Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
lmbf Aug 2018
Dear me,
Your whole life is out there. It's just waiting for you.

Even though your life is still short, you've done so much with the time you've been given. Can't you see? You've written endless poems about friendship and love. You've lived in many places too. Even though it did affect you a little bit, you still did your best to make lasting friendships, despite knowing that you might only have a short time to spend together. Others might have just kept to themselves if they were in your place. And though you got hurt at times, your heart never became angry towards the world. The way I see it, that's the attitude of some of the strongest among us.

That's why you shouldn't be hurt if sometimes you don't get the things - or the people - you love the most. It only means, they weren't right for you...yet. What will be given instead, in time, is not what is right but rather what is best for you. Just trust in it.

You are stronger than you think.

Yours,
lmbf

-

Originally written in Tagalog.

Nandiyan po ang buong buhay mo. Hinihintay ka niya lang.

Kahit maigsi pa ang buhay mo, nakagawa ka na ng marami sa oras na binigyan ka ng ating Diyos. Di mo ba nakikita? Nagsulat ka ng maraming poems tungkol sa pagkaraon ng kaibigan at sa pagmamahal. Nabuhay ka sa maraming lugar. At kahit ikaw ay naapektuhan ng kaunti, pinilit mo pang magkaraon ng kaibigan, kahit alam mo na baka maigsi lang ang oras na kasama mo sila. Magtatago na lang ang mga ibang bata kung palaging ganyan ang sitwasyon nila, katulad sa'yo. At kahit minsan sinasaktan ka, hindi kailanman naging galit ang puso mo tungkol sa mundo. Sa tingin ko, yan mismo ay ang ugali katulad sa mga mas matapang sa ating lahat.

Kaya, huwag kang maging malungkot kung minsan hindi mo nakukuha ang mga bagay - o ang mga tao - na mahal mo ng sobra. Ibig sabihin, hindi pa sila bagay para sa'yo. Ang ibibigay na lang ay hindi yung mga bagay, pero yung tamang tama para sa'yo. Tiwala lang.

Ikaw ay mas malakas kaysa sa tingin mo.
Summer Freewrite Sessions 2018 // A letter to myself. i realize now how much of my work is centered around sad topics and felt I needed to remind myself of a few things.
katryna Jul 2018
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.

                 Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
                 Para madaling magdahilan.
                 Pero kapag puso ang tumawag,
                 Kalinga ang nangailangan
                 Pag unawa ang nais maging hantungan.

Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.

                                     Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
                                          Madalas mangamusta.
                                              Madalas­ magsabing magpataba ka.
      
                 Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
                 Kahit kailangan na.

                                          Marahil ito nga.

Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.

                                        Marahil ito nga,

Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.

Ang mga tinago kong munting ala-ala
In loving memory of Mr. Wally Nocon, I know you know how much I miss you. Sana :) Nakakarating naman ung mga message ko diba?, sipag nga po ng messenger ko eh :)
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
Pinili kong maging pusong bato
At hindi pansisinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
At
Ayaw ko na non.
Kaya araw araw akong magiging bato
Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko
Sa pagising sa umaga
excited pa akong pumasok
kasi ikaw ang makikita ko
kuntento sa sandali
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko
Ang gusto ay ang tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita
Parang madilim na kwarto
na ikaw lang
Ang tanging ilaw na bukas
Sa sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.
susubok akong magsalita pero lalayo kana
tinatawag ka ng kaibigan mo
kasi ang isang oras ay tapos na.
“SANDALI” sabi ng prof.
muling napinta ang ngiti sa labi
dahil sa huling sandali
sumulyap muli sayo.
   Patapos na ang sandali
At tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang hinihiling ko,
Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano,
Pero sa oras na yon unang lumabas
ng silid ang propesor.
dahil tapos na ang sandali
Tapos na.
Ang isang oras.
Nymeriari Jan 25
malamig sa isang silid
may kasamang pighati, saya at lungkot
sa bawat paghinga,
ramdam ang pagbagsak ng luha.

magkakahiwalay na tayo
sakit na tila kinukurot ang puso
sakit na walang ibang lunas,
kundi ang pagsasamahan nating nabuo.

sinulat ko ang tulang ito
para kahit ako'y lilisan na
maaari ko pang balikan lahat.
lahat ng alaala at samahan,

mga alaala na hindi ko makakalimutan,
katulad ng...
habang tayo'y naghihintay ng ticket
habang tayo'y nagbabasa ng email thread
habang tayo'y nakaupo sa isang silid

nagkukwentuhan,
nagtititigan,
nagmamasid,
naglalaro ng moba,
nanonood ng youtube,
nakahawak sa mga selpon.

na tila bigla bigla tayong natinag
sa mga boss na dumadaan
na kahit sa dami natin sa area
nagawa parin tayong turuan
at pag tiyagaan nila sir at ma'am.

napaka-lungkot lang isipin,
na ang ating samahan,
sa kathang-isip na lamang.

alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot
lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula
lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan
lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan

pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat
yung puno ng tao sa isang silid.
puno ng tunog at salita 
puno ng biruan at tawanan
pero ramdam **** maiiyak ka
ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka

sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang 
kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman
nakakapagod mag-isip.

pero alam naman natin
ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga 
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang
ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama

ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan
Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya

ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa
ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam

iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran
kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa

yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan
isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan
alam ko, napapagod rin kayo
sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay
sa mundong malawak.

pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao,
na nakikita ko mula sa inyo.
ngiting kay gaan sa pakiramdam,
na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti.

Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti.
Na nakakapawi ng pighati,
Salamat,
Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
#TSG #OJTdays
Patawad.
Sa mga salitang sinabi ko,
mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko
mga salitang hindi sigurado ng puso ko

sinabi kong magiging malakas ako,
sinabi kong ayos na ko,
pero hindi ako ganun kalakas
di ako ganun ka ayos
at nalaman ko,
nalaman ko na,
hindi pala naghihilom ang sugat ko

Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo
nagpupuno ng pagkukulang ko,
Sino ako?
Sino ako para humarang sa kasiyahan mo.
Hindi ako hahadlang sayo.
Alam kong kabaliwan ito,
sana pagkatiwalaan mo
kung ito ang dapat
akoy maglalaho.

Kung tama na ang nararamdaman,
gawin mo ang yong gusto
Dahil hindi ko isisi sayo
na ang pinili mo ay hindi ako

Mahal masakit pa
Pero kung meron ng ibang nagpapasaya
pinupunan nag pagkukulang ko ng iba
Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ?
Kung ito man ang aking nadarama,
hindi mo na ito problema
dahil kung meron ng ibang nagpapasaya
Hindi ako papagitna.

