Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
090316 #AlphabetsOfLove #SpokenWords

Nag-aral ako't rumolyo ang panahon
Nagbilang ng taon, nabihag ng pag-ibig Niyang pabaon.
Naghalungkat ako ng mga mumunti Niyang Katha
Sa tarangkahang puno
Ng higit pa sa dalubhasang mga Salita.
At heto --
Heto ang Bukas na Liham
Ng pag-ibig ng isang tunay na Mandirigma.
Para sa lahat ng nanghihina't nasawi ng tadhana,
Para sa lahat ng humuhugot
Sa sandamakmak na nagdidilimang mga eskima
Heto, heto nga pala ang ABAKADA ng Pag-ibig.

----

A-alalayan Kita't baka mahulog ka't masaktan pa ng iba. Baka magpasalo ka na naman sa mga bolerong nanunungkit ng pag-ibig -- silang susungkit ng mga bituin para sayo, silang haharana sayo ng kilig, silang magsasabing maghihintay sayo kahit pa sa magkabilang mundo -- silang magdudulot lamang ng matinding pait sa puso mo pag hindi ka pa handa, pag hindi ka pa nahilom at pag hindi pa panahon. Oo, silang muling gugusot ng pagkatao mo.

B-abalikan Kita, hindi dahil Ako ang nang-iwan. Pakiramdam mo kasi'y wala ka nang halaga; yung tipong iniwan ka na ng lahat sa ere't kaunti na lamang ay pabagsak ka na -- yung wala ka nang matakbuhan pa, yung paikut-ikot na lang, yung takbo ka na lang nang takbo -- hanggang sa mapagod ka na lang. Mapapagod at kusa kang hihinto -- yung bibitiw ka na, yung aayaw ka na, yung titigil ka na, yung wala ka nang pakialam. Kaya't --

K-akalingain Kita, di gaya ng pag-ibig na minsang nagpaluha sayo. Nang nasisilayan Kitang magdamagang umiiyak. At kasabay ng bawat teleseryeng pinapanood mo ay luluha ka't hahagulgol ka sa isang sulok. Paulit-ulit sa bawat alaala, parang lirikong sinasabayan mo sa bawat hugot na pasan-pasan mo. Na lahat na lang, tila ba'y konektado sa kanya. Na wala ka nang mapanghawakan pa. Iiyak ka na naman ba? Pero --

D-aramayan pa rin Kita, hindi lang sa mga pagkakataong sawi ka; pero pati sa mga oras na gusto mo siyang balikan. Doon ay papagitna Ako at pipigilin Kita. Gusto kong makita yung totoong ikaw, yung dapat sanang ikaw -- yung ikaw na kahit wala siya'y buo ka pa rin. Yung hindi mo malilimutang mahal -- mahalaga ka para sa Akin.

E-h nasasaktan ka na. Ganyan ba ang pag-ibig na gusto mo? Na siya na ang nagiging mundo mo? Na halos wala ka nang kibo sa roletang dapat sana'y para sayo? Ganyan ba, ganyan ba ang totoong nagmamahal? Na hahayaan **** malugmok ka't madungisan ang sarili ng paulit-ulit at miserable **** nakaraan? Na hindi ka na kikilos, na parang wala ka nang balak bumangon at salubungin ang araw. Na parang hahayaan mo na lamang manlamig ang kapeng itinimpla sayo ng mga higit pang nagmamahal sayo. Pero --

G-agamutin Kita. Lahat ng mga sugat at pasang idinulot sayo ng nakaraa'y pawang aalisin Ko. Ako mismo ang kukuha ng bulak at Siyang papahid at dadampi sa bawat kirot at hapding naiwan sayo ng minsang ipinaglaban mo. Ako mismo ang iihip sa bawat nangigitim at sariwang mga pantal at peklat na bumabalot at kumukubli sa dapat sanang ikaw. Handa Ako at kaya Ko -- kaya kong alisin ang lahat --

H-anggang sa makabangon kang muli't maranasan mo ang pagbabagong ganap. At mapagtanto **** hindi naman siya kawalan sa pagkatao at pagkatawag mo. Masakit man pakinggan pero oo, hindi siya ang buhay mo. Uulitin ko: hindi siya ang buhay mo. Tumingin ka sa mga mata Ko. Pagkat oo, buo ka pa rin at walang nagbago sa paningin Ko sayo.

I-iyak ka paminsan pero ang lahat ay mananatiling alaala na lamang; luha mo'y sasaluhi't pupunasan Ko. Bibilangin Ko ang bawat butil na walang humpay na dumarampi at darampi pa sayong mga pisngi, higit pa sa matatamis na pangako niyang napako na rin kalaunan. Oo, napako ang lahat -- napako ang lahat sa Akin.

L-umaban Ako at patuloy Kitang ipinaglalaban. Tiniis ko ang bawat matitinik na hagupit sa mga balat Ko; maging mga pangungutya ng mundo. Para sayo -- para sayo, lahat ay ginawa Ko na; lahat ay tinapos Ko na at lahat ay iginapos Ko na. Pagkat --

M-ahal Kita at hindi Ako magsasawang patunayan yan sayo. Walang anumang bagay sa mundo na makapagtitibag at makahihigit sa pag-ibig Kong laan sayo. Mahal Kita at mas mamahalin pa -- higit sa mga araw na bilang, higit sa mga oras na ninakaw ng dilim pagka maaga ang takipsilim, higit sa kaibuturan ng dagat na wala pang nakalalangoy -- higit sa mga panahong pipiliin **** mahalin na rin Ako.

N-i hindi Kita iiwan, ni hindi pababayaan. Kaya -- wag ka sanang matakot na buksang muli ang puso mo, pagkat ni minsan -- ni minsa'y hindi Ko naisip na biguin ka. At hindi Ko naisip na paasahin ka gamit lamang ang mga salita, pagkat kalauna'y darating Ako para sunduin ka. Totoo ang bawat pangako Ko at lahat ay para sa ikabubuti mo, kaya't panghawakan mo ito -- hindi gaya ng pagsalo ng tubig gamit ang mga kamay mo. Pero hindi, hindi masasayang ang pag-ibig mo.

O-o, naiintindihan Kita, na nahihirapan kang magtiwalang muli dahil sa sobrang nasaktan ka na. Hindi Kita minamadali at hindi Ko ipipilit ang pag-ibig Ko sayo. Hahayaan Kita -- hahayaan Kita kasi gusto kong kusa ang pagtitiwala't pagmamahal mo. At --

P-apasanin Kita. Gaya ng isang Inahing naglilimlim sa kanyang mga inakay, gaya ng isang Inahing hahagis sa kanila sa himpapawid gamit ang sariling mga pakpak. At Gaya ng isang Inahing sasalo at papasan sa kanila pag nahulog silang muli -- hanggang sa makalipad sila -- hanggang sa makalipad kang muli. At buhat sa ereng pinagtambayan, buhat sa ereng pinagkatakutan mo'y, ngayo'y makakaya mo na. Kahit na sabi mo'y naputulan ka na ng pakpak; kahit pa sabi mo'y hindi ka na muling makalilipad pa. Mali, mali ang paniniwala **** yan pagkat --

R-aragasa ang pagpapala't ibubuhos Kong ganap ang Sarili Ko sayo. Ayokong iniisip **** hindi mo na kaya ang buhay; ayokong mawalan ka ng pag-asa dahil lang umasa ka sa maling tao o maling mga bagay o mga sitwasyon. Sabi mo pa nga, wala nang saysay ang buhay mo. Sabi mo nga, hindi mo na kaya. Oo --

S-asabayan Kita -- sasabayan, hindi lamang sa pag-abot ng mga pangarap mo. At sa bawat lubak na madarapa ka, tandaan **** narito Ako't aagapay sayo, kahit ilang beses ka pang matisod sa pagtalikod o pagkatalisod ay handa pa rin Akong saluhin ka -- sasaluhin at payayabungin.

