Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sy Lilang Jan 2
Iginagapos ko ang sarili gamit ang aking mga palad,
Ayokong maniwala sa kapalaran,
Pagkat hindi na tayo mga batang
Nakikipaglaruan pa
Sa mga mumunti nating mga pangarap.

Sa bawat desisyong ating paninindigan,
Doon natin masasabing, kaya talaga natin.
Mahirap man makipagsapalaran
Sa mga nagtatagisang katauhan
Ngunit, isipin mo,
Hindi natin sila kalaban.

Hindi tayo palamuti sa ating mga istorya,
Tayo yung unang babati sa’ting mga sarili ng,
“Magandang umaga.”
O kung bakit minsan,
Nananatili tayong pagod na pagod
Na tila ba hinihila tayo ng Araw
Na para bang tayo’y mga kalabaw lamang
Na magpapagal at hindi aani.

Iikot tayo sa mundong hindi tumatakbo,
Kundi iikot tayong may dahilan
At hindi tayo magiging pabalik-balik.
Tayo’y matututo sa bawat lubak,
Madisgrasya man tayo’y, hindi pa rin susuko —
At tayong manananatili sa pagwagayway
Ng ating mga bandera,
Na hindi nagpapatangay
Sa mga mistulang diktador na mga alaala.

Magbibilang tayo ng araw,
Ngayong taon
Ngayong araw na ito,
Tayo’y magsisimula —
At hindi tayo magtatapos
Nang walang kabuluhan
Ang ating mga adhikain.

Tayo ay iisa —
Isa, dalawa..
Tatlo..
Tayo na —
At magsimula.
RL Canoy Nov 2020
Sariwa pa sa aking gunita,
ang unang araw na ikaw ay aking masilayan.

Mga sandaling kung saan ikaw ay pinangarap na habang buhay kong paghahandugan.

Naaaninag ko pa rin ang iyong pagngiting kaakit-akit,
na lalong nagpapasingkit sa iyong mga mata.

Kung saan sa kabilang banda'y munting lungkot ang nanahan niring puso.

Pagkat di tiyak kong sa susunod na bukang-liwayway ay magiging dahilan ba ako sa iyong saya.

Ramdam ko pa rin ang kabog ng aking dibdib,
na tila ay sumasaliw sa yapak mo sa tuwing ikaw ay dadaan.

Habang ikaw ay maamong naglalakad,
Pinapangarap ko nama'y balang araw magkahawak ang ating mga kamay sa bawat paghakbang.

O kay sayang balikan ang mga gunita,
Kung saan nakikita ko ang iyong nakakabighaning wangis sa mga bituin ng sangkalangitan.

Mga panahong hinihiling kong nawa'y makapiling ka kahit sa panaginip lamang.

Minsan rin na sinasamo ko sa Poong Maykapal,
na harinawa'y pagtatagpuin ang ating mga landas.

At doon ay aking ipapabatid ang mga damdaming sa panulat ko lamang naipahayag.

© RL Canoy |November, 2020 |
Aking handog sa iyo JMPC
solEmn oaSis Nov 2015
IKA-9 NG NOBYEMBRE, 2 MIL QUINCE TAONG KASALUKUYAN
KASALUKUYAN AKO NAGMUMUNI KUNG KAILAN AT ILAN
ilan pa kaya sa inyo ang sa akin ay naniniwala
naniniwalang kaya ko pang magpatuloy
magpatuloy sa aking mga adhikain
adhikain na nagsisilbing inspirasyon
inspirasyong bumubuhay sa aking mga anak
mga anak na gagabay sa ating pagtanda
sa ating pagtanda...tanging hiling ko,tayo ay buo pa rin
buo pa rin ang pananampalataya,pag-ibig at pag-asa
pag-asang maituturing na ginto sa loob ng kahon
loob ng kahon na siyang daanan ng mga mensahe
mensaheng dapat ingatan at gawing pribado
pribado na hindi tulad ng aking buhay
aking buhay na nakasalalay sa mundo ng mga makata
makata ng bawat lahi na minsan nang pinag-apoy ang mitsa at tuloyang*  nagningas
nagningas hanggang sa pumutok  ang araw
ANG ARAW NG KASARINLAN ay KASAYSAYAN ng KALAYAAN!
kalayaang makapagpahayag ng sariling himig at pahiwatig
nitong aking IKA-DALAWAMPU'T ISANG TULA
TULANG PINAMAGATAN KONG
=_ PAANYAYA AT PASINAYA _=
i proudly present to you my 21st presentation
of my emotion beyond the caption...
here in Hello Poetry,,
i found my self unselfishly!
though each one of us,
attending our own world sometimes.
kingjay May 2020
Malamig na ang hangin
Na dumadampi sa pisngi
Ang usok na umiimbulog
Sa langit
Ay lumalamlam na sa paningin

Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw
Sa tula na ginawang awit
Ay di na naririnig

Ang pagkalugami sa nakaraan,
Ang bakas ng kahirapan
Ay di na nagpapaligalig,
Nagpapasimangot nang magunita sa sandali