Kung may pagkakataong may magtanong
kung sino ka.
sasagutin ko.
Dating Kakilala.
lorainne Aug 2018
malamig na simoy ng hangin
may kasamang pighati at lungkot
sa bawat paghinga,
ramdam ang pagbagsak ng luha.

isa, dalawa, tatlo, iniwan mo ako
sakit na tila kinukurot ang puso,
sakit na walang ibang lunas
kundi ikaw.

sinulat ko ang tulang ito
para kahit ika’y umalis na
maaari ko pang mabalikan lahat.
asan na nga ba ako?

ako’y naguguluhan, nalilito,
ikaw ba’y nandito pa? o ikaw ay
nananatiling ilusyon na lamang?
asan ako?

ako yata ay naliligaw,
sumisigaw, humihingi ng tulong,
iligtas ako sa aking nararamdaman,
iligtas at sana’y ibalik sa’yo.
damdaming walang makahihigit pa. pagmamahal, masaya, ngunit lumulungkot. mainit, ngunit pag tumagal ay nanlalamig.
Ron Peter Dec 2018
ito ay isang liham na isinulat ng buong tapat
para sayo at para sakin

maaring pag lipas ng panahon
ay makalimutan ko ito
at maaring mag laho
ang liham na ito ng tuluyan

nakalaan ang liham na ito
sa taong mag tatago ng ating mga alaala habang
siya ay nabubuhay

simula ng makilala kita
ay naakit ako sa maaaring
maging sanhi at bunga nito

sa simula, inakala ko ang katuparan ng aking mga pangarap ang bunga

hindi nag tagal naisip ko ang paulit ulit natin pag uusap ay siyang bunga nito

pagkatapos non'

naniwala ako na ang simula ng aking bagong buhay sa ibang mundo ang bunga

ngayon ko lang napag alaman kung ano ang tunay na bunga

kung ang sanhi ay
ang pagkakaroon
ng lihim na pag mamahal sayo,
ang bunga ay ang pagka-wala ng lahat sa buhay ko

ang kinabukasan ko,
ang panuntunan ko,
ang mga taong malapit sa buhay ko,
at maging ikaw

hindi ko natitiyak ang mga mangyayari mula ngayon

tuluyan na ba natin makakalimutan ang bawat isa?

kung magpapatuloy ang mga alaala at habang buhay na
pag durusa

isa lamang ang hihilingin ko

ang manatili ka sa puso at isip ko

dahil katumbas ng walang hangang nararamdamang sakit ang mapag kaitan ng mga alaala mo

at para sayo kung sakaling mabasa mo ang liham kong ito

isa lamang ang dalangin ko,
nawa'y hindi mo na malaman na ito ay para sa iyo.
Athollo Mar 18
Para sayo.

Sa paulit-ulit na pagkadapa mula sa mga lubak sa dinaraanan,
Sa pagkalugmok mula sa mga kabiguan at kamalian,
Sa hindi pagkatuto sa kabila ng kabiguan,
Sa walang katapusang katangahan,
Sa mga salitang hindi maipasok sa isipan at gawaing hindi mabigyan ng katuparan,

Okay lang.

Hindi sa mga pagkakamaling ito nakabase ang iyong pagkatao.
Higit ka sa mga salitang magmumula sa ibang tao.
Ikaw ay tao lamang — napapagod, nagkakamali, natututo.

Hinga. Huminga ka lang.
Kung sa pakiramdam mo’y hindi mo na kaya— huminga ka.
Mahirap man ngayon, ngunit nagawa **** bumangon.
Ang mga pinagdaanan mo noon,
ngayo’y magsisilbing inspirasyon,
para bukas ika’y lumaban.

Hindi ngayon ang oras para ika’y panghinaan,
Alalahanin ang mga pangarap na nais makamtan.
Mapapagod pero hindi Susuko.
Magpapahinga lang, hindi susuko.

Humahanga ako sa’yo at sa puso mo.
Matatag ka, malakas ka, hindi mo lang nakikita.
Wag kang mabahala,
Alam kong hindi ka kahiya-hiya.


                                                  ­   Lubos na naniniwala at nagtitiwala,
                                                    ­                                                        Ako.
HYA Jan 16
Pssst! Hi, miss. Ang ganda ng suot mo ngayon a?
Tama na yata ang pagtimpla mo ng koloreto sa iyong mukha
Pssst! Miss, dito ka lang. Marami akong maibibigay
At kasama na doon ang kaligayahan na walang humpay

Oy, miss! Saan ba ang ***** mo?
Maaari mo naman ako sakyan--- ang sasakyan ko
Oy, miss! Ako'y iyong pakinggan
Bakit? Sawa ka na bang gawing laruan?

Sapagkat habang minamasdan ko ang iyong mga mata
Unti-unti nang nawawala ang sansinukob ng mga tala
Nag-umpisa na ring mamatay ang mga bulaklak
Kasabay ng unti-unting paglalaho ng iyong halakhak

Miss, magkano ba ang kapalit ng isang oras mo?
Sumagot ka, lalaki ako at hindi ako nagpapatalo
Ang ikli pala ng saya mo, miss, grabe nakikita ko na
Ang hindi ko dapat nakita sa aking paghinga

Kung maaari sana ay itapon mo na ang iyong antipas
Kinulayan mo pa ang nabubulok na bahag-haring umaatras
Kahit sa katunayan ay kumukupas na ang totoo **** kulay
At tila'y pinalitan ng isang anyo na nananamlay

Oy, miss! Kaunting ngiti naman diyan, sige na
Ipakita mo sa akin kung gaano kahaba ang iyong dila
Mukha naman din yatang magaling ka sa mga palabas
Kung mabibili kita, miss, sa kwarto ay hindi ka na makakalabas

Teka, bakit hindi nalang natin simulan? Maghubad ka na
Tanggalin mo na sa iyong katawan ang mga makukulay na tela
Unahin mo ang mga pambaba at pagtapos ay ang pang-itaas
Ngayon, mag-uumpisa na akong gamitin ka nang hindi patas

Simulan natin sa iyong mukha
Tanggalin na natin ang magulong koloreteng sumabay sa luha
Lalo na itong pulang kulay na dinikit mo sa iyong labi
Na para bang gusto **** maghagkan sa kanto dito sa tabi

Pagkatapos ay ang iyong alahas na hindi naman kumikinang
Na tila ba ay binili mo sa mangmang sa gumagapang
Mga ganito lang naman pala ang kaya **** bilhin
Magkano ka ba? Ang babayaran mo sa mga diyan ay ating hatiin

Dito naman tayo sa damit na iyong isinusuot
Ipakita mo sa akin sa iyong mga peklat na kumukulubot
Ang isa bang ito ay ang nakuha mo noong ginahasa ka?
Tama ako, ano? Hindi? Talaga? E bakit lumuluha ka?

