Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Nakita ko na ang babaeng pinakamaganda sa mundo,
Sya ang babaeng pangarap ko,
at sa harap ko
inaabot nya ang kamay ko.

Nagtatanong kung ang ikaw at ako
ay pwedeng maging tayo.
At "OO" ang sagot ko.
Napakasaya ng araw na to.

Bawat araw na dumaan,
pag ibig natin nadagdagan.
hindi ko na mapigilan,
mga paro paro sa aking tyan

Natutuwa , kinakabahan
hindi ko na rin alam
kung ano ang aking nararamdaman.
Tuwa ko'y walang paglagyan.

Magkayakap at magkatitigan.
Mahal kita ng walang hanggan.
Nasa ganyan tayong senaryo,
nang marinig ko ang orasan

Sakto alasais,
naryan na raw ang hapunan.
Kayat hawakan mo ako
at ipapangako ko sayo
na ikaw at ako
magsasama hanggang dulo
sabay tayong hahakbang sa lalim
Ng kawalan
At ito na ang simula.
Simula ng tayo,
wala ng ikaw, at wala ng ako.
Simula ngayon haharap tayo sa
kapanapanabik na umaga.
Magkasama.
Bilang mag asawa.
Kaya tara!!
samahan mo ako
sa laro ng buhay.
samahan mo ako sa sakit
sa hirap, sa ligaya
sa tuwa at sa habang buhay.
at sabay
Sabay nating lalakabayin ang daan ng kahirapan,
at kasaganahan.
Sa lubak man o patag
iaakay, aalalay.
wag kang matakot sumabay
pagkat tayo ay may
sandatang matibay.
Pag ibig.
Pag ibig na ang Diyos ang gabay
1st Verse:

Ano kayang ginagawa mo?
Inisip mo rin kaya ako?
Impossible.
Impossible.

2nd Verse:

Kung ako yong tatanungin.
Kung ano ang ginagawa ko?
Eto, nag iisip ng letrang aangkop
para sayo.

Chorus:
  
Habang inaala nung una tayong magkita
Nung una tayong nagkakilala
Sa maraming beses na tayo'y nagkasama
Sa mga tawa na dulot ko sayo
At ngiting dulot mo
mga biro mo
paglalambing mo
Naalala ko.

3rd verse

Ayoko nang isipin
pero paano ko gagawin
kung ang lahat ng bagay, tungkol sayo?
Sayo
Sayo

Repeat Chorus

Instrumental

Bridge:

Pinili kong hindi magsabi
Pinili kong maging bulag  
Sa isang pagkakataong nasayang
NASAYAAAAAANG

Repeat Chorus (Half)
Patawad.
Sa mga salitang sinabi ko,
mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko
mga salitang hindi sigurado ng puso ko

sinabi kong magiging malakas ako,
sinabi kong ayos na ko,
pero hindi ako ganun kalakas
di ako ganun ka ayos
at nalaman ko,
nalaman ko na,
hindi pala naghihilom ang sugat ko

Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo
nagpupuno ng pagkukulang ko,
Sino ako?
Sino ako para humarang sa kasiyahan mo.
Hindi ako hahadlang sayo.
Alam kong kabaliwan ito,
sana pagkatiwalaan mo
kung ito ang dapat
akoy maglalaho.

Kung tama na ang nararamdaman,
gawin mo ang yong gusto
Dahil hindi ko isisi sayo
na ang pinili mo ay hindi ako

Mahal masakit pa
Pero kung meron ng ibang nagpapasaya
pinupunan nag pagkukulang ko ng iba
Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ?
Kung ito man ang aking nadarama,
hindi mo na ito problema
dahil kung meron ng ibang nagpapasaya
Hindi ako papagitna.