T-atayo Ako sa harap mo at Ako ang magsisilbing harang sa bawat balang ikaw ang puntirya. Manatili ka lang -- manatili nang may buong pananampalataya at Ako -- Ako ang gagawa ng mga bagay na imposible sa paningin mo -- mga bagay na mistulang imahinasyon mo lang; mga bagay na binaon mo na sa limot pagkat huminto ka, huminto ka dahil napagod ka. Pero tapos na, tapos na ang panahon ng kapaguran. At ngayo'y --

U-nti-unti **** mararamdamang kusa na ang pagyapak mo kasama Ako. Na kaya mo na pala, na nakahawak ka na rin sa mga kamay Ko; na hindi ka na bibitaw pa. Pagkat, kailanma'y hinding-hindi Kita binitawan. Oo, hindi Kita hinila noon pagkat ayokong napipilitan ka pero matagal na -- matagal na akong nakahawak sayo; hindi mo lang napapansin o hindi mo Ako nagagawang tingnan.

W-ag kang mag-alala't alam ko ang kapasidad mo - kung kailan mo kaya at kung kailan hindi. Alam kong minsan mahina ka, pero maging mahinahon ka.

Y-ayakapin Kita, Anak; at kung iiyak kang muli, pwede bang sa mga bisig Ko na lang? Ikaw ang tanging Yaman ko't alay Ko sayo ang lahat. Mahal Kita, at ito'y walang hanggan.

---
Ngayon, magtatapos Ako
Magtatapos ako kahit na sarado pa ang puso mo
Kahit na may iba ka pang mahal sa ngayon
Kahit tila naririndi ka na sa pagkatok Ko
Kahit pa pinagsasarudahan mo Ako
Kahit pa ayaw mo pa Akong tanggapin
Kahit pa sabi mo'y hindi ka pa handa
Kahit pa sambit mo'y sa susunod na lang
O kahit pa sigaw mo'y tumigil na Ako
Pero hindi, ayokong magtapos ng ganito.
Magtatapos Ako't maghihintay sa sagot mo
At sana, sana'y dugtungan mo ang liham ng paanyaya
Dalawang letrang magkatulad lang
Dalawang letra lang ay sapat na
At ito -- ito na marahil ang pagtatapos
Na Ikaw ang Simula.
Karl Allen Nov 2015
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.

Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.

Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.

Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.

Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.

Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.

Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
madrid Mar 2016
ito

ang sasabihin mo

sa mga taong iniwan ka

ito ang mga salitang binibitawan
sa panahong niloko ka niya, sa oras
na ang inihain sa iyong hapagkainan
ay ang sarili **** pusong naghihingalo
sumisigaw at sugatan, durog at duguan,
eto na


ang sarap ng tiwala




lasang PUTANGINA.




dahil tangina ng mga taong walang respeto sa tiwala
tangina  ng mga taong sinabihan na ng kanan pero nangangaliwa
tangina ng mga taong walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng iba
kaya ang sarap ng tiwala

nabudburan ng isang kutsarang 'tarantado ka pala'
nasangkapan ng limang tasang pagpapakatanga

kaya siguro lasang putangina

sabi nila walang aasa kung walang paasa
walang masasaktan kung walang mananakit
walang mafafall kung wala namang,
pafall
pero hindi ito paninisi sa mga kupal ng mundo
dahil sa gitna ng lahat
ikaw parin ang nandidikta sa tibok ng puso mo
nasa huli ang pagsisisi
at walang ibang maituturo ang iyong mga daliri
kundi ang iyong saliri
na iiyak iyak matapos malaglag
mula sa ika-sandaan apat na pu't tatlong palapag

sino ang sasalo sayo?

na pinaasa, nasaktan at nagpakagago
nauto ng makukulay na salitang umagos mula sa kanyang bibig

sino ang sasalo sayo?

ikaw at ikaw rin ang susubok magtagpi
sa mga tingi-tinging bahagi ng iyong sarili
na ibinigay mo ng buong buo
at ngayon ay ibinabalik sayo ng

pira-piraso

sino ang sasalo sayo?

pero tangina talaga eh

bakit mahirap tanggapin
ang hirap ilapat sa ngipin, kainin at lamunin ang ideya
na sadyang may mga indibidwal na ang tanging ninanais sa buhay
ang tanging hangarin bago sila mamatay
ay ang mangolekta ng mga pangalan, listahan
ng mga napanaan ng simpleng katangahan

Eh sino ka nga ba?
Para maging mahalaga sa isang taong sa simula palang
ay alam **** sasaktan ka na
Tanga ka rin eh.
Ganyan talaga
Mahal mo eh.
Ang tanong,
Mahal ka ba?

Oo - masakit.
Pinaglaban mo eh.
Oo - mahirap.
May pinagsamahan na kayo eh.
Oo - mapait.
Dahil sa bawat minuto na hindi mo siya kasama
mapapatanong ka nalang ng
"Bakit, hindi ba'ko naging sapat?
Hindi ko ba binigay ang lahat?
Ang oras, dugo,
Pawis at puso
Para lang maparamdam sayo
na ikaw lang ang gusto ko.
Na ikaw lang ang pinagdadasal ko.
Ikaw lang ang akala ko iba
sa kanilang lahat.
Uulitin ko hindi ba'ko naging sapat?"

Siguro nga hindi.
Pero tatandaan **** hindi lang ako ang nagkamali.
Hindi ako ang nanakit.
Hindi ako ang nagpaasa.
Hindi ako ang nanggago.
At mas lalong hindi ako ang nagsabi ng mga salitang.
"Mahal kita"
Pero hindi naman talaga.
Ako ang naging tanga.
Pero putangina mo.

Dahil sayo,
hindi nako naniniwala
sa salitang tiwala.
Hindi na ko naniniwala
sa mga katagang "namiss kita".
Hindi na ko naniniwala
sa anumang hugis ng pag-ibig.
Nang dahil sayo,
Natuto na ako.

Ito na ang huling beses na lolokohin ako ng tadhana
Ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko lahat
sa iisang tao lang.
Ito na ang huling mga salita.
Kaya makinig ka.
Hindi na ako magpapakatanga
Para sa isang taong walang karapatang tawagin
akong pagmamayari niya.

