni Tobias na parang sarili nitong mga anak ang tatlo dahil matagal niya na itong nasaksihan.
Pagsakay sa sasakyan kasama ang dalawang pulis na kasama ni Tobias ay saka lamang siya pinosasan ng lalaking may burdang Corazon.
“Kilala namang sindikato yung napatay mo, ma’am. Kulang lamang kami sa ebidensya dahil malakas ang kapit sa taas. Kung sana…sana ay hindi ka nag-iwan ng sulat.”
“Nabuhay ang mga anak kong may duwag na ina, ser. Ayokong lumaki pa sila sa puder ng isang taong walang paninindigan. Pinatay niya na ang asawa ko. Dapat ay sapat na ‘yon na bayad sa utang namin, diba?” kung kanina ay halo humagulhol siya sa harap ng mga anak, ngayon ay walang emosyong mahahamig sa boses niya. Nakatingin lamang siya sa labas at tinititigan ang mga napapatingin sa dumadaang sasakyan ng pulis.
Kung sana ay hindi tinulungan ng mga nakatataas ang amo niya. Kung sana ay nakakalap ng sapat na mga ebidensya ang mga pulis na ngayon ay kasama niya. Kung sana ay may naipambayad sila sa inutang ng asawa niya para pambayad sa panganganak niya.
Kung hindi siguro siya mahirap, baka wala siya rito.
unedited
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila
Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa
Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita
Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata
Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena
Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala

Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras
Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso
Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan
Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan

Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak
Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak
Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako
‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro

Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada
Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada
Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama
Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala

Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad
Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala
Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod
Kahit saan mo man ilagay, tila lagi **** sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.”

Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela
Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda
Ngunit hindi sa eskuwela ang ***** kundi sa parke nang makapaglaro saglit
Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin.

Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa
Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela
At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na
Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa

Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid.
Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit.
Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi,
Ngayo’y biglang naging magkatunggali.

Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan
Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman?
Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan
Ngunit tayo ay tila naguunahan

Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya
Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan
Nagsarili at ‘di na namansin pa
Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala

Nabalot ng yabang ang ating mga isip
Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik
Hindi umimik kahit isang saglit
Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari

Tanda mo pa ba kung paano tayo noon?
Tanda mo pa ba kung ano ang meron?
O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa?
Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita.

Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon.
Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon.
Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo
Kundi pinabayaan **** katahimikan ang mag-ingay para sa’yo.

Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala?
Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala
Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa
Natatandaan mo na ba?

Kung sakali man na talagang nalimutan mo na,
Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa.
Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa.
Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata

Kung talagang nalimutan mo na,
Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya,
Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana
Kung paano limutin ang lahat ng alaala.

Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na,
Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya,
Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na
Okey na sa akin iyon, okey na.

Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan
Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha
Eh ano naman kung may peklat ako di ba?
Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama

Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga
‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko
Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin
Hindi ako makahinga

Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap
Tila ba gusto ko muling magpakilala
Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula
Yun pala, usapang pangwakas na.

At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala.
Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga.
Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala
Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
Paano kaya?

Mahal ko ang pilipinas. Sobra.
Mahal ko ang bansang aking kinalakhan.
Mahal ko ang aking pinanggalingan. Kung saan ako nag aral, san tumira, saan nagsisimba. Kung saan naliligo, umiihi, tumatae, Mahal ko!

Pero paano ko kaya matatanggap ang nangyayari sa aking bansa?
Paano ko kaya tatanggapin ang mga basura sa daan.
Ang mga binebentang damit na sinuot muna nila.
Ang mga piniritong fish ball na kahapon pa ang mantika.

Paano kaya?

Sa jeep, na para na kayong sardinas na pinagkasya sa isang lata.
Sa lrt, natumaas man ang bayad. Dama mo parin ang mga pagong na kumikilos at mga amoy na gugustuhin mo na lang amuyin.
Sa paaralan, titiisin ang sira sirang mga silid aralan para sa pangarap na mahirap abutin.

Paano kaya?
Sa pilipiling lugar, na kapag nakakita ng umiilaw na iphone ay parang hokage na mabilis na mang aagaw.
Sa ilalim ng tulay, kapag napadaan kay makikita ang pamilyang walang makain na nakahiga sa kamang matigas at ngunit hindi mabigat dalhin kung saan saan.

Paano kaya?
Ang mga kalsadang pinipilit tapusin kahit mas una pang tinapos ang perang inilaan ng sang katauhan.

Paano kaya?
Ang mga taong halos mamatay sa pagod na tila butas ang bulsa at hindi malagyan ng laman.

Paano kaya?
Sinubukan kong alamin kung saan ito nagsimula. Kung sino ang gumawa? Kung kailan? Kung paano? Kung bakit nandito?
Hanggang napatunayan ko, na kahit ganito ang tinuturi kong bansa.
Alam kong katangi tangi parin ito.

