Hello Poetry is a poetry community that raises money by advertising to passing readers like yourself.

If you're into poetry and meeting other poets, join us to remove ads and share your poetry. It's totally free.
Sa larong bato-bato pik
Alam nating talo ng papel ang bato
Ngunit lingid sa kaalaman ko at ng ibang tao
Sa laro ng pag-ibig
Talo pala ng bato ang papel

Taas noo akong nag bolunterya
Para umpisahan ang larong alam kong marami nang umuwing luhaan at sugatan
Ilang beses na din ako binalaan ng aking mga kaibigan
Upang atrasan nalang ang laban
Pero isinantabi ko ang takot na pilit bumabagabag sakin
Nanginginig ang kamay na sumubok
Huminga muna ng malalim bago humakbang palapit
Upang harapin ang taong sakin daw ay tatalo

Nung una okay pa,
Pero nung kumurba ang labi mo at sinabing ako'y mahalaga,
Doon na nasabing "****, paano na?"
Hindi ko ito napaghandaan
Bago pa ako makapagsalita
Sinundan mo na agad ng mga mabubulaklak na salita
Mas lalo yata akong kinabahan
Tumatagaktak na ang pawis sa leeg ko
Ni hindi na halos mabuksan ang labi
Hindi ko na magawang banggitin ang mga salitang kay tagal kong pinag-isipan

Pinaramdam mo sakin kung paano
Magmahal at mahalin
Magseryoso at sersyosohin
Magtiwala at pagkatiwalaan
Pero hindi mo binuksan ang isip ko
Sa posibilidad na iiwan mo din ako
Hindi ko tuloy alam ang sunod kong gagawin
Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko
Yung luha mo ba o ang ngiti mo
Yung tawa mo o hahulgol mo
Yung dating ikaw o ang bagong ikaw
Hindi ko alam kung maniniwala ako sayo
Nung sinabi **** "Pasensya na, hindi ikaw ang mahal ko"
Akala ko nung una nagbibiro ka
Huli na nung napagalaman kong seryoso ka pala

Gusto ko na bumitaw,
Pero paano?
Paano nga ba ako bibitaw
Kung sa umpisa pa lang wala naman talaga akong pinanghahawakan
Akala ko kasi sa huli ako'y magwawagi
Pero ni pagkapit hindi mo manlang sinubukan

Malapit na matapos ang laro
Nalalamangan mo parin ako
Kapag puntos ang pag-uusapan
Pero halata naman na ako ang tatanghaling kampyeon
Kapag dami ng luha't hagulgol ang pagbabasehan

Magkaiba pala ang mekaniks ng dalawang larong ito
Akala ko kagaya ito nung tinuro sa'kin noong bata pa ako
Na kapag papel ka at bato ang isa,
Panalo ka!
Kapag naman bato ka at papel ang isa,
Panalo siya!
Pero ang laro ng pag-ibig
Ibang-iba pala sa larong nakasanayan at nakagisnan ko
Kapag pala nag-papel ka,
Kung bato naman ang puso niya,
Talo ka!
Kahit pala nag-bato ka,
Kung wala ka namang papel sa puso niya,
Talo ka pa rin pala

Hanggang ngayon wala pa rin akong kaide-ideya kung pano ito tatapusin,
Hindi ko pa rin pala alam kung pano ito laruin,
Sana pala nagpaturo muna ako sa mga bihasa na,
Sana pala hindi muna ako nakampante nung umpisa,
Tila na-blangko ang isip ko
Nung nakaharap kita
Ang itinakdang kalaban ko
Mamahalin ko pala sa dulo

Susuko na ba ako at aakuhin ang pagkatalo ko?
O lalaban pa hanggang sa makuha kita?
Ang hirap pala nito,
Akala ko pa-petiks petiks lang tayo
Hindi ko lubos maisip na ganito pala maglaro
Kakailanganin mo talagang sumugal
Para sa taong mahal mo
Lalo na kapag hindi mo alam ang kahahantungan niyo sa dulo,
Kapag hindi mo alam kung paano ang takbo ng kapalaran niyo,
At kung paano wawakasan ang kwento

