Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dangal" poems
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

Continue reading...
75
Itaas ang iyong noong aliwalas, Mutyang Kabataan, sa iyong paglakad; Ang bigay ng Diyos sa tanging liwanag Ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas. Ikaw ay bumaba, O katalinuhan, Mga puso namin ay nangaghihintay; Magsahangin ka nga't ang aming isipa'y Ilipad mo roon sa kaitaasan. Taglayin mo lahat ang kagiliw-giliw Na ang silahis ng dunong at sining; Kilos, Kabataan, at iyong lagutin, Ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan mo ang putong na nakasisilaw, Sa gitna ng dilim ay dakilang alay, Ang putong na yaon ay dakilang alay, Sa nalulugaming iyong Inang Bayan. O, ikaw na iyang may pakpak ng nais At handang lumipad sa rurok ng langit, Upang kamtan yaong matamis na himig, Doon sa Olimpo'y yamang nagsisikip. Ikaw na ang tinig ay lubhang mairog, Awit ni Pilomel na sa dusa'y gamot Lunas na mabisa sa dusa't himutok Ng kaluluwang luksa't alipin ng lungkot. Ikaw na ang diwa'y nagbibigay-buhay, Sa marmol na batong tigas ay sukdulan, At ang alaalang wagas at dalisay Sa iyo'y nagiging walang-kamatayan. At ikaw, O Diwang mahal kay Apeles, Sinuyo sa wika ni Pebong marikit, O sa isang putol na lonang makitid Nagsalin ng kulay at ganda ng langit. Hayo na ngayon dito papag-alabin mo, Ang apoy ng iyong isip at talino, Ang magandang ngala'y ihasik sa mundo, At ipagbansagan ang dangal ng tao. O dakilang araw ng tuwa at galak, Magdiwang na ngayon, sintang Pilipinas! Magpuri sa Bayang sa iyo'y lumingap, Umakay sa iyo sa magandang palad.
0
Oct 13, 2014
Oct 13, 2014 at 10:15 AM UTC
Sa Kabataan Pilipino
Ang ating tadhana'y sadyang pinagtagpo Di ko nga malama't ako'y nalilito Maging hanggang ngayong naging ikaw't ako Nanatili pa ring tuliro isip ko. Dati ay pangarap lamang kita mahal Ngunit 'wag isiping ako'y isang hangal Libre pong mangarap ng sariling dangal Lalo pa't ikaw ang ibig kong matambal. Kay sarap gunitain una nating usap Di ko man lang pansin bilis niyong oras; Sa muni-muni ko ikaw ay kaharap Ibig ko'y magtagal mapahanggang bukas. Sa bawat minuto't nagdaang segundo Aking sinusubok perpil mo mahal ko; Sa tuwing makita iyong litrato mo, Di ko maiwasang kiligin ng husto. Nang dahil sa Facebook, nakilala kita Nang dahil sa Facebook, naging tayong dal'wa; Ang ibig ko sana'y makatagpo ka na Nang ikaw'y mayakap at makakasama.
