Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Taltoy 7h
Ako'y nalulumbay na sa iyo,
Gusto ko nang mahagkan ang mga pisngi mo,
Gusto ko ring hawakan ang iyong mga kamay,
At sa pag tulog ay ika'y makasabay.

Miss na kita,
Pwede ka bang makita?
Taltoy Mar 14
Ano na? Ano na?
Ano na ang susunod?
Saan ba? Kailan ba?
Bat parang nalulunod?

Ako'y walang nagawa,
Bulag na nanonood,
Walang kwenta, basura,
Nakatulala sa pagtama ng kulog.

Nakakapanlumo pero anong magagawa,
Tapos na, nawasak na habang nakatulala,
Huli na ang lahat, paano masasagip,
Huli na ang lahat, huli na nga ba ang lahat?
Taltoy Feb 24
pinilit kimkimin,
ngunit di napigilan ang damdamin,
isip ay napuno ng sana,
sana ako nalang ang gumawa diba?

ako nalang, ako nalang sana,
di na sana ako umasa pa,
ngunit tapos na ang lahat,
wala na tayong magagawa kapag ang nandyan ay salat.
  Sep 2018 Taltoy
Cherisse May
drown me.
drown me in your scent, like waves crashing,
the sea that used to be calm made a tsunami,
and left marks of yourself.

you make me feel whole.
addicting, intoxicating, like alcohol;
like drugs, drowning in ecstasy,
let me drown in you.
for my friend, whose girlfriend smells like heaven in a bottle,
whose scent becomes addicting.

Mabango na jacket mo, J.
Taltoy Sep 2018
Di ko alam bakit,
Di alam ba't masakit,
Ano ba talaga,
Bat ako __? Puta

Ang babaw, ang tanga,
Gusto ko nang kalimutan,
Bumabalik-balik sa ala-ala,
__ di maalis sa isipan.

Sarili ko, ako'y galit sayo,
Ang bobo mo, yun ang totoo,
Ang kitid ng pag-iisip mo,
Magpakatino ka naman gago.

_, _, at _,
Bat ayaw **** umalis sa'king isipan,
_, hanggang kelan tayo magtutuos,
Kelan mo ba ako lulubayan.

Di ko mapigilang aminin ka,
_, totoo ka,
Alam kong di dapat,
Srili ko wag ka namang maging maalat.

Bat ngayon ka pa dumalaw, __ ka,
Ayaw ko nang maisip ka pa,
Sana ako'y lubayan mo na,
Sarili ko, wag kang mag-akusa, gago gumising ka.
Taltoy Sep 2018
Tunog ng 'a' at 'b',
Tunog ng lungkot at ligaya,
Tunog ng iyak at mga tawa,
Mga tunog, di nagkakatugma.

Masaya, malungkot,
Di alam kung ano ang aking kumot,
Mamayang gabi, bukas ng gabi,
Ano kaya ang kumot sa mga gabing di ka katabi.

Di nagkakatugma,
Ikaw, ako, tayong dalawa,
Tayong dalawa ba'y nawawala,
Hinahanap ang bawat isa.
Taltoy Sep 2018
Di ko alam anong gagawin,
Di kayang pigilan 'tong pagtingin,
Ika'y bitag ng kagandahan,
Ako'y nahulog na, nalulunod nang tuluyan.

Ano ba yan? Ayoko na,
Gusto kitang yakapin bigla-bigla,
Ba't ganun? Ang sama mo,
Di ko kayang di ka mahalin ng todo.
Nagulat sa'yong angking kagandahan. Alam kong di mo to mababasa. :)
Next page