Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
John AD Jul 4
Nakakasawa na ang klima ng panahon sa aking utak
Pabalik-balik na ala-ala sa nakaraan
Nagmistulang Pawis ang Luha kong tumatagaktak
Palihim sa ilalim ng kaulapan sa aking isipan,

Nagiisa na lamang madalas , Di masilayan ang sikat ng araw
Katog na aking Dibdib , Uhaw parin sa pagmamahal
Tag-ulan nga ba sa kagubatan o inulan ako ng kalungkutan sa Tahanan?
Kinakalaban nga ba ako ng aking Isip , o Sadyang Hindi ko na kayang buksan ang Pinto ng kinabukasan?

Tahan na o Tara na sa Tahanang Katakataka ang Puhunan
Kaibigan kong pinagkakatiwalaan , Di nila ako Maramdaman!At
Madalas o Minsan ako'y nagiging sisa ,
Madalas din o Minsan ako'y Nagiisa,

Kapag ako'y nagiisa , nakakagawa ako ng Lubid sa aking isipan
Paano kaya kapag iniwan ko na ang Mundong ito?
Makikita ko na kaya ang Kulay ng "Buhay ko"
O Magdidilim lang muli ang Kulay ng "Buhay ko".
Patawad sa mga Ginagabambala ko
Tuwing Humihingi ako ng tulong sainyo
Minsa'y inisip ko na  aabala ko kayo,
"Nilalason ako ng isip ko o sadya nga bang totoo"
Skye Oct 2018
May uri ng kalungkutan na mas malalim sa kirot
May uri ng sakit na hindi alam kung paano iibsan
Pilitin mang iiyak ay walang papatak na mga luha

Subukan man ang pagpalahaw ay walang lalabas na mga salita
May mas mataas na uri ng kalungkutan
At ito ang pinaka-ayoko sa lahat
kha Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
eyna Mar 2018
Pulang mga tinta ang gamit,
Pamamaalam ay nalalapit,
Handa ka na ba?
Isa,
Dalawa,
Pumikit ka!

Ang takot ay inalis!
Napalitan ito ng inis,
Inakap ang sarili,
Pilit nag-iisip ng mabuti.

Itutuloy ko ba?
O wag na?
Ano ba?!
Tama pa nga ba?

Bumilang muli ng isa hanggang tatlo,
Siguro nga ay tama na 'to,
Hawakan muli ang lubid,
Tama na ang pait!

Muling ginamit ang pulang tinta,
Tama na ang aking paghihirap, sinta,
Hanggang dito na lamang,
‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang,
Ito ang kwento ng aking paglisan,
Dito ko na ibaba ang aking mga pasan.
Paalam.
Ginawa ko itong tulang 'to noong mga panahon na nakararanas ako ng matinding kalungkutan at gustong-gusto ko ng wakasan ang aking paghihirap pero sa kabila nito, nakita ko ang kagandahan ng mundo, ng buhay. Masaya ang mabuhay, sobra. Kaya't bangon na!
John AD Feb 2018
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani,
Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili?
Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili?
Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami

Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa
O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa
Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong
at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong

Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap
Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan
Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan,
Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan

Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid
At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid
Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan
ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
Buksan muli ang ating mga mata upang makita ang mali nang ugaling kanya-kanya
John AD Nov 2017
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak,
Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas,
Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso"

Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso,
Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo,
Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko.

Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko,
At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko,
Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka,

Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo,
Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
Jeg elsker deg
HYA Aug 2017
Sa unang pagpasok ko nitong pintuan
Tumigil ang kanilang halakhakan
Ako'y napatingin sa kanilang mga mata
Dahil parang nawala ang saya ng bawat isa

Sa unang salitang aking sinabi
Pinaramdam na nila na ako'y hindi parte
Sa kung anuman ang kanilang kinabibilangan
Mas mabuti pang ako'y ilagay sa kulungan

Wala pala talagang lugar para sa akin
Ang kaibigan ko lang ay si awitin
Ang musikang aking naririnig ay sapat na
Ngunit bakit kailangang tapusin pa?

Tinanong ko ang sarili kung may nagawa ba
Sa iba na nakakasakit sa kanila
Sinuri ko nang maigi ang bawat sulok
Subalit tinatakpan ito ng makakapal na usok

Sabay nilang sinabing hindi ako nararapat
Mabuhay sa mundo ng mga tapat
Ako'y bunga ng isang pagkakamali
Imposible na ang makawala sa nitong tali

Pero susubukan ko parin
Patutugtugin muli ang aking awitin
Oo, kakayanin ko ang itong pagsubok
Kahit na katawan ko'y bumalik pa sa alikabok
Bakit nga ba puro malulungkot ang mga isinusulat ko? Simple. To express. Hindi ko talaga kayang sumulat ng masasaya kahit na masaya ako kase naipapakita ko yung kaligayan ko e. Pero pag nalulungkot? Nah. Hahaha. Dito nalang.  
I hope nagustuhan ninyo ito :)
Ang iyong mga matang nangungusap
Lumuluha ng buhangin
Kasama ng iyong mga pangarap
Lumipad na at nagtago sa mga ulap
Ang halimuyak ng iyong mga yakap
ay nadarama pa rin
Pilit hinugot ang  mga ugat ng pasakit
Sa puso niya
Binaon nang walang pasabi
Kasabay nang pag iyak ng langit
Kailanman hindi mawawaglit
Lahat ng mga salitang nasambit
Ngunit ngayon kasama na ng hangin
Ang pagibig na hindi pa rin kayang limutin


-Tula II, Margaret Austin Go

— The End —