Akala ko singdali lang ito ng pagbilang ng isa hanggang tatlo,
Akala ko isang bagsakan lang ito,
Bakit tumagal yata ang dapat pang-madaliang laro?
Abby Sep 28
Love is like a jumble of sweet candies and a cocktail of sour lemon. Yes, there's sweetness but there should also be sourness. Love is complicated. It's too much to handle. It is a disaster. But even if such disaster falls upon you, you would like it.
Why?
Because it's beautiful. Captivating. Mesmerizing. Rapid. Massive. When you feel it, you don't want to let go of it because it's precious and significant and special.
But how come when we fall in love, our heart turns into a wineglass standing in the fury of a storm? Why does our heart feels like anytime it would break? Why does it feels like anytime it would lose its color? Its beauty?
Have you ever felt like your love for a certain person is not enough? Have you ever felt like you're not enough? And when you wake up from that drastic dream, you feel like you should just stop. Just sit right there and do nothing because you know someday your heart would break again.
How you caress your heart deeply into your hand hoping that someday someone would do the same.
When you say to yourself that you've had enough, that you've given up, you feel brave and courageous as if no matter what is thrown at you, you will not falter. You would stay strong and keep you head held high. But love is just too different. We turn into a feather that once will let go, we would fall, we would fall in that hard ground and even though we won't break any bones, our heart would be the one that'll break.
If he turns up to you and say I love you, it'll be hard to believe because before he told you he loves you, you know it's meant for someone else.
Amber Evans Aug 19
Bubbles in a bath,
loud moaning blaring in the back
as I look down at the
bruising on my
muted
skin.

I try to imagine
myself with your
glowing frame
submerged underneath
the water.

Without you, I've
been a bit dramatic.

A bit manic.

Wandering and wonderin';
yeah, I've let my mind
slip at night.

In the hours of now until
then, I try to
refrain.

I indulge myself
into routine.

I watch lovers on the
screen.

Envisioning myself with
women in the late
hours but mimicking
your strokes in the
morning.

Without you,
without you.

I'm free to be me.

With you, I'm
happy.

Molten coffee scorches my
untouched tongue,
reminding me that
I can still feel
warmth.

Damp moss grazes my
untasted body,
reminding me that
I can still
dream.
R Mar 14
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Papaniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin pati ang sarili mo.
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n ang sarili mo ang iyong kalaban.
“Okay lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lang napagtanto, palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, itatago mo sa isang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Ipaparinig mo na naman sa buong mundo ‘yang halakhak mo.
‘Yong tipong mabibingi silang lahat,
Masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itinuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Grabe, ang galing **** manlinlang.
Daig mo pa ang hunyango
Pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa,
Hindi dahil masaya ka,
kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Ititikom mo na naman ‘yang bibig mo.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa, at ika’y kanilang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang matahimik,
rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog ka na lang, sasaktan mo pa ang sarili mo.
Titingin sa iyong paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit anong masakit.
‘Yong tipong maaawa ka sa kalagayan mo ngayon,
Iiyakan mo ang sarili **** takot bumangon.
Magagalit, malulungkot,
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan, tulog na lamang iyong hiling
Pero pagod ka pa rin sa iyong paggising.
Mangangamba ka at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita, at alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Na ang bawat araw ay pare-pareho na lang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensiyonado ka dulot ng paaralan
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo ng huminto,
Gusto mo ng itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot ka ng umahon.
Para kang dahon na kahit kalian
ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta,
Sa isang lugar, napapatanong kung matagal pa ba.
Dahil sawa ka na.
Paulit-ulit na lang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit,
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko,
Alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka ng kumapit, alam ko.
Dahil oo, mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap.
Alam ko ang iyong hanap.
Pero ngayon naway maintindihan mo,
Tanggap kitang buo, ‘yon ang totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang isuko ang iyong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag ka nang magpanggap na malakas ka,
Alam natin parehong mahina ka.
Pwede mo nang bitawan ang iyong ngiti
Dahil ‘di tulad ng iba,
‘Di mo ‘ko mapapaniwala.
Pwede ka nang umiyak.
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa’kin,
‘Kala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw na dulot ay pag-dilim,
‘Di kita susukuan, mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit, inaantay kang lumapit.

Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit,
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Pero hiling ko lang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita, at patuloy na uunawain,
‘Yon lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita,
Dahil siyempre, ako ang iyong ina
Masakit maiwan dahil sa isang paglisan
Mga bagay na di maiwasang masaktan
Mga alaala pilit kinalimutan
Dala nito ay bigat na nararamdaman

Mga patak ng luha hindi mapigilan
Dahil sa mga bigat na dala ng nakaraan
Kung saan matagal maghilum ang sugat ng kahapon
Na minsan ikaw mismo nahirapan itapon

Kaya sa pagsikat ng araw ay hudyat ng bagong umaga ng paglalakbay,
Ito ay nagsasabing tuloy lang ang buhay
Na maaaring gumawa ng mga bagong alaala,
Para sa isang bagong kabanata