Huli, sa iyong mga sapatos
Para sa paa mo palang malaki na ang iyong gastos
Saan ka na ba dinala ng iyong paa sa paglalakad?
Naabot mo ba ang ibang bansa habang ika'y kinakaladkad?

Baka nakalimutan **** nawawala na ang katarungan
Sa iyong katawan, sa iyong utak at pagkakakilanlan
Miss, tanong ko'y kaya mo pa bang maging matapang
Habang ginagapang sa kalsadang sangalang-alang?

"Miss, ang ganda mo ngayon."
"Miss, ang ganda ng hubog ng iyong katawan."
"Miss, parang masarap ka naman."

Miss, miss! Tumingin ka sa akin.
Ito na ang huling pagkakataong ika'y tatanugin
Miss, magkano ka ba talaga?
Ang limang oras, makakaya mo ba?
sad to say, this is still currently happening

know your worth, ladies
JezrellCanz Jan 12
Ang iyong ngiting  napakaganda
Parang kislap perlas sa Luneta
At wala ng ibang mahalaga
Basta, at ikaw ay maalala

Ang iyong ngiting ubod ng tamis
Ang puso ko'y handang magtitiis
Ang saya ilalim sa kamatis
Sana pakinggan, aking ninais

Ako ay walang kahalagahan
Ninais ko lang ika'y titigan
Ilalim sa nagbabagang buwan
Na makita ang iyong larawan
aL Nov 2018
Kulang ang mahabang gabi
Para sa pagidlip ng isipang puno ng pagkalito
Kahit naman makatulog ay
Sa paggising utak pa rin ay pagod
Dala-dala maging sa panibagong araw
Ang mga gumagambalang pighati
Utak siguro ay puno ng bagabag
Napakasikip na ng kokote, problema pa ay padagdag
Tila ang mga pangarap ay tuluyan nang lumisan
Init ng aking damdamin tuluyang lumigamgam
Pag-asa ay naiwan sa mga kahapon
Wala na bang ibang mararating?
Sa mga kalyeng nalakaran na
Ipagpapatuloy pa rin ang paglaboy
Mas makabubuti pa sigurong makatulog
Baka sa panaginip lahat ito ay maglalaho
Antok sa mundo, ako po ay dapuan mo
no rhymes
no
no
raquezha Feb 9
Ika
Daé mapûngaw,
Daé mapûngot.

Árog kan urán
na makusóg an parós..
Árog kan kitkilat
na makusog an tanóg.
Árog kan bagyó
na tatákoton an kalág mo.

Mapundo man yan.

Núarín ka huríng
naghiling sa salming
asin nahiling an sadíri
na maogmá?

Mapundo man yan
Daé mo na kaipuhan
hanapon an simbag
sa ibang lugar

an kasimbágan na
hinahanap mo yáon na.

Hiling ka sa salming
asin sabihon mo sa sadíri
Nahanap mo na an simbag.

Padángaton an sadíri
Árog kan pagpadángat mo
sa ibá.
Krysel Anson Sep 2018
I.
Time passes, another
batch of refugees and migrants. Cities turn into
new houses of gambling and vicious cycles.
Some say only machines can speak clearly
and most humans have lost what they have earned
throughout all this time, just right on schedule.

To own our language,
and the relationships it sets into motion,
we learn painfully, repeatedly like sunrise
and sunsets.
Claiming our own spaces and demons
hidden in our conveniences and reflex routines,
and learning the tricks that has kept peoples
from fully healing from broken promises
and betrayals throughout time.

We own up to our language and its demons
every day and night that we toss and turn
into something feasible, edible, livable.


II.
Iba ibang uri ng digma.
duguang kasaysayang binabaong buhay
binubura ang lakas at memorya tulad ng siyudad
ng Songdo sa South Korea na ang ibig sabihin
ay "city with no memory".

Ito din ang isa sa mga modelo para sa New Clark City
na tinatayo sa Luzon. Sa dalawahang mga pamamaraan
ng mga naghahari-harian, nakikibaka ang anakpawis,
nakikibaka ang kamalayan ng pagpapasya at pagwasto
sa mga pagkakamali, na paulit-ulit na sinusubukang
patayin sa iba ibang mukha.

Mula pa sa panahon ng mga lolo at lola noong 1940s
hanggang ngayon, patuloy ang mga pag-eexperimento nila at paggamit ng panlilinlang  at dahas, sa ngalan ng kalusugan, edukasyon at batas, upang ipain ang buhay sarili, lasunin ang lupang kinakain ang sarili. Kung hindi tayo mag-aaral at mag-iingat din, tayo mismo ang papatay sa mga sinisimulan. #
English translation to follow. Work in progress.
Mahal
Salamat, salamat sa mga araw
na nakasama kita
Salamat sa mga araw
na naramdaman kong ako'y mahalaga

Salamat sa mga araw
na ako'y iyong napasaya
Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon
na makilala ka

Mahal
Alam kong hindi ako,
yung taong makapag-wawasto sa'yo.
Alam kong hindi sapat,
ang mga bagay na nagawa ko

Alam kong kailanman,
hindi magkakaroon ng tayo
Alam kong mali ako,
masyado akong umasa sa mga salita mo

Mahal
Patawad kung umabot na sa
puntong napagod na 'ko
Patawad kung hindi ko na tinuloy
ang paglaban at bumitaw na 'ko

Patawad kung masyado akong
naging mapaghangad sa pagmamahal mo.
Patawad kung ika'y laging
mali sa paningin ko.

Mahal
Sana lagi **** tatandaan,
kung paano kita minahal.
Sana lagi **** ingatan ang
'yong sarili, san man magpunta

Sana sa mga panahong wala ako,
ika'y maliwanagan na.
Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo,
iyong pahalagahan na.

Mahal
Huwag kang mag-alala,
kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama
Lagi ko parin ipagdarasal
na sana ika'y maging masaya.

Hindi ka pa man humihingi ng patawad,
napatawad na kita
Sa lahat ng aking pagsisikap
na iyong binalewala.

