Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Quencie DR Apr 19
Spoken word poetry by:
Quencie D.R

Puno ang aking isipan ng mga katanungan,
Ni hindi ko alam kung may patutunguhan.
Hindi ko alam kung paano o saan sisimulan,
Kung tatakbo palayo o sayo ay ika'y lalapitan.

Eto na sisimulan ko na ngunit nagaalangan,
Sa simulang tanungin ang yong pangalan.
Nang di naglaon nalaman ko yung katauhan,
Di nagtagal tayo ay naging magkaibigan.

Aking hihimayin kung gaano kahaba o kaikli,
Etong tulang patungkol sayo at pinili.
Kung ilang pahina at itatantya kung sakali,
Sisimulan ko na ngunit eto ako nagbabakasali.

Simula sa  "Ako at Ikaw" ngunit walang tayo,
Ano bang pakiramdam ng maging gwapo?
Dahil lahat ng niligawan mo iyong napa-Oo.
Babe,Mahal at lahat ng tawagan nagamit mo.

Balita ko madaming nagkakagusto sayo,
May nakahome based na sa puso mo.
Nakatres ba? Ilang puntos ba sya sayo?
Gusto mo pala maglaro sana sinabihan mo ako.

Gusto mo ng one-on-one pero madami pa pala,
Kung tutuusin sa mobile legends adik ka na.
Paiba iba ka ng character bane,alpha at angela,
Inugali mo na pati sa laro kotang - kota ka na.

Di kami isang laro pag napagtripan mo na,
Di kami dota iffirst blood mo tapos GG na.
Di kami coc o lol iiwan mo pag nagsawa kana,
Ano bang degree natapos mo at bihasa kana.

Patawad!! Kung ginusto kita,
Patawad sa mga binitawan'g salita.
Patawad kung mahal na kita,
Patawad kung ako'y lalayo muna.
AUGUST Oct 2018
Mahal kong Margaret,

Patawad

(Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa
Hanggang ngayon di pa maunawa
Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa
Nasaktan ko ng di sinasadya)

Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari,
Away bati sa  mga bagay na kahit na simple.
Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili,
Nagseselos ako bawat sinong makatabi.

Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw.
Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw
Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw
Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw

Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula
Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra
May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala
Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan  ko sa letra.

Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig
Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig
Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig
Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig

Alam mo namang lahat ay aking gagawin,
Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin,
Sa panong paraan ba ako patatawarin?
para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN.

*ps. hintayin kita duun lagi 。
1-4pm kada meirkules


Makatang humihingi ng tawad,
August E. Estrellado
Fritz Manansala Jun 2018
Umiiyak ang langit
Bibitaw na ba sa pagkapit
Ngiti **** nakapinta sayong labi
Napalitan na ng pighati

Heto na naman tayo't wala kang imik
Hihinga ng malalim at biglang mata'y ipipikit
Mukha mo'y pinagmamasdan
Habang nakatingin ka sa kawalan
Nasasaktan pero hindi naman malaman ang dahilan

Ilang ulit na rin hindi nagkasundo
Kailan ba tayo hihinto
Sinlamig ng yelo ang iyong ipinadarama
Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong halaga

Simula pa lang ng paglalakbay natin dalawa
Pero bakit pangatlong hakbang pa lang ng mga paa
Ay para bang gusto mo nang bumalik sa umpisa
Umpisa nung una kung saan ay balewala lang ako
Dinadaan daanan lang na parang ako'y multo

Bulong ng puso ko ay huwag ka nang lumisan
Poot at hinanakit sana ay mabawasan
Dinggin ang puso kong walang ibang hiling kundi ikaw ay manatili
Pagmamahal na ninanais sana ay pagbigyang muli

Aamin sa pagkakamali na nagdulot sayo ng matinding sakit
Mga mata'y ipikit, yayakapin kita ng mahigpit
Patawad kung mapaglaro ang aking isip
Idadaan na lang sa pagsulat at sayo'y ipapasilip
Sana'y hindi na maulit
Mga away na nagmarka ng takot sayong puso't isip
Isinulat para kay Beatrice
HYA Jan 2018
Huminto ang pagtibok ng puso
'Pag ang tingin ay sa'kin nakapako
Huminto ang pagtakbo ng oras
Sa laro ng pagiging patas

Mata'y nagtama
Kahit hindi itinadhana
Ako'y napapatingin sa kaliwa
Kapag ika'y nakikita sa gitna

Nang tumingin sa kanan
Iba ang iyong nakuhanan
Na para bang isang litrato
Na ako ang nagsisilbing anino

Tilang naghahangad sa iyong magarbong atensyon
Subalit parating nahuhuli sa aksyon
Sinusubukang tumakbo papalapit sa'yo
Pero parang isang sakit na iniiwasan mo