0
Jul 28, 2016
Jul 28, 2016 at 9:24 PM UTC
Nang Dahil sa Facebook
Umaga na pala, Subalit tila umpisa pa lang ito ng dilim Dito sa bayan kong nasa sinapupunan ng mga sakim Pagpagan ang mga baro't saya habang hawak ang sedula Nilang mga uhaw sa tronong ipinangako sa kanila Naluklok na bagong puno,sa pagdaka’y nagpaulan Ng mga balang hindi man tingga ay tumatagos sa kaibuturan Sa dati niyang ka giyera na s'yang mga tunay na anak ng bayan Iginapos sila’t ipiniit sa sandipang karapatan Yaong mga bago niyang kawal ay matatayog pa sa kalabaw ‘Pagkat kasama niyang magkakamal ng salaping umaapaw Mag kaka-ututang labi ay iisa ang kaliskis at balagat Sila na mag kaibigang dila at ngipin sa pilak din mag-papangagat Habang ang mga dating sadyang tapat sa gampanin Ay mistulang mga bayani na lang sa hangin Ang pagka dalisay nila sa maka-kapwang  tungkulin Parang sa tubig na isulat at hindi na basahin Kawawang Sta. Teresita bayan kong dinusta Ng mga ganid sa kapangyarihan at mapang-alipusta Akong anak mo’y nasa daluyong ng kapanglawan Kabiyak mo sa balsang itinali sa nagluluksang pampang Kawawang Sta. Teresita ginahasa ng mga mapag-samantala Hinubaran ng dangal at piniringan ng telang mapula pa sa pula Binusalan ang bibig hanggang sigaw mo’y hindi na marinig Mga araw mo ngayo’y mamumugto sa haharapin **** pag-liligalig Tahan na Sta. Teresita,Tahan na, Bayan kong sakdal iniibig Matatapos din ang sigwa, Tutulay muli ang lunday sa sapa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 2:01 PM UTC
Sta. Teresita
#050916 Minulat tayong may sukli ng kasaysayan, Saksi sa matinding gisahan ng rekado sa Tahanan. Pangako'y iniukit ng mga Anak na payak Nagbabasagan ng plato, nagtitilamsikang tubig, Pagbili ng lakas ng loob at talas ng dila sa Pulitikang Tindahan; Luha't dangal, pawang huling hain Ng Ama't Ina ng Lipunan. Nakakangalay makisabay sa uso Kung nawalay pati ang yupi-yuping puso. Hindi tayo nagpaampon sa Lipunang mapanukso, Yakap ang Langit, uhaw lamang sa pagbabago! Sumisigaw ang damdaming nilusaw ang galit, Ang pait ng kahapong sinabuyan ng panlalait. Minsan, sobra ang demokrasya kaya't may kapalit. Kaya't minsa'y susulong bagkus panay ang subalit. Hindi natin kayang palayasin ang Ama't Ina, Kung ngayon pa lang, may mga multong rebelde na. Hindi natin kayang itaboy ang kamay ng Hari ng mga Isla, Pagkat tayo'y ibinigkis, iba't iba man ang pananampalataya. At higit pa sa pulso ng Bayan ang nagluklok sa kanila. Mainam na ngang masaktan sa una, Kung saan dunong at talino'y maituon sa pagpapakumbaba. Masakit sa loob kapag tinatama ka, At bawat palo't kusang pagdidisiplina. Kung hindi susundin silang Ama't Ina, Kung hindi magpapasakop sa babaguhing sistema, Kung hindi huhubarin ang estadong may ibang klima, Hinding-hindi bubuhos ang pagpapala. Umaasa tayo pagkat di natin kayang mag-isa, Sandigan nati'y hindi na Pulitikang Balisa, Sana'y pag-iisip ay mabago ng Amang may grasya, At tayo'y maging bahagi ng paghilom ng bansa.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:57 AM UTC
Si Itay at Inay ng Lipunan
#032116 Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang. Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo. Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad. Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo? May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino? Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 11:08 AM UTC
Lupang Hinirang
Mahirap ikalimot mahirap tigilin mahirap pigilin ang pagiging hangal ang taong tulad mo ay ang dahilan ng paghila ko sa tali ng pag-asa subalit ako lamang ang dakilang tagahila sa sobrang kapal ako'y nakabitaw
0
Jul 25, 2018
Jul 25, 2018 at 10:08 AM UTC
Dangal
