Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"natutulog" poems
Tanghali na at nais ko sana magsulat, Ibuhos ang lahat ng aking gustong ipagtapat, Ngunit wala, walang lumabas ni isang letra o salita, Nahihirapan na kahit hindi halata. Isang lapis at papel ang aking hawak, Ang daming bumubulabog sa aking utak, Nais ko sanang iparating sayo, Binighani mo ang puso ko. Kaso ang hirap, ang hirap hirap isulat ng aking nadarama, Na parang magiging katawatawa o masyadong madrama, Hindi ko alam kung paano pero ito ang naisip ko, Naisip kong paraan para masabi sayo. Ang pagsulat. Dahil ito ang aking bibig, Ito ang tanging paraan para mailabas ko ang aking hinanakit o pag-ibig, Nakakatawa man o ang "corny" pakinggan, Pero kahit ganoon pa man, ipagpapatuloy ko sa paraan na makakagaan. Makakagaan sa akin at sa mga taong makakabasa, Na hindi ito sinulat ng basta basta, Isang blankong papel at isang ordinaryong katulad ko, Isinusulat ang lahat ng mensahe sa paraan na alam ko. Gagabihin nanaman kaka-isip, At bibisita nanaman  ang mga talang gabi gabing sumisilip, Nakakatuwa dahil sila ang laging kausap, Habang natutulog ang mga ulap. Isang blankong papel ang aking hawak, Walang kawala sa magulo kong utak
0
Aug 9, 2016
Aug 9, 2016 at 9:44 AM UTC
BLANKONG PAPEL
Balanseng pakikibaka, Ito ang araw araw na ipinamulat sa akin Ng pang araw araw ko ding pagtira Sa mundong hindi naman timbang ang hustisya Magkabilang panig na inaasahan ng lahat Na sana'y magpantay ang timbangan Ngunit ang katotohanan? Likas nang mas mabigat ang kabila Kaysa sa nasa kabila. Lahat daw ay pantay pantay Sabi ng matandang kasabihan Ngunit para sa akin? ‘Yan ay isang malaking kalokohan Wala pa namang naging malinaw na paliwanag Sa uugod-ugod na paniniwalang iyan Nakakapagod pantayin ang mga bagay-bagay. Sa kadahilanang hindi naman pantay pantay ang layunin ng bawat nilalang Sa lipunang, Kailanma'y hindi na magiging patas Sa mundong, Kailanma'y hindi na bababa ang mga nawili na sa itaas, Sa daigdig, Na ang nasa ilalim ay lalo pang nadidiin Paano pang mag-aabot ang langit at lupa Kung mananatiling bakante ang gitna Kung ang biktima ay lalong inaakusahan At ang may sala ay patuloy na hinahangaan O lupa kong hirang, o Inang kong Bayan Tayo ba’y ang mga walang kapaguran panaginip? Hanggang kailan tayo maaaring maidlip? Tayo ba’y ang mga hindi natutulog na batis? Hanggang saan tayo padadaluyin ng mga agos ng hinagpis? Tayo ba'y ang mga sigaw Sa kwebang walang alingawngaw? Hanggang kailan tayo magtitiis Sa 'di makatarungang ''Mga Bulong ng Hapis''. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 30, 2018
Jul 30, 2018 at 5:34 AM UTC
Mga Bulong ng Hapis
1:40 am, Ganitong oras mo ‘ko sinagot Ganitong oras mo pinaramdam sa’kin na mahal mo rin ako Ganitong oras ko narinig ang mga katagang mahal kita mula sa’yong mapupulang labi Kaya naman, sa ganitong oras ko din isisiwalat kung gaano kita kamahal Matagal ko na ‘tong pinaghandaan Di ko nga tansya kung ilang letra, ilang salita o ilang talata ang nasulat ko Di ko na tansya kung ilang araw ko ‘tong kinabisado para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung ga’no nga ba kita kamahal, nung tinanong mo ‘ko Pero