Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Ang huling liham ko para sayo.
(At ang pinaka mahaba😊) woooooh...

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan,hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng tapang para masabi sayo lahat ng bigat na nag susumiksik sa loob ko. Ang hirap palang simulan ng salita pag "huli" na ang pag uusapan. Ilang ulit kong pinigilan na wag na lang mag salita. IIang ulit kong pinilit manahimik at itago na lang sa sarili ko kung ano ang mga gusto kong sabihin. Pero hindi ko na kayang ilihim,wag kang mag alala pangako ito na ang huling liham na mababasa mo mula sa akin. Dahil sa mga oras na ito ay may digmaang nagaganap sa loob ng dibdib ko. May mga salitang pilit nag uumalpas at hindi ko na kayang awatin. Marahil ito na lang din ang paraan para magkaroon ng kapanatagan ang ating isipan. Umpisahan natin sa pinaka magaan,kung paano natin sinimulang pandayin ang isang mundo na tayo lang ang nakakaalam. Buong tapang nating tinanggap ang malalalim na sugat na tinamo natin mula sa nakaraan. Saksi ang bawat gabi sa bawat buntong hininga na pinapakawalan natin para  hilumin ang isa't-isa. Naging mabuti naman ang mga pagkakataon dahil umayon sa atin ang daigdig noong mga sandaling iyon. Pero ganun pa man,hindi ko maikubli ang takot , ang takot na baka hindi kita kayang pagalinggin dahil alam ko kung gaano kalalim ang sugat na naiwan sa'yo nang kahapon. At sa paglipas ng mga araw,unti-unti kong nakita ang pag asa sa iyong mga mata.Nakikita ko kung paano mo natatakasan ang lahat ng hapdi. Walang pag lagyan ang aking kaligayahan habang nakikita ko kung paano ka unti-unting nakakabangon mula sa masasakit **** pagkadapa. Ang makita kang maayos at masaya,iyon ang pinaka mabisang paraan at  siya ding dahilan para mag hilom din ako ng buong buo. Alam ng Diyos kung gaano katagal kong hinintay ang pagkakataong iyon. Ang makalaya at ang makapag palaya. Lumaya ako at napalaya din kita,mistulan tayong mga ibon na wala ng takot lumipad dahil naniwala tayo na ang pakpak natin ay ang isa't- isa. Wala akong masabi noon kundi ang salitang "Masarap pa palang mabuhay". Lagi **** naririnig sakin yan. Dahil paulit-ulit ko ding sinasabi sayo ang salitang salamat. Salamat at sinagip mo ako sa madilim kong mundo. Siguro nga ay kabisadong kabisado mo na yang linya kong yan😀.  Alam na alam mo din kung gaano ka gusot ang buhay ko bago ka dumating,hindi ko ipagkakaila at ikakahiya na sabihin sa lahat ng tao na ikaw ang dahilan (Pangalawa ka sa Diyos) kung bakit naniwala akong muli na masarap pa palang mabuhay. Masarap nga talagang mabuhay,PERO hindi madali. Hindi madali "dahil hindi laging masaya". Lagi ko ng naririnig yang kasabihan na yan pero hanggang ngayon hindi ko pa din makasanayan/at malamang sa malamang,hindi ko na talaga makakasanayan kahit kailan. Habang tumatagal bumibigat,nagiging komplikado. Pero kailanman ay hindi ko pagsisisihan na nakarating tayo hanggang dito. Alam kong may dahilan kung bakit nagkaroon ng pambihirang pagkakataon para magka salubong tayo sa malawak na daan ng buhay na ito.Sana habambuhay na lang tayong nananaginip,sana ang buhay ay isang mahabang pagka idlip. Sana nakayanan nating matupad lahat ng pangakong binitawan natin sa Diyos. Pero tao lang tayo, madalas mahina. Naging mahina tayo at nakabitaw sa isa't-isa.Pero gusto kong malaman mo na ginawa kong lahat ng kaya ko para maisalba ang relasyong ito. Patawarin mo ako kung ang "LAHAT" ko ay hindi naging sapat para sa'yo. Nakaka lungkot lang dahil dapat ako pa din ang kasama mo ngayon. Ako ang kasama mo nung mga panahong binubuo mo ang sarili mo eh,pero ngayong nabubuo ka na ulit babalik ka na naman sa dumurog sayo.🥺 Sana sa pagkakataong ito,ay nahanap nyo na ang solusyon sa mga dahilan ng pagka wasak nyo noon.🙏 Pero nagpapa salamat pa din ako dahil kahit papaano naging bahagi ako sa ilang piraso ng pagka buo mo. Gusto ko lang din sabihin sayo na naiintidihan na kita. Naiintindihan ko kung bakit hindi mo na din nakayanan ang manatili pa. Wala namang nanatili sa tabi ko mula pa nung umpisa ganito siguro talaga ang guhit ng buhay ko at hindi ko na mababago yun. Patawarin mo ako kung isa ako sa nagtarak ng punyal diyan sa dibdib mo. Patawarin mo ako dahil naging kampante ako na ako ang makakapag pahilom sa'yo. Hindi pala ako yun at wag kang mag alala naiintindihan ko pa din. Alam nating pareho na hindi tayo masamang tao. Pero nagiging masama tayo dahil sa relasyong ito.. ( Lumalabas ang mga ugaling dragon natin pag magkasama/pag nag aaway) 😊Yan ang ibig kong sabihin haha.Kaya't patawarin mo ako kung magpapa alam na ako sa'yo. (Ito ang pinaka mahirap na part 😢) pero kailangan na.Siguro mas magiging mabubuting tao tayo pag wala na sa piling ng isa't-isa. Sana ay baunin mo lahat ng masasayang alaala na naibigay ko sayo(kung meron man)😊✌️. Hangad kong palagi ang iyong kaligayahan,sana ay mapanatag ka na din at matagpuan mo ang walang hanggang kasiyahan. Maraming maraming salamat sa lahat.Dalangin ko na sa mga oras na nababasa mo ito ay buong buo ka na at wala ng bigat na dinadala 😊God Bless! 👋👋👋