Ako’y modernong karpintero Sa henerasyong baon sa utang, Hindi pa man isilang, Ang kamalaya’y limot at simot na. Puros kalyo ang latay Sa pares na kamay Na ang sigaw ay pagbabago Diktahan man kahit demokrasya pa, Lahat tila may mantsa’t tatak pulitika. May direksyon ang pagdisenyo Pahalang sa kapwa-tao, Samantalang ang kabila’y Ang labi’y eksperto sa pagsayad sa lupa Patungo sa ulap at bituin Kung saan naroon raw ang Maykapal. Narito ako sa kanilang tagpuan Tatawid sa kalyeng hindi masilayan Bingi sa sanlibutan Minsang pinaligua’t sinabunan ng kadiliman. Narito ako, Sa sentro’y may hanap-hanap Kilabot ng pagtahi sa sugat ay titiisin. Pagkat ang latay, hindi man nasaksihan Ramdam maging sa tadyang Na akin daw ay pinagmulan. Kung mararapatin lamang Ng lupang minsa’y naging gintong bayan Na pang-habambuhay siya’y lisanin At sa pagbukang-liwayway, tatakbo sa Liwanag. Walang karapatan ang takipsilim na uminda Pagkat ang Haring Araw Sisikat at yuyupakan ang kanyang dangal, Siyang isang pobre’t salat sa Katotohanan. Niyapos ko ang buhok At pinahid sa mansanas, sa mangga’t Maging sa dagat na sagisag ng kalayaan. Ako’y tumakas Tangan ang sandata ng buhay; Pakuwari ko’y walang himagsikan Ang siyang muling sisiklab Pagkat ang laban ay tapos na noon pa man. Puting papel at plumang walang tinta Ang iniwan sa akin ng Ama Hindi ko mawari sa paanong paraan ba Maililimbag ang isusulat nitong pluma. Ngunit ang tukso Na madungisan ang pahinang puti Ang puro’t walang bahid ng itim at kulay bahaghari, Alam ko, balang araw Mapupunan ito, hindi ng salita Bagkus ng larawang sa sansinukob Ay hahagkan ang bawat nilalang Itatas muli ang bandila - Silang puro ang tiwala sa Pintor ng Pagbabago. (5/23/14 @xirlleelang)
0
May 28, 2014
May 28, 2014 at 1:04 AM UTC
Ang Modernong Karpintero at ang Pintor ng Pagbabago

55
Lubhang mapanganib ang sinumang daig ng isang dayuhan umibig sa 'di sinilangang bayan. O, anong poot at sigalot ang kanyang itinanim sa Kaluntiang nagbigay-lilim sa kanyang murang katawan, Upang silaban at yurakan ang kabanalan ng kasarinlan Ang magkapatid ng pisi ay 'di dapat magtunggali, Ngunit ang isang bayaran ay masahol pa sa kawatan Kaya ako'y nananawagan sa maringal kong Haring Bayan, O, kanyang tipunin Mga anak ng Dakilang Lahi, Handang paglingkuran ang lupang kinamulatan Pagkat ang aking lupang kinamulatan ay isang makatang manunulat, Siya ay bukal ng kaluwalhatian, Angkan ng kayumangging balat Samakatuwid, bigyang pansin ang nagngangalit na damdamin ng Sinaunang Mandirigma, Sa awit ng himagsikan dumaloy ang himig ng dangal, At sa kalupkop ng kanyang sandata lumigwak ang kagitingan magpasahanggang kamatayan, Sa ngalan ng kalayaan iamthe_avatar ©2016
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 5:52 PM UTC
Mga Anak ng Haring Bayan
Sinasalipadpad ang mga kalat sa pulitika Umaalingasaw ang baho ng iilang kandidato Sa modernong botohan Tila may iilang selyo, May mga balotang sanay Sa may agnas na kandado. Binaha ang pila ng nanghihingi ng boto Istratehiya ng isa'y musika sa mga bingi At may mga bulag na nabibili ang dangal Iisa lang sana ang daan Pero may nagwawagayway ng limang daan. Sa Pula at sa Dilaw Andaming banderitas. Alam nyo, kapwa ko Magising tayo Mamulat na tayo Tama na ang bawian-buhay. Itong Hari ng mga Pula May tandem na Itim Dugo't budhi ma'y kayrumi Hindi kasi pinapansin Ang Itim ang Hari ng Droga Panay ang kalat sa Puerto Princesa Ang Pula ang taga-walis Tila anghel sa bawat sigaw ng masa Naglipana kasi ang salapi Mula sa bulsa niyang binulsa lang din Nagkabaun-baon sa utang Itong siyudad na wala noong bahid. Binayaran pati ang dangal Hindi lamang ng mga naturingang mangmang Eh kasi pati yung may rango Nagpatiwakal na rin Nanlimos ng barya ng bayan. Buhay mga kinitil Kung ang salita ay bibitiwan, Barilin nyo kami nang talikuran Habang may hinagpis Kaming Inang Bayan. Magwagi ka man Pula Hindi papayag ang Hari ng Sanlibutan Patas siyang lalaban sa Bayan Pagkat siyudad niya ito, Kaya nga "City of the Living God." Marami mang pakulo ang partidong Pula Sana'y Ama, dinggin mo ang mga Anak Kami'y maralita Palimos ng pag-asa Lalaban para sa hustisya. Mga kamay Mo ang yumapos sa bayan At basbas Mo'y sa Dilaw Pagkat ang puso ang Iyong tinitingnan Hindi ang pagkilos nang walang pagtingala Sayo. Ikaw ang Maghari Ama