Nagtanong sa sarili kung kinamumuhian ba
O kaya saan ako huling nagkaaberya
Sinubukang linisan at ayusan ang sarili
Pero kapag nasa iyong harapan, nagiging pipi

Tinanong mo kung maayos lang ba ako
Hindi ko alam kung ang ipinapakita mo'y totoo
Natatakot na baka ako'y iyong saksakin
Kahit ngitian, ako'y hindi mo hahamakin

Ngunit kung mamarapatin mo sana, ako'y iyong yakapin
Ang mga malalakas na braso, sa katawan ko'y panatilihin
Bagama't kahit na ika'y dapat kong katakutan
Hindi ka pa rin nawawala sa isipan

Sa kababasa ko ng maraming libro
Naghahangad na ang iyong pagtungo saki'y magbago
Napapantasya sa mga bagay na hindi naman dapat
Subalit kahit anong gawin ko, hindi parin sapat

Sa libro ko nalang ba iisipin ang lahat
O ang mata ko'y kailangan nang imulat?
Sa katotohanang sa una pala'y alam
Ngunit pinipilit pa ring mag-isip mangmang

Sa kapansin-pansing ngiti
Na sa akin ay tumatali

Pabalik sa mga librong ikaw ang pinapantasya
Pabalik sa mga pangungusap na
humahanap sa nakatagong hustisya
Pabalik sa kalsadang una kang nakita
Pabalik sa sakit na sa aki'y itinadhana

Pabalik sa tawang iyong inilahad
At papunta sa kasalukuyang paghingi ng patawad
Pabalik sa rosas na para sa akin ay inalay
Papunta sa bulaklak na sa iba ay may pakay

Pagbabalik sa mga ala-alang ika'y naging akin
Papunta sa kasalukuyang hindi dapat panatilihin.
Wrote this with ma fren, Kheisa Selma.
This was an unexpected one and it turned out good so yeah, there's no way I would not post this.
HYA Nov 2017
Patawad kung  ang aking mga likha ay hindi masasaya
Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa
Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat
Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat

Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko
Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman
Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan
At kung ito lamang ang nag-iisang paraan

Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang
Kung wala namang nag-aabang
Kaya salamat na rin pala
At binasa mo ang aking mga salita

Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga
Ang mga sinisimbolo ng bawat letra
Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay
Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay

Kaya salamat at pasenya
Ngunit ito ay ang aking hustisya
Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit
Sana ay may naramdamang bago saglit

Pasenya, mambabasa
Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa
Ako ay isang makata
Makatang meroong sariling hustisya
Hahahahaha emoooo
AtMidCode Nov 2017
Tinanong ako ni Annah
Kung maayos na tayo
Ang sabi ko
Ayon, normal naman.

Normal
Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang?
Ah. Naaalala ko na.

Nagsimula tayong maging normal
Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata
Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba
At kapag naman kailangang ikaw
Ang unang magsisimula ng usapan
Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila
Ang nakaiilang na atmospera
Sa pagitan nating dalawa.

Nagsimula tayong maging normal
Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon
Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam
May kasabay ka kasing iba.

Nagsimula tayong maging normal
Nang nahihirapan na kong
Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa
Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses
Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo
Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko
(Pwede kaya kong sumabay sa kanya?)
Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon.

Nagsimula tayong maging normal
Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin
Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan
Pumunta ka pa talaga sa kanya
Ganyan ka kailang?

Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba?
Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko
Na bukas palad na tinanggap ka
Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba?
At bahagi din ng pagiging normal natin
Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba?

Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan.
At isa akong napawalang kwentang kaibigan
Kasi hindi kita napatahan
Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw
Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa
Wala akong karapatang masaktan
Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin
Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo
Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin
Gayong para na rin kitang iniwan
Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin
Wala akong karapatang manumbat
Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin
Kung ano nang nangyayari sa iyo
Kaya mo pa ba?
At hinding hindi ko rin aangkinin
Ang karapatang sa una'y wala na sa akin
Na maging sandalan mo
Sapagkat hindi ko man lang nasabi
Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin
Ayaw mo, oo
Kasi sa tingin mo pabigat
Ayaw mo, oo
Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan
Na paulit-ulit lumalamon sayo
Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik

Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon
Hindi lang ikaw ang nang-iwan
Iniwan din kita
Iniwan kita
Patawad
Patawad
Pakiusap, patawarin mo ko.

Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay
Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan
Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan

Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo
Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo
Kaya madali mo 'kong nakalimutan.

Huli kong bulong sa sarili
'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.'

Uusad at uusad ka rin.

