Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
khartlopez Mar 26
Ala-alang nagdaan kay sarap balikan
Lalo na't kung ikaw ang nilalaman
Ngunit ngayon ako'y nasasaktan
Pagkat wala ka na kahit sa ala-ala
Ala-ala na ating iningatan
Ngunit ako ngayo'y kinalimutan
Ano ba ang kasalanan?
Nang pusong ikaw lang ang mahal
Panahong lumipas
Na tila di makaalpas
Sa mga ala-alang
Tanging ikaw ang nagwakas
katryna Jul 2018
May mga lugar tayo na mahirap sa atin ang balikan
Minsan malayo,
Minsan maulan,
Madalas walang oras.
Pero kailangan natin puntahan.

                 Ilan lang yan sa mga rason na mas gusto ko nalang isipin
                 Para madaling magdahilan.
                 Pero kapag puso ang tumawag,
                 Kalinga ang nangailangan
                 Pag unawa ang nais maging hantungan.

Iniisip ko,
Ano ba ang dahilan bakit mahirap balikan.
Binabalik ako sa katotohanang,
Wala na.

                                     Wala na ang tao sakin na madalas maghanap.
                                          Madalas mangamusta.
                                              Madalas­ magsabing magpataba ka.
      
                 Ang kahit kelan hindi ako tinuring na iba,
                 Kahit kailangan na.

                                          Marahil ito nga.

Dinadala ako sa ibang direksyon,
Sa ibang tahanan,
Sa tahananang walang ibang tao.
Sa tahanang hindi ko na maririnig ang tinig mo.
Hindi ko na mahahawakan ang malambot at mapagkalinga **** braso.
Wala na ang biro, tawa at masigla **** tinig na nagpapaingay ng paligid.

                                        Marahil ito nga,

Bumubungad sakin ang isang kahon ng alala
Na sa pag ihip na lang ng hangin ko maradarama.
At sa ganda na lang ng paglubog ng araw ko na lang makikita.

Ang mga tinago kong munting ala-ala
In loving memory of Mr. Wally Nocon, I know you know how much I miss you. Sana :) Nakakarating naman ung mga message ko diba?, sipag nga po ng messenger ko eh :)
Azumi Rabulan Jul 2018
Tanging alaala na lamang
ang mayroon sa isipan.
Sa tuwina'y namamanglaw,
paulit-ulit nalang ito binabalikan.
Sa mga mata niya
naapuhap ang saya
na pansamantala
at ang lungkot
na magpawalang hanggang nadarama.
gumising ang araw
na walang sinag
at puro dilim lang ang naaaninag.
Hinanap ng mga ibon
ang huni ng isang binata
na hanggang ngayon ay nawawala.
Asan na ba ang sinisinta?
nakahanap na ba ng iba?
Mapaniil na tadhana,
sa pagmamahal ay umasa.
Suntok sa buwan
ang aking mga kahilingan,
na ika'y bumalik saking tabi.
Tanging alaala na lamang
ang mayroon ako
at magpakailanman
babaunin ko ito.
HYA Jun 2018
Maraming araw na nagdaan
simula noong pilit kitang kinalimutan,
ang litratong nanatili sa aking isipan
ay... ikaw

Ang nakakaakit na mata,
ngiting nakakasala,
titig na nakakaluha

Sa kahit saan ako magpunta,
ang sagot sa aking tanong
ay ikaw

Tinakbuhan ko ang katotohanan
na ikaw ay nabubuhay sa mundong ito
Gusto kong mawala sa isipan na
ikaw ay humihinga

Subalit kapag natatanaw ko ang tubig,
naalala kita.
Ang daloy ng oras na nagsasaad na hindi
na pwedeng panghawakan ang noon
pa ay binitawan

Ang tubig sa baso ngayon
Ay hindi na ang parehong tubig
na kanina pa itinapon

At kahit sa kagustuhan kong makalimutan ka,
Kapag aking naiisip na nakakalimutan ka,
mas nagiging mahirap para sa aking ang
hindi ka maalala

Binitawan ko ang tingin sa katubigan
At ang mga mata ay itinuon sa kawalan
Mga bituin sa kalangitan ang pinagmamasdan
Kumikinang.

Kagaya ng paligid kapag ikaw ay natatanaw
Lumiliwanag ang iyong mismong pagkatao
sa aking harapan
Kagaya rin ng iyong mga mata
Na may tinatagong salita

Mga lihim na nakabaon sa pinakamailalim na
Parte ng iyong kaluluwa at muli,
ikaw.
- no need to read -
BLABLEBLIBLOBLU
First day of class na naman. As usual, awkward. And as usual, sana magkaisa kaming lahat bago pa man matapos 'tong school year na to.
F I G H T I N G!
Keithlyne Feb 2018
Inaalala ang araw na tila yata dapat kalimutan at ibaon sa lupa.
Inaalala ang araw na akala'y umpisa ng kasiyahan ngunit naging simula at  sanhi ng pag pagkabigo ng pusong hanggang ngayon ka'y hirap buuin.

kakalimutan hindi dahil puno ng pait ang araw na iyon,
kungdi dahil ikaw mismo ang nag  bigay walang silbi sa isang araw na tumibok ulit ang pusong takot magmahal.


Kakalimutan ang bawat alaalang magpapaalala sa isamg araw na nagsimula at natapos ang paniniwala ng isang tulad ko sa pagibig.
Ikaw parin.
Kaede Jan 2018
Naaalala mo ba
Sa twing umuulan
Minsan mo akong pinayungan
At hinatid sa sakayan?