0
Apr 29, 2015
Apr 29, 2015 at 10:23 PM UTC
Recall

54
Hindi naman ganid ang administrasyon Nagkataon lamang na may mga punto Na walang humpay na nag-iiwan Ng tandang pananong. May mga eksenang hindi literal Pero kapag bayan ang bumasa’y Ni isang letra’y hindi man lamang nasimulan. Hindi masisisi ang mga modernong bayani Kung patuloy pa rin sila sa pakikibaka Kahit nakamit na kamo ang kasarinlan; Ang hustisya raw ay napagtagumpayan na Bagkus, nilalatigo ng kapwa nasa ekonomiya. Marahil hindi pa lubusang nararadyo Hindi magkanda-ugaga ang leksyon sa Senado Eh kung uso pa ba ang tele-radyo, Kaya bang tapakan ng saksi ang demokrasyang makasarili? Doon nag-rally ang iilang katauhan Wala naman silang napala Pagkat binagsakan ng pintuan Ni hindi nakakilos kahit sila’y nasa kilusan Saklob ng gobyerno’y sila’y bisi sa nasasakupan. Hindi mabilang ang dugong dumanak Ang boses na sumigaw Ang tonong paulit-ulit pero hindi naririnig O baka naman ang may pandinig Ay mas nais magwaglit. May mga platapormang tila langit Bagkus dilim naman ang hain Sa maliwanag dapat na paligid. Ibabato nila ang kinamkam sa madla Pero dahil ang binato’y mukhang tinapay, Walang pakuwari ang iba Manhid nga ba ang tao O talagang kurot-sabay-pikit lang? Heto na naman tayo sa estante ng kaguluhan Sana nga matapos na ang pahinang ito Pero nasa simula pa lamang Pagkat ang propesiya’y Nararapat na mamalakad Ihahain ng Higit na Hari Nang maitaas Kanyang Ngalan. Kung may mga bumabatikos Sa gobyernong kinagisnan Marami pa rin ang tatayo Pagkat kaytayog ng kanilang dangal. Hindi naman dapat Tumingin lamang sa kawalan Pagkat may pag-asa pa Itong ginintuan nating bayan.
0
May 2, 2015
May 2, 2015 at 7:18 PM UTC
Repleksyon ni Juan

52
Tatlong Bituin at Isang Araw Isang Bandila, Apat na Kulay Dilaw Pula't Bughaw, Puting Dalisay muling nagugunita sa aking balintataw! Nasaan ka na nga ba? tanong namin minsan ni kuya habang sa amin si Bunso iniaabot ang papel na piraso. Nakatupi iyon at aking binuklat nang masilayan ko...katotohana'y sumiwalat. Damdamin ko'y halos gustong sumambulat sumandaling napapikit, sa aking pagmulat agad ko siyang hinagka't niyakap tumulo ang luha, sarili'y hinagilap hanggang matanto sa aking hinagap Bunso kong Anak... Ina'y INAAPUHAP Ang kanyang mga mata'y nangungusap huwag malungkot! ibig kong ipakiusap unti-unti ring matutupad mga pangarap waring singsing...hinugis ng alapaap Kahit walang ulan, posibleng magkabahag-hari Hangga't may pag-asa, lumbay mapapawi balang-araw mommy ninyo siguradong babawi makakapiling din na parang buhawi kasi di tayo gaya dati dapat Apat tulad nitong  Talumpati Kaso ang nailapat ay Labis pagkat panulat ko di Lapis Limang salita sa Bawat Taludturan sa mga saknong sana'y matutunan Kulang man kayo sa Pagmamahal tayo'y Family Three na Literal ako man ay naging Hangal Mga Anak Kayo'y Aking Dangal MAHAL KO KAYO! inyong tandaan pagkat ako'y Haligi ng Tahanan magmula pa sa inyong kamusmosan hanggang Mahalin ang INANG BAYAN !!! Philippines Independence Day June 12, 1898 - 2017 Ang Pamilya ang matibay na Pundasyon ng Lipunan. Lipunan na may Pagkakaisa upang bumuo ng Malayang Gobyerno Gobyernong magpa-HANGGANG NGAYON hangad at Ipinagbubunyi ang Araw ng Kasarinlan! Na siya rin namang Araw ng Kalayaan!