ngayon, ito na. Ala-una kwarenta ng umaga, ginising ako ng isang panaginip Panaginip na nagbigay init sa puso kong natutulog. Ito din yung oras kung kailan ako’y natataranta kasi nga may pasok na naman. Ito rin yung araw kung kalian kita unang nakita. Di ko alam kung tadhana nga ba, na napaniginipan kita bago kita nakilala Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiting binigay mo sa’kin nung ika’y nasa panaginip ko pa lamang Tandang-tanda ko pa… Yung mga ngiti mo Nung tinanong mo ‘ko kung kailangan ko ba ng tulong sa mga akdang-araling binigay sa’tin ng ating mga **** Tandang-tanda ko pa…. Na hirap akong makatulog kasi nga di ako makapaniwala na ang babaeng napanigipan ko’y Magiging kaklase ko Kaya naman Sinet ko na ang alarm sa 1:40 am simula nung araw na yun Araw-araw Para lamang itext ka ng goodmorning at gulat naman ako Kasi nga, nagrereply ka pa sa ganoong oras Destiny at meant for each other nga naging mantra’t mentality ko noon. Di ko nga alam kung ako ba’y nasa loob pa ng isang panaginip O ito ba’y kathang-isip na lamang Masaya ako! Hindi, Mali Sumaya ako simula noon Kaya naman ginagawa ko ang lahat ng gusto mo at pinipilit gustuhin ang mga ito Para lamang matugunan ko ‘tong pag-iisip ko na TAYO NGA’Y PARA SA ISA’T-ISA Nakakatawa kasi nga dumating yung araw na para nalang akong tangang Di ginagamit ang kokote dahil nagpakabulag na sa tinatawag nilang pag-ibig. Tangang, pinabayaan ang sarili para lamang mapasaya ka Tangang, pinaubaya ang lahat sa mga salitang “Mahal kita” Tangang, akala na ang lahat ng bagay na ginagawa mo at ginagawa ko ay Si tadhana ang may pakana Ngunit di pala, ito pala’y purong katangahan na lamang Ang akala kong nagpupuyat ka rin para lamang makareply sa text ko pagsapit ng 1:40 am Ay di pala talaga para sa’kin Ang akala kong panaginip na nagbigay init sa pusong malamig na natutulog Ay panaginip pala na sinunog ang natunaw ko nang puso dahil sa malaanghel **** boses Ang akala kong pananginip na nagbigay kulay sa buhay kong matagal nang matamlay Ay panaginip pala na sa sobrang kulay ay nagbigay kadiliman na lamang Ang akala kong perpektong panaginip Ay panaginip palang maraming butas at naging isang masakit na bangungot na lamang Mahal, sa ganitong oras mo ‘ko sinagot Sa ganitong oras mo binigkas ang mga salitang matagal ko nang inaasam-asam At sa ganitong oras mo din binigkas ang katagang “Tapos na tayo” 1:40 am Nagising ako sa isang panaginip Panaginip na purong kadiliman na lamang Panaginip kung saan ang kasiyaha’y naging purong kalungkutan na lang Mahal, sa ganitong oras ko isisiwalat ang lahat Kaya maghanda ka na, Kasi di ko tansya kung ilang salita, ilang talata o ilang araw ko tong pinaghandaan Para lamang maging perpekto sa harapan mo Di ko tansya kung gaano nga ba mo ko minahal O kung minahal mo ba talaga ako Pero ngayon, ito na…. 1:40 am Malapit nang masira ang aking tainga dahil sa pagtunog ng orasan. Ginising na ako ng katotohanang wala nang ‘TAYO’ Kaya naman ako’y Bumangon, tumayo’t binago na ang alarmang inilagay, Gising na ako, gising na gising. Masaya, masayang-masaya!! Kahit wala ng ‘TAYO’ Time Check: 1:41 am
0
Jul 7, 2016
Jul 7, 2016 at 1:32 AM UTC
1:40 am

Continue reading...