Tama na.

para sa mga taong walang lakas ng loob magsalita
para sa mga nagpakatanga, nagpapakatanga at may balak na magmukhang tanga
para sa mga pinaasa ng salitang tiwala

pasensya na sa mararahas na salita
sa pagsabog ng aking dibdib
at pag agos ng mga bala
kailangan ko lang talagang ibahagi sa iba
ang pait ng isang taong binulag ang sariling mga mata
ang kasinungalingan sa likod ng pagiging masaya
ang pinagmumulan ng punyetang duda
ang sarap ng pagiging malaya
ang lasa
ng putanginang tiwala
NadPoet Mar 2018
bayan kong mahal sayo'y ibibigay ang aking buhay
ipaglalaban ang aking katwiran at karapatan
ipagsisigawan ang salitang pagkakaisa at kapayapaan
ngunit bakit sa lahat ang may hadlang?
tuluyan na bang nabaon sa nakaraan ang kapatiran?
mas nanaisin ng karamihan ang kaginhawaan para sa sariling kapakanan
ang paggiging  makabayan ay bibitawan nalang kapalit ay maging sa sariling alipin sa bayan
magbibingi bingihan na lamang sa mga maling nasaksihan sa mga taong naka upo sa mataas na upuan
ang mali ang nagiging tama ang tama ay mailap ng makita
anung silbi ng mga pinaglalaban kung ang lahat ayaw makipag laban?
sakim sa sarili at sarili lang ang mahalaga
wala na ang mga bayani patay na!
kailan may walang tunay na kalayaan sa ating bayan
dahil ang lahat ay ang nais lang ang sariling interes at kapakanan
nasayang lang ang watawat na hinabi ng ating mga bayani
hindi pagkakaisa ang nasa ang nasa isipan kundi paano maka isa sa lahat
bayani ba ay isang nalang alamat?
wala na bang mag aangat at magsasabing dapat ipaglaban ang karapatan?
nagiging mahirap ang mahirap at sa pera silay salat
ang mayaman ay nagtataas ng bakuran upang di makita ang tunay na kalagayan
iiyak na lamang ang mga tunay na nagmamahal sa bayan
wala na nga ang tunay na kahulugan ng kapatiran
di na isa ang bawat kulay ng watawat kundi ito'y kulay kung saan ka dapat mabilang
naging pangkat ang kulay, naging simbolo na ng watak watak na paniniwala
di na siguro magiging buo ang kulay ng watawat ang kapayapaan ay di magiging sapat
wala na! hindi na magiging isa ang mga pulo ng bayan
nagiging paligsahan na lang kung sino ang magiging una at tatawanan ang talunan
sa inaakalang laban ng pinaka magaling, di man lang maiisip na pagkakaisa sana
bayan kung magiliw paanu na? di na ba magkakaisa?
o sadyang mailap na talaga ang tinatawag na pagkakaisa.
patulong sa pag ayos ng letra. salamat
Lauren Librada Aug 2015
Kung ako'y mawawala
Iiyak ka kaya?
Kung ako'y mawawala
Ako ba'y iyong kalilimutan
Ibubulong nalang sa hangin
Paagusin sa dagat ng mga bituin
Kung bigla mang sumagi saiyong isipan
Ang aking pangalan
Salamat aking Kaibigan
President Snow Feb 2017
Tatawa,
Iiyak,
Tatawa,
Iiyak.

Nakakabaliw ang oras na 'to.
Yung oras na naaalala kita.
Nakakabaliw palang maging gan'to
Yung umaasa na balang araw babalik ka.

Nakakabaliw maghintay.
Yung ayaw pumikit ng mga mata.
Nakakabaliw na isipin ka, nakakalumbay.
Yung bumabalik na alala noong sinabi kong 'mahal kita'

Nakakabaliw umiyak.
Yung gusto mo na tumahan ngunit di magawa.
Nakakabaliw na ang puso ko'y iyong biniyak.
Yung utak ko'y may sira na ata.

Tatawa,
Iiyak.

Mababaliw nalang sayo paulit ulit.
I made this last week. I can't sleep tho. Heart breaks *****.
Napabuntong-hininga na lamang
Tila ba tumatakbo ang bubutil na pawis sa noo niya
Sasabak na naman si Tatang sa gyera
Pilit binuhat ang sakong mas mabigat pa sa kanya
Marupok na ang mga buto
Ngunit hindi ang puso
Ang wika nya, "Walang hindi gagawin para sa apo."
Si Nena, sampu na ang anak
Hindi na magkanda-ugaga
Iiyak ang isa, gutom naman sa kabila
Sa sususunod na buwan,
malapit na siyang manganak
Ang ama ng mga bata, naroon sa kanto
nagpapakalunod sa alak
Sabi nga nila, walang hindi gagawin
ang magulang para sa anak.
Tanghaling tapat na,
almusal pa rin ang hinahanap
Natulala na lamang si Nena nang malaman,
ang tatay niya'y
patay na



-Tula X, Margaret Austin Go
madrid Feb 2016
totoo and sinasabi nila
na sa segundong mawalan ka
ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong
magpapakita ng pakialam sayo
na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo
biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo
na sa sandaling binitawan mo ang kamay
ng gusto ng makawala
darating ang ibang kamay na hahawak muli nito
ng mas mahigpit, totoo
ang sinasabi nila

tila mahirap lang maniwala
sa sabi-sabi, sa haka-haka
dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila
tiwala

tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin
tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na
kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan
na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa
ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo
ang sinasabi nila

oo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak
sa tuwa, sa lungkot
sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod
dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan
pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa
dahil nandito ako, ako

ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo
kumapit ka lang
sa aking kamay
sa aking balikat
sa aking katawan
na kahit ulanan ng pasa at sugat
ay ibinibigay ko sayo
ng buong buo

uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
na sa gitna ng kawalan
sa gitna ng pagsuko
sa gitna ng pagbitaw
ito mismo ang maghahanap sayo
siya mismo ang maghahanap sayo
darating at darating ang parte nitong kwento
na bubuo sayo
at muli nanamang iikot ang iyong mundo
pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito
habang naghihintay ka pa,
ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay
at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito
dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan
bitawan mo lang
at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako
hindi kita iiwanan, tiwala
magtiwala ka lang

sa huling pagkakataon,
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
hindi ka nagbubulagbulagan
kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako
ng buong isip at buong puso, ako
ako na nagtiwala rin sa Kanya
ako na hindi umasa, ngunit
humawak sa salita ng aking Ama, ako
ito ang tatandaan mo
para sa mga gabing isinisigaw ang mga kaisipang nagtatago mula sa liwanag
para sa mga bukang liwayway na  nagpupumilit humagap ng init ng araw ngunit hindi mahagip ang tapang upang bitawan ang lamig ng gabi
Katryna May 2018
Wednesday, February 28, 2018
5:43 PM

Sa panahon ngayon uminom ka ng maraming salitang "mag ingat ka".
Dahil sa mundong ginagalawan mo hindi ka sigurado.

Hindi ka tiyak sa mga makakasalubong mo at lalong hindi ka tiyak sa seguridad mo.
Tao ka lang at di imortal na may kapangyaring i time machine ang nakaraan, kung sakaling bawiin na ito.

Hindi ka mutant na kayang patigilan ang mga taong may masamang balak sayo.
At lalong hindi ka super hero para di tamaan ng mga balang hatid sayo ng mundo.

Hindi ka si superman na may kakayahang hindi makaramdam ng sakit.

Na kung sa panong paraan, hindi ko 'yon alam.

Tama na ang pagpapanggap.
Hindi kana tulad ng dating matibay.
Kasi matibay ka lang.

Hindi kana tulad ng dating malakas para sabihing kaya mo ang lahat.
Kasi kinakaya mo lang.

Para kang si joker na kahit nakasimangot may malaking ngiti parin sa labi.
Pinapaalala ko lang sayo,
hindi lahat ng tumatawa ay masaya.