Kasama sa unti-unting pagbangon,
Ang mga tamang pagtugon
Sa mga bagay na kailangan tanggapin,
Para ang sarili muling hanapin.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan,
Ang mga natirang sakit ay tuluyang nahugasan
At di naglaon ito ay tumila,
Lumabas ang bahaghari dala ay pag-asa

Kasama nito ang simoy ng hangin, na nagmulat sa paningin
Na ang pagiging masaya ay sadyang pinipili,
At hindi masamang magmahal muli
Makita ang pagmamahal na para sa'kin hanggang sa huli

Kaya isa lang ang aking dalangin, matupad ang aking pangarap
Na ikaw ay aking mahanap
Di na sa panaginip kundi sa mundong tinatahak
Sana dumating ka na
Di sa isip kundi sa harap ko at nakikita ng dalawa kong mga mata
Sana makita ko na yung ngiti mo
Mga ngiti na magsasabi sa akin na  maging masaya lang dapat ako
Sana mahawakan na kita
Para di ko na maramdaman ang lungkot at pangamba
Sana mayakap na kita
Para maibsan yung sakit dulot ng aking mga problema
Sana dumating ka na
Para maramdaman ko ang sayang matagal ko ng hinahanap

At kung nandyan ka na
Sana hindi tayo ipaglayo ng tadhana
Dahil ngayon masasabi ko na ako'y "Handa"
Handa na akong magpakulong muli sa rehas ng pag-ibig, at para iyong malaman
Ang pag-ibig kong ito ay pang matagalan
Dahil ako'y handang susuko
Kahit life time sentence sa piling mo.
10/23/17
HAN Oct 6
Kamusta kana?
Ilang taon na ang nagdaan nuong ika'y aking nakilala.
Mahigit kumulang na rin ang luhang lumabas sa aking mga mata
Nuong ako'y iniwan **** nag-iisa.

Nuon pag ika'y naaalala nagwawala dahil sa nadarama.
Ngayon ako'y napapangiti na lamang sa twina.
Akala ko dati ay di ko makakaya,
ngunit heto unting unting sumasaya kahit wala ka.

Mahirap sa umipsa,
Pero nakaya
Mahirap sa umpisa, oo
Parang nilibing at hinampas ng troso.
Ako'y litong lito
hindi alam kung bakit ganito
Kung bat nilisan mo...

"Sana pala pinigilan kita
para ngayon para ika'y kasama parin
at nasa tabi ko padin."
Yan ang aking hiling sa unang linggong
ika'y hindi kapiling.
Ako'y humihiling sa bituin na sana ika'y bumalik sa akin
Ngunit tila ba'y hangin ang sumagot at hindi ako pinansin.

Mahal wag mag-alala
kasi kaya ko na ang mag-isa at wala ka.
Mas malakas na ako
kaysa sa dating nakilala mo.
Hindi na ako umiiyak pagnag-iisa
Mas kaya ko na.

Alam mo minsan ang ang tanong sa sarili ko
"paano kaya ikaw parin ay nandito?"
"Magiging kompleto kaya ang araw ko?"
Pero ang sagot ng isip at puso
"Mas mabuting ika'y nilisan kaysa minahal sa kasinungalingan.
Naging malakas ka nang ikaw ay iniwan.
Naging makata ka paminsan minsan."
Kaya alam ko sa sarili na mas maayos na na ako'y iyong binabayaan
Pero mas masaya at buo parin ang aking puso kong hindi mo iniwan sa kadiliman.

Sana, iyong malaman na ika'y aking minahal ng lubusan,
"Huwag **** pabayaan ang iyong kalusugan"
Aking huling habilin bago ka lumisan.

Tinanong ko parin ang aking sarili minsan,
"Ako ba'y may pagkukulang? O sadyang ako lang ang nagmahal sa aming pag-iibigan?"
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pag alaala ay naalala paminsan-minsan.
Ngunit lahat ng yon ay di mo masasagot at aking  na lamang dinagdag sa tulaan.

Lahat na ata'y aking nakwento sa tulang ito.
Ito, itong tula na ito ang tanging paraan upang malaman mo
Ang pagdurusang pinagdaanan ko
nang mawala ka sa piling ko.
Ang mga pangakong binitawan mo
para bang naglaho
Pero kahit masakit ang ginawa mo
Hindi kita masisisi sa pagkukulang nagawa ko
Hindi ko masisi ang tadhana kung hindi tayo para sa dulo.