Hindi man kami tulad ng iniisip nyong bansa.
Ang bansang ito ang pinaka mapagmahal ra lahat.

Kayang makipag kaibigan sa kahit sinong tao. Kayang umintindi ng kapwa. marunong makisama. Mapagbigay.

Higit sa lahat sa kabila ng mga nangyayari sa amin, kahit wala nang kakainin, kahit nag aaway na kayo, kahit madami ng problema at  kahit may taning na ang buhay.

MASAYA pa rin. Ang mga ngiti, galak, at tuwang ito ang hindi nila matutumbasan ng iba.
John AD Nov 2017
Malapit na ang aking kaarawan , Subalit puno parin nang lungkot ang aking sistema,
Ako nga ba ay nababahala sa nangyayari sa eksena , o sadyang di ko lang mapigilan ang naririnig sa aking mga tainga,
Nakarinig ako ng isang malungkot na kanta , tugmang-tugma sa tema,
Dala ang lungkot at sakit sa aking mga nadarama, titigil pa kaya ang pagiisip na patuloy lumalala , o magkukunwari nalang sa bawat araw na gusto ko nalang matapos na .

Magpapasaya parin ba ako ng maraming tao , para lang itago itong nararamdaman ko , o ilalabas ko ito kahit napakahirap at baka pagtawanan nyo pa ko.
Sa bawat ngiti ko na naipamamalas ay isang puntos o paraan para lumigaya ako kahit kaunti ,
Sa pagtahimik ko nagmamasid lang ako sa paligid , dahil takot akong magbigay opinyon , at baka ako'y paulananan ng masasakit na Salita na uukit sa aking kaluluwa hindi lang sa balat , hanggang sa tuluyan na nga akong dalhin ng aking isip ,
Kung saan ang dulo at solusyon ay kamatayan.
Mahirap sa pakiramdam yung simpleng bagay o salita para sayo , ay may kahulugan at di mo na mapigilang di magisip sa mga bagay na ito.
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
M e l l o Jul 2019
hindi ko na mabilang
kung ilang beses na ako
nabasa sa ulan
may mga panahong
dahil sa aking katangahan
biglang bumuhos ang
napakalakas na ulan
may mga pagkakataong
sinasadya din magpaulan
wala gusto ko lang
kailangan ba laging
may dahilan?
simula nang araw ay
makulilim na langit ang bungad
ang payong na isinantabi
pagdinila ko'y walang ulan
na nangyayari
nagbibiro na naman ang langit
sa panahong gusto kong magbabad
at maglakad sa ilalim ng ulan
hindi lumapat sa tuyong lupa
na siyang aking apak
Poem of the day. July 23
cj Jul 2017
Natandaan ko yung sinabi ng kaibigan ko
Noong nalaman niya yung isa kong kaibigan wala pang assignment
Sabi niya, “May umaga pa.”

Oo, tama siya.
Kasi kalagitnaan pa lamang daw iyon ng linggo
Dahil alas-nuebe pa lamang ng gabi
At halos 8 kilometro ang layo namin sa mga bahay namin
At kaya pa naming magising ng alas-siyete ng umaga

Tama nga siya
Kasi iikot pa daw ang mundo at tayo’y makakakita pa ng pagsikat ng araw
At maliliwanagan sa realidad ng buhay
Buhay na hindi naman natin ninais ngunit inaayos

Tama nga rin siya
Dahil wala naman sinabing makulimlim nung mga araw na iyon
O Ni-isang patak ng ulan ang bababa sa aspalto ng mga sirang kalsada
At buong araw natin masisilayan ang sinag ni haring araw

Tama nga siya
Dahil may 3 pang araw pa bago matapos ang isang linggo
Dahil nakikita na sa kalendaryo niya

Oo, nakita niya lahat.
Alam niya ang nangyayari sa paligid
Bawat numero
Bawat halaga
Bawat detalye ng tinitirhan naming planeta

Ngunit, magkaiba kami ng mundo

Oo, Sabi nga niya
May oras pa
May bukas pa
May umaga pa

Pero paano na ako?

Paano na ako?
Ang aking orasan ay tila hindi na gumagalaw
At ang mga numero nito’y kupas na?
Paano na ang kalendaryo ko
Na ang taon ay nasa taon pa rin ng aking kamatayan?
Paano na ang pag-dating ng umagang inaasahan ko
Kung ang ulan ay halos araw-araw na lamang
At ang langit ay puno ng alapaap?

Paano na ako?
Isang taong pinili na lamang mabulag ng pessimismo
At tuluyan nang hindi masilawan ng optimismo?