Mahal
Wala akong ibang hihilingin
sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan
Wala akong ibang hahangarin
kundi ika'y matauhan na

Mahal na mahal kita,
higit pa sa sobra.
Mahal na mahal kita,
pero siguro tama na.
kingjay Dec 2018
Mapupulang mga labi, nakakasilaw niyang ngiti
Sa mapupungay na mata, panahon sana'y bumimbin, mapipigilan
Ngayon ay magkalapit
Mala- porselana niyang kutis,
sa pantasiya lang binibini, gagawa ng pamagat

Sa palasyo, mahal na prinsesa
ang pag-uusapan ay ang mga hilig at libangan para magsaya umabot sa buwan
Doon ang imumungkahing kasal
Pahabaan ang oras ng pagtanda o mamalagi sa kasaysayan

Natandaan pa noong nasulyapan
Naging matiyaga na pinagmasdan
ang kaaya-ayang katangian
Hinintay sa bawat araw upang muli makita
Nalapnos na ang higaan pero buo pa ang pagkaalala ng kanyang mukha

Bughaw na kaharian ay itinayo sa kaitaasan
Kumalat ng karangyaan
Sa lawiswis ng kawayan
Sa mga bunga ng iba't ibang halaman

Bumaba sa trono ang espera
Ito'y hindi nagustuhan
Ang naganap ay parang katwiran na lumubog at di nasabi
Saglit na nabaghan, sa huli'y nangisay
Alessandra Faye Nov 2018
Sa isang parihabang kwaderno
Nasilayan ko ang iba't ibang kulay ng panulat
Mula sa malayo, hawak hawak niya ang pluma
Umaasang may malalathalang kakaiba

Sa kaniyang utak na blanko't walang kusa
Nais lang naman ng kaniyang puso ang malaman
Kung mayroon pa nga bang siyang pag-asa
Pag-asang makalikha ng bagong yugto at makatakas sa kulungan

Mistula bang napakaraming emosyon ang nanaig
Onti-onti niyang nabubuksan ang kaniyang mga matang tago sa realidad
Sinulat niya ang unang saknong ng kaniyang tula at isinaad,

"Sana'y matagal na akong namulat sa katotohanang panaginip lamang ang makasama ka magpakailanman."

Bawat kulay na aking nasilayan mula sa kwaderno'y nabubura
Ang lalaking manunulat ay sumisigla
Napagtanto niya na kinakailangan niyang magparaya
Magparaya upang siyang patuloy nang lumigaya
kingjay Dec 2018
Ang panggagaway ay sinukat na plano
Nadinig ang umanas na demonyo
Marahil di itinadhana
Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim

Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto
Sila'y maging alipin
Lumagablab ang raya
Naupod parang sigaro ang katinuan
Walang sumansala sa hangad

Lumapit na  ang liyag
Tulala habang bumalisbis ang luha
Dinukot ang puso niya't nilunok
Mamamatay kung hindi maaangkin

Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa
para tumahi ng isang hiraya
Sapagkat di maipahayag nang harap harapan
kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta

Pinalipad gaya ng saranggola
Ang guryon ay mahigpit na tinalian
Sa kalaunan, napugto ang sinulid
Nakalaya sa pagkabigkis
HYA Nov 2018
Habang ako ay naglakad-lakad sa iskinita,
Nakakita ako ng isang marikit na lumuluha
Ang perpektong mukha ay hindi maipinta
Ang mga mata ay palihim na nagmamakaawa

At sino ba naman ako upang tanggihan
Ang hiling ng isang dalagang luhaan?
Dahan-dahan, siya ay aking nilapitan
At tinanong kung ano ang kailangan

"Gusto ko ng sorbetes," saad ng maganda
Ang sagot ay hindi inasahan kaya ako'y napatawa
Tumango ako at inalay ang aking kanang kamay
Kung tutuusin, hindi lamang iyan ang dapat ibigay

Kinabukasan, sinimulan ko ang aking paglalakbay
Susungkitin ko ang buwan at mga bituin nang sabay
Itatali ko sila na para bang mga lobong malalaki
Siguradong maipapakita ng mga ito ang kanyang ngiti

Sa gitna ng aking biyahe, natanaw ko ang hindi gawi
Ang plano sa pagsungkit ay kanilang nasaksi sa dagli
Sila ay buong tapang kong nilabanan para sa marikit
Hanggang sa aking mga kamay, ang mga bituin ay dumikit

Ang buwan nalang ang kailangan at ako ay babalik na
Ang aking mga isinungkit ay para sa likom ng kanyang mata
Buong kalawakan kung saan ang mga planeta'y sumasayaw
Iba't ibang kulay kung saan sa bahag-hari ay humahataw

Sa hindi inakala, dumayo ang buwan at nagpabihag
Ayon sa kanya'y tutulong siya upang magbigay liwanag
Sa kaluluwa ng dalagang labis ang tulo ng mga luha
Dagdag pa niya'y sa marikit, hindi na dapat ako mabahala

Kaya itinali ko na sila na para bang mga lobong malalaki
Sa pagtanggap ng mga ito, sana'y hindi siya mag-atubili
Sapagkat handa akong sungkitin ang lahat lahat
Kung ang saya niya ang kapalit, lahat ay sulit at sapat

Binalikan ko ang eskinita kung saan ko siya unang nahagilap
Ang espasyo kung saan ako dinala ng araw at ng ulap
Nandoon pa rin siya subalit hindi na umiiyak
Nang suriin ko ang kanyang mukha, siya ay nagagalak

Ako ay tumakbo nang mabilis at tinawag si marikit
Ang lobong buwan at bituin ay hindi magkasiya sa sikip
"Marikit, narito na ang pasalubong ko sa'yo; ang buwan at tala.
Sila ang gagabay sa iyo kapag naubusan ka na ng bala."

Lumayo ang kanyang tingin at yumuko nang kaunti
Ang mga kanyang mga salita ay nagbigay ng pighati,
"Ginoo, hindi ko tatanggapin ang iyong mga handog
sapagkat isang maginaw na sorbetes lamang ang gusto kong alindog."
Minsan, kahit ginawa mo na lahat, kapag hindi para sa iyo, hindi para sa iyo.

hindi gawi - alien
---
I'M BACK!

I suffered from a writer's block for months. Months, pipol, months. Ugh. I never thought I'll be back with writing again. Thank my friend, Danielle for giving me an inspiratioooon. Gah, I'm so happy.

I'm learning to write narratives sooo I hope you liked it and sorry if it's disappointing tho. I'm trying, swear.
kingjay Dec 2018
Sa sulating papel,
ilang letra ang nailimbag
para lantaran maipahayag na ang pagdarahop sa alpabeto ay ang masamang salagimsim na pasanin

Mapait ang sasapitin sa guhit ng palad
Makulimlim na hudyat ng kaharian
Sa malas na katalagahan
Ang pangawan na nag-alingayngay
Nagtitiis nang pagkahimay-himay

Mahabang kadena na nakakabit
Sa dantaon na nagnobena sa templo
Ang naisaulo lang sa gilid ay ang iba't-ibang kapintasan
na nagkadikit-dikit at nagtatanikala

Natumba sa kaskaho ang nanlambot na tuhod
Ito'y naging karanasan ng pilay
Ginamit ang tungkod ng katatagan
nang maayos na kumandirit sa daan

Karamdamang na di maibsan
Ang pagtitimpi ay sadyang kahinaan
Tila'y sakitin na sisiw nagtatampisaw sa baha na sa inahin nakahanap ng pagkalinga
Judiel Flores Aug 2018
Yung pagmamahal ko sayo,
Upos nalang ng sigarilyo
Hindi konti, hindi na buo
Hindi na buo, hindi konti
Kundi ubos na, ubos na ubos na...

