Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
supman Jun 11
Tumatakbo
hindi alam kung saan patungo
kailangan makalayo
kailangan magtago

Saan ka papunta?
Hindi ko alam
Bakit ka tumatakbo?
Upang makalayo

Pawis na pawis
Takot na takot
Isa itong sikreto
Hindi mo pwede ikwento
supman Jun 11
https://web.facebook.com/bstrdsPH/

This is not poem related but I hope you can support my business.

I am utterly new in the industry and your support is very much appreciated.

Please, like the Facebook page of my clothing line.

Thank you and God bless.
supman Aug 2018
Mahal kita
kaso ang mahal mo ay iba
supman Nov 2017
Sa tuwing kausap kita
ako'y nauutal
hindi malaman kung saan magsisimula
hindi malaman ang tamang salita

Sa silid aralan
ikaw ay palaging pinagmamasdan
ang iyong mapupungay na mga mata
ang iyong mukha na kay ganda

at paguwi
ikaw ay tinatawagan
Pinipilit na may mapagusapan
kahit walang kabuluhan

ewan ko ba
interesado yata ako sa iyo
ewan ko ba
mahal na yata kita

Ewan ko ba....
Ewan ko ba. Naisipan ko alng siya gawin impronto.
  Nov 2017 supman
ZT
Hanggang kailan kaya merong "tayo"
Di ko maalis ang takot sa isip ko
Na isang araw ang "tayo" ay maging "ako"

Takot na ako'y iyong iwan
Baka puso mo ako'y kalimutan
Kasi nangyari na yan minsan

Nananatili pa rin ang pangamba
Na muli magkaroon ka ng iba
Sa nararamdaman kong ito
Di mo naman ako masisisi diba?

Kasi minsan mo na akong ipinagpalit
Pag-ibig na naging mapait
At nagdulot ng labis na sakit

Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako
Na matapos ang ating tayo
At mapalitan ng isang kayo
Nagmahal ka ngunit nasaktan ka
ngunit humingi siya nga tawad sabi isa pa
Nagmahal ka ulit pero naging masakit na
dahil tila siya ay isang malaking paasa
supman Feb 2017
Sa ating pagsakay,
tayo'y magkahawak kamay
walang bumibitaw,
kahit tayo'y psrehong malumbay

sa ating pag upo,
ika'y hindi nagkasya
ako'y nag pa ubaya,
upang ika'y lumigaya

tayo'y nagkaroon ng tampuhan,
na sadyang hindi maiiwasan
pareho nating iniyakan,
ang ating mga kamalian

sa paglipas ng panahon,
tila ika'y pinanghihinaan
ika'y walang bukang bibig,
kundi ang aking mga kamaliang hindi naman ibig

Gusto mang magpatuloy,
ngunit mukhang hindi na muling liliyab ang apoy
Ayaw mang sumuko,
ngunit mas ayaw kong ika'y mapako

Tama na,
ang iyong isinigaw
Ayoko na,
ang iyong huling hirit

Ang iyong mahal kita,
ay napalitan ng ayaw ko na
Ang ating sumapaan,
ay napunta sa wala

Para po,
hangang dito nalang kami
Para po,
kami'y hindi na uusad pa

Para po.
idk
Next page