Kaya ito ako ngayon
Bumili ako ng bagong mga salamin
Binilhan ko ng baterya ang aking orasan
Bumili ako ng bagong kalendaryo
Binuksan ko din ang aking bintana

Nasilayan ko ang sinasabi niyang umaga

Naramdaman ko ang init ang araw
Gumagalaw na ang aking relo
Nasa tamang taon na ang aking kalendaryo

Oo, tama nga siya
May umaga pa nga
Pero paano mo makikita ang umaga
Kung sa pagsikat ng araw ay ang mga mata mo’y nakapikit pa?

Bumangon ka
Maganda ang araw ngayon
Huwag **** sasayangin
Hanggang hapon lang iyon.
John AD Nov 2017
Gaano ba kadaling ipagwalang-bahala ang isang bagay?
Iniisip mo parin ba ang kasiyahan,
O hindi mo na namamalayan , ang iyong kapalaran?

Marahil ngayo'y hindi mo pa naiisip ,na
Kinabukasan ngingiti ka parin ba o,
Palihim ka nalang sisilip.

Tignan mo ang kapwa mo kayod-kalabaw buong buhay
Habang ikaw nakaupo ka lang nakaharap sa modernong teknolohiya,
Sinusubuan ng pera at habang buhay ka na yatang magiging buhay maharlika, Ano?

Magmamasid ka nalang ba sa nangyayari?
O iisipin mo nalang ang ginawa mo nung nakaraan,
Malagim na nakaraan na dinadala mo sa kasalukuyan

Hindi puro kasiyahan ang takbo ng buhay ng tao
Kailangan din ng kahirapan,kalungkutan para makamit ang inaasam-asam,
Huwag kang tumunganga kumilos ka , Ano?

Hahanap ka ba ng paraan o ngingitian mo na lamang?
O iaasa mo nalang sa ibang tao , o sa pagod **** mga magulang,
Na nakaupo ka nalang hindi kumikilos naghihintay ng pera ni Juan?
ESP Jan 2016
Salamat sa'yo, kaibigan
Pagkat ikaw ay laging nariyan
Kung dumating man galing kung saan
Laging magpapapansin, magpapatipa

Humihingi ng dispensa
Kung minsa'y hinahayaan kita
na makulong sa iyong tirahan
na parang walang ng pakinabang

Pasensya muli kung minsan
Nasa kalagitnaan tayo ng pagsasaya
Ay aking kitang bibitawan
At ako'y titingin sa iba

Salamat kaibigan dahil
kahit na ganito't ganito
ang nangyayari sa akin,
handa mo akong paligayahin

Salamat sa musikang iyong
ibinahagi, ating ikinasaya
Mga lirikong naisulat ay
may sariling tono na

Salamat kaibigan pagka't ikaw
ay laging nariyan
magpakailanman.
1.9.16
Kate Burton Dec 2016
Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon,
Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin
Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba
Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon?

Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na
Akala ko ang tamang panahon ay naririto na
Ngunit hindi parin pala
Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala

Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka
Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan
Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman
Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman

Ilang paalam pa ba?
Ilang pag papa-raya pa?
Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama?
Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata?

Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya
Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan
Hindi ko alam kung kelan ang huli
Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya
RLF RN Oct 2015
GABI (Night)*

Ayan nanaman si araw,
iniwan nanaman niya ako.
Tinapos nanaman niya
ang maghapon sa paglubog.
Tinanggal nanaman niya
ang liwanag sa paligid ko.
At iniwan nanaman niya akong
nakatanaw sa malayo, sa tabi ng bintana,
minamasdan ang pagpasok ng dilim,
hinahanap ang buwan at mga bituin.

Ang tanawing ito ang nagpapa-alala sa akin
na “There is always light, even in the darkest times”.
Kasabay ng pagpasok ng dilim
ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Nasaan si Paulo? ang tanong ko sa sarili ko.
Hinahanap ko nanaman siya,
sa tuwing sasapit ang ganitong oras.
Kailan ko kaya siya ulit makikita?
Kailan kaya kami ulit magkakasama?

Lumipas nanaman ang isang maghapon
na hindi ko nasilayan si Paulo.
Ipinikit ko ang aking mga mata ng mariin,
kasabay pa rin ang mga munting luha
na patuloy lang sa pagpatak habang
iginuguhit ko ang kanyang mukha sa aking isipan,
habang ninanais ko na mahawakan
ang kanyang kamay sa sandaling iyun.
Nangiti na sana ako, kaso pagdilat ko,
ako lang pala mag-isa ang nandito, at
kathang isip ko lang ang lahat.

Napabuntong hininga ako ng napakalalim,
at sa paglabas ko ng hangin sa aking katawan
naisipan ko nalang na pumikit ulit at manalangin.