Kung noon sa bawat araw ay masigasig,
Sa kinabukasa'y nananabik
Di na ngayon
Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling

Ang nagpupuyos na liwanag
Sa dakong silangan
Na dati'y mainam pagmasdan
Ay nakakasilaw

Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan
Ay isa na na tanawin
Para sa kagalakan ng kaluluwa

Ang unos at karimlan
Pag nasa luklukan
Ay isa lamang pangkaraniwan
Pag may lampara
Na hindi ka iiwan
Masarap mabuhay sa saya't kapighatian
sa kasaganaan at kahirapan
sa kawalan ng pag-asa
sa hilahil
sa nakaraan
sa kinabukasan
sa hinaharap
Danica Oct 2019
Isang halimbawa ng magandang asal
Mumunting dasal kanyang inuusal
Pambihirang talino,  dedikasyon at dangal
Siya nga ay isang **** na dapat Ikarangal

Salitang ABAKADA ano nga ba ang halaga?
Isang tanong sa sarili gaano siya kahalaga
Sa aking agam agam,  tunay siyang pamilya
Mula sa isip,  sa puso at sakanyang mga gawa

Hapo man sa maghapon, puyat sa magdamag
Laban sa tanghali upang isip ay malinangan
Kanyang ituturo talagang kaabang abang
Ito’y magagamit bilang pananggalang

Bilang anak at estudyante ako ay humahanga
Isa kang modelo, isang tunay na dakila
Ikaw ang dahilan kaya nasulat itong tula
Ito’y hindi maglalaho ng tulad ng mga bula

Sa iyong mga mata,  may kislap ng Pag-asa
Ikaw ang nagbibigay buhay sa aming mga balsa
Umalis man o mawala kasama ka sa gunita
Mabuhay ka!  Mabuhay ka! Mahal ka naming talaga
Tula para sa mga ****,  pagbibigay karangalan sa kanilang ambag sa ating lipunan, kung wala ang mga ito mararating ba ng bawat kabataan kung nasaan sila ngayon?  Tayo'y sumaludo sa ating mga ****.
Donward Bughaw Apr 2019
Sino ka para limitahan ako
sa making kalayaan sa murang edad
na kung tutuusin ay
batbat pa ng pakikipagsapalaran?
Maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.

Sino ka?
Sino ka, at naisipang unti-unting kitlan ako ng buhay;
Akong sinasabing
'pag-asa ng' inyong 'bayan'
ngayon ba'y magiging
kalaban ng estado't pamahalaan,
nang batas ng taong
tutugis at pipiit sa akin
sa loob ng kulungang nakahandang pumatay
ng kinabukasan?
Ako dapat ay malaya,
malayang maglaro ng tumbang preso,
tagu-taguan, syatong at bahay kubo
sa bakuran ni Tagean-Tallano;
unawaing ang buhay ay hindi lamang basta dekorasyon
at mapagtanto ang kabuluhan
na sa pagkakadapa'y matutong bumangon,
ang mali at itama
at ituwid ang baliko;
Na kaakibat ng mabuhay ang panalo at pagkatalo.
Ang tulang ito ay base sa isyung pagbaba ng edad ng liyabilidad mula 15 hanggang 9 na taong gulang.
jia Oct 2018
ang pag-asa ng bayan,
ang tanging makapagbibigay ng kalayaan,
ani Rizal ay kabataan,
ngunit ngayon ay nasaan?
AUGUST Oct 2018
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas
Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas
Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas
Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas

Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok
Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok
Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok
At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok

Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod
Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod
Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod
Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod

Ibigay ang lahat ng makakaya
Magtiwala sa sarili, may magagawa pa
Wag mawawalan ng pagasa
Manatiling nakamulat ang mga mata

Sabay ibukas ang munting palad
Ano mang oras darating ang hinahangad
Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa
Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola

Ganun kahalaga ang bawat panahon
Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon
Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon
At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon

Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig
Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig
Habang ang tao’y may taglay na pagibig
May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig

Bumangon ilang beses man madapa….

Walang tagumpay sa pagsuko
Kaya laban lang ng buong puso
Ipakita **** ikaw ang nararapat
Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat

Ang mundo ay isang parang laro
May panalo at may pagkabigo
Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo
Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
By August E. Estrellado
Team 4 “Rendu”
HYA Apr 2018
Naaalala ko pa noong sinabi **** buksan ko ang aking puso sa maraming posibilidad
Kaya ang aking saradong pinto ay aking binuksan at humangad
Sabi mo ay maiintindihan mo ako sapagkat nararamdaman **** magkapareho tayo
Subalit, sa isang iglap, sumiradong muli ang aking pinto.
Kaibigan, pababayaan mo nalang ba akong humangad sa walang kasiguraduhan?
Pipin Oct 2017
Ngayon...
Habang magkahawak ang kamay na tatalon
Tayo'y magpapaalam sa panahon
Kasabay ng mga alon
Ay itataya ang pagkakataon
Para sa pag-asang sa muli nating pag-ahon
Ay maglalaho na ang ilusyon

Imahinasyon.
Huling Gabi
Next page