0
Jun 12, 2017
Jun 12, 2017 at 9:20 AM UTC
" dapat Apat "

43
Ang gabi ay hindi dapat maging kaibigan ng delubyo. Nangangambang baka sa isang sulok ay may nag-aabang na demonyo. O baka sa likod pa natin mismo. Saksi ang dagat at bundok sa pananaghoy ng bagong umaga. At sino ang hindi makakaamoy sa pagsabog ng mga tala? At nasaan ang gabi, ang inaakalang tanging katuwang? Kasiping ba ng mga pangarap para sa bayan, na siya nang nilamon ng digmaan? Lumuluha ang bawat lawa at nagtatanong ang mga talon; makakaahon pa ba ang nalunod na tuwa't pag-asa ng kahapon? O baka ang tuwa ay siya na'ng hinigop ng langit. Pinagtatawanan na tayo ng langit! Sa mga dugong dumanak at ang naglalakasang pagtatangis na tila ba isang bulong sa bingi, tama nga't hindi ko kaibigan ang gabi! Ganid ang gabi, palaging uhaw at nasisidhi sa kasawian, sa mga buwaya tila ito ang kanilang kaharian! At ang ngalan ng may akda ng munting tula na ito ay "delubyo". Paminsan-minsan maaari niyo ring tawaging demonyo. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sa sulok ay hindi na magtatago. Haharap ako para tingnan ang bawat isa sa inyo sa mata. Sa dangal. Sa diwa. Sa puso. Sa dasal. At kakalabanin nyo dapat ako gamit ang mga ito... hanggang sa pag-usbong ng bagong umaga. Pula, bughaw at dilaw laban sa kadiliman.
0
Oct 26, 2016
Oct 26, 2016 at 2:25 AM UTC
Pula, Bughaw at Dilaw
isang buhay labimpitong taon dalawang magulang tatlong bala, maraming pangarap, Apat na taga-tarato, negosyador: Magkano? Bagsak-presyo! Mamilì kayo – Ibebenta nyo? o . . . Buy One – Take All!           karakter                     dangal                               kalayaan . . .
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:19 PM UTC
Weekend Sale! (Magkano ang buhay ng isang tao?)
Tanong nila bakit daw ako nagpupuyat. Sabi nila masama daw ang magpuyat. Nakakadami daw ng pimple. Magkakasakit ka, at kung ano-ano pa. Pero may tanong din ako sa kanila. Masama pa din ba magpuyat, magkaroon ng madaming pimple at magkasakit kung Ang dahilan naman ng pagpupuyat mo ay para makausap ang taong mahal mo? May mga bagay pala talaga na kahit masama ay nakakabuti din pala sayo minsan. Lumalalim na ang gabi, lumalalim na din ang koneksyon nating dalawa. Mga bagay na napagkekwentuhan ay dumarami. Mga ngiti na sa aking labi ay dumadampi. Mga lungkot na sa pagpapatawa mo ay napapawi. Mga ilusyon ng nakalipas ay sa akin dumadalaw. Mga ka-abnormalan mo na nakakahawa. Pinatibok mo pati ang puso kong kawawa. Mga pusa sa labas na ngawa ng ngawa. Mga daga sa aking dibdib na kinikilig at nagwawala. Kasabay ang ating walang humpay na pagtawa. Mga araw na hindi nakakakain para lang ikaw ay makausap ng matagal. Ngunit pinupuno mo naman ang aking tiyan ng mga paru-paro ng walang angal. Mga senyales na sana ito na ang sagot sa aking mga dasal. Ipupusta na lahat kasama ang aking dangal. Na ikaw at ako ay hanggang kasal. Hindi ko namalayan na ako'y nahuhulog na pala sayo sa sobrang daldal. Na tanging bukhambibig ko na lamang ay ang mga salitang balbal. Sa sobrang kakaisip sayo habang naglalakad ay muntik pang mahulog sa kanal. Nakakatawa pero wag sana ako masiraan ng bait at dalhin sa mental ospital. Nagmamakaawa at nananampalataya sa nag-iisang banal. Madaming bagay na magkapareho tayo. Sa pagkain, sa kalokohan, sa musika, sa mga bagay na kinaiinisan. Kahit mismo sa pananalita ay gayang gaya. Tadhana na nga ba ito? Maniniwala na ba ako sa mga kathang-isip na iyong dulot? Hindi ko alam, hahayaan ko na lamang na ako ang dalhin ng nararamdaman ko kung saan nito ako gustong dalhin. At mas sigurado pa ako sa sigurado na walang ibang pupuntahan kundi palapit Sayo. Sayo na siyang dahilan kung bakit ako nagpupuyat.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:38 PM UTC