“Ama, kung anuman po ang Inyong
ginawang plano sa amin ay Siya pong masusunod
at malugod ko pong tinatanggap.
Alam ko po na may magandang dahilan ang lahat
ng nangyayari sa amin na ayon sa Inyong kagustuhan.
Ang dasal ko lang po ay Nawa sana
tulungan Ninyo kaming makita at malaman
ang dahilan ng lahat ng ito.
Bigyan Ninyo kami ng lakas ng loob at sapat
na pananampalataya upang kumapit pa,
huwag sumuko at hawak kamay na harapin
ang pagsubok na ito. Hayaan Nyo po kaming
patuloy na manalangin, gawing sandalan ang isa’t-isa,
at gawin Kayong sentro ng aming pagmamahalan
sa kabila ng lahat. Amen. ”

At tuluyan ko ng ipinikit ang aking mata
sa pagtulog, nagbabakasakaling kahit
sa panaginip man lang ay mahagkan ko siya at makasama.
Taltoy May 2017
Pagkakamali, pagkabigo,
Pagkakasala, pagkatalo,
Lahat siguro ng di mo gusto,
Marahil ugat nito.

Iyo nang binaon sa nakaraan,
Hinukay muli sa kasalukuyan,
Para ano? pagngilayan?
Tapos? may makukuha ka ba d'yan?

Bakit ba ganyan tayong lahat?
Parating sinasabing di sapat,
Ano ba talaga ang batayan?
Saan ang iyong basehan?

Walang perpekto sa mundo,
Yan ang tandaan mo,
Di lahat maitatama mo,
Di lahat ng nangyayari ayon sa gusto mo.

Kaya nga tanggapin mo nalang,
Wala nang iba  pang paraan,
Sapagkat iyan ay nagtapos na,
Huwag mo nang balikan pa.

Pagsisisi? nakakain ba yan?
Ano pa silbi ng salitang yan?
Yan? magpapapaliwanag ng katotohanan,
Isasaksak sa kokote mo ang 'yong kamalian.

Dahil ikaw mismo ang may alam,
Kung saan ka nagkamali at nagkulang,
Kung saan ka sumobra at nagpabaya,
Ikaw na ang sa sarili mo'y humusga.
Words pop and I wanna write them.
Desirinne Mar 2017
Kamusta ka na? Sana masaya ka na sa piling niya.
Sana inaalagaan ka rin niya maigi gaya ng ginawa ko sa'yo.
Tinitext ka rin kaya niya ng good morning sa t'wing paggising mo
o goodnight at I love you sa pagtulog?
Kinakantahan ng paborito **** love song?
O kaya dinadalan ng paborito **** pagkain?
Sana okay ka lang, miss na kita.

Namimiss mo rin kaya ako? O naaalala man lang sa masasayang parte ng buhay mo? Kasi ako oo, sa lahat ng magagandang nangyayari sa buhay ko, ikaw yung naiisip ko, na sana kasama kita sa mga bagay na katulad nito.

Hanggang ngayon nakakapit parin ako sa mga pangako mo.
Di ko maintindihan kung bakit.
Sobra na'kong nasasaktan sa mga ginagawa ko, pero gusto ko naman to eh, basta para sa'yo.
Minsan nga naiisip ko kung magiging katulad ulit tayo ng dati.
Yung mahal mo ko at mahal din kita.
Pero parang malabo na eh, kasi masaya ka na sa kanya.

Alam mo mahal parin kita, mahal na mahal.
Kung may isa pa tayong chance, ikaw parin yung pipiliin kong sarap kahit sobrang sakit.
Ganon naman sa pag-ibig diba, masakit, masaya, masarap, lahat yata ng emosyon mararamdaman mo.

Pinilit ko namang makalimutan ka eh, kaso sa bawat taong dumadating sa buhay ko ikaw parin talaga yung hinahanap ko.
Sobra mo kong napasaya.

Tinuruan mo kong magmahal ng tama kaya siguro hanggang ngayon ikaw parin yung mahal ko kasi sa piling mo lahat ng bagay nagiging tama.
3-24-17
John AD Feb 2018
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani,
Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili?
Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili?
Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami

Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa
O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa
Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong
at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong

Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap
Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan
Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan,
Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan

Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid
At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid
Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan
ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
Buksan muli ang ating mga mata upang makita ang mali nang ugaling kanya-kanya
Random Guy Oct 2019
276
Sinasaktan ka lang n'ya.
At hindi sa paraan ng salita.
Pisikal.
Sinasaktan ka lang n'ya.
At masakit na hindi ka n'ya sinasaktan sa paraang alam kong mas masakit, damdamin.
Dahil kahit ano pang sabihin ng iba na mas masakit masaktan ang damdamin kaysa pisikal,
ay mas gugustuhin kong umiyak ka dahil minura o sinisi,
kaysa sakal sa leeg at sugat sa labi.
Masakit,
kung iisipin ang suntok sa mukha,
o harangan ang paghinga sa pamamagitan ng unan.
Masakit, na sa lahat ng sasaktan ay ikaw pa.
Prinsesa, inalagaan ng ilang taon bilang kaibigan
upang makita lamang ang mga pasa sa braso,
sugat sa puso,
mukhang maamo na nilamon ng pait.
Pero nakaka ngiti pa rin sa akin na para bang walang nangyari.
Higpit ng yakap na para bang walang sakit na iniinda.
Tawa na kay lakas na wari mo'y hindi umiyak kagabi.
Gabi-gabi kong iniisip kung anong ginagawa mo,
hindi,
kung anong ginagawa n'ya sayo.
Dahil bukod sa saya na naibibigay n'ya
sa bawat halik,
o yakap,
o talik
ay mas nangingibabaw ang sakit
mula sa suntok,
sampal
at sigaw.
Pero sa sulok ng aking utak ay mas mapapasaya kita.
Oo,
naisip ko na ito dati,
at mas iniisip pa ngayon.
Alam ko namang malabo ang mga pangyayari dati pero mas lumilinaw na ngayon.
Sa mga panaginip lang dati nangyayari, isasabuhay na ngayon.
Mahal kita at hindi ka dapat mapa sa kanya.
Dahil una pa lamang kitang nakita , ay akin ka na.
sabi nga nila sa umpisa lang masaya
at nag daan na ang umpisang iyon
heto na tayo ngayon sa away bati
pilit inuunawa ang isa't isang may mali

sabi nga nila mag babago din 'yan
hindi ko inakala na mangyayari iyan satin
pero nandito tayo ngayon nag tataka
bakit tila hindi na maintindihan ang isa't isa

sabi nga nila mapapagod ka din
ang pinakakinakatakutan ko sa lahat
at heto na tayo sa pinakakinakatakutan ko
tila ika'y unti unti ng napapagod saakin

sabi nga nila iiwan ka din niyan
mahal, umaasa ako sa mga pangako **** sinambit noon
pero kung hindi mo na talaga kaya
baka pwede namang kayanin mo pa, parang awa mo na

kayanin mo na mapatunayan natin sa lahat na tayo ay hindi lang basta basta
kasi tayo ay hindi kabilang doon sa mga sinasabi nila
at tayo'y handang sumubok kahit na paulit ulit nalang ang nangyayari
na tayo ay muling babalik sa umpisa na laging masaya dahil sobrang mahal natin ang isa't isa

baka lang naman pwede mahal ko, baka lang naman..... sana
Louie Clamor Mar 2016
Bakit nga ba nangyayari ang mga bagay bagay?
Di ba may mga basehan,
Na kung saan laging may mga kailangan

Kailangan **** huminga
bago ka mabuhay
Kailangan **** mawala
bago ka mahanap
Kailangan **** pumasa
bago ka makapagtapos
Kailangan **** tumawa
bago ka maging masaya

Kailangan.
Ang dami **** kailangan.

Ako rin. Puro kailangan
Kailangan ng ganito
Kailangan ng ganyan

Kailangan ko ang iyong mga ngiti
Kailangan ko ang pag gapos ng iyong mga bisig
sa napakalamig na gabi
Kailangan ko ang iyong matamis na oo
na walang kailan ma'y pagsisisi
Kailangan ko ang iyong kaunting oras
Araw't gabi, sa bawat sandali

Paumanhin, kay dami kong kailangan
Simple nga lang ba?
Na ikaw ang sanhi
Ikaw na aking kailangan
Pero mahal, isa lang naman talaga
Isa lang ang hinihingi
Kailangan ko..
Kailangan ko ang ating pagmamahalan
Sana'y kailanganin mo rin.
clarkent Aug 2017
Noon gumagawa ng tula
Tungkol sayo at saking pangungulila
Sabi ko, andito ako at hihintayin kita
Kahit pa masaktan basta sabi ko, mahal na mahal kita
Parepareho lang ang tema
Laging tungkol doon ang nalalathala
Yung paghihintay na muli'y mapasaakin ka
Sabi ko, sige na, pagbigyan mo na
Pagbigyan mo na na tayo ay maulit pa

Ngayon sabi ko,
Tama na muna siguro
Wala naman kasing nangyayari sa lahat ng sinasabi ng mga tula na 'to
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako
Yung isip ko lalo lang gumugulo
Siya pa rin naman ang hawak mo
Tapos satin wala namang nagbabago
Di ako napapagod magmahal at maghintay sayo
Pero naisip ko, sa susunod na lang aasa sa "tayo"

Bukas, malay mo magkatagpo na naman
Dito, doon o saanman
Malay mo baka pwede nang muling simulan
Yung naputol na pagmamahalan
Kung kaya nang ipaglaban
Kung kaya nang panindigan
Kung kaya nang kalimutan
Yung masasakit na nagdaan
Kung nanaisin nang muling balikan
Saka na lang ulit natin pagbiyan