Sa umpisa masaya pa,
May kilig pa,
May thrill pa,
Exciting pa.

Tinanggap ko yung lahat ng bisyo mo,
Sa pag-inom at paninigarilyo
Minsan nga sabay pa tayo
Inaabot ng umaga sa inuman sa bahay ng barkada.

Lumabas tayong dalawa,
Bumuga ka ng usok galing sa sigarilyo
Samantalang ako, bumuga ng malalim na hinga
Kahit ayaw ko sa amoy pipilitin kong gustuhin ito para sayo.

Para sayo,
Dahil kahit kailan
Hinding hindi magiging hadlang ang bisyo lang
Sa pagmamahal ko sayo.

Pero dumating na ang pinaka-kinakatakutan ko
Ang mawala na ang pagmamahal mo
Dahil nakahanap ka
Ng babaeng masasamahan ka hindi lang hanggang umaga kundi pati sa kama.

Dumating yung araw na nakita ko
Nakita mismo ng dalawang mata ko,
Na kasama mo yung babaeng naririnig ko lang noon na sinasabi sakin ng ibang tao
Maganda siya pero hindi ko pa rin tanggap

Nagtatanong ako sa sarili ko
Bakit kailangan pa ako?
Bakit kailangan habang tayo?
Bakit hindi ka nalang nakipaghiwalay sakin ng diretso?

Mas masakit pala talaga pag ginagago ka ng may kayo
Kaysa sa ikaw lang at ako.
Meron na palang ikaw at siya.

Siguro hindi pa tamang panahon
Hindi ka talaga siguro para sakin
Hindi talaga siguro tayo para sa mundo
Baka nga nagkamali talaga ako.

At ngayon masasabi ko,
Wala na talaga akong pagmamahal para sayo
Hindi na buo, hindi konti
Hindi konti, hindi na buo
Upos nalang ng sigarilyo.
kingjay Dec 2018
Ang haplos ay malamig
di man naninigas
nanatili walang kibo
Sa paghagok ay naninibago
-walang malay parang nag-iidlip

Isigaw ang pangalan ng mga santo, patron at lalo na  ng Diyos
-magbigay pugay
Ang pulso muna ay hanapin mula ulo hanggang binti

Ginto at pilak, walang katumbas
Ang hinirang na anak Niya'y di kinalimutan
Parirala ng buhay ay papintig-pintig
sa ibang dimensyon na ng daigdig

Tuldukan ang kasulatan sa Libro ng mga Buhay
Sapagkat buhat-buhat ang maputlang kamay
Sa kuko matatanto habang nakaratay
Nagiginawan pati ang laman na nasa hukay

Libu-libong ektarya ang pagpapasyalan
Maraming kakaibiganin maging sinuman
Nakikipagkapalagayan ng loob ang lahat-nagpapatawad
Pagbubuklodin ng pagsinta

Nililok ang estatwa sa dibdib ay namalagi
Paalalang ipirmi, di iwaksi
Samut-saring emosyon ng dilim ang ginamit sa pag-ukit
Walang umagang gumising nang may bulaklak sa dibdib, tipong makulay at umaalingasaw ang bango. Ibang bulaklak ang nais, tipong puti at binulungan na ng mga panalangin na para sa akin at sa akin lang.
4/1/19
AgerMCab Jan 2
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda
Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda
Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana
Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala

Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat
Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat
Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula
Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta

Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko
Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo
Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo
Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo

Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong
Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong
Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong
Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong

Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako
Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo
Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko
Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako

Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko
Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko
Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi
Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi

Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin
Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin
Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas
Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas?

Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari
Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari?
Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas
Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas

Darating ang panahon, tayo'y magwawalay
Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay
Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin
Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin

Ganap ang dusang nasa akin
Dahil ikaw ang aking hangin
Ang aking araw, aking langit
Aking tala at buwan sa dilim

Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo
Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo
Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito
Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto?

Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari
Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari
Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak
Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak

Pakinggan na lamang sana ang aking pangako
Kasal-kasalang pauso ay aking inako
Wala man tayong mga saksi
Basbas ng simbahan o pari

Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay
Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay
Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita
Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata

Akoy gagawa ng altar na aking sarili
Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi
Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay
Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay

At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay
Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay
Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan
Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
#tagalogpoetry #tagalogpoem #tulangfilipino
kingjay Jan 3
Binagtas ang rumaragasang ilog
Tubig sa leeg ay lampas
Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan
kahit nagsitaasan na parang alon
-makupad nang umahon

Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba
Doon nagpasyang humimpil
Di muna bumalik ng tahanan
dahil ang sidhi ay di masupil,
ang sakit ay di matigil

Sa kapanlawan ay tumambad sa isip
ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel
Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam
di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan

Paano kung sisimulan sa katapusan
Masaliwa ang lahat na nagdaan
Kung makukuha ang pintuho ng paraluman
na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan
ay doon lamang magkaroon ng tiwasay

Bago ang kulam
Gustong isiwalat ang talambuhay
para lalo watasan
Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang
kung sino ang ihuhukom sa hangganan
Dark Mar 24
Mahal, tanda mo pa ba yung pangako ko,
Yung pangako ko na mananatili ako sa tabi mo,
Mahal, sinabi ko sayo na aalis lang ako pag sinabi mo,
Kaya kong manatili sa piling mo kahit na nasasaktan na ako.

Kahit na alam kong pampalipas oras mo lang ako nanatili parin ako,
Tanga na kung tanga pakielam ko,
Eh mahal kita,
Kahit na alam kong wala na akong pag- asa,
Kahit na alam ko na may mahal ka ng iba
Nandito pa rin ako sa tabi mo at may ngiti sa labi ko,

Hindi ko malaman kung saan ako nagkulang,
O sadyang di mo lang makita yung halaga ko,
Masakit man isipin na gwapo siya,
May makinis na mukha
Nakakahiya nga pag pinagtabi kami,
Isang tingin sakanya tao talaga,
Ako? Abnormal tingan walang wala kumpara sa kanya.