iBags

31
042522 Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw, At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman. Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga At mismong lipunan ang syang magpapasya. Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak. Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa? Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka. Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma? Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan, Paano nga ba ang ating pagtindig Para sa sinasabing mahal na bayan? Pilipinas nga ba ang ating pinipili? O kung saan lamang tayo kampante Habang nananatiling namamaypay At abala sa kabi-kabilang pag-uusig. Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na, Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising Sa dugo nating makabayan? At sapat ba ang ating paghiyaw Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas? Mga bibig natin, paminsan nga'y Puno lamang ng mga palatastas. Sapat ba na tayo-tayo na lamang Ang naghihilaan pababa't paitaas? Pagkat mismong pananampalataya'y Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak. Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan -- Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan. Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas -- Sana'y mapaninidigan kita't Hanggang sa huli'y maipaglaban Pagkat maging aking hininga'y Pansamantalata't pahiram lamang. At hindi ito lotto o binggo, Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino. Ngunit kung sinuman Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino Sana tayo pa ri'y magkaisa Para sa dangal na nais nating isulong. Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y May iisang hindi tayo tinalikuran, Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan -- At Hesus ang Kanyang Ngalan! Bangon Pilipinas!
0
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Pilipinas Kong Mahal

50
Ubod ng Langit ang aking Kasiyahan Sa Puso't Diwa haplos ng Dalampasigan Maayo man sa Bulaklak; Mula sa Himpapawid Ang aking dulo't ng Isang Kaibigan At hindi ako po'y nagbabalat-kayo Sa Tunay ng aking Pagkakatao Sana'y Nawa, Hiyas at Bendisyo ang inyong Loob Nakikipaglabi sa aking Dangal Papuri sa inyo! Alagad ng Maykapal. =) Translation: More than the Heavens is my Happiness In Heart and Soul which takes to the Sky More Scented than these Flowers; From Above Blessed me with a Friend And I for One am not a Hypocrite For that has never been my Personality All I ask - Blessings and Fortune be upon You Offering these Sole Prayers of mine Praise be to you! Servant of the Lord. =)
0
Mar 16, 2013
Mar 16, 2013 at 10:59 AM UTC
TO SIR JOHN NORMAN: A REQUEST GRANTED (KAY GINOONG JOHN NORMAN: ISANG PABOR NAITUTUPAD)
Dugong kumukulo Luhang tumutulo Katawang nabalot sa pagod Isipang nasakop ng lito Pero Ang ating mga puso ay patuloy Na lumulusong Sumusulong Sa gitna ng nagbabagang apoy. Pinapatatag ng pag-ibig Pinapatakbo ng dangal. Wagas at lubusan Ang ating alay Para sa ating tungkulin at pangalan Para sa layuning pagbabago sa lipunan Para sa masa Para sa isa’t-isa. Maraming salamat, Sanghaya.