Mahal, gusto ko lang sabihin
Laman nitong puso't isip ay ikaw pa rin
Habambuhay nang nakatatak sa paningin
Ngunit akin munang palalayain
Sa malayo na lang kita hihintayin
Sa malayo na lang muna kita mamahalin
Hindi na muna kita pipilitin
Hayaan na lang muna natin
Kung saan tayo dalhin ng hangin
Dun na lang muna aasa, sa tayo ay muling pagtagpuin
madrid Oct 2015
minsan hindi ko nalang alam
bat nangyayari ang mga bagay-bagay
sa mga taong mababait
sa mga taong walang kaalam-alam

sadyang di lang ba ko matalino
hindi alisto sa totoo
o sadyang walang sagot
sa aking agam-agam

putangina
minsan hindi ko nalang alam
For EJR
Gothboy Feb 2020
Crush,pag hanga
Salitang na imbento para pag ka tamad di alintana
Dahil lahat na nangyayari
Ginagawa di bali
Mahirap man
Masaktan sulit lahat,ikaw dahilan
Nakita kita sa daan
Umuulan wala kang payong
Papayungan ka kahit ako’y medyo maulanan
Wag nang tumanong nang bakit
Sagot ko jan abay alangan
Ayaw ko magkasakit ka
Ayaw din na masaktan

Alagaan ka,kahit di na sarili
Sa mood mo naka depende
Tatabihan ka lalagyan ngiti sa labi
Kahit mga tula ko iyong sina sauli

Oo iyong sinasauli
Mas mabuti pang tinapon mo nalang
Baka may maka pulot
Tapos kiligin
Kesa sayo walang pakiramdam
Dati sweet
Nong di mo pa alam
Biglang pumait
Uwian mga langam
Bakit ang sakit
Walang karapatan
Bawal masaktan
Sa babaeng puro hanap pogi palagi naman sina saktan

Sinasaktan kana nga ignore ka lang
Parang ako sayo
Dapat nga humaling ako kay lexi lore nalang
Kaso pinili ka
Parang **** sa estudyante
Recitation,pero iwas kana
Pero kapag gwapo kahit ikaw mang ligaw ayus lang
Kahit pina paasa ka sigi kalang
Kung ayaw mo sa sarili mo sakin ka nalang

Bibigyang atensyon 24/7
Pagmamahal parang kanin
Sa mang inasal di ka mabibitin
Kung hahambing ang sarili ko
Para akong hotel
Kasi ilang araw ka lang nag stay sakin…………
Bryant Arinos Aug 2017
Tandang-tanda ko pa

Makakalimutin ako pero tanda ko pa rin ang mga dumaang araw
Mga panahong ang bawat salita mo bumubuo ng akin araw,
Bawat katinig sa aking balat humahaplos,
Bawat patinig sa balahibo ko dumadausdos.

Hinding hindi ko malilimutan, tunog ng boses **** kay lambing
Nang sinabi mo sa’kin na ako’y gusto mo rin.
Makakalimutin ako pero natatandaan ko lahat ng sinabi mo,
Nung panahong ginantihan mo ko ng salitang “ikaw lang rin ang mahal ko"

Hinding hindi ko malilimutan kung papaano tayo magtinginan
Kung paano tayo naghahati sa mga pagkaing nakahain sa ating harapan.
Kung kelan tayo sabay humahalakhak at parang lunod sa kapit ng alak
At kung papaano tayo magtinginan sa tuwing tayo’y magkaharapan.

Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong kamay nati’y naglapat
Nag salit-salit bawat daliri, nagsasabing habang buhay tayong magiging tapat.
Yung higpit ng bawat kapit sa balikat na tila ayaw malayo
At siyempre ang panahon na una tayong nagtagpo.

Hirap talaga akong makaalala ng mga bagay na nangyayari,
Kilala mo naman ako, likas na makakalimutin.
Kaya nga di ko lubos maisip na kahit hirap akong makaalala.
Hinding Hindi ko pa rin malimutan, ang mga luma nating ala-ala.
G A Lopez Jun 2020
Bakit sa una'y halos sumakit na ang tiyan kakatawa
At maya't maya'y tumutulo na ang mga luha sa mukha?
Napapaiyak na lamang sa sulok
Unti-unting kinakain ng maitim na usok

Namamanhid na't halos di makilala ang sarili
Nais ko ulit bumalik sa panahong wala pa akong alam sa mga nangyayari
Ang mga ngiti ko noong kay tamis
Mga tawang walang halong lumbay at hapis.

Pilit kong kinakalimutan ang aking mapait na nakaraan
Ngunit bumabalik balik pa rin lahat ng ala-ala sa aking isipan.
Ang sabi nila'y tigilan ko na ang mamuhay sa nakaraan at iwasang magkaroon ng galit sa kapwa,
Paano maaalis ang galit sa aking puso
Kung ang dahilan nito ay ang taong nag-iwan ng masakit na marka sa aking pagkatao?