At ito pa ang mas masakit pag lagi mo siyang kwento,
Para kayong bumubuo ng mundo,
Kung saan lahat ay perpekto,
Ikaw at siya hindi nga maipagkakaila na perpekto nga,

Alam mo ba na ang saya ko noong hawak ko ang iyong kamay,
Para ako ay nasa ulap dahil sa lambot ng iyong kamay,
Ang bilis ng tibok ng puso ko para na nga akong mamatay,
Nakakahiya pa nga eh pasmado yung kamay ko,
Mas lalo akong natuwa nung di mo inagaw ang mga kamay mo na kayakap sakin,

Pero sabi nga nila lahat ng saya ay pandalian at kalakip nito ay sakit,
Simula noong nadaan natin siya,
Ang mga kamay natin na magkayakap,
Ay unti-unting nag hihiwalay ang pagkakayakap,
Feeling ko nga rebound mo ako,
Alam ko na walang tayo,
Pero base sa mga pinapakita mo ay meron talagang ikaw at ako,

Nag hahawak kamay,
Nag yayakapan,
Nag aaylabyuhan,
Kulang na nga lang maghalikan eh,
Pero lahat yun diko alam kung pangkaibigan lang o ibang level na,
Akala ko nga may pag asa ako eh,
May pag asang magkaroon ng titulong ikaw at ako,
Mga akala na magiging masaya tayo,
Ayan nanaman ako sa mga akala ko,
Puro akala akala akala pero sa huli di nmn nag katotoo,

Mahal kita,mahal kita,mahal kita yan ang paulit ulit kong gustong sabihin sayo,
Syempre sasagutin mo rin ako na mahal kita,
Ang saya saya pag lagi mo sinasabi na mahal mo rin ako,
Pero napapaisip ako kung galing ba sa puso mo ang mga salitang binitawan mo,
O napipilitan ka lang sabihin yon,

Dahil advance ako mag-isip uunahan na kita,
Mahal pasensya ka na ha,
Kung hindi ko na matutupad yung mga pangako ko,
Pangako na malapit na mapako,
Hindi ko sinabi na diko matutupad,
Pero parang papunta na,

Sana wag mo kong hayaan umalis,
Baka makita mo na lang ako nasa piling na ng iba,
Pero sabagay pano mo nga pala ako makikita kung ang mga mata mo'y laging nakatuon sa kanya,
kha Feb 23
6th of december, 2018.

“Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana.” Madalas kong naririnig ‘yan, palagay ko’y ikaw rin. Pero kung iisipin, napakarami nating mga taong natatagpuan na nakatakda ring umalis. Ang ilan ay babalik, ang ilan ay maglalaho na lang. Hindi ko alam kung saan ka riyan nabibilang. Walang pakiramdaman, walang pakialamanan, walang pakundangang naghahanap ng mga bagay para pilit kang makalimutan. Gigising ako nang nakangiti, masaya, at ang nasa isip ay
“kakalimutan na kita,” ngunit kahit kailan ay hindi ‘yan nagkatotoo. Ang pag-asang makaahon sa ‘yo ay palabo nang palabo. Sa bawat gabing nagdaan, napapatanong ako kung saan na naman ako nagkamali. Saan na naman ako nagkulang? Saan na naman ako kinapos? O baka naman sumobra? Paikot-ikot ang mga mata sa lugar kung saan tayo huling nagkita. Saan mo ako iniwan? Pareho tayo ng pinupuntahan, pero hindi ko na alam kung paano pa babalik. Hindi kita mahagilap; ang tanging palatandaan ko para makabalik ay hindi ko na mahagilap. Dahil naglaho ka sa isang iglap. Hindi ko na alam kung paano pa babalik. Dahil hindi pa kita nakikita.

Ilang eskinita lang naman ang pagitan nating dalawa. Nariyan ang mga tricycle para mahatid akong muli sa bahay ko. Nariyan ang mga dyip na pupwede kong masakyan para lang mapalayo sa ‘yo. Tayo’y palaging nasa ilalim ng parehong langit, aalis at uuwi sa iisang lugar ngunit hindi man lang kita makamit. Pareho ng sinasakyan, pareho ng mga dinadaanan. Iisa lang naman ang mga pinupuntahan natin, ngunit ang araw-araw kong biyahe ay naging ikaw na ang destinasyon. Nagbabakasakali lang naman akong baka matupad mo ang aking imahinasyong hindi ko na batid pa ang limitasyon. Sa bawat pag-alis ko ay nananalanging magkita tayo sa lalong madaling panahon.

Ngunit hindi ko pa rin alam kung paano babalik. Alam ko ang ruta, alam ko ang sasakyan. Ngunit ako mismo ang nagpupumigil. Dahil hindi mo ako tinutulak palayo. Hindi pa man tayo nagkikita, mas gugustuhin ko nang hilain mo ako paalis sa kung saan mo ako iniwan. O baka ang presensya mo lang ang hiling kong masilayan, para tuluyan na akong makalakad paalis sa piling mo. Hindi ko naman mapapantayan ang babaeng nagdala sa ‘yo sa tahanan mo— ni hindi ko nga alam kung paano umuwi sa dapat kong uwian. At sa bawat biyaheng sinusulong ko, hindi ko man lang naisip na baka mali ang daan na tinatahak ko. Iba pala ang langit na pinagmamasdan mo sa umaga, kahit ang mga bituing nais **** titigan sa gabi. Iba pala ang sinasakyan **** dyip sa bawat pag-uwi. Iba pala ang eskinitang napapadparan mo. Iba pala ang langit na sinisigawan mo ng pangalan niyang kaakibat na ng apilyedo mo. Iba pala ang inuuwian mo.

Pasensya na, tanga ang kasama mo. Mali, hindi mo pala ako “kasama” dahil kahit kailan ay hindi ka naman sumama. Hinayaan ko ang sariling maligaw sa mga mata mo. Hinayaan kong mawala ang isip sa mga salita **** nadadala ako sa ibang dimensyon ng mundo. Hinayaan kong magwala ang pusong binuhay mo— na bibitawan mo lang din pala, dahil masyado itong magulo. Ngayon lang ako nakalabas at hindi na muli pang magtatago, ngunit niligaw mo ako. Pasensya na, gagapangin ko pa ang sarili ko palayo sa ‘yo.