82
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

46
Umiiyak ang dilag nang walang patid Kasama ang dugo at basahan sa sahig Nais kong mabatid Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit? Binunyag ng kanyang mga mata Walang puknat na pagsisisi ni isa Hindi na alam kung ligaya ba o pighati Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat Pakiwari niya Natutulog na ang mga alon Noon siya ay nilulunod  Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis Gusto niyang isigaw sa hangin Ngayon kailangan na niyang linisin Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin Pinira-piraso Ngumiti siya na para bang payaso Isinilid niya sa sako Kahit gusto man niyang maglaho Ang amoy nitong mabaho Nanatili pa rin sa damit niya Parang bang tumitiling aso Sinuyod ang masukal na gubat Tinunton ang malalim na balon Puno na ng lumot  Doon niya inihulog Ngayon basahan ng mga kumot At ang bangkay ng ama Kasama ng kaluluwa niyang Hinalay nang walang awa -Tula VI, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 7:07 PM UTC
Tula VI
Ako si Juan Para kanino ba ang pangalang yan? Para sa taong may pinag-aralan? Para sa taong may pinaghirapan? O para rin sa mga taong nahihirapan? Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko. Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko. Ang maging di kanais-kais sa paningin At mas lalong di maging kapansin-pansin. Ako Si Juan Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao? Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko. Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito? Dahil ba marumi ang damit ko? Dahil ba nangangamoy araw ako? Dahil ba wala akong napagaralan? O dahil di na ako katangap-tangap? Ako si Juan Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako. Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy At higit sa lahat Di ko piniling mawala ang lahat. Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan. At hindi ko pinili ang maging mahiral. Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin. Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin. Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin. Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin. Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon. Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan? Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako. Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid. Pero ito ang tandaan ninyo, Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan Ako si Juan Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan. At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
0
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 11:10 PM UTC
Ako Si Juan

50
Kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali maaring ngayon ay may bukas na ngunit tila ang araw ay naging gabi at ang gabi ay ikaw ang nota ay ang paulit-ulit **** paglisan sa gitna ng tahimik na alingawngaw ng dilim nang malapit na ang araw sa madali at nang ang tiwala ay natutulog pa sa kuna umalis ka. pagkatapos ng iyong mga nagsusumamong halinghing ng mga umiiyak na “mahal kita” at ng mga bulong ng pangangailangan umalis ka. kasabay ng aking pagsuko sa iyong mga iyak at kung kailan ang pagtangis ng puso ko ay mahal na din kita umalis ka. Sa gitna ng gabi kung kailan paparating pa lang ang araw umalis ka. kung binigyan mo lang ako ng isa pang sandali at inantay mo ang umaga, sana ngayon sa akin ay may bukas na.
0
Aug 23, 2016
Aug 23, 2016 at 12:01 PM UTC
hatinggabi
032417 Tayo ang makabagong henerasyon! Tama na at bumangon na pagkat Natutulog ang Diyos at wala Siyang ginagawa. At hindi ako naniniwalang May pag-asa pa ang bayang Pilipinas. Para sa akin, Bilang isang disipolo, Bilang isang Pilipino, At bilang isang anak ng Diyos, Hindi na tayo makauusad pa. Hindi na tayo makababangon pa Ipagsigawan natin sa lahat na Isang kahangalan ang Paglingkuran ang ating Panginoon. Tumayo para sa bayan, Ipaglaban ang pamilya, Mahalin at pahalagahan ang sarili't kapwa, Mas piliin nating Umasa sa iba at hayaan ang araw lumubog nang wala tayong ginagawa Kaysa sa Magbago ng pananaw at magbagong buhay Kumilos at tayuan ang pananampalataya Pagkat ang dapat at tama nating gawin ay Lunurin ang sarili sa hapding dulot ng mundo. Talikuran na natin ang kapwa Pilipino, Ayos lang na itapon ang bawat pangarap, Hanggang dito na lang tayo, At mali na sabihin at paniwalaang, Makababangon pa tayo bilang isang lahing may iisang mithiin. Na makakaya pa nating tumayong muli. Pagkat ito ang katotohanan, Wala nang pag-asa ang bayang ito. Wag na natin linlangin ang ating mga sarili na Magkakaroon pa rin ng malaking pagbabago. Kung lahat tayo'y makikibahagi sa pagsulong, Hindi natin maitatangging Wala na tayong maiaambag pa. Wala na tayong magagawa pa at Hangal lang ang magsasabing Buhay ang ating Diyos, Tayo ay ipinag-isang bansa.