Naaalala mo ba
Sa twing mag aalas singko
Minsan mo rin akong nilibre
At pinakain sa McDo?

Naaalala mo ba
Sa twing pupunta ka sa opisina
Andon ako, nag aantay
Habang tumutugtog ng gitara?

Naaalala mo ba
Ang mga ngiting aking ipinipinta
Sa aking labi sa twing
Ikay nakikita?

Tanong ko lang
Naaalala mo kaya ako?
Dahil ni minsan
Di ka pa kasi umaalis sa isip ko.
Maggie Aug 2017
Isang buntong hininga
Kapalit ng libo-libong alaala
Na dala ng mga kanta
Na dati'y inalay niya sayo, sinta
"Traded music for hearts"
HYA Jul 2017
Noong una, ika'y napakalambing
Walang salita sa iyo ang maihahambing
Ating pag-uusap ay hindi natatapos
Hanggang sa aking boses ay makapos

Ngayon, parang ako'y kinakalimutan na
Hindi ko nga alam kung may tayo pa ba
Ngunit para sa'yo, magtitiis ako
Magtitiis ako hanggang ako'y malumpo

Gusto kong bumalik ang dating ikaw
Yung lalaking hindi nabubusog sa isaw
Yung mga araw na kung saan ika'y dumidikit
sa akin na para bang nang-aakit

'Wag kang mag-alala, magtitiis ako
Kung pwede lang sana, aking paa'y ipapako
Magtitiis ako, huwag kang mag-alala
'Wag mo lang sasabihin na ayaw mo na
Magtitiis ka rin ba katulad niya?
-The continuation (reply, rather) of this poem is entitled 'Magtitiis Pa Rin Ba?'  
I hope you enjoyed~
Idiosyncrasy Aug 2016
Huminga ulit ako nang malalim
Pinipigilan kong pumatak ang aking mga luha
Binasa ko ang mga tulang sinulat ko noon
Binasa ko ang mga tulang nag-iwan ng bakas sa akin.

Wala na, pumatak na ang unang luha
Di ko na maalalang sinulatan kita
At na sa bawat salita ay naiisip ka
Nalimot ko na ang masasaya.

Pumatak ang pangalawa
At tuloy tuloy na ang pagbagsak ng tubig mula sa aking mata
Hindi dahil sa puro sakit at lungkot ang naiwan sa akin
Kundi dahil hindi ko maalalang minahal kita.

At habang binabasa ko ang mga linyang tumutugma
Nagugulo ang isip ko sa mga salitang naisulat pala
Masakit na wala na akong mabalikan
Wala akong alaala at hindi na mauulit ang nakaraan.

Mahirap ang makalimot
Ngunit alam kong mahirap pa ang malimutan
Mahirap ang...
Bakit ko ba sinusulat ito?
Parang nakalimutan ko na ring magsulat.
Elle Manabat Jan 2016
Iyak.
Iyak ng isang kobrang nakadikit sa dingding na kaya kong patahanin unti-unti sa bawat pihit.
Sa bawat patak ng luha nitong humahalik sa aking noo na dahan-dahang dumadausdos papunta sa aking mga pisngi.
Sa aking mga pisnging halos magkapasa na sa madalas **** pagpapaligo rito ng mga kurot.
Ang iyong mga kurot na siya namang nagpapahiwatig na hinding hindi ka magsasawa sa pagmumukhang ito.

Noon.
Hindi na ngayon.

Patuloy ang paggapang ng mga patak na maligamgam papunta sa aking mga labi na hindi pinalagpas ang pagkakataong ipaalala sa akin na
ang mga labi ito ay minsan nang nabigyan ng pagkakataong iwika ang kung ano mang hindi kayang maipahiwatig nang sapat ng aking mga haplos.
Ang mga labi kong minsan nang natikman ang tamis ng iyong gayuma.
Ni hindi pinatawad ang lasa ng tsisburger o ng kung ano man ang iyong kinain sa araw na iyon.

Ang mga patak na ngayo’y lumalakad na nang tahimik sa kahabaan ng aking leeg na siyang nagdurugtong ng aking ulo na kumukulong sa aking utak sa aking dibdib na naglalaman ng aking puso.
Ang puso kong bumulong nang paulit-ulit na para bang sirang plaka at nagsabing may pag-asa pa. Ang kumulit sa akin na maniwala sa tibay ng ating pagmamahalan.
Ang aking utak na nagsabing wala itong patutunguhan na tila’y totoo sapagkat ang ating mga kamay ay hindi makapagkokomunika nang mahabang panahon at may posibilidad pang hindi na muling magkatampo kahit pa ang mga ito’y kulu-kulubot na.
Ang karibal ng aking puso na aking pinakinggan.

Sayang.

Para bang ako ang paboritong manika ng kapalaran. Ang kanyang manikang paulitulit na pinaiikot sa isang tugtog na di ko kayang sabayan. Siya na tuwang-tuwa na makita akong naghihikahos sa pagbugbog ng bawat pagsubok.

Awat na.

Pihit.
Ayoko nang maalala pa ang pait na ipinapaalala ng bawat patak.

Pihit pa.
Tila'y isang patak na lamang ang ibubuga. Ang bawat halik ng tubig sa baldosadong sahig na lumilikha ng malungkot na tunog na “tik… tik… tik…”

Isang pihit nalang.
Isang pihit nalang at titigil na ang tila duet na paghugulgol ng ahas na nakadikit sa dingding na baldosa rin at ng ngayon ko lang napansin na umaapaw kong mga mata na kanina pa pala sumasabay sa agos ng tubig na dumadaloy sa aking mukha.

Tama na.
Tahan na.

/e.m/
Next page