0
Dec 25, 2014
Dec 25, 2014 at 7:36 AM UTC
Sanghaya
Isang halimbawa ng magandang asal Mumunting dasal kanyang inuusal Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga? Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag Laban sa tanghali upang isip ay malinangan Kanyang ituturo talagang kaabang abang Ito’y magagamit bilang pananggalang Bilang anak at estudyante ako ay humahanga Isa kang modelo, isang tunay na dakila Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa Umalis man o mawala kasama ka sa gunita Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
0
Oct 27, 2019
Oct 27, 2019 at 7:04 PM UTC
****
Lahat ng kabataan ay kayang lumaban Sa bansa na hindi ipinaglaban Ang sakim ng imperyalistang kano ng kalawakan Na Pinatay nila nang tuluyan ang kalayaan O Inang bayan, sinaktan ka nang tuluyan Sa ginawa ni kahel na agawin ang iyong yaman   Sa ganda mo ginawang kang alipin ,ngunit hindi ka pa rin ipinaglaban Sapagkat ang ginawa, pinaslang nila ang boses ng mga mamamayan. O inang bayan, narinig ko ang sigaw ng proletaryo Humahanay sa rebolusyon tungo sa sosyalismo Sa likas ng tapang ng mga kayumanggi Nandito na kami para bumawi Ang kulay aking binabanggit, Na sa mata ng mga puti ay pangit, Pero taglay ito ng lakas Para umalis ang mga nangahas Sa ganda ng bansa natin, iisa lang naman ang kulay natin Kaya naman nating pabagsakin ang imperealismo, para sa soberanya Taglay naman natin ang sigaw ng pagkakaisa Sapagkat, oras nang umaksyon ang masa. #JunkTerrorBill #ResistTyranny #KalayaanIpaglaban #ResistAsOne #AtinAngKalayaan
0
Jul 16, 2020
Jul 16, 2020 at 9:34 AM UTC
Pula at Dangal
“Wake up and live” ― Bob Marley Mga mukhang tao pero ugaling hayup, hindi naman aso pero laging kumakahol. Mga bastos magsalita, mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina. Matataas ang kanilang pinag-aralan pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal. Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila. Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila. Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila. Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba. In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila. Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila. Hindi sila kailanman pweding magkamali at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali. Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa, manggahasa ng damdamin ng iba. Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”. Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat. Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat. Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal. Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?   Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury." Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib. Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit. Hindi kayo marunong umunawa at maawa kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos. Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo. Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal kasi wala kayong dangal. Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo. Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa hindi na n’yo ito pinapansin, walang pagsalang na inyong binabaliwala.
0
Nov 24, 2017
Nov 24, 2017 at 3:42 AM UTC
BOSS, AMO, MANAGER NA GAGO

36
Magtahi ng mga titik mula sa alibata Ibalanse ang kataga Ipakita ang sanhi Sa hinaharap sana'y alinsunod sa kagustuhang resulta Sapat ang pagkinang ng bunga Pinapagaan ng pakikidalamhati ang tinamong latay Hiram na hininga Sa pag-usad ng rebolusyon ay na-iiwan dahil sa grabidad Binansagan santwaryo ang periheo nasa puntong humihiwalay ang umaapoy sa nagyeyelo Taguan ng mga sugatan pati na ang nagniningas na kalooban Ang dangal ay naiga Gustuhin man magbunyi Hinihila pababa, parang natutunaw na sera Nilalamon ng kadiliman ang siga Matutunan din sumipol sa masalimuot na tinatahak Matwa sa bawat liwaliw kahit man ay undas Patuloy ang pamumunga sa ginintuang oras
0
Dec 20, 2018
Dec 20, 2018 at 6:19 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #20
Sa kasaysayan ng aking bukas na pagkamulat Hindi lamang kaalamang pang-ibabaw kundi pati panloob nami’y binulabog Hindi lang hinayaang sumakay sa bangka kundi pati pagsagwa’y itinuro Binuksan ang inaakalang hindi na mahihigilap o matatagpuan man Pero higit pang liwanag ang iyong ipinadama, at ipinahamon sa dilim na nagtuturo Binusog mo kami ng kasaganaang higit pa sa inaasahan Sa yakap ng pag-irog, pang-unawa at pagtuklas Pamilyang naging karamay sa bawat hirap, gutom at pagsubok Tunay na tahanan ng mga propeta, tunay na naging huwaran sa aming kalagitnaan Hinubog mo kami ng may pagkakakilanlan buhat sa aming pagkakaiba’t iba Kinalampag mo hindi lamang ang aming tenga, bibig at mata Ngunit buong pandama nami’y iyong ginigising Pati ang kaibuturan ng aming mga laman at buto Inilubog kami sa karanasang nakakapagpabago Upang konkretong sumaksi na may tapang at dangal At dahil dito, sama-sama’t magkaagapay tayong kumikilos Nakikiisa sa tanging layon ng Kristong sinusundan Ang bukal ng kasaganaan at kahulugan ng buhay Patuloy na bibigyang kulay at padadaluyin sa ugat’ dugo ng pakikibaka Hayagang ipalalaganap at isasabog sa buong sangnilikha Na may pagkilala sa Diyos na Buhay, ng Kasaysayan, Kaayusan, at Pag-ibig Pagpupugay sa Tahanan ng mga Propeta, Union Theological Seminary! Sa Sampung Dekada at Labindalwang Taon “Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod!”