0
Mar 24, 2017
Mar 24, 2017 at 9:51 AM UTC
Generation 12 (Reversed Poetry)
Nung linggo, napadaan ako sa nbs nakita ko kasi sa facebook yung libro ni Juan Miguel sabi ko, bukas bibilhin ko to. para pag pumunta ulit ako sayo, may babasahin ako pag hinihintay kita nung lunes, binili ko. tanda ko pa kung gaano ko pinipigilan yung sarili ko na ilipat sa susunod na pahina nung sinimulan ko isip-isip ko kasi, baka sa martes o sa miyerkules pa tayo magkita baka maubusan ako ng tula di naman kasi tayo yung klase na nag-uusap sa labas ng kwarto mas mahaba pa nga ata ang tulang ito kaysa sa palitan natin ng mga salita pag hindi tayo nakahiga sa kama dumaan ang martes, miyerkules, baka may ginagawa lang huwebes kinausap kita ang sabi mo “May tao dito, pagod na din ako. Sa susunod nalang” mahal, tumango lang ako. Wala namang tayo. Ano bang karapatan ko sayo? nung biyernes, sinubukan ko ulit tinanong kita kung may ginagawa ka ba sabi mo “wala pero matutulog na ko” sinagot mo ko habang nakatayo ka sa kabilang kalsada, di mo ko nakita pero nandun ako. Nung isang linggo, mahal mo ako. Alam ko na mahal mo na ko nun. Tinanong mo ko kung mahal na kita, ngumiti nalang ako. mahal. mahal, mahal na kita. minahal kita nung unang pagsikat ng araw na nagising ako sa yakap mo minahal kita sa unang paglapat ng labi. mahal, sa tuwing natutulog ka ibinubulong ko sa labi mo na mahal na kita. mahal, dati nung ako pa ang kasama mo matulog binubulong ko sa labi mo na mahal kita.
0
Sep 17, 2016
Sep 17, 2016 at 11:25 PM UTC
ang naiwan
Tayo na lagi na lang Napag-iiwanan, Nasa hulihan Sa karahasan, katamaran Nasa'n ang katapusan Natutulog? Hindi Tayo ay gising na gising Mulat ang mga mata sa katotohanan Pero Hanggang sa kasalukuyan Nakahiga Nakabaluktot Nakahandusay Sa kamang minantsahan Ng mga patak ng dugo at luha at Dinungisan Ng mga apak ng mga dayuhan Pati na rin ng mga tao sa sarili nating bayan Kasi naman Sino bang makakatulog dito Sa lakas ng sigaw Para sa tulong at hustisiya Sa ingay ng iyak ni bunso Para sa tatay na nawalay Sa lagkit ng dumi Na bumabalot sa pulitika Sa baho ng amoy Ng nabubulok na sistema Ilang daang taon, nakahiga pa rin Namanhid na ba tayo sa tagal ng panahon? Nabulag sa yaman? Nalasing sa kapangyarihan? Nahilo sa ikot ng mundo? O nawalan ng pag-asa na lang ba tayo? Gising pero hindi pa rin nakabangon Sa bayang hindi naman mangmang, Wala lamang pakialam
0
Nov 24, 2013
Nov 24, 2013 at 10:19 AM UTC
Tanghali ka na
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira" dug dug dug Bubuksan mo ba to o hindi? Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok! Tatlong katok muli Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa. Pagkapasok agad, Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo. Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo. Patay ang hinihinalang druglord sa kanto. Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap. Isang maling pagpatay nanaman ang naganap. Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay. Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay. Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon. Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon. Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat. Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba. Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso. Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito. "Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito." Palakpak Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas? Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod. At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas. Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal. Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala. Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak. Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas? Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay. Mga kamay nakagapos Walang takas Walang lakas Pagkahimlay Walang naiwang bakas Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas. "Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?" Pinapatay sila....
