Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"buksan" poems
Siguro kahit minsan naranasan mo nang masaktan,maiwanan, at masugatan. Mag iisip ka ng posibleng dahilan o paraan para malimutan ang nakaraan. Ginawa kitang inspirasyon. Pag gising ko sa umaga ikaw agad ang naaalala, magmamadaling pumasok sa eskwela para makita ka. Oo, inspirasyon kita, iniisip kita sa buong magdamag, para akong tanga na umaasang magiging akin ka. Oo, inspirasyon kita, at alam kong hanggang dun lang ako. Alam kong may mahal kang iba. Gusto ko aminin na mahal kita pero ayokong sabihin. Paano ko sasabihin kung takot akong umamin. Gusto ko buksan ang isip at puso mo. Pero hindi ako handa makita ang totoo. Yung totoong mahal mo, yung iniisip mo, yung inspirasyon mo. Siguro dapat na akong tumigil kakaisip sayo o baka kailangan ko nang humanap ng bagong inspirasyon. Gusto ko nang itigil ang nararamdaman ko para sayo. Pero pano ko gagawin 'to kung pakiramdam ko nakatali na ako at hindi na makawala sa alindog na dala mo. Pakiramdam ko kailangan ko nang lumayo. Pero pano ko gagawin 'to kung ikaw ang inspirasyon ko. Gusto ko nang tumigil sa tulang ito, pero pano ko ititigil kung sa tuwing naiisip kita may bagong letra at salitang lumabas sa isip ko. Mahal kita at ayokong sumuko, insipirasyon kita at hindi yun magbabago. Sana maintindihan mo ako kahit na magulo itong ginagawa at sinasabi ko. Natutuwa ako pag kinukulit at hinahawakan ko ang buhok mo. Sa tuwing nahahawakan ko ang kamay mo na malambot, na masarap hawakan at ayoko nang bitawan. Sana parehas tayo nang nararamdaman at kung hindi man tayo pareho, umaasa akong pag inamin ko ang nararamdaman, sana hindi ka lumayo. Sana hindi ka lumayo sa piling ko. Ayokong mawala ka sa buhay ko. Sana ako nalang ang mahal mo. Umaasa akong magiging ako rin ang nilalaman ng puso mo. Tapos na ako. Salamat sa inspirasyon na binigay mo sa akin para masabi ko ang nararamdaman ko tungkol sa'yo sa pamamagitan ng tulang ito. Mahal kita at hindi iyo magbabago
0
Nov 28, 2015
Nov 28, 2015 at 11:55 AM UTC
Inspirasyon

Continue reading...
1
AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Kumakatok sa iyong puso Pinto nito’y iyong buksan At ako’y hayaang makapasok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Tapat at Mapagkakatiwalaan Masasandalan sa ano mang oras Karamay sa bawat pagsubok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Lumalapit sa isang katulad mo Nagsasabing “wag kang matakot” Ako’y laging nakabantay sayo AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Di nanghuhusga, Di Namimili, Di nang-iiwan, Di nakakalimut, Pagkat ika’y mahalaga sa akin AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN handang ibigay ang lahat Pati buhay ko’y ibibigay Makasama ka lamang sa walang hanggan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Higit pa kanino man Halika’t ako’y kilalanin Tiyak di mo pagsisisihan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagmamahal ng tapat, Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Luhang pumapatak aking pupunasan lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin, yayakapin ng kay higpit. AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagsasabing, Taha na…   Ako’y narito lamang Hinding Hindi ka iiwanan
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 1:14 AM UTC
Genuine Companion