Kahit na ganito, ikaw ang nagparamdaman ng pagmamahal
Kaya hindi ko kita malimut-limutan kahit tila ba'y ako ay sinasakal.
Sadyang ikaw lamang ay minahal
kahit na isang malaking sampal
na ako'y iyong iniwang luhaan at puso'y nagdurugo sa daan
na kahit pa'y ikaw ay may iba ng mahal
kahit pa na naubusan na ang luha at letra sa aking isipan.

At heto ako ipinagdiriwang ang ating kaarawan kung saan nagsimula ang ating pagmamahalan.
Sana'y iyong malaman,
na ako'y hindi nakakalimot sa ating tagpuan at mga kasiyahan.
Sana rin iyong malaman,
ang pangalan ng ating anghel ay Adrian.
Gusto ko simulan ang tulang ito sa tanong na "kamusta kana?"
Kamusta na ang taong minahal ko ng sobra pa sa sobra
Naging malungkot kaba nung ako'y nawala?
O naging masaya dahil wala na ako sa tabi mo sinta

Nagbabaliktanaw ako sa mga ala-ala noon na ating binuo
Naging masaya naman tayo
Kaya di ko alam anong dahilan mo para mag bago
Para masaktan mo ako ng ganito
Para iparamdam mo sa'kin na hindi ako kawalan mo
Para ipamukha mo sa'kin na wala na talagang TAYO
At ngayon napaisip ako kaya ka pala nagbago kasi may bago na palang nagpapatibok ng puso mo

Di ko mapigilan hindi magalit
Di ko mapigilan na hidi masaktan
Di ko mapigilan na lumuha hanggat gabi patungong umaga
Di ko mapigilan na tanggapin na ako nalang yung naiwang tanga
Tanga na umaasa na magkabalikan pa tayong dalawa
Umaasa at nagmamakaawa "Pakiusap mahal, usap tayo. Ayusin natin to"
Pero sarili ko lang pala ang niloloko ko
Kasi nakikita na kitang palayo at hindi na maaabot
Nakikita na kitang naglalakad kasama siya habang puso ko'y kumikirot

Kaya sa huling pagkakataon
Binalikan ko ang dati nating tagpuan
Nagbabasakali na ikaw ay madatnan
Pero namulat ako sa realidad na may mga bagay palang di na pwede maging katotohanan
Kaya heto nagbaliktanaw nalang ako sa mga magandang ala-ala na akin paring hinahawakan
Kasabay ng pag-agos ng alon ay ang pag-agos ng luhang nagasasabing kailangan ko na 'tong bitawan

Kaya ngayon tatahak nalang ako ng ibang landas
Maglalakad ako, pilitin na ang mga nangyari sa'ting dalawa ay maya-maya ay kukupas
Maglalakad ako, habang wala ka na sa tabi ko, yung taong minahal ko ng wagas
Maglalakad ako, maglalakad ako
Pero  lilingon parin ako at makikita ko ang iyong mga bakas
Bakas na patunay na ikaw ay naging totoo
At hindi panaginip na nilikha ng imahinasyon ko
Na merong ikaw na pansamantalang minahal ako
Merong ikaw na minsan ay ginawa kong mundo
Merong ikaw na tinanggap ng buong-buo at
Merong ako na sinubukang lumaban pero sa huli meron paring ikaw na bumitaw nalang ng bigla-biglaan

Hanggang ngayon naglalakad parin ako dala-dala ang katangang "Pinagtagpo pero di tinadhana"
Yan nga siguro kasi ang kwento nating dalawa
Ang mga landas natin na wari'y nagkita,
Ngunit hindi inalaan para magkasama.
Maglalakad ako, hanggang sa malimutan na kita mahal ko
Khayri RR Woulfe Aug 2017
Batong niluluto, tinutunaw, tinuturok
Dahong sinisinghot, hinihithit, pinapausok
Dukhang nahuhumaling, hinuhuli, pinapatay
Mayamang sinungaling, tumatakas, kumakampay


#ChangeIsComing ngunit wala namang binago
Ang mahirap ay tumba, ang mayaman ay nagtago
Inosenteng nadadamay, diniktan ng karatula
Bangkay na nakahandusay, hindi na bibigyang hustisya.


Halina,
doon sa bago kong tahanan
Ang tawag ay kulungan
ngunit marami do'ng libangan.


Pinuno,
leader ako ng sindikato
Kung tawagi'y bilanggo
ngunit sinusunod ang luho.