0
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Makabagong Istilo

010717 (Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.) Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing. Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya. Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga   pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan. Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang. Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin. At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko. Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako. Matulog ka na, Anak. #010717 #SpokenWordsNiTatay
0
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Mahimbing na Pagsilang

11
isang musmos na lahi isang munting nasyon parang itinanim na buto itinakdang sumibol at lumago sa paglaon ng panahon nag-aabang, naghihintay puno nang sabik pero kay tagal dumating tayo ay nainip tadhana nating tagumpay kailan kaya makakamit kasi apat na raang taon hanggang ngayon lulong pa rin sa putik nangangapa, nadadapa sa dilim mga butong nanginginig sa lamig mga isla pitong libong isang daan at pito ito ang ating lupang sinilagan, tahanan ng ating lahi pero nga bahay ba ito o burol? mga pangarap na masilayan ang mga sinag ng araw at mahagkan ang malayang langit mananatili lang bang panaginip dito sa bayang natutulog o kaya namang natutulog lang kunwari tanggapin mo na lang na humikbi, humagulgol, ibuhos mo man ang iyong luha walang darating kumayod ka man at magdamag magsikap diligan mo man ang lupa ng pawis wala pa ring mangyayari kasi dugo dugo lamang na dumaloy mula sa mga palad ni Hesukristo kung ang Kanyang pag-ibig ay babaha sa lupa ng parang delubyo ito ang nag-iisang paraan ang nag-iisang sagot: dugo dugo lamang na ibinuhos ang tanging makakatubos makakaahon makakaligtas sa atin
0
Mar 22, 2015
Mar 22, 2015 at 7:46 AM UTC
dugo lamang
Ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, Mula nang ika'y aking makilala't naging kaibigan, Pero pakiramdam ko'y matagal na kitang kilala sa aking isipan. Sa bawat mensaheng naipapadala ko, Sa bawat katagang naibabahagi ko, Ay ang mga ngiting sumisilay sa mga labi mo. Napapangiti mo ako. Napapasaya mo ako. Unti-unti ay nabighani mo na ang natutulog kong puso. Nais kitang makita pero hindi pa ngayon. Nais kitang mayakap pero sa tamang panahon. Nais kitang maka-usap pero sa totoong pagkakataon.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 1:27 AM UTC
Nang Sumibol ang Pag-ibig
Patay. Nagsimula sa wala. Nagsimula sa bula. Kailan kaya kikislap Ang natutulog na kulisap? Sindi. Unti-unting nauubos ang yosi Umiikli na ang pagkahaba-habang pisi Aking tinanong nang masinsinan sa sarili "Sa pagsindi ba talaga nagsisimula ang pagsisisi?" Pundi. Ang ilaw ay biglang namatay Iyon na pala ang huli kong silay Ang mata ko'y tila parang pilay Hindi makalakad tungo sa inaagnas **** bangkay
0
Aug 10, 2014
Aug 10, 2014 at 10:29 AM UTC
Dagitab
may isang natutulog sa kalye walang sala, walang detalye walang makain, walang tirahan ngunit ikinulong tila'y makasalanan "mahirap maging mahirap" said ng mga matang nagpapaki-usap nang gayo'y makahanap ng pagkain sa pamilya'y maiharap at ang isa'y pinaiimbestigahan dahil umano sa ilegal na pamamaraan ng pagtulong sa kanyang nasasakupan kailan ba ito naging kasalanan? o, Pilipinas, ika'y binabantaan patagong tinatangay ang iyong kayamanan mga anak mo'y pinahihirapan sa kalagitnaan ng krisis, ika'y pinagsasamantalahan o, Pilipinas, naliligaw ang iyong landas ika'y inaapi, inaabuso nang marahas waring pinaglalaruan ang batas ng isang nag-aanyong taong hudas halika't iyong ipaglaban ang bansang ating sinilangan basagin na ang iyong katahimikan at h'wag hayaang manaig ang kasakiman pakinggan, dam'hin, at tignan h'wag ka munang lumiban sapagkat kailangan ang iyong katapangan sa umuusbong na digmaan
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 9:10 AM UTC
Untitled