Hindi kana bata para sa tuwing iiyak ka ay may handang sumaklolo para pawiin ang lungkot mo.

Hindi din mapa ang makakapagsabi ng lugar kung saan ka dapat magtungo, bagkos hanapin mo ito.
Tulad ng isang batang nawawala,
Sabik at handang tanawin ang bukas.
Hindi para tumakas kung hindi para hanapin ang lugar na magpapasaya sayo.

Hindi lahat ng tao ay totoo, iba ay balatkayo.
Hindi ako sigurado sa paghakbang mo kasama ako ay hindi ko masusugatan ang mga paa mo.

Kung ako ba ang makakapag pahilom ng sugatan **** pagkatao.
Kasi tulad mo duguan din ako.
Hindi ko 'yon masisigurado.


Kaya uulitin ko sayo,
Sa mundong ito,
Inumin mo ang salitang
"mag ingat ka".
Eugene Nov 2015
Sa  bawat katahimikan,
Hatid ay kalungkutan.
Sa bawat kalungkutan,
Kasama ang kapighatian.
Sa bawat kapighatian,
Natatakpan ang kasiyahan.

Sa bawat kasiyahan,
Nailalabas ang kamusmusan.
Sa bawat kamusmusan,
Naitutuwid ang kamalian.
Sa bawat kamalian,
Sumisibol ang kaginhawaan.

Sa bawat pusong sugatan,
Nakakalimutan ang pinagmulan.
Sa bawat pinagmulan,
Naikukubli ang kasalanan.
Sa bawat kasalanan,
Nauuwi sa kamatayan.

Kaya...

Nararapat lamang na iyong pigilan.
Iiyak mo ang bawat kalungkutan,
Ilabas mo ang ngiti ng kasiyahan,
Palitan ang pusong naging sugatan,
Magiging matatag sa bawat pagdaraanan,
At Diyos ay huwag na huwag kalimutan.
Glen Castillo Jul 2018
Balang araw,
Biglang babagal ang paglakad ng oras
Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas
Aawit ang mga langay-langayan
At luluha ang kalangitan

Luhang hatid ng matinding galak
Sa wakas ay wala ng iiyak
Dahil natapos na ang panaginip
Salamat at hindi ka nainip

Maraming istorya ang nais kong sabihin
Inipon kong lahat para sa'yong pagdating
Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay
Kung paano kita hinintay

Sa sandaling tayo'y magtagpo
Doon lamang magiging perpekto ang mundo
Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso
Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo

Sana nga bukas kapiling ko na ikaw
Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Kapag puso ang naghintay,lahat ng sandali ay may saysay.
"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan
Sona-sonahan, madilim na naman.
Pagbilang kong tatlo, nakatago na kayo
Mapagod man kayo, tuloy pa rin ang laban ko
Isa.. dalawa.. tatlo.. Game?"*

Pag si Juan ang nagsalita,
Nag-aalitan ang madla.
Pag tikom ang bibig,
Siya'y bulag raw sa maralita.

Pag nilatag ang naplantsa,
Lalatiguhin ng administrasyon.
Pag walang plataporma,
Ihahagis sa bangin ng suhestisyon.

Kalaban pala nati'y ang sariling atin,
Demokrasya nga'y may sapin pa rin sa bibig
Mga bolang itim, saang lupalop ang padpad
Mapait ang kapayapaan,
Dakila ma'y kanilang binabagsak din.

Walang nakatitiis sa bayang nagpapapansin
Masakit nga naman sa bulsa ang tunay na bayanihan
Dugo'y dumanak makamtan lamang ang demokrasya
Sobra-sobra nga lang ang danak ng iilang raleyista.

Sadsad sa suliranin ang Inang tinakwil
Mga anak sa lama'y namasyal pa sa ibang bayan
Hindi na matapus-tapos ito'y pagdadamayan,
Damay sa kurapsyon, damay sa pagtitwakal ng mga Inakay.
Yuyuko na lang ang nasa langit
Pagkat nagapi ang mga tunay na Anak --
Ang lipunang ginahasa ng iilang ganid,
Paulit-ulit na, ang hapdi ng kamusmusan.

May iilang nagtatanong,
May iilang walang pagtataka,
Musmos sa bayan, wala namang pag-usbong
Kaya't iba na lang ang nakikinabang
Puspos sa distansya
Ng kamalian ng nakaraan.

Hugas-kamay ang iilan,
Simpleng hindi batian,
Wika nga ba ng pagkakalimutan?
Parang away-kalye, away-bata
Aso't pusa, sa lipunang
ang hepe'y sila-sila lang din.

Batu-bato pik, naglalaro ang iilan
Bukas tataya na naman sa lotto
At pag natalo'y iiyak na lang,
Bibigyan ng tsokolate,
Pangako para sa matamis na pag-iibigan
Ngunit balat lang pala,
Mapagbalatkayong himagsikan
Tapos, hahanap ng Darna
Pagkalunok ng bato ng kamanhidan.
Natandaan ko ang mga tawa **** ‘di natatapos,
At ang mga pang-aasar **** ‘di maubos.
Naiinis ako pero, “haha. Tawa na lang.”
Hindi ko naman inaasahang
May muling bubulaklak ulit sa aking puso.
Noong hinahawakan mo pa ako,
Lagot na naman ang aking damdamin.
Ikaw na ang laging nasa isipin.
Pero... May minamahal na rin ako.
Bakit ngayon may lungko’t galit ka?
Sila ba ang rason at sa susunod ay ako.
Sorry kung ako ang naging dahilan.
Hindi ko sinasadya, iiyak-iyak ka na.
Aaminin kong hindi ako sanay
‘Di ko rin man lang matanong kung,
“Huy. Okay ka lang ba?”
Halata naman sa mga mata mo
Na hindi mo na talaga kaya.
Ewan ko ba, ngiti mo lang ang hinahanap ko.
‘Di ko rin alam na iyon ang kailangan ko.
Kaibigan lang naman pero bakit iba?
Gusto kita patawanin ng patawanin...
Para tumigil ang pagwawasak ng iyong damdamin.
Kaibigan kong malakas at matapang,
Alam kong lalaki ka pero hindi mo tinago,
Ang mga damdamin **** ‘di naglalaho.
Alam ko na baka isumbong mo ako,
Sa aking lalaking iniirog.
Pero kung alam ko lang ang rason ng mga tawa mo,
Sigurado akong naibigay ko na iyon sa’yo.
Yung mga pang-aasar mo para sa’kin na ‘di mo malimot,
Nasa ulo ko, pinagtatawanan kong paikot-ikot.
Malamang ay pinagtatawanan mo rin
At sigurado akong gusto **** balikan.
Magiging baliw ako, mapatawa ka lang,
Nagugustuhan (na) kitang makasama,
Pero mas maganda pang kaibigan na lang.
Kasi pag nalaman ****, “oo. Gusto kita,”
Hala heto na naman... Aalis at iiwas ka na.
Minsan ay nakakapagod rin maghabol
Ng mga taong sa huli’y mabibigay ng hatol.
Pero ‘di tayo aabot sa ganoon.
Kalimutan mo na ang aking sinulat.
Ito ay kabilang sa pagkakamali ng kahapon.
Kahit “kuya” lang? Okay na.
Haha. Kaibigan lang? Okay na.
O lalaki kong best friend? Sapat na.
Tandaan mo na lang na narito ako lagi,
Para subukan na mapatawa ka kahit minsan.
Sapat na, hanggang kaibigan lang.
Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinakamagandang yugto ng buhay ko, ang high school.
      Sa high school kasi, maraming uri ng kalayaan ang pwedeng gawin. Malaya tayong gawin ang gusto natin. Pwedeng mag-aral tayo nang mabuti, pwedeng hindi. Depende sa estudyante kung paano niya tatpusin ang araw niya a loob ng paaralan.
      Dito ko natutuhan kung paano makisalamuha at makisama sa iba't ibang tao. Dito mo mararanasang bumarkada, magsinungaling sa magulang, makasama lang sa mga lakad ng kaibigan, magkaroon ng boyfriend/girlfriend, gabihing umuwi sa lakwatsa, tapos.
      Idadahilan sa magulang na gumawa ng project at hihingi ng pera kahit wala namang babayaran sa eskwelahan. O, di ba? Saya!
      Noong ako ay nasa high school, simula 1st hanggang 3rd year ay pang-umaga ang klase ko. Mahirap man gumising nang maaga, kailangan talaga, ayoko kasi sa lahat yung late.
      Noong ako ay nag-1st year, hindi ko alam kung paano makikipag-usap sa mga kaklase ko. Nahihiya pa kasi ako at nandoon pa yung kaba. Isip bata pa ako noon at hindi pa gaano ka-matured ang ugali ko.
      Ang ginagawa ko lang ay manahimik at mag-aral ng mabuti. Dito rin ako nagsimulang magkaroon ng crush, kinikilig kapg nahuhuli ko siyang lumilingon sa akin. Hahaha! Todo kilig to the max naman ako. Yung akala mo wala nang bukas sa sobrang tuwa!
      ***** nama tayo sa buhay 2nd year ko. Sobrang saya ng tumuntong ako sa taon na ito. Dito ako nakakilala ng mga tunay na kaibigan. Naging barkada ko hangtag ngayon, kaso bihira na kaming nakakapag-usap at nagkikita kasi iba't ibang section na rin kami napunta. Dito ko unang naranasang maglakwatsa kasama ang mga kaibigan ko.