0
Nov 21, 2019
Nov 21, 2019 at 4:16 AM UTC
Masaganang Nananahan, Buong Diwang Sumasaksi, Bukas-palad na Naglilingkod (Dweeling Abundantly, Witnessing Boldly, Serving Generously)
Manggagawa ang tatay ko at manggagawa din ako, lumaki ako sa lugar na ang mga kapit-bahay ko ay puro mga manggagawa. Dati pangarap ko’ng maging labor lider, maging unyonista na tulad ng tatay ko. Manggagawa mga taong pinalalakas ang katawan dahil ito ang kanilang tanging puhunan. Katawan, dugo at pawis ito ang kailangan dahil wala silang ibang masasandalan. Mga isang-kahig at isang-tuka at mga alipin ng gutom at pangangailangan, mga modernong alipin. Mga factory workers, bodegero, baradero, construction workers, OFW, mga sekyu, mekaniko, latero, karpintero, katulong, hardinero, kubetero, tsuper, kargador, estibador – lahat sila mga manggagawa. Gumagawa araw at gabi kapalit ng maliit na kita, hindi sapat na benipesyo at walang dangal sa harap ng among kapitalista. Mga inuupasala at pinagsasamantalahan, mga gatasan na laging tinatampalasan ng mga walanghiya at mga tampalasan. Manggagawa na walang dangal na laging busabos ng mga mayayaman at makapangyarihan kailan mo kaya makikita ang araw ng iyong katubusan? May mga dambuhalang mahilig kumain ng laman mga halimaw na walang kabusugan, mga bampira na sinasaid ang dugo ng biktimang walang kalaban-laban. Ganyan ang mga kapitalistang ating pinaglilingkuran. Mga walang pakialam sa buhay ng iba ang mahalaga sa kanila ay ang kumita ng limpak-limpak na pakinabang. Mga kapwa manggagawa may araw din na tayo ay lalaya. 'Wag mainip sapagkat nakatunghay ang kasaysayan ang batas nito ang magsasabi kung kelan tayo lalaya sa tanikala ng mga mapang-aping panukala.
0
Nov 30, 2017
Nov 30, 2017 at 8:15 PM UTC
MANGGAGAWA

4
Unang nakilala sa Araling Panlipunan Sa mga libro’t **** na siya’y ipinangaral ‘Sang simpleng maybahay na tanghal ng kasaysayan Babaeng sinipa diktaduryang pinairal… Sa kanyang panahon, ako’y ‘lang malay na musmos Pulitika, bansa – ano’ng pakialam ko diyan? Sa unting pagkagulang naunawaang lubos Bansang hinayupak, pulitika’y pandirian! Saksi kung paano ang mga hayok na tao Na parang tubig ang kapangyarihang inuhaw Lalo na yung mga sa trono ay nakaupo Daig pa ang mga busabos na magnanakaw! Mga namulatang pagluklok sa sinadlakan Ng mga itinuring na pinuno ng bansa Bahid ng anomalya’t ano pang karumihan Maliban sa isa na dapat ipagdakila. Ang nasabing pagluklok ipinagmalaki Maging ibang bansa’y hinuwaran, itinulad Ang Lakas ng Bayan nating ipinagpunyagi Nagpanumbalik sa demokrasyang hinahangad. Iyon ay dahil sa isang babaeng tumayo Siya’y sagisag ng pag-asa’t demokrasya Mapayapa’t malinis na inakyat ang trono Hanggang kailan ang diktadurya kung siya ay wala? At kahit wala na sa luklukang hinantungan Nagsilbing halimbawa na nagmahal sa bansa Nasilayan kong dinamayan niya’t kinalaban Isa ring sa Pilipinas ngayon ay nagrereyna. Sa kanyang paglisan sa mundong pinaglipasan ‘Di dapat kalimutan Dangal ng Pilipino Itatak sa kasaysayan simple niyang pangalan Corazon C. Aquino…Mahalagang Pangulo. -08/05/09 (Dumarao) *written this day of Pres. Cory Aquino’s burial
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 2:09 AM UTC
Mahalagang Pangulo