Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Wretched Feb 2016
there are too many things that’s holding us back.

if only i broke up with her sooner then you wouldn't have said, “if only you listened to me then we would've..” that’s the problem. you didn't finish your sentence. i may never know what was in your mind but a part of me was hoping that you wanted me. i don't care if it just because you were lonely cause i’d still go after you even if you weren’t.
for Louise
Wretched Feb 2016
I’ve waited for months just to have conversations with you as meaningful as what we had these past few nights and I swear to god i /will/ wait for you. But i wont just wait. As i promised, i will try to make you happy, i would do everything in my power to do that. i will love you until you are okay or even pass that. i will wait for the day that you will allow me to love you because i guess to wait is the only thing that i could do now. i will wait for you until you completely stop waiting for her.
for Louise
Wretched Dec 2015
Pero siguro nga nababad na lang ang utak mo sa alak.
Isusuka mo lang kinabukasan
lahat ng salita **** binitawan.
Binuga mo lang din palabas ng iyong baga
ang pagmamahal na sinabi **** iyong handang ibigay.
Nabilang ko ang bawat laklak,
bawat sigarilyong iyong nasindihan.
Pinagmasdan lamang kita.
Pinagmasdan
kung paano mo sasayangin itong gabi
para lang iyong malimutan
sa pagsapit ng kinaumagahan.
Wretched Aug 2015
Ito ako,
Duwag akong tao.
Madali akong matakot sa mga bagay na hindi nakikita pero nararamdaman mo
Tulad ng mga multo.
Mga kaluluwa ng mga sumakabilang buhay
Na nagpapagala gala sa aking isipan.
O kahit ang biglaang pagpatay ng mga ilaw.
Pakiramdam ko ang mundo ay hindi ko na kontrolado.
Na sa onting patikim lang ng dilim,
Katinuan ko ay guguho.
Tapos ayun na.
Dahan dahan ng bubuhos ang iyak galing saking mga mata.
Aaminin kong para akong tanga,
Kasi nga naman,
Simpleng mga bagay pero grabe kung gaano ko kayang aksayahin ang mga luha ko sa kanila.
Parang bata. Duwag. Mahina.
Marami pa akong mga kinakatakutan
Pero lahat ay napawi ng sa buhay ko'y dumating ka.
Binuhay mo ko, oo ikaw.
Ikaw ang nagsilbing unang hinga sa pag ahon ko sa malalim na dagat.
Ikaw ang matagal ko ng hinihiling sa bawat bituin
Ang panalanging ngayon ay akin ng katapat
Na akala **** ating pagtatagpo, tadhana ang nagsulat
Nagliwanag ang gabi nang makilala kita.
Ikaw ang naging rason ng aking pag-gising sa umaga.
Nagmistulan kang isang sundalo.
Nakabantay sa aking mahimbing na pagtulog.
Ipinagtatanggol ako sa mundong puno ng kamalasan at disgrasya.
Ang tapang **** tao.
Ikaw, hindi ako.
Kinayang **** harapin ang mga bagay na kinaduduwagan ko.
Natakot akong magmahal muli pero isipan koy iyong nabago.
Kaso sa sobrang kasiyahan na idinulot ng pagdating mo,
Bumalik ang mga takot ko.
Naduwag ako.
Marami akong mga kinakatakutan
At ika'y napasama na dito.
Natakot ako na baka pag gising mo isang araw
Magbago ang isip mo at
Malimutan **** mahal mo ko.
Kayanin **** talikuran ako.
Dumating ang isang masalimuot na gabi
Bangungot ang kinlabasan ng buong pangayayari
Nagdilim ang aking paligid.
Umalis ka na lang ng walang pasabi
At tumalikod ka nga.
Ikaw ang unang bumitaw.
Ikaw, hindi ako.
Ni walang pagpapaalam na nangyari
Ni hindi mo na ko sinubukang sulyapin muli.
Sabi na nga ba. Ang tanga ko talaga.
Natagpuan ko na naman ang aking sariling Nagaaksaya
Ng balde baldeng luha.
Parang bata. Takot duwag mahina.
Inakala mo siguro lagi na lang akong magiging
Isang prinsesa na kinakailangan lagi ng iyong pagsasagip
Pero mahal, Kailangan **** maintindihan.
Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na
unang beses kong naging matapang
Ng  aking Isinugal sayo itong marupok na puso.
Gumuho ang aking mundo.
Pinatay mo ko.
Ilang araw kong pinaglamayan ang ang aking sarili
Umaasang babalik ka at muli akong lulunurin sa init ng iyong mga bisig
Pinatay mo ko pero sa utak ko bakit parang napatay din kita?
Nagsitaasan ang aking mga balahibo
Kasi nga natatakot ako sa bagay na hindi ko nakikita pero nararamdaman mo.
At nararamdaman pa rin kita.
Pinipilit kitang buhayin
Ikaw na bangkay na sa akin.
Pinipilit kong abangan ang pagmulat ng iyong mga mata.
Ako'y patuloy na naghihintay.
Na malay mo sa araw na ito.
Sa iyong pag-gising, maisipan **** mahalin muli ako.
Mga alaala mo'y nagpapagala-gala sa aking kwarto na
Pumalit sa mga multong inaabangan ang pagtulog ko.
Pinatay mo ko pero
bumangon at babangon ako.
Naisip ko,
Ikaw ang naging duwag sa ating dalawa.
Ikaw, hindi ako.
Umalis ka dahil yun na lamang ang naisip **** solusyon.
Dahil iyon ang pinakamadaling paraan
Para problema mo'y iyong matakasan.
Ikaw ang natakot.
Ikaw ang mahina.
Ikaw,Hindi ako.
Dahil hindi mo kinayang magtagal sa ating laban.
hindi ako prinsesang laging kailangan ng pagsagip.
Mahal, Ako ang giyerang iyong tinalikuran.
At Kung nais **** bumalik
Ipangako **** ako'y hindi mo na muling lilisanin.
Bumalik ka ng walang bakas ng kaduwagan,
na ika'y sasabak muli sa ating digmaan.
Kahit ba iyong buhay ang nakasalalay.
Bumalik kang walang takot.
Hali ka, aking sundalo.
Bumalik ka kung kaya mo ng suungin ang giyerang nagngangalang ako.
This was the piece that I performed for Paint Your Poetry Slam at Satinka Naturals.
  Aug 2015 Wretched
inggo
Ito na ang huling araw na iisipin kiTa
talikuran ang lahat ng alaa
La
rawan natin ay itatago sa basura*Han
da na ako na ikaw ay kalimutan
Wretched Aug 2015
'Wag ka ng manatili
Kung ako ay plano mo lang rin namang lisanin.
Next page