Hindi ko maintindihan kung paanong ako’y napadpad sa ‘yo kung hindi ko pa nasisilayan ang mga mata **** mapanlinlang, na kung saan ay nagpahatak pa rin ako— delikado, at muntik pa akong mabaldado. Huwag na sanang pahintulutan ng mundo na pagtagpuin pa tayo, dahil kung sakali ay baka hindi na ako umalis. At baka samahan pa kita kahit saan ka man papunta, kahit sa piling niya pa. At lalong hindi tayo isang halimbawa ng “Pinagtagpo ngunit hindi itinadhana”. Inaantay ko pa lang ang matagpuan kita, upang makaalis na ako.
m.r.
kingjay Jan 12
At dagli na hinalikan
Ang namamalirong mga labi niya'y sabik sa unang karanasan
Ang sagot ay ang ginoong unang nagpatibok sa kanya ang unang hinalikan
Ngunit huli na ang lahat
Magpapakasal na sa ibang lakan

Sapagkat ang pamilya'y pinagkasunduan
Simula pa ng pagkabata, naipakilala na ang nakatadhanang nobyo
na mag-aangkin ng kanyang puso
Hambog na binata'y sa kanya ang sasal ng kasayahan sa mundo

Gaya ng karamihan ay nanligaw din ang pasikatero
bago nakuha ang minimithi
Sadyang mailap ang pagmamahalan ng mababang uri
Ngayon iba na sa kanya ang nagmamay-ari

Nang nagkaisang dibdib na'y nawalan ng pag-asa
Kahit masilip sa tuwi-tuwina
at maibulong ang pintuho sa reyna
Bukang-liwayway sa akalang nag-uumaga
Takipsilim palang naduhagi sa bawat araw at sa susunod pa

Ang hinihingi'y ay ang pag-amin
Sa kanya na ang desisyon
Mag-iiba sana ang kapalaran
sapagkat matimyas ang kanyang pag-irog
Kayang iwanan ang karangyaan kapalit ng pag-ibig
Sy Lilang Sep 2018
Bayani --
Sa tuwing nagtatapo ang aking kanang kamay at ang aking dibdib
Doon ko mas naisasaisip at naisasapuso ang pagiging isang Pilipino
Na hindi ako isang banyagang titirik sa malaparaisong lupain
At panandaliang mabibihagni sa mga likas na yaman
O mismong sa mga modernong Maria Clara
O mga aktibisang nagmistulang mga bayani
Sa kanilang walang pag-imbot
Sa pagsulong nang may paninindigan
Sa kani-kanilang ideolohiya.

Sa araw-araw kong pagbibilad sa araw
At pagharap sa bawat pagsubok na minsang nakapapatid at nakapagpapatalisod,
Ni minsa'y hindi ko pinangarap na gawaran ng mga salitang "bayani."

Dito sa aking Bayang, "Perlas ng Silanganan,"
Ako'y nahubog maging sanay at buo ang loob
Hindi ng mga kahapong idinaan na sa hukay
At nagsilbing bihag ng kasaysayan at rebolusyon,
Bagkus ng sariling karanasang
Nagbukas sa aking ulirat
Na may iba pa palang pintuan patungo sa kahapon.
At pupwede ko palang matuklasan
Na hindi lamang sa mga nag-alay ng buhay sa sariling bayan
Maihahambing ang katuturan ng mahiwagang salita.

Paano nga ba na sa bawat pagsilang ng araw at pagbukod ng mga ulap sa kanya
Ay maituturing ko ang sarili bilang isang bayani?
Nagigising ako na pinamumunuan hindi lamang ng isang pangulo
Kundi ng mga katauhan na siya ring nagbibigay kabuluhan sa pagrespeto ko sa aking sarili
At sa tuwing nag-aalay ako ng mga hakbang at padyak sa pampublikong mga lugar
Ay nahahaluan ang aking pagkatao ng mga abo ng mga nagtapos na sa serbisyo
At tila ba sa kaloob-looban ko ay may sumisigaw na hindi ko alam kung ano
At sumisira sa mga pintuang minsan ko nang sinubukang sipain
Ngunit hindi naman ako pinagbuksan.

Masasabi kong natuto akong hindi sumuko sa laban ng aking buhay
Pagkat ako rin pala'y may pinaglalaban
Hindi ko ninais na maging talunan sa bawat paglisan ng araw sa kabundukang minsan ko na ring inakyat at pinagmasdan
Akala ko hanggang doon na lamang ako
Na ang buhay ko'y hindi isang nobelang magiging mukha sa salapi
At pagkakaguluhan saan man sila magdako
Ngunit minsa'y limot na ang halaga.

Dito sa aking istorya'y hindi ko maipagmamalaking ako ay isang bayani --
Ngunit sa kabila ng paglaganap ng demokrasya
Ay nais ko pa ring makasalamuha ang kahigpitan ng hustiya
Nang sa gayo'y masilaya't malasap ko ring mahalaga pa rin sa lahat
Ang pagbuwis ng mga buhay --
Silang mga pinagbunyi o silang nilimot ng sarili nilang mga kababayan.

Gusto kong manatili bilang isang Pilipinong may dangal sa aking pagkatao
Na ako'y titingala hindi dahil ako'y nagmamataas
Bagkus sagisag at bunga ito ng paghilom sa akin ng may Likha
At isang grasya ang buhay na hindi ko nanaising itapon sa wala.

Hindi ako magbibigay-pugay sa watawat na walang kamuang-muang
Na ang aking laban ay tapos na.
Hindi ako magpapadaig sa lipunang maaaring bumagsak sa kahit anong pagkakataon
Kapag ito'y nakalimot sa Ngalang higit na tanyag sa kanya.
At kung ito ang magiging dahilan para ako'y maliko sa ibang ideolohiya'y
Lilisanin ko na lamang ang aking pagkatao --
Ngunit ako'y madiing magpapatuloy sa aking lakaring higit pa sa pagka-Pilipino
Kahit na ang mga tungkuling nasa harap ko'y hindi pa lubos na malinaw
Pero pangako --
Hindi ako titigil.

Oo, pupuwede akong magsimula sa wala
Pero ako ay may mararating
At marahil bukas o sa makalawa,
Kung tayo lamang ay magpapatuloy sa pakikibaka para sa ating mga paniniwala'y
Magiging higit pa tayo sa mga bayani.
At hindi mahalaga kung tayo'y limutin ng bukas
Gaya ng paghawi ng masidhing hangin sa mga ulap na emosyonal.

Ayos lang --
Pagkat sa likod ng mga kurtina nang walang humpay na palakpakan
Ay naroon ang tunay na mga bayani
Na hindi sigaw at mga pagbubunyi ang mithiin.
Hindi ginto’t mga pilak ang maibubulsa sa kamatayan
Bagkus ang makapaglingkod sa bayan na may bukal na puso't malinis na konsensya
At kalakip nito ang higit pa sa mga pamanang medalya ng kasaysayan.