Sa tinagal tagal ng panahon, para bang naging bato ang aking puso
Bawat pintuan ay may kandado
Bawat bintana ay sarado
Ibang-iba na sa dating ako.
Years change people.
MarieDee Nov 2019
Bakit kaya nagkaganito
Tila ako'y gulong-gulo
Sa nangyayari ngayon sa barkada
Tila pagsasamaha'y mawawala

Ngayo'y hindi nagkaintindihan
Sama ng loob ay naglabasan
Tila ako'y mapapatungayaw
Sa kakaiba nilang kilos at galaw

Pagkakaibigan na ating inukit
Ngayo'y tila damit na gulanit
Bigla na lang bang maglalaho
At pagsasamaha'y mahinto?

Sana muling magbalik
Ang samahan na dati'y kay tamis
Sana hindi ninyo malimutan
Ang ating pagkakaibigan
raquezha Jul 2020
Makaribong sa payo
Dai ko na naintindihan
an mga nangyayari
Sa palibot ko
Garo nag-iikot an mundo
Dai na garo kaya kan mata ko
Naglalabo an paghiling ko
Dai na naggagana an payo ko
Napapahibi na ako
**** kan nagbagsak ka
Hali sa madiklom na langit
Manlaenlaen na imahe
An sakuyang nadidiskobre
Igwa pala akong barkada
Sa irarom kan katre
Pwede mo palan kaulayon
An sadiri mo sa salming
Kaya mo palan bukasan
Gabos na pintoan pagnakapikit
Pirang oras pang uminagi
Dai nagpupundo an pagturo kan luha
hali sa librong binabasa ko
An mga letra nagdudulag na parayo sa libro
Tinipon ko an mga ini
Nilaag sa garapon
Mas nagkusog an paghibi kan libro
Nagaapaw na an tubig sa kwarto ko
Nasusuya na ako
Kaya Inapon ko sa langit
Nag-iwas an bulan asin bitoon
Pero kinakan kan saldang
Dai kaini aram na padagos
An pagdulag kan mga letra sa libro
Dai na maugma an saldang
An dating masinggaya ngunyan kurundot na
Aro-aldaw ng naguuran
Aro-aldaw naman akong nasasakitan
Tiponon an mga letrang satuyang pinabayaan.

—𝐔𝐫𝐚𝐧, a Bikol poetry.
1. Urán means rain
2. Instagram: https://www.instagram.com/p/CDJsZ6sn5um
solEmn oaSis Dec 2022
nasa mata ng tumitingin
Meron ang Kagandahan,
tulad baga ng maingay na musika
sa pandinig nilang tulog - mantika,
nangangamoy na ang sulo ng apoy
Halimuyak pa rin meron ang Simoy,
tila ba malabong bahain ng pag-asa
Sila na nasa Seguridad ang panlasa
kagat - labi man ang pagtiim - bagang
habang iniinda ng kalingkingan ang matimbang
na tawag ng inang - kalikasan animoy gantimpalang
maitituring ang abot - kamay na pangarap sa pahalang
na ilog ng kaulapan na may samut - saring pasaring...
dinaramdam ng katauhan ang bawat hangaring
Huwag masaktan ang puso kahit ni- ang mga kalamnan
Ngunit sadyang nangyayari ang hawi ng kabiglaanan,,
Mga balya at salya ng pagsibol ang huwad na kasinongalungan at ang patotot ng katotohanan...
bilang Isang mamamayan ng pagsubaybay doon sa mga tulak ng tugma
sunog-bahay kahahantongan ng maling bitaw sa batong hawak para sa sungka,
Bilang ng mga nilalang kapwa paikot-ikot lamang na tila ba kumpol ng mga balahibong-pusa na tinayoan
Umakyat sa leeg ang dagang dati - rati ay nasa dibdib...
Maibulalas lamang ang silakbo at simbuyo na kay - tigib.
Bilang na pala ang oras at sadyang di namalayan sa LibLib,
Magwawakas na pala ang isa- dalawa tatlong pag - iigib
sa balong malalim na may apat - lima anim na pakikipag - anib
Nalagot ang lubid , nahulog ang sisidlan ng tubig...
at natinik sa paglukso ng pag - ibig yaong pawang mga nakayapak
Ngunit babangon sa tuwing madarapa ang siyang naiwan na balak
Ganyan po ang aral ng Liwanag sa dilim
Gabayan ang hangal sa aninag ng lilim !
ika - P i T o .. ika - Walo
Hipan lang ang siLbato,
bundok man o sa ibayo
Siyaman na ulap ay TanTo,
Lalaya din ang pangsampo
Magtatagumpay ang bunso !!!
DahiL ako ang nagsulat nito
MarahiL nabatid mo na ang pulso
Biyaya ng MaykapaL wag i- abuso
Kung tinamaan Ka man ng bagyo
Kalimutan ang Tampo at Siphayo
The sequel of my poem...
"  Kapag natuyo ang ilog,
Hintayin mo ang mga ulap "
LeBobbe Jan 2018
Bakit bucket, bakit.