Glen Castillo
03/01/2021
Glen Castillo May 2020
Hindi kalayuan ang mga bituin
Kung ito’y sagad na susumahin
Di hamak na mas mahirap marating
Ang pusong hinding hindi mo ma-angkin

Hindi kalayuan ang pangarap
Kung ito’y sakdal nasang makaharap
Di hamak na mas malayo ang agwat
Ng dalawang pusong di magka sabwat

Pangarap kong maisulat kita sa aking mga tula
Pangarap ko ring maisulat mo ako sa iyong mga akda
Sana’y sing dali tayong maglapit at maglapat
Na tulad ng mga papel at kanyang panulat.


© 2020 Glen Castillo
All Rights Reserved
Sa kabilang dako ng mundo ay nakaharap ko ang manunulat na katulad ko.
Glen Castillo Feb 2019
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved
Pag-ibig sa tatlong salita.DIYOS,BAYAN at IKAW
Glen Castillo Aug 2018
Sana may mga taong;

            Nakilala natin ng mas maaga

                   Makikila pa lang natin bukas

                             At Kailanman ay hindi na natin nakilala pa. . .




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Ang daming sana ng buhay,sana wala na lang sana....
Glen Castillo Aug 2018
Diyos

Bayan

Pamilya

Kalikasan

Kapwa

Sining

Sinta

Sarili


­

© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Glen Castillo Aug 2018
Ang mabuti sa akin ay masama sa’yo
Ang nagpatawa sa akin ay nagpaiyak sayo
Ang simula ko ay siya mo namang dulo
Ang pakanan ko ay pakaliwa naman sa’yo

Bakit nga ba kailangang magkaiba pa tayo?
Ikaw at ako na kapwa Pilipino
Hanggang saan tayo dadalhin ng kanya-kanyang paniniwala?
Hanggang kailan tayo paghihiwalayin
Ng ‘’ikaw ang mali at ako ang tama’’.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Walang kapayapaan hangga't mayroong ''Ikaw ang Mali at Ako ang Tama''.
Glen Castillo Aug 2018
May mga salitang sa papel na lang kayang manatili
Dahil hindi na ito kayang bigkasin pa ng mga labi.

                    Natapos na ang palabas na ang tauhan ay ikaw at ako
                    Tayong mga bida noon, sa mundong hindi nila nakikita

Gusto kong isipin na nalaos lang tayo,pero hindi pala
Dahil ang dating tayo,ngayon ay ikaw na lang at ako

                     Bakit ganito? wala naman akong naaalala na drama
                     ang sinulat kong kwento
                     Pero bakit sa malungkot natapos ang lahat?

Minsan ay gusto ko na lang gawing gabi ang bawat umaga
Sa gayon ay hindi nila mapansin na may hinagpis akong dinadala
Sa gayon ay hindi nila makita na lumuluha ang aking mga mata

                      Pagkat sa dilim, doon ko lahat itinago ang sakit at dusa
                      Na ni sa panaginip ay hindi ko inasahang dadating pa

Oo kakayanin kong maging gabi ang bawat umaga
Mahirap,
Pero pwede ba?

                       Sa kahuli-hulihang sandali ay maturuan mo ako sana
                       Na gawing gabi ang lahat ng umaga
                       Na kasing dali lang kung paano mo nakayanan
                       Na maging malungkot ang dating tayo na masaya.




                                          © 2018 Glen Castillo
                                           All Rights Reserved.
Minsan ay dadalawin ka ng mga alaala sa nakaraan
Upang magpa-alala sa'yo kung bakit ka nasa kasalukuyan.......
Next page