Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
HYA May 20
| isinulat sa prosa (written in pose) |

Gusto ko sanang bumangon sa umaga nang nakangiti pero napakahirap namang matulog nang mahimbing kung sa mismong pagpikit, ikaw pa rin ang nakikita.

Kaya gabi-gabi, inaanyayaan ako ng buwan na makisabay sa kaniyang bisyo. Ipinangako nga niya sa akin na kaming dalawa lamang ang makakaalam sa aming ginagawa at gagawin pa lalo na at purong dilim din naman ang nakapaligid. Kaya ayon, naglasing ako.

Nilunok ko ang aking laway para mapigilan ang sarili na isigaw ang iyong pangalan. Nagpasipa ako sa pulang kabayong hatid ng buwan sa kalagitnaan ng paghiga ko sa damo. Gumulong gulong ako para naman maihambing ko ang pagpapaikot ikot mo sa akin sa iyong napakalaking mundo kung saan magkasinglaki kami ng langgam.

Alam mo naman, kapag naglalasing kinakailangan ng pagkaing maaalat na bagay ipares sa iniinom. Kaya kinain ko lahat ng mga salita **** napakatamis na umaalat kapag pinatagal.

Grabe, lasing na lasing na ako.

Makakalimutan na kaya kita pagpikit nitong mga mata? Mabuti sana kung iwanan mo na rin ako kahit sa mismong panaginip. Sana rin hindi ka na talaga magpakita kahit isang segundo man lang doon. Sabi mo kasi iikotin pa natin ang buong mundo. Ako pa ba ang hahanap sa mga salitang binigkas mo?

Kaya, parang awa mo naman, hindi mo nakayang lumaban sa mundo ng liwanag kaya huwag ka nang sumunod sa kabilang bahagi ng kalawakan para pabalikin lang ako diyan sa mga kamay mo at papaikotin na naman. Trabaho iyon ng buwan.

Sinusubukan ko kasing hindi ka na maalala. Gusto ko sana na sa pagdilat ko, masaya na ulit. Kaso kahit manatiling lihim ang nangyayari ngayon sa pagitan namin ng buwan, malalaman at malalaman mo pa rin na sinusubukan kong kalimutan ka kasi

nagawa ko na to noon pa e, pero bumabalik pa rin ako sa iyo lalo na sa umaga.

Mahal, gising na. Diba sabi mo may kailangan kang gawin ngayon? Subukan mo nang bumangon, baka ma-late ka pa.
O, sa mga tanga diyan. Magpapasipa na naman kayo sa pulang kabayo?
Ferns Jul 2018
Mahirap ikalimot
mahirap tigilin
mahirap pigilin
ang pagiging hangal

ang taong tulad mo
ay ang dahilan
ng paghila ko
sa tali ng pag-asa
subalit ako lamang
ang dakilang tagahila
sa sobrang kapal
ako'y nakabitaw
Michael Joseph Nov 2017
Sa’yo ko unang narinig ang katagang “mahal kita”,
sa labi **** mapula at sa salitang
sinambit nang una tayong magkita
tag-ulan, sa ilalim ng tagpi-tagping ala-aala
“Mahal na mahal kita”.

mahirap at malabo ng mabuo ngunit sapat na ito
ang mga ala-alang kasama ko pag malamig
at ramdam ang paglampas ng hangin sa pinto
at sa anino **** palayo ng palayo

Ngunit nandito pa rin ako para sa’yo
dahil sa mga katagang mahal kita
at sa bawat paglipas ng oras
lagi kong nilalasap ang dati mo ng binigkas

Sa’yo ko unang narinig ang katagang “mahal kita”,
at mahal talaga kita, sapagkat ikaw lamang
wala ng dahilan pa, hanggang
(“Mahal, minahal kita’)
tapos na ang tag-ulan.
Paraluman Sep 2017
"Wag mo akong iiwan",
Lagi **** sambit sa akin.
"Ako'y nasasaktan at malungkot
Puso kong wasak gustong makalimot.
Jan ka lang sa'king tabi't
Damayan ako hanggang takip silim.
Iyong pasayahin panandali
Upang lungkot ko'y wag manatili."

"Wag mo akong iiwan",
Paulit-ulit kong pinakikinggan.
Lungkot mo'y aking papawiin,
Puso **** wasak aking bubuuin.
Di ako aalis sa iyong piling
Bukang liwayway pa'y dumating.
Sarili ko sa'yo ay iaalay,
Di ipagdadamot.
Wag mo lang din akong iiwan sa iyong paghilom at paglimot.
M G Hsieh Jun 2016
The setting sun rises a little higher,

settling deep
into a heliotropic sandstorm.

I wait on you, this black night
like all other nights,

find myself scattered by the distance.

— The End —