Mga alipin ko'y parak
Mg bataan ko ay trapo
Pamilya'y bilyonaryo
Ang negosyo'y protektado.


Unlimited supply—'yan ang tunay kong pangako
Subok kong mga suki, wala pa rin namang nagbago
Tuloy lang ang bentahan, dito tayo sa taas
Ngunit tatandaan: kikitilin lahat ng Hudas.


Ako'y panginoon at walang katalo-talo
Agimat ko ay tsapa, baril ang gamit kong rosaryo
Ako ang humuhuli sa sarili kong buntot
Ang mahina **** kokote ay aking pinapaikot.
Written
27 September 2016


Genre
Rap  | Spoken Poetry | Literactivism

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
Khayri RR Woulfe Aug 2017
Gusto ko ring
maranasang makulong
para naman
magka-thrill
kahit kaunti
ang buhay kong
napaka-boring.


Pero gusto kong
makulong
nang walang
ginagawang
anumang
krimen.


At a loob ng kulungan
ay pabahuan
ng hininga,
kili-kili,
puwet
at singit;
paramihan
ng libag sa leeg,
tinga sa gilagid,
kalyo sa labi,
at tartar sa ngipin.


Doon na rin
masusubok
ang aking
pagiging
best actor
sa pagkukunwaring
makadiyos ako
sa pagdadala ko
ng banal na libro
sa lahat ng oras,
minu-minuto
upang parolya
ay aking matamo
at kinabukasan
ay laya na ako.


Hustisya
ay kaydaling
laruin,
sistema
ay kaydaling
butasin,
buong kuwento
ng aking tula
ay uulit-ulitin.
Written
09 July 2016

Genre
Rap | Spoken Poetry | Literactivism

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.
I saw the piece that'll complete me.
I saw it again.
Maybe, you're confused
And I am so nervous
So how could I start my story?
When I just saw my missing piece?
I am a puzzle
And he's a puzzle piece
I am a mindful art.
A black and white one; gloomy, simple, boring.
I am contented with my life, I am not looking for more.
But then, he came.
He came to me like a thunderstorm
And I cannot do anything because I'm a mere stone.
He's a poor lost soul
And I'm willing to became his foolish map
I was hypnotized with his colorful gaze
And I fell deep.
Yes, I am.
I really am. I knew it was trouble,
He's a trouble.
But I am a willing victim, a suicidal prey
Who’s begging for more.
***! I am pathetic!
I know, those laughter's and fears are worth it.
I know that every burst of anger, every drop of tears are worth it.
I am nothing but a handicapped
When it comes to him.
He used to hug me with his fire- coated body,
It could burn my skin. I am well aware of everything.
Yet I let him.
He touched me like
He's taking the air of my lungs with him
And I know it's deadly
But I can give it all to him.
He's a parasite within my mind, heart, body and soul.
He corrupted me.
He became my skin.
My air to breathe.
I did everything so we could fit perfectly.
And that's when I realized.
I realized that he cannot love me as I love him.
He cannot sacrifice himself as I could give my life for him.
He was selfish, I am selfless.
He was composed of color, I am made of black and white.
That's when it hit me.
I am **** too late to realize! **** too late.
I was falling deep
But I am falling into an abyss of confusion,
An abyss of emptiness and sorrow in the pits of ****.
I am broken.
No, I am always broken.
I look at him blindly and I am at fault.
Maybe I am just desperate
But I am ready to be a fool for him.
I'm a willing victim, a suicidal prey.
I look at him blindly
And forgot that he's a colorful art and
I am just black and white.
I look at him blindly
And forgot that he was a walking disaster
and trouble to my life.
I look at him blindly
And forgot that he's punishing me
With his every touch.
I look at him blindly! I look at him blindly.
But, I cannot look straight at him
'Cause I already gave up… so I am letting him go.
He shattered me into pieces
And now, I'm all alone
As sadness started to grow.
I saw the piece that'll complete me.
I saw it again.
I knew how I reacted
As I saw my missing piece.
I saw it! I saw it.
But I know, someone already took it
Because it is not my puzzle to fit.
Dear Mr. Puzzle Piece,
You're the most beautiful piece that I ever had. I believe that this is not the right time for the both of us, it's toxicating so we'll always end up like this -- broken. I'm so sorry for not loving you enough to hold on, I'm not the "girlfriend type" for you and you're not even the "boyfriend type" for me but always remember that I loved you so much, it hurts. You will always be in my heart. Take Care, I'll always pray for your health and success. Till next time!
Love,
Ms. Puzzle
Next page