Isa, isa lang, isa lang naman ang gusto kong makasama. Dito sa mundong pinaghalong lungkot at ligaya. Yun ay IKAW. Dalawa,  dalawang salita lang ang maibibigay ko. Maibibigay kong rason para malaman mo. Kung bakit ikaw,  ikaw ang gusto ko. Dalawang salita na binubuo ng siyam na letra, MAHAL KITA Tatlo,  tatlong salita lang naman ang ninanais ko. Salitang nais kong marinig mula sa bibig mo. Salitang habang sinasambit mo ay naguumapaw ka sa tuwa. Salitang MAHAL DIN KITA Ngunit apat,  apat na masasakit na salita. Na tila ba'y pagtibok ng puso ko'y tumigil bigla. Kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nalaman ko,  nalaman ko lang naman na MAY MAHAL KANG IBA. Lima,  limang salita ang paulit-ulit kong hinihiling. Magmula ng malaman kong may iba ka ng kapiling. Sana,  SANA IKAW AT AKO NALANG. Anim,  anim na salitang patanong ang nasa isip ko. Tanong na gumugulo sa puso't isipan ko. Tanong na gustong malaman ang kasagutan nito. ANONG BANG MERON SIYANG WALA AKO. Pito,  pitong salita ang nais kong ipaalam sayo. Pitong salita na sana'y magpabago ng isip mo. Pitong salita na handa kong gawin para sayo. MAHAL KITA AT HANDA AKONG MAGHINTAY SAYO. Walo,  walong salita na pilit kong pinanghahawakan. Walong salita na inaasahan kong matutupad,  hindi man kinabukasan. DARATING ANG PANAHON NA MAMAHALIN MO RIN AKO. Siyam,  siyam na salita na alam kong totoo. Siyam na salita na binitawan ng kaibigan ko. Siyam na salita sa na dumudurog sa puso ko tuwing naririnig ko ito. WAG KA NG UMASA, MAY MAHAL NA SIYANG IBA.   Hanggang sa sampu, sampung salita na nanggaling mismo sa bibig mo. Salitang  nagmulat sakin sa katotohanang hindi talaga magiging tayo. Salitang nagpagising sa natutulog na puso ko. Salitang ITIGIL MO NA, HINDI MAGIGING IKAW ANG TAONG MAHAL KO.
0
Sep 13, 2017
Sep 13, 2017 at 12:03 PM UTC
Sampung mga Salita

37
I. Nakilala ka dahil sa isang kaibigan, Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan. Walang araw na hindi nagkakausap, Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap. II. Nakilala pa natin ang isa't-isa. Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita, Hindi ko maalis sayo aking mga mata, Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa. III. Unang larawan na tayo'y magkasama, Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa. Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun, Dinarasal na sana parati nalang ganun. III. Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita, Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata. Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo. Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo." IV. Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit: "Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?" Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan. Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?" V. "Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin." Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo? "Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko. "Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako." VI. Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko. Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo. Alam ko namang hahantong sa ganito, Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to? VII. Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo, Hinahanap-hanap ko pa presensya mo, Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako. May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo. VIII. Ikaw ang bumuo sa mga araw ko, Pero ikaw rin pala ang wawasak nito. Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban, Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
0
May 10, 2016
May 10, 2016 at 10:14 PM UTC
Pa-Fall

45
051022 At sumapit na nga araw ng paghuhusga Kung saan hindi na pulso ng taumbayan Ang ating sisiyasatin Kundi ang puso ng bawat Pilipinong Sumasambit ng “Mahal ko ang Pilipinas.” Sabi ng iilan, “Mahirap raw mahalin ang Pilipinas” Iniisip ko nga paminsan, Sapat na nga ba ang pagiging makabayan? Sapat ba? Ang panunumpa ng bawat Juan sa watawat Na ayaw sana nating dungisan Ngunit tayu-tayo rin ang nagwawasto Sa paningin nating madayang pagpili Ng lipunang ating ilang beses nang sinumpaan. Kung hindi ako naniniwala sa Poong Maykapal, Ay baka hindi ko rin maititikom ang talas ng aking dila At walang himpil ding tatalak na walang pinipiling katauhan Buhat sa makamandag na bugso ng aking damdamin. At marahil ay sasabihin ko na lamang Na ito ay isang paraan ng pagtindig para sa saking Bansa Na may demokratikong pamamalakad. Ngunit sa kabilang banda’y Binabaling ko na lamang ang paghuhusga Sa tunay ngang nasa tronong Hindi na kailangang luklukin pa. At naniniwala pa rin akong Ang pag-asa ay hindi natin maaaring itaya Sa sarili nating mga palad Na kalauna’y mapupuno rin ng mga kalyo’t Babalik din lamang sa alikabok. Ano pa nga ba ang ating ipinaglalaban? Sino nga ba ang tunay nating kalaban? At para kanino