Ito ay nilalagay ng tubig ng damdamin.
Dugo, luha't pawis.
Ito ay aking pinuno ng aking bucket.
Na minsa'y nakakainis
Kung bakit ang bucket ko ay puno
dahil sa iyo.

Mawawala ako ng bait.
Dahil sa aking pag-iisip ng sakit.
Ang aking katawan ay duming-dumi.
Sa paglalakbay ko.
Sa paghahanap ko.
Ng mga sagot ng aking bakit.

Pero pero lang
Ang pagkain ng nilalamon
Kapag ako'y lumuha
Pero sa aking pagkakain.
ako'y pumapayat.

Lahat ng ito'y nangyayari.
Dahil ako'y di makapagsabi.
Sana'y lahat ng aking listahan sa bucket
ay masagot bago ko sipain.
Pero tubig ang laman ng bakit,
At dumi and aking katawin.

Kinailangan ko lang hugasan sarili ko
Gamit ng bucket na punong-puno
Ng dugo, luha't pawis.
Para maharap ko ang kinabukasan.
Na alam ko'y handa ang aking katawan.

Bakit bucket, bakit.
"Why"
shower thoughts
MarieDee Dec 2019
Ngayon ako'y nagugulimihanan
sa nangyayari sa ating samahan
Kung dati'y puno ng saya ang nadarama
ngayo'y inis ang sa inyo'y nakikita

Noon nag-uusap ng masinsinan
Sama ng loob ng bawat isa'y naglalabasan ng hindi namamalayan
Nakinig sa kanila ng mabuti
upang iwasto man lamang ang mga pagkakamali

Ngunit  kahit ano yatang gawin
upang kahit minsan lamang ay mapansin
ang mabilis na pagbabago ng bawat isa
at ang lungkot na aking nadarama

Hanggang kailan kaya magkakaganito
ang samahan na unti-unting nagbabago
sana nga'y bumalik sa dating saya
nang hindi unti-unting magwatak ang barkada
G A Lopez Dec 2019
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayo'y wala pa ding kasagutan.
May mga kasinungalingang hindi pa din natutuldukan.
May mga katotohanang masakit malaman.
Kaya mananatiling tahimik
Tikom ang bibig

Unti unting naiipon ang poot sa aking puso.
Na para bang hindi na ito marunong pang tumibok.
Na para bang nabalutan ng tinik
Dahil sa paulit ulit na pananakit.

Naguunahan ang mga luha ko sa pagpatak.
Nakisabay pa ang mga ulap
Kumulog at kumidlat
Mga mata ko'y pagod na muling dumilat

Pamilyar sa akin ang gabing ito
Marahil, nakagawian ko na
Ang umiyak gabi gabi
Magkulong, magmukmok
Hanggang sa abutan ako ng antok.

May mga gabing ayoko ng mag umaga
May mga umaga na gusto ko ng mag gabi
May mga araw na gusto kong umulan
Lahat nangyayari sa hindi ko inaasahan.
raquezha Aug 2020
Arog palan kaini an pagmati
Kan magtrabaho para sa sadiri
Mamata nin amay
Maayos nin gamit
Malutong pamahawan
Makarigos nin dali-dali
Sasanglian an murusdot na lalawgon
Late ka nanaman
Mayo nanaman kayang sakayan
Diyan sa may kanto

Arog palan kaini an pagmati
Kan mawaraan trabaho
Aro-aldaw ginigibo ko an gabos
Buong púsò kong tinatatao
An kusog asin hawak ko
Mayòng pinapalampas na oras
Aro-aldaw na paulit-ulit
Puon sa pagmata nin amay
Hanggang sa pag-ulî nin banggi

Pero tanò arog kaini?
Mayong nakakaintindi?
Hain na an úgay?
An pagmakulog?
Tanò puro pansadiri?

Mayò na bagang nangyayari
Kamong mga nakatukaw
Halangkawon man an harigi
Daí na nindo nahihiling an kasakitan
Kan mga uripon sa palibot nindo

Arog palan kaini an pagmati
Kan dai magkakan nin sarong aldaw,
Duwang aldaw asin sa ika-tulong aldáw
Daí ko na aram kun ano an totoo
Kun nabubuhay an tao para magtrabaho
O nagtatrabaho an tao para mabuhay
1. Urípon; servant, slave (in historical reference)
2. https://www.instagram.com/p/CDl9XF6Hopv/

— The End —