Kung may pagkakataong may magtanong
kung sino ka.
sasagutin ko.
Dating Kakilala.
Narasanan mo na bang mabasa ng ulan?
Makipag laban sa ulan?
Yung lahat ginawa mo na wag ka lang mabasa?
Sumilong ka na, nagpayong ka na, may kapote ka pa.
Pero wala basa parin.
Paano pag ganto?
Itapon ang hawak **** payong
Lumabas sa iyong silong
Tanggalin ang yong pandong.
Ikay umabante
Damhin ang bawat patak ng ulan
Ipikit ang mata
Habang nakatingala
Hayaan ang tubig na galing sa langit
na basain ang yong mukha
At pumikit
bumalik sa nakaraan
Masasayang alala.
Na kasama mo ang ulan
Gaya nuong bata ka.
"Mama payagan mo sana
Hayaan akong makipaglaro sa kanya"
Laking tuwa pag napayagan ka.
Tatakbo takbo
Hindi alintana kung baka mapano
Huhubarin ang Tsinelas at gagawing barko
Hindi bat napaka saya mo.
Kaya pag dilat mo
May tanong lang ako
Maiinis ka pa ba o
Hayaan **** basain ka ng ulan?
Wag mo sanang labanan.
Ngumiti ka na lang
At bumalik lang sa nakaraan.
Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa  
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Pero bago ka mawala ng tuluyan
Sana. Sana magkunwari ka man lang
magkunwari kang tayo
na parang mahal mo pa ako
na parang ikaw at ako lang ang tao mundo
Na parang atin parin ang bukas
yung takot tayong dumating ang bukas
Na parang wala sa diksyonaryo natin ang bukas.
Pero wala na nga palang bukas
Hindi na pala sa atin ang bukas
Dahil bukas, ang matitira ay ako
Kaya may isang hiling lang ako sayo
Na kung ito man ang huling gabi na magkasama tayo
Ituring mo akong higit.
Lalo sa puso mo
Bigyan mo ako ng huling sandali
Yung pwedeng kong baunin
Yung pwedeng sa utak ulit ulitin.
Ulit ulit ulit

Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Nung mga araw na  mahal mo pa ako
na hawak mo pa ang kamay ko
Noong bago dumating ang ngayon
Ngayon
Wag ka nang magsalita
Halata na sa yong mga mata
Na itoy huling gabi na
At alam ko nakikita mo rin sa mga mata ko
Na sa akin ang gabing ito ay mahalaga
Kaya bigyan mo ako ng alaala
Dahil baka akoy hindi na muling magmahal pa.
Hindi na ikaw ang gusto ko
Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko
Sa twing nakatingin ako sa sayo.
Ayaw ko na ng mga mata mo.
Ayaw ko na ng mga ngiti mo.
Ayaw ko na ng lahat sayo.
Pinili kong maging pusong bato
At hindi pansisinin ang nararamdaman ko.
Parang normal lang
Gaya nung wala pang ikaw.
Kaya ko nung wala pang ikaw
Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw
Kasi nung may ikaw
Para akong baliw na laging nakangiti
Nakatingin sa langit
Iniisip ka palagi
At
Ayaw ko na non.
Kaya araw araw akong magiging bato
Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako.  
Kahit nakatingin ako sayo ngayon.
Ngayon.
Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko
Bakit ikaw parin ang gusto ko
Sa pagising sa umaga
excited pa akong pumasok
kasi ikaw ang makikita ko
kuntento sa sandali
HINDI
kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo
“pasulyap sulyap”
Ibig sabihin Segundo
Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko
Ang gusto ay ang tumitig lang sayo  
Sa mga mata mo, sa ngiti mo
Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo
Tanggap ko.
Kasi ikaw parin ang gusto ko
Ikaw ang gusto ko
Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba
Kaya sinunod ko sila
Pero sa twing ikaw ay makikita
Parang madilim na kwarto
na ikaw lang
Ang tanging ilaw na bukas
Sa sandaling yun
Walang ibang gamit
Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat.
susubok akong magsalita pero lalayo kana
tinatawag ka ng kaibigan mo
kasi ang isang oras ay tapos na.
“SANDALI” sabi ng prof.
muling napinta ang ngiti sa labi
dahil sa huling sandali
sumulyap muli sayo.
   Patapos na ang sandali
At tinawag kana muli
ng mga kaibigan mo.
habang hinihiling ko,
Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano,
Pero sa oras na yon unang lumabas
ng silid ang propesor.
dahil tapos na ang sandali
Tapos na.
Ang isang oras.
Next page