nga ba tayo naninindigan? Baka sa kasisigaw nati’y Hindi lamang boses ang mawala sa atin, Maaring nakawin din ang ating mga lakas at oras Na sana’y ibinabaling natin Sa pagpapalaganap ng natatanging katotohanang Buhay ang ating Panginoong Hesus At ang magandang balita’y Nakadikit sa kanyang Ngalan. Sinasabi kasi nating naghihinagpis ang ating mga kababayan Kaya tayo na lamang ang magsisilbing mga boses para sa kanila. Minsan nga'y nananatili na tayong hangal Pagkat sa sariling dunong, doon lamang tayo nakaangkla. Ngunit hanggang kailan ba matatapos Ang sinasabi nating pakikibaka para sa mga nasa laylayan? At ano nga ba ang dulo ng bawat hiningang napapagal na? Sana hindi tayo tumigil sa paraang alam lamang natin, Sana mahanap natin ang ating mga sariling Nananatiling may pananampalataya Sa Diyos na Syang may lalang sa sanlibutan. Sana wag na tayong mag-alinlangan pang lumukso Sa kung saan nga ba tayo pinasusuong ng Maykapal At sana mahanap natin ang halaga natin Sa presensya Nyang kayang pumuno ng bawat kakulangan. At dito na rin ako pansamantalang magtatapos — Pilipinas, gumising nang may pag-asa Pagkat hindi natutulog ang ating Diyos! Pilipinas, mahal kita at mas mamahalin pa At patuloy kitang ipaglalaban Hindi gamit ang mga armas Na syang panukso't patibong ng mundo, Titindig ako sa kadahilanang hindi lamang ako isang Pilipino — Titindig ako para kay Hesus na aking pinaniniwalaan! Salamat Ama, Sa'yo pa rin ang aming Bayan.
0
May 11, 2022
May 11, 2022 at 12:27 AM UTC
Pilipinas, Mahal Pa Rin Kita

68
ang kaakit-akit **** bating- pangwakas ang siyang wagas na nagdala ng madamdaming mga katanungan mula sa iyong puso patungo sa iyong kasintahan, gamit ang ibabaw ng mga matikas na alon... walang pasubali na ipinahayag mo ang iyong pangmatagalang paglalarawan sa marami, bagaman ang mundo ng magkabilang dako ay pansamatalang natutulog na ... ang kagandahan niyon ay mananatiling gising pa rin. Dahil siya ang natatangi **** daigdig at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig! At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag habang heto si Ako...mananatili ring tapat at gaya niya na di nakakalimot sa akin! Kaya naman sa iyo aking mahal, Malayo ka man sa akin ngayon, lagi pa rin namang merong "tayo" Maulap man ang papawirin Ating babagtasin ang araw at sinag nito hanggang sa isang kabilogan na lang ng buwan ang aking pananabikan at bibilangin ko! Sa pagsapit niyon matamis na katahimikan ang siya nating mabubuo! tanging sa ating pagniniig nang may buong kasabikan ang mga himig na maririnig! mula sa simula hanggang sa ang wakas ay magsilbing hudyat na sa langit nating inaasam ay magigisnan ang malakidlat na tilamsik ng ating pagsusuyuan Di-kapara ng naunang magsing-irog mula sa bukana ng talon ay nahulog at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog! patutunayan nating Hindi tayo ang tipong mauuwi sa TaLiwaS dahil sa katunayan nga mahal ko sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT labo na nananahan sa pagitan ng tukso at ng bahay na inaakala nilang panghabang-buhay na tahanan!
0
Oct 23, 2020
Oct 23, 2020 at 9:08 AM UTC
' SiwaLaT '

55
Nagtatanong ako kung bakit di ko mailarawan Lahat ng naglalaro sa'king isipan Na kailangan pa umaano bigyan ng isang kwadro Sa inyong mga tamad na isipan At trabaho ko pang sa inyo'y isubo ang matigas na katotohanan Na para saaki'y isang malaking katangahan At ginagamit lamang ng maraming nais magpasikat upang tumaba ang kapalaluan sa kani-kanilang tiyan At kumain ng papuri na siyang lalamunin pang kape lang at pambili ng tinta ng bolpen o ng papel man 'yan At ano pa ang sining kung wala ka nang mapiga sa utak **** kinain ng uod ang laman Lumuluha ka ng dugo para sila'y mamangha; mga burgis na magpopondo sa iyong katha Na ano? Kasabay mo lang rin pumasok sa pamantasan bilang dukha Pero ibang iba na mga mukhang inalisan na ng pasakit ng pag-iisip Kung ano na ang para kinabukasan o kung meron pa nga namang daratnang liwanag O kung bukas ay ang kadiliman naman Saan ka pupulutin lintik kang di naging gahaman na piniling 'wag magpakayaman sa mumunti **** naisin na pagnanasa ng 'yong katawan? Pinili **** sundin ang tawag ng 'yong laman, ang tawag ng uhaw na kalooban Ano nga ba ang silbi ng pagpapakain sa kanila ng iyong isipan kung maari namang ito'y bigyan mo ng isang kasangkapan o kaya ito'y laktawan Ng kahit anong katanungan at pagpagin ang natutulog nilang kulot na taba mula sa pang-aalipin ng katamaran?