Sa muling pagkikita, salubong ng ating mga ninuno
Ay mabubuksan ang ating pagkatao sa isang paraisong patay na ang kabayanihan.
Doon, sama-sama nating lilisanin ang ganid na administrasyon
At hihipuin ang galit ng lambing ng Liwanag na higit pa sa milyong mga lampara
At doon lamang natin lubos na maaakap ang pagiging isang "bayani."
Ilang araw na ang nakakalipas
na sa tuwing gumigising ako
Pinipilit kong kurutin ang sarili
sa braso, kamay, tagiliran, pisngi
Minsan pa nga akong nagpasampal
para lang magising sa isang ala-alang
kay tagal nang sumasakal
sa aking puso't-isipan
Wala na
Wala ka na pala talaga

Pilit kong inaalala ang mga katagang
binitawan mo noong gabi na yon
Pilit tinatanggap ang mga dahilan
kung bakit mo mas piniling lumisan
Paulit-ulit kong naririnig sa gitna ng kawalan
ang mga pangako ****,
'hindi kita iiwan, hindi ako gagaya sa kanila
iintindihin ko ang lahat ng problema,
pipiliin kita kahit lahat ay malabo na"
Paulit-ulit kong naalala ang
mga minutong kay higpit pa ng hawak mo sa aking kamay
mga oras na halos hindi ako makahinga sa gitna ng mga bisig mo
mga sandaling kay tamis pa ng mga salitang
'mahal kita'

Ang lahat
Ay magiging ala-ala na lang
Ala-alang magsisilbing leksyon
na hindi sa lahat ng pagkakataon
ay dapat kang sumugal
Dahil
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi naman sigurado sayo
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi handang harapin ang lahat ng pagsubok
na ibibigay ng mundo kasama mo
Mahirap sumugal sa isang taong
hindi naniniwala na siya ay para sayo
Mahirap sumugal

Dahil
Kahit anong laban mo para sa inyong dalawa
wala siyang ibang gagawin kundi ang bitawan ka
dahil ang puso niya
ay hindi kagaya ng iyo
na naniniwalang kaya niyong lumaban hanggang dulo
japheth Aug 2018
Minsan mapapaisip ka na lang
kung ikaw ba ay nagkulang
o siya yung di lumaban.

Mapapaisip ka na lang
kung tama bang ikaw ang nahihirapan,
patuloy na lumalaban,
gulo’y subok na iniwasan,
upang di lang siya masaktan.

Mapapaisip ka na lang
kung kaya ka ba iniwan
kasi kahit gaano mo ipaglaban
— na lahat ng problema niya ikaw na pumapasan
umuuwi ka paring luhaan.

Tama ba na tratuhin ka ng ganito?
na parang laruan na pag sawa na sa iba,
ikaw naman ang gusto?

Tama ba na maramdaman mo
ang sakit na nasa iyong puso
kasi pinili mo siya
kahit alam ng utak mo
na di siya nakakatulong sayo?

Tama ba na sa dinami dami ng taong
araw araw na kumakausap sa’yo,
dito ka pa nahulog
sa taong di ka naman isasalo?

Ang dami kong sinasabi sa ibang tao
na maraming gago sa mundo
na di dapat sila papaloko.
Pero sa dulo din pala,
ako yung magmamahal ng tulad mo.

Pasalamat ka,
ako na yung nagparaya
siguro kasi di ko na rin kaya
lalo na’t nakita kitang may kasamang iba.

Tinago mo pa,
sinabi **** kaibigan mo lang siya
ngunit ang totoo pala,
pag di tayo magkasama
tumatakbo ka pabalik sa kanya.

Di na rin siguro ako magtataka
kung bakit mas pinili mo siya
baka dahil ang puso nyo’y nagtugma
o mas magaling lang siya sa kama.

Bakit nga ba ako nagpakatanga?
Nadaan mo nga lang ba ako sa iyong matatamis na salita,
mga pangakong di ko alam kung matutupad ba
o sadyang uhaw lang ako sa pagmamahal
kaya nung nakita mo ako’t nagpapakahangal
nasabi **** “pwede na ‘to, di rin naman ako tatagal.”  

Sinabi ng mga magulang ko
na lahat ng tao pinanganak ng may puso
na kailangan mo lang intindihin at mahalin
dahil sa dulo, pagmamahal niya’y iyong aanihin.

Pero akalain mo yun,
may mga tao palang tulad mo
na di mo alam kung wala ba siyang puso
o ipinaglihi sa demonyo.

Nakakatawa ka,
na lahat ng dugo, pawis, pati narin oras
sayo ko lahat nawaldas
buti sana kung nababalik mo ’to
pero wala, ginawa mo akong uto uto.

Isa kang patunay
na may mga taong
na kahit lahat ng pagmamahal sayo ay ibigay
nag hahanap ka parin sa iba
ng wala kang kamalay malay.

Ngayon,
tapos na ako.
Di ko kailangan ang isang tulad mo.

Sa lahat ng gago sa mundo,
ikaw pa ang pinili ko,
ikaw pa ang minahal ko,
ikaw pa ang pinagubusan ko ng oras ng ganito,
ikaw pa ang sumira sa’king utak at puso.

Pero salamat din sa’yo
dahil kung hindi sa pang-gagago mo
hindi ko mapapansin na ang pagmamahal di ko lang makukuha sa’yo
hindi ko mapapansin na marami rin palang masasama sa mundo
na ang gusto lamang ay makitang mawasak ang sarili ko.

Andami kong natutunan
di lang tungkol sa mga tulad mo
kundi pati na rin sa sarili ko:
na kaya ko palang magmahal ng ganito
na kaya ko palang lumaban ng husto
na kaya ko palang ibigay ang lahat pati narin aking puso.

Ngayong,
mag isa na ulit ako,
mas masaya na ako.

Kaya sa susunod na darating sa buhay ko,
tandaan mo
nagmahal ako ng gago
kaya ayusin mo ang buhay mo
kung ayaw **** sulatan kita ng ganito.
it’s basically means “To All The Douchbags In The World”

first spoken word piece i’ve ever attempted to write and will record soon

to all the filipinos out there, hope you enjoy it.
to everyone else, a translation will come out soon, let’s just pray my anxiety won’t get the best of me.
Elmo Cross Dec 2018
Maraming tao ang nagtatanong
Bakit hindi ako nagsasawa sa kanya
Andaming taong nagtatanong
Ano bang meron at gustong gusto ko siya

Simula nung una ko siyang makita
Naramdaman ko na siya na
Siya na ang bubuo sa mundong kulang
Kulang ng kanyang ganda at kabaitan

Ganda niya ay bukod tangi
Tingin niya ay nakasasabik
Wala akong ibang gustong makita
Kundi ang kanyang matamis na mga mata

Hindi ko rin talaga alam
Kung bakit gustong gusto ko siya
Kung sa tutuusin
Ay marami naman ang mas maganda sa kanya

Siguro ito na nga ang pag-ibig
Hindi nakatingin sa panlabas na anyo
Ngunit tapat at desidido
Sa taong gustong **** maging kalaguyo
Minsan ako ay nagugulat sa aking pagiging tapat sa kanya. Kung tutuusin ay matagal na dapat akong nagkaroon ng ibang gusto dito sa unibersidad pero hinde. Mahal ko siya at patuloy akong iibig sa kanya hanggat sa mawalan na talaga ako ng pag-asa.

— The End —