      Ngayon naman ako ay nakatuntong na ng 3rd year. Dito ay unti-unti nang nag-matured ang aking ugali. Medyo hindi ako masaya kasi bago na naman lahat ng kaklase ko pero kilala ko silang lahat. Haap ng bagong kaibigan na naman sa klase pero mas naging close ko kung mga lalaki. Ewan ko kung bakit. Hahaha! Ayoko sa mga kaklase kong babae noon, ang aarte. Pero may ilan sa kanilang naging kaibigan ko rin.
      Excited na ako sa pagtuntong ng 4th year. Mukhang masaya Pero ito na ang huling yugto sa high school life. Siguro lahat iiyak, maghihiwa-hiwalay na kasi.
      Pero mayroon pa namang reunion, at ito ang buhay high school.
M e l l o Jun 2019
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento.
Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento.
Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento,
mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso.
Ganun na lang ba palagi?
Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo?
Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano?
Tatlong taon.
Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko.
Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko.
Siguro ay dahil nasanay na ako.
Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano?
Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako.
Ayaw ko na.
Pagod na ako.
Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo.
Oo.
Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo.
Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko.
Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak.
At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo.
Tama na.
Sa pagkakataong ito ay ako naman.
Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo.
Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito.
At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo.
Mahirap sa simula.
Pero pipilitin ko.
Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito.
Eto na yung huli.
Eto na din ang bagong simula.
Nang bagong ako.
tian Apr 2015
Sa maraming taon na ating pagsasama
Maghihiwalay para sa panibagong gera
Bawat istorya tumatak sa utak nitong makata
Wag kayong iiyak, tayo'y muling magkikita.

*Ang pakikipagsapalaran sa susunod na kabanata
A special 4 bars set up for my batch mates in Highschool. It's also a Filipino poem written in our own language, tagalog.
Wretched Jul 2015
Madasalin akong tao.
Pagmulat pa lang ng aking mga mata
sa aking unang hinga,
sa pagbuka ng aking mga bibig,
ngalan Niya na ang unang lumalabas,
ngalan Niya na ang aking binibigkas.
Sa bawat umagang gumising ako
na wala ka sa'king tabi,
mas lumalakas ang aking mga dasal.
Umaalingawngaw sa apat na sulok
ng aking silid ang iyong mga alaala.
Yung tipong aabutin ng ilang
dekada bago aking
malimutan ang tinig ng iyong
mahihinhing mga salita.
Ako'y madasaling tao.
Sa ilang beses ko ng
Isinigaw sa langit ang iyong mga
ginawa para mapamahal ka sakin
bakit tila aking pakiramdam
hindi Niya ako naririnig?
Sa ilang beses kong hiniling
na makasama ka,
sa bawat araw na nasa isipan kita,
kulang pa ang mga senyales
na ibinibigay Niya.
Nakakatawa nga lang dahil
hindi ko naman tinanong kung
Pwede pa bang
ika'y mapa sakin
Pero bakit sumasagot
na Siya agad
Na parang hindi maaari?
Pero itinutuloy ko pa rin
ang aking pagdadasal
at baka sakaling mapag bigyan.
Hanggang sa umabot ako
sa lugar na
sa aking pakiramdam
hindi naman sapat ang
pagbulong ng dasal.
Na hindi na sapat na
iiyak ko na lang
lahat sa mga paa ng imahe Niya.
Na dapat siguro
hindi lang saming dalawa ng Diyos
ang aking mga hinihiling.
Aking gagawing dasal
Ang iyong pangalan
hanggang sa mabingi ako
sa bulong ng bawat santo.
Hanggang sa masunog ang dila ko
Sa *Amen
ng bawat pari ng simbahan.
Hanggang sa malunod ako
sa mga dugong luha
na iniyak ng birhen.
Kailangan ko lang
na iparamdaman Nila
na ako'y naririnig.
Kahit ang aking mga pinaka
tahimik na sigaw para sa pangalan Niya.
Isisigaw ko ang bawat rason
kung bakit labis na
Minahal kita.
Ngunit ako'y nagbabakasali lamang,
alam kong hindi lang ako
ang Kanyang anak
pero sana
kahit isang beses lamang
sa milyong daan kong pagsabi
ng pangalan mo sa Kanya,
kahit isa lamang sa
kung sino man ang nasa itaas;
nagbabakasakali lang akong umabot
sa langit ang aking mga dalangin.
Hanggang sa mahalin mo ako
magiging madasalin akong tao.
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak
Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak
Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak
Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak

Mahal, saan ba ako nagkulang?
Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan?
Ako ang iyong iniwan
Pero bakit ako itong luhaan?

Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama
Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na
Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala
Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla

Binigyan mo ako ng madaming motibo
Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko
Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo
At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo

Mahal, oo Mahal mo ako
Mahal mo ako tuwing walang kasama
Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba
Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka
Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA”

Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA
PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na
A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta
pero
SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga
kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA
Jeremiah Ramos May 2016
Meron akong labing-isang daliri
Ilang beses kong binilang noong bata pa ako,
sinigurado kung labing-isa nga ba talaga
at nagtataka,
nagtatanong kung bakit may sobra pang isa.