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:05 AM UTC
Kwadro
"Life is either a daring adventure or nothing at all" - Helen Keller May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 9:23 PM UTC
Ngayon ang panahon nang pagbabangon
100521 Humihikab na naman ang kalawakan, Natutulog ang mga bituing Patay-sindi kung magparamdam. At ang bagong-gising na buwan ay sumisigaw Na parang mga pinag-samasamang alikabok At syang isinaboy sa garapon ng buhay. Kusang nagtutuklapan ang mga nakahilerang pader Na pinino na parang mga buhangin sa dalampasigan. Habang paisa-isang nagbabato ng galit Ang mitikolosong likido na tumataboy Sa mga ekstranghero ng sanlibutan. Nagsisimula na ring gumapang ang pananim Na ang binhi'y hiningahan ng kariktan. At sa malalambot na mga ulap Ay magtatapat ito ng kanyang paghanga. Hinahawi na parang mga bagong pitas na rosas sa hardin Ang bawat bungang muling ihahasik sa pagsapit ng dilim. At sa ikalawang pagbangon ng binhing pinagmulan ng lahat Ay masasaksihan ng bawat nilalang Ang sinasabi nitong liwanag na bubulag sa lahat.
0
Oct 4, 2021
Oct 4, 2021 at 11:58 PM UTC
Binhi
Hinahanap kita, Kaibigan . . . Tinatawagan kita, Kapatid . . . Sabay tayong nanghiram ng aklat, sa Aklatan ng Pag-asa, Kaya’t sakdal-pait nang nabalitaan ko ang talaan ng buhay mo’y binawi na Pilit pinapawi Ng paroo’t paritong mga alon at ihip ng hangin Ang mga impit naming pahatid Na iniukit Ng mga palihim na hikbi Sa tila natutulog na buhanginan Sa dalampasigan Ng ‘yong puso. Namamahinga ka na ba aming Kasama? Hindi mawawala ang iyong pangalan sa harap ng pinid na pintuan Ng kani-kanina lang Ay dambana Ng iyong tila hindi nangangalay na panulat At tabernakulo Ng namimitig na mga binti Ng nagtalumpating tinig. Namamahinga ka na kapatid. Ngunit hindi mapipipi ang batingaw Na kahapon, ngayon at bukas ay magtatawag Ng mga kapanalig, Pagmamahal sa kapwa, sa bayan, sa kalikasan, sa daigdig. Sumisilip na ang araw. Mamamaalam na ang mga tala. Patuloy na nagliliwanag ang bituing Ikaw, oo, ikaw, maningning. Hihimlay kang tahimik sa puntod at bantayog ng mga hindi namin malilimutang Paninindigan. Pahayag. Panawagan. Paala-ala. dahil sa isip at puso namin, isang Bayani ka at maraming salamat na ikaw ay nakilala at aming nakasama.
0
Mar 3, 2019
Mar 3, 2019 at 11:34 PM UTC
Hinahanap Kita, Kapatid
Natutulog pero ikaw pa rin ang nasa panaginip Nagtatrabaho pero bigla kang sisingit sa isip Magkalayo ng ilang saglit pero parang kay tagal nang naghihintay Hindi ka lang magtext o tumawag feeling ko ang tagal mo nang nawalay Kahit wala ka sa tabi ko Kahit iba ang ginagawa at pinagtutunan ng pansin ko Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko? Laging ikaw. Walang iba, kundi ikaw.
0
May 9, 2016
May 9, 2016 at 6:15 AM UTC
Laging ikaw