Kaibigan, patawad ulit.
cherry blossom Jun 2017
"bakit ka ganyan mag-isip? hindi naman ako mawawala."
yan ang sabi mo sa akin noon
buti nalang hindi na ako naniwala
dahil kung sakali, hanggang ngayon ay magsisinungaling pa rin ako sa sarili ko
"patawad" lang ang naisagot ko
hindi ako perpektong tao kaya sana patawarin mo 'ko
hindi ko na binigyan ng isang segundo ang pag-iisip
dahil ang salitang ito
salitang nanghihingi ng kapatawaran mo
ay matagal-tagal nang nagkukubli sa'kin dito
ngunit bigyan mo ako ng kaunting panahon para magpaliwanag sayo
dahil sa pagkakataong ito lunod na ang sarili sa kasinungalingan
ng "patawad" noong simula palang
"patawad", dahil simula noong iniwas mo ang mga mata mo
noong akala ko ayos pa ang haligi na sinasandalan ko
hindi na ako naniwala
"patawad", dahil pagkatapos noong pagsisigawan natin
tumitig ka sa mata ko, alam kong patibong mo na naman 'to
kaya hindi na ako naniwala
"patawad", dahil sa tuwing sinasabi mo ang salitang "patawad"
halos hindi ko na maihulma sa utak ko ang ibig sabihin mo
kaya ni minsan hindi na ako naniwala sayo
at halos lahat ng salita na binibigkas ng labi mo
patawarin mo ako, dahil sa hangin ko nalang ibinabato
sa pagkakataong ito na nasabi ko na ang salitang "patawad"
sana patawarin mo ako
dahil hindi ko masabi ang lahat ng ito sayo
nais ko, pero ayokong sisihin mo ang 'yong sarili
ayokong isipin mo na ikaw ang nagkamali
pero sana pala binanggit ko nalang sa 'yo 'to
para ngayon hindi lang ako ang nahihirapan na bumitaw
dahil alam ko, matagal ka nang bumitaw
at akala mo ako ang nauna
pero hindi,
hindi, dahil hanggang ngayon nakakapit pa rin ako
alam ko ang totoo pero nakakapit pa rin ako.
naglalakbay ang utak ko, pasensya na tumigil sa harap ng ala-ala mo.j
J Dec 2016
Puno nanaman ang aking isipan,
Hindi ko alam paano at saan ito sisimulan,
Mga panahong kailangan ko ng kakapitan,
Ikaw sana ang takbuhan ngunit para bang ang layo mo na para akin pang lapitan.

Mga panahong sinabi natin na walang iwanan,
Subalit unti-unti nang napunta sa kawalan,
Marami tanong; maraming kwento,
Sa mga oras na ilalahad mukhang hindi intiresado,

Alam kong pag may umalis sa buhay mo,
Tuluyan mo ng kakalimutan at ika'y lalayo,
Ngunit pag ako'y kailangan,
Wag kang mag-atubiling ako'y tawagan.

Mali bang mapagod? At magpahinga?
Dahil kung mali iyon patawad ngunit kailan ko lang huminga,
Sa mga tingin palang alam kong maraming nagbago.
Kasalanan ko ba 'to? O sadyang hinayaan nalang maging ganito.

Patawad, ilang beses ko ba kailangan sabihin?
Patawad, patawad, patawad. Ilang beses ko ba kailangan ulitin? **Patawad.
Isang salita lang, patawad.
ZT Nov 2015
Hanggang kailan kaya merong "tayo"
Di ko maalis ang takot sa isip ko
Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako"

Takot na ako'y iyong iwan
Baka puso mo ako'y kalimutan
Kasi nangyari na yan minsan

Nananatili pa rin ang pangamba
Na muli magkaroon ka ng iba
Sa nararamdaman kong ito
Di mo naman ako masisisi diba?

Kasi minsan mo na akong ipinagpalit
Pag-ibig na naging mapait
At nagdulot ng labis na sakit

Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako
Na matapos ang ating tayo
At mapalitan ng isang kayo
Nagmahal ka ngunit nasaktan ka
ngunit humingi siya nga tawad sabi isa pa
Nagmahal ka ulit pero naging masakit na
dahil tila siya ay isang malaking paasa
Ang plano ko lamang ay paiyakin
At ito'y aking uulit-ulitin
Pero ano to'ng nadarama
Mukhang totoo na sya

Ano nang gagawin
Hindi na mapigil ang damdamin
Ito ba'y itutuloy pa rin
O akin nang patitigilin

Aking sisiguraduhin
Na tama ang gagawin
Aking sasabihin
Mula sa bukal na damdamin

Oh sinta, ako'y iyong patawarin
Sa aking mga pagsisinungaling.
Kayo na bahala humusga sa mga kasalanang pinagsisihan na

— The End —