Meron akong labing-isang daliri
May kanya-kanya silang mga kwento.

Labing-isa,
Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa
Hindi ko alam kung bakit ako naiiba
Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao

Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako.
Sabi nila, okay lang daw maging iba

Sampu,
Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit,
Umupo sila sa magkabilang balikat ko,
Hindi na sila umalis simula noon,
Hindi ko sila pinaalis.

Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan,
Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin,
Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot.
Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko,
na may pumansin sa akin,
Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko.

Kung sisiyasatin mo ang utak ko,
Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya.
Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda,
Kanilang susi ay nawala na,
Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi

Siyam,
Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita,
Kung gaano sila katalim,
Kung gaano sila katamis,
Kung gaano sila kapait.
Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao.

Walo,
Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko.
Wala pang pumupuno ng katahimikan.

Pito,
Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba,
Kung may makakapuno pa ba,
kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit.

Anim,
Sinubukan kong unang mag salita,
Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko.
Pero parang walang nakarinig.
Hindi ko alam kung mahina ba boses ko
o hindi lang nila ako napansin,
o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin
o kaya wala lang talaga silang ****.

Simula noon, nakinig na lang ako.
Kaya ikaw, oo ikaw na may storya
Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa
Yung mga bangungot mo,
yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo,
yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig,
Ituring mo akong talaarawan mo,
Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka.
Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka.
Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas.
Papakinggan kita.
Papakinggan kita.
Sana pakinggan mo din ako

Lima,
Nananahimik at nakikinig pa din ako.

Apat,
Mananahimik na lang ako.

Tatlo,
Sa katahimikan ko,
Nakalimutan ko na kung paano magkwento,
Nakalimutan ko na kung paano umiyak

Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita.

Dalawa,
...

Isa,
Natuto ako sumulat ng tula,
Nakahanap ng makukwentuhan,
Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli.
Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan.

Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak,
kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin.
Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita.

Meron akong labing-isang daliri,
Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
Sa hinaba-haba ng tag-init
Ngayon nalang ulit umulan.
Nang malakas. Nang saglit
Di ko mainitindihan ang langit.
Kung paano niyang iniluha
Ang bigat ng bawat kahapon
Ng natuyo niyang pusong
Pinigilang umagos
Sa mahabang panahon.
Tumangis siya
Nang malakas
Dahil di niya maamin
At di niya matanggap
Ang itinakda **** pagwawakas.
Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin.

Ngayong gabi.
Ang kanyang napili
Na ibulalas ang lahat
Sa pag-aakalang
Tulog na ang lahat
Lahat ng mata’y nakapikit.
At wala nang makakarinig
Ng pagtangis
Na mayroong balang-araw
Na katabi mo siyang
Mahihimbing.
Ngunit nagkamali siya.
Saan nga ba tutungo
Matapos niyang iluha
Ang lahat sa lupa
Na aanurin
Patungo sa puso ****
Kinakain ng pangungulila.

Sa hinahaba-haba ng tag-init
Ngayon nalang ulit umulan.
Nang malakas. Subalit saglit
Marahil ay ayaw niya
Nang makasakit.
O gusto ka lang niya damayan
Sa gabing
Wala ka nang ibang inisip
Kung bakit ka niya iniwan
O paano ka niyang nagawang saktan
Kung paano sinira
Ang bawat pangakong
Binitiwan.
At kung paanong di mo masabi
Ang tunay ****
nararamdaman.

Kaya sa susunod
Na iiyak ang langit
Kapag malamig ang gabi
At pangalan niya
Ang tanging kayang bigkasin
Ng mapuputla **** labi
Ay patuluyin mo siya.
Hayaan mo siyang umapaw
Hayaan **** bahain ka
At tuluyang ambunan
Ang natutuyo mo ng puso.
Makipagsayaw ka
Kung kinakailangan
Nais ka lang niyang damayan

*Gusto niya rin ng karamay.
kate May 2020
bagong simula sa bagong kabanata. liliparin muli ang langit na dati'y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay na bumuo sa aking pagkatao. liliparing muli ang mga blankong espasyo't lalagyan ng bagong panimula.

hindi ko malaman kung paano muling magsisimula.  sapagkat ako'y nanghihinayang sa alaala nating sa isang saglit ay iyong iniwan. nahihirapan itugma ang bawat salitang lumilitaw sa aking isipan. ang bawat tunog sa saknong ng bawat taludtod ay nabibigatang ilapat sa  damdaming nag aalinlangan.

muling bubuksan ang librong naglalaman ng ating kwento. susubuking burahin ang mga kwentong alanganin na mas mabuti pa lamang kung ito'y gugusutin. muling babasahin ang sira-sirang pahina na may tagpi-tagping parirala at kulang kulang na mga salita.

hindi ko mawari kung ano ang dahilan sapagkat ang ating kwento'y nagtapos sa kawalan. tila bang maikukumpara mo ito sa mga pahinang nagupit gupit dahil sa kasuklaman ng pag ibig. ako'y humiling sa mga bituin na sana—  sana'y may panibagong kwentong kinabukasan muling bubuuin.

bagong simula sa bagong kabanata. muling magbubukas ng bagong libro na saya ang kailangan at hindi sakit ang nilalaman. iisa-isahin ang bawat paksang nilalaman upang ito'y lubos na maintindihan ang bawat pag-aalinlangan sa bagong yugtong paruruonan na tila hindi alam ang patutunguhan ng wakas na iyong sinimulan.

sa bagong yugto ng aking buhay,  ngayo'y handa nang magsimula sa sariling paraan. hindi man pinalad sa nakaraan, sisiguraduhin ko na sa paglipas ng panahon at pagtapos ng bawat kabanatang may kaukulang paksa, iiyak na ako. iiyak na ako sa taong alam kong mahal ako at sa pag iyak na iyon ay sabay kaming nangangako— ikaw, ikaw lamang ang aking mamahalin dumating man ang dulo ng pahina ng aking librong sinimulan.
panimula
Brent Sep 2016
Halina kayong lahat at makinig!
Magdikit-dikit at magkapit-bisig!
At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos
ng isang dakilang puting kandilang upos.

Dito sa ating liblib na barrio
Nakatago ang isang kandilang puti
Labis na mahaba;
ang pasensya
na tila kayang hintayin
ang walang hanggan.
Ngunit labis na manipis;
na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis.

Dumating ang araw na kinailangang sindihan
ang dakilang puting kandila
sapagkat nawala at napundi na
ang ilaw ng tahanan.

Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa
ay hindi sadyang nakapaso ang kandila
subalit ang nagsindi
ay 'di napigilang magalit,
pilit na pinutol ang kandilang puti
sa gitna at ito'y nangalahati.

Walang nagawa ang kandilang mayumi
kundi iiyak ang mainit nitong pagkit
ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag
buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag.

Ilang araw nangyaring muli
ang pagpasong hindi minimithi
ang kandilang puti'y
patuloy pa ring nangangalahati
ngunit ang liwanag sa barrio'y
sa kanya pa rin nanggagaling.

Dumating ang araw ng kandila
na hindi na maaring kalahatiin.
Unti-unting sumuko na rin
ang mahaba nitong mitsa.

Sa huling sandali,
ay hindi na nakapagpigil
ang mapanghimok na nagsindi.
Buong lakas na nag-ipon nang hangin
Buong pwersang sumigaw sa kandila.
Ang kandila'y 'di na nanlaban
at nagtuloy nang manghina.
At sa huling bulong ng nagsindi,
ang liwanag ng kandilang puti ay napundi.

Halina kayong lahat at makinig
Magdikit-dikit at magkapit-bisig
sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan
ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.
trying out a literary style for a contest. 3rd work that's in Filipino. Kinda deep and shallow at the same time.
013017

Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo.

Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga.

Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo.

Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo.

Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita.

Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita.

Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
Jame May 2016
Bakit mas pinipili natin
yung mahirap
at kung saan alam
nating masasaktan tayo?

Bakit mas pinipili natin
yung mali habang alam
natin kung ano yung tama?

Bakit tayo nagmamahal
kung iiyak rin naman
tayo?

Bakit mas pinipili
nating lumaban kung alam
nating matatalo rin tayo sa dulo?


Bakit tayo ngumingiti
kung hindi naman talaga
tayo masaya?

Bakit mas pinipili nating
magpatawad ng tao kung
alam nating uulitin lang 'to?


Bakit tayo nalulungkot ng walang dahilan
at bakit tayo napagiiwanan?

Bakit sinasarado ang mga
bintana tuwing
umuulan?


Bakit meron tayong mga
tanong na wala
namang kasagutan?

Bakit dumidilim ang
kalangitan tuwing umaangat
ang buwan?

Bakit tayo nagmamahal
ng mga taong may
mahal ng iba?

Bakit maraming namamatay
sa maling akala?


Ikaw at ako ay pinagtagpo
sa isang mundo;
sa isang mundo na punong-puno
ng walang kasagutan at puro kasinungalingan.

Teka lang, saglit
may isa pa akong katanungan
ngunit alam 'kong hindi mo
ito masasagutan;

Kung ika'y pagpipilian
sa aming dalawa,
Sino mas pipiliin **** saktan?
HeXDee Jan 2019
Binabati ako ng umaga ng mga imaheng tila sayo lamang,
Hinehene ako ng gabi ng himig **** matamis lang.
Sa bawat oras sa bawat minuto ikay nasa isip ko
Marinig mo kaya ang harana ko sa kabila ng gulo?

Ikaw ang salamin sa mata kong malabo
Ikaw ang hanging sa buhay ko'y bumubuo
Ngunit sa kabila ng lahat wala ka paring kibo
Ano pa ba ang gagawin upang tayoy mabuo

Hawak ang mikropono akoy aawit
Para lang ang damdamin ko sayoy sumabit
Hawak ang gitara akoy kakanta
Iiyak ako para sa akin ikay mapunta

Ang sining ng araw ay tila yelo kung ikumpara sa yakap mo
Ang sanang pakiramdam na gusto kong matamo
Ang init at lambing ng ating pagmamahalan
Yun lang ang aking tanging kailangan

Ngunit ano itong pader sa pagitan natin?
Anong sigaw pa kaya ang aking gagawin?
Oh irog ko alam kong hindi ka manhid!
Sumigaw ka lang! ang pagmamahal koy ihahatid!

Katahimikan, katahimikan, katahimikan lamang
Segundo minuto oras, bilang, bilang bilang
Katahimikan katahimikan katahimikan nanaman
"Ako ba'y nagkamali at siyay nasaktan"

Tinawag ko ang kanyang ngalan "O irog O aking irog"
Katahimikan katahimikan sa tenga koy bumugbog
Sinigaw ko ang kanyang ngalan lalamunan ay nagdudugo
O irog O irog ko! isang saglit may bumungo.

O mahal ko bakit ngayon lang kita narinig
O mahal ko ako ngayon ay masaya at nanginginig
O irog ko maghintay ka lamang, ang pader ay sirain
Tatlo dalawa isa, tila nawala ang hangin

O irog ko kay tagal kong hinintay ang araw na ito
O mahal ko akoy nagsise sa ating hindi pagtanto
O irog ko ang matamis na yakap na hanap ko
O mahal ko ako narin ay tanging sayo
elea Feb 2016
Tulad ng isang magandang bulaklak na nalanta sa hardin ng mahal kong lola
May bagay na hindi tumatagal gaya ng ating inaakala.
Isang paru-paro ang nakita kong  nakadapo sa nag hihikahos na puting rosas ang naka lagay sa kanyang paso.

Napaisip ako,
pano kapag ako naman ang nawala?

May mga tao bang magbibigay pansin?
May mga dati bang kaibigan na dadating?
May mga tao bang iiyak dahil sa aking pag lisan?
O ang mga mata ko ang luluha dahil sariling multo ko lang ang nakiramay.
#saPaglisan
-poembornwithfeet-
080416

Para akong sumusuntok sa hangin noon,
Noong bigla kang nagpadaig sa ihip nito.
Sana tinangay na rin pati ang damdamin,
Mas masakit pala kasi iniwan **** may pait.

Para akong sumusuntok sa pader ngayon,
Ngayong sabi **** hindi naman nagbago
Pero ang sakit na ng mga kamao ko,
Nasusugatan ako
Pero pilit akong kumakatok
Sa puso **** malaki ang pader.

Para akong sumusuntok sa punching bag,
Pinipilit kong husayan kahit dumadaplis ako.
Kapag  nangangatog ang tuhod ko't napapaluhod,
Sabay ang luha sa tagaktak ng pawis.
Pero muli akong bumabangon.

Para akong sumusuntok sa unan,
Gusto kong mamahinga
Pagkat pagod na ang puso.
Masakit na ang mga kamao
Naaawa na ako sa sarili ko,
Kaya't pipilitin kong pumikit.

Kailangan ko ng tulog na mahimbing
Oo, iiyak na naman ako
Sinusuntok kita
Hindi dahil galit ako;
Sinusuntok kita
Kasi kahit pagod na
Sayo nais mamahinga.
Carl Oct 2018
Mahilig ako sa laruan noong ako'y bata
Iiyak ako, maibili lang yung kotse-kotsehang kahanga-hanga
Pero ngayon sawa na ako sa mga ganiyan
Mismo kasing ako ginawa mo nang laruan.
cmps
Jud May 2019
Nawawala,Hinahanap,Hindi Makita
Saan na kaya? Sana'y bumalik kana
Hininitay ka na niya
Matagal Tagal naring  ikay nawala
Nalilibang kana ata?

Nalilibang kana sa mga maling Gawain ng mundong Ito
Alak Droga Sigarilyo Ito  ang mga hawak mo
Naghihintay na siya na kamay niya naman ulit ang hawakan mo


Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ilang bundok na ang kanyang inakyat
Wala siyang pakialam kahit siyay napapagod na
Habang ikaw ay naaaliw
Bulong niya'y, oh aking giliw
Hindi ang mundong Ito ang makapagpupuna ng tunay na saya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Siya'y iyong iniwan,Ngunit patuloy Nya paring gigibain ang mga pader para saiyo.pupunitin ang mga kasinungalingan at Mananatili ang kanyang mga pangako.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Naaalala mo pa ba? Mga panahong ikay wasak na wasak
Akala mo ang buhay mo'y unti unting babagsak
Niyakap ka niya at sinabing
Anak,Sandal lang iiyak mo,sabihin mo lahat saakin at paggising mo bibigyan kita ng lakas para harapin ang bagong  bukas

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Ikay hinahabol niya
Bamalik ka na daw sakaniya
Basahin mo ulit ang kanyang mga salita
Dahil ang mundong Ito ay mawawala
Ngunit ang kanyang salita ay mananatili

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Pagmamahal na walang hanggan
Mamahalin ka hanggang katapusan
Kahit di tayo'y karapatdapat
Pagmamahal niya parin para saatin ay sapat

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Oh Diba ang Hirap makawala?
Ang Hirap ng walang ama
Kaya't Tara na at bumalik sakanya

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Sa wakas nakita na ang tupang matagal ng Hinahanap.
Kay Tagal rin bago ka na hagilap
Nagpupunyagi ang mga anghel sa ulap
Oh wala nang hihigit pa sa yakap ng ama.

Nawawala Hinahanap Hindi Makita
Iniwan ang siyamnaput siyam para sa isa.
Pagmamahal mo'y walang kapantay Dahil sarilling Anak ay inalay
Para sa aming buhay
God loves you so much! ❤️
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Yakapin mo ako....
Upang lubos **** mapagtanto,
Na ako sana'y isinilang na santo,
Hindi mo ako mababanaag,
Dala ko'y misteryo sa buhay mo.

Ako sana'y lumaking isang inhinyero,
Isa sana ako sa mga batang naglalaro sa may kanto,
Iiyak kapag pinapalo mo,
Magsusumbong kapag binabato.

Bakit di mo ako ipinaglaban?
Bakit sakit ang siyang aking nararamdaman?
Hanggang sa di mo namamalayan,
Na ako'y unti-unti  **** pinapatay sa iyong sinapupunan,
Wala ba akong puwang
diyan sa puso mo kahit minsan?
Kahit katiting lamang?
Bakit mo ako binitawan?
Pinabayaan?

Mama ....nais ko sanang mabuhay,
Ako ang magbibigay,
Sa iyong daigdaig ang magkukulay,
Ikaw sa aki'y gagabay,
Ngunit ako'y unti-unti **** pinapatay,
Hanggang sa----- ako'y naging matamlay,
Ngayon pagmasdan mo ako inay...
Wala ng buhay,
Ako'y payapa nang nakahimlay,
Paalam...mahal na mahal kita aking inay...
Buhay na hindi binigyan ng pagkakataon
Gamaliel Aug 2019
damdaming sumisidhi
ayaw ko nang umuwi
iiyak man lang muli
ng luhang walang sukli
sabi mo ako lang talaga
bakit nagbago bigla?
ano ba talaga?
Sa iyong mga binitiwan na mga salita
ako'y napatulala
Di ko kinaya ang sakit na nadarama
mga pahayag na sa aki'y tumatama
tagos sa puso ang pana

ako'y iiyak nalamang
sapagkat alam kong wala na
sana nga meron pa
Lawl... di ako inlove... sadyang marami lang nakakarelate at marami na akong nabasang ganto... nakakatuwa lang gumawa ng gantong tula... ahihihihi
Ang kwento ng isang Pag-Ibig
Minsan masaya at minsan malupit
Minsan masaya pag kasama mo  siya
Minsan malupit kasi mayron siyang iba,

Ang sinabi niya sa iyo, mahal ka niya
Yung kabila naman, mahal rin daw niya
Ikaw naman itong si super tanga,
Nalaman mo na nga,  nagbubulag-bulagan pa...

"Mahal kita" ibinulong niya sayo,
Kinilig ka naman, bati na agad kayo
Niloko ka niya, sabay iiyak iyak ka,
Sino itong bobong nagpapaniwala sa kanya...

Nakipagkita siya sayo,
Nagsorry, nagmakaawa at muling nangangako,
Pagtalikod mo tumawa bigla etong si demonyo,
Napaikot ka muli, yun pala walang nagbago...

Nabalitaan mo ang buong katotohanan,
Heto ka, umiiyak at muling nangangatwiran,
Kesyo mahal mo siya kaya di mo maiwan,
Kahit yung mga tao sa paligid mo nagtatawanan.

Kaya para sayo ito aking matalik na kaibigan,
Sana matauhan kana sa iyong kamartiran...
Yang sabi **** mahal mo, di siya kawalan,
May mas hihigit pa jan, yan ang dapat **** tandaan!

©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Written for my friends who always ask for my advise about their love problems same as always
ESP Nov 2020
Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Sa gitna ng hatinggabi at umaga

Mga aninong dumaraan
Hihigupin ang kamalayan

Maiiwan ka sa dilim
Malulunod sa kawalan

Susubukang tumayo, iiwas sa demonyo ng kahapon,
ng ngayon,
at kung darating man;
ng bukas

Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Sa gitna ng hatinggabi at umaga

Basang basa sa hinagpis at pag-iiyak
sa lahat ng mga bagay na hindi tiyak

Tatakbo palayo't susubukang lumisan sa kaibuturan,
sa kalungkutan,
at sana dumating pa:
ang kaliwanagan

Balisa, sa lawa ng pag-iisa
Palagi nang inu-umaga
May pait na dulot
ang lubos na pag-iisa
From a prompt, "may pait na dulot ang lubos na pag-iisa".
JOJO C PINCA Nov 2017
“Seize the moment.”
― Erma Bombeck

Nagtatampo ang araw kaya hindi ito sumisikat,
Hinahayaan n’yang kumapal ang ulap. Hay naku
Tiyak na iiyak ang langit, babaha ang luha na
Hahalik sa lupa.

Nagsusungit ang buwan tila walang paglingap
Sa dilim ng hating-gabi; pati ang mga bituin
Walang pagtangi sa magdamag na lumilipas.

Ganito ang nararamdaman ng puso ko,
Nalulumbay na tulad sa araw at buwan.
Gising ang diwa subalit pagod ang panulat,
Gustong mag-ulat pero hindi makasulat.

Naiinggit ako sa mga makatang hindi kinakapos,
Hindi natutuyuan ang kanilang panulat na laging
Nagmumulat. Hindi ako nagtataka kung bakit sila naging alamat.

Subalit hindi ako padadaig sa lumbay,
Lalabanan ko ang katamaran. Magpapatuloy ako
Sa paglikha ng mga tula. Hindi ko sasayangin
Ang oras na natitira sa akin.
Taltoy May 2017
Ang oras ay tumatakbo,
Ito ba'y hinahabol mo?
Baka iba yung direksyon mo?
Ikaw ba'y nakakasigurado?

Baka malingat ka?
Ika'y napang-iwanan na pala,
Baka di mo mamalayan,
Ikay matagal na palang iniwan.

Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Magmumukmok, iiyak at magsisisi ka ba?
Baka masayang mo lang oras mo,
At mapangiwanan ulit ng panahong panibago.

Ano pa ba ang magagawa mo kung huli na?
Naisipan mo bang muling mag-umpisa?
Huli na ba talaga ang lahat pati sa panibago?
Di ba pwedeng kalimutan ang nakaraan at gumawa ng bago?

Huli na ba para sa panibagong pagkakataon?
Pagkakataon upang ipakita na di ka katulad nung kahapon,
Dahil araw-araw ang tinatahak na daan ay nag-iiba,
Di mo alam kung ano ang sayo'y babangga.
Another random poem.
Christien Ramos May 2020
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.

Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,


hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.

Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.

Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.

Uulitin ko.

Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi

kita iiwan.

Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
I miss you, mei ;(

— The End —