Jebs na jebs na ako. Dumudungaw na siya na parang isang taong kagigising lang umaga, gustong buksan ang mga bintana, para lumanghap ng hanging bukang liwayway Malapit na siyang lumabas, unti uting tumitigas sa paglipas, Ng bawat, segundo, menuto, kung babae ako, dysmenorrhea na ito. Pero sabi ng mga kaibigan ko, wag ko daw pilitin ito, baka naman daw kase na imbis na ito ay tae, mauwi lang sa utot. At pinagmukha ko lang ang sarili kong tanga. Umasa, nasapag upo ko sa inidoro na lahat ng pagtiis ko, ang piling ko ay giginhawa. Pero wala. Para lang siyang damdamin ko, ang tagal kong kinimkim, ng taimtim sa pag-asang pag ito ay pinakawalan ko, na sasabihin mo na ikaw rin. Na ang nararamdaman mo ay pareho din sa akin. Lahat naman tayo dito nag huhugas ng pwet gamit ang tabo at tubig hindi ba? Pwera nalang kung galing ka sa mataas na estado ng pamumuhay. Ikay gumagamet ng tissue paper o bidet. Pero ako hinuhugasan ko ang puwet ko, kase ito ang turo saakin ng nanay ko. Pero. Bago ko natutunan ito, ang nanay ko ang nag hugas ng pwet ko. Para saatin, wala namang espesyal dito, Pero ngayon ko lang napagtanto, na ang pag hugas ng puwet ko ng nanay ko, ay puno ng pagmamal. Sino ba naman ang gustong mag hugas ng labas ng butas kung saan lumalabas ang pinagtunawan pagkain. Kaya kung sasabihin **** hindi ka mahal ng nanay mo, tignan mo lang ang sarili na nakatalikod sa salamin. At sariwain ang mga alala ng mga sandaling hindi mo kayang linisin. Pero bago iyon, kung sa tingin mo na ang tula na ito, ay hugot lang, nag kakamali ka... Well actually, medjo lang. Puwera biro. Kung tutuusin, di' malayo ang pinag kaiba natin sa Jebs. Kung iisipin, ang mga ginagawa natin araw araw ay mas masahol pa sa jebs. Kung ipipinta ko ang isang imahe, makikita mo na ang jebs ay nakapahid ang tae sa buong kasuluksulukan, at kasingitsingitan ng katawan natin. Pero may Isang tao na gusto padin yumakap at humalik sa pisngi natin. Sino siya? Siya ay ang Pagibig. Araw araw lang siyang nagihintay, na ikay' lumapit sa kanya, magpalinis. Ang gamit niya, na pang hugas ay mga kamay at dugo, dugo na ang tanging nakakapag linis ng katawan at ng kaluluwa mo. Mula ulo hangang hangang sa talampakan ng iyong mga paa. At sa kabila ng lahat gusto niya pa din tawagin mo siyang Ama. At sa imbis na pangdidiri ang kaniyan nadarama, Pag mamahal ang kaniya sayo ay pinadama. Siya ay pinako sa mga kamay na ginagamit sa pag linis saiyo. Sa mga dumi na mas madumi pa sa jebs. Ang iyong mga kasalanan. Siya ay isinakripesiyo para ay ikay manatiling malinis, at iligtas ka sa lugar kung saan umaapaw ang jebs. At dalhin kung saan ang kalsada ay gawa sa ginto, at makasama ka magpakaylanman.
0
Jul 12, 2015
Jul 12, 2015 at 1:59 PM UTC
Jebs.

44
sumulat ako ng elehiya ginamit ko lahat ng palasak na salita ninais ko ang naunsiyaming kapayapaan: yaong hindi bayolente't nababahiran ng dugo't karahasan mayroon pa naman sigurong mas malinis na paraan, 'yun, 'y-'yun bang legal at dinaraan sa reporma 'yaong tulad ng kay rizal! tama! yaong may diplomasya tumigil ako pansamantala upang bumuklat ng pahina napakarami nang rebolusyong hindi tulad ng inihahatag nila, katulad ng, ah! katulad ng EDSA! nauhaw ako at tumigil pansamantala habang sa lamig ng aking kwarto'y rinig malakas na buhos ng galit ng araw mabuti't nang buksan ko ang mga kurtina, payapang nagwawalis sa bakuran ang kapitbahay may nagpapaligo ng aso't magagarang sasakyan ipinagpasalamat ko ang bubong sa king ulunan. ah, payapa. hindi rinig sa balita ang pandarahas ng militar sa kanayunan ngunit batid ng karamihan, at ang solusyon ika nila ay armadong pakikibaka nanlamig ako at namutla, binaybay ko ang mga taong nakalipas bago ko marinig ang pangangalampag sa aming pintuan pilit kaming inaakusahan, walang dokumento o anumang ebidensya at dumaan ang mga imahe ng militar sa kanayunan: ang daan-daang pamamaslang habang walang kalaban-laban sa huli, wala akong armas na nilundayan sa aking mga huling sandali, para sa sarili ko lamang, sumulat ako ng elehiya
0
Sep 2, 2018
Sep 2, 2018 at 1:07 AM UTC
sumulat ako ng elehiya
Una, napakaganda ng mga simula, ng mga umagang puno ng kaba, hinahanda ang sarili sa mga posibleng pagpapakilala. Hinahasa ang mga ngiti, ang mga galaw, ang mga paglakad sa harapan ng iyong mga kaklase. Tinatanggap ang mga matatalim na tingin habang naghihintay sa bawat salitang lalabas sa kaluluwa **** malapit nang sumabog, mga taingang naghihintay, naghahandang makinig… Pangalawa, magiging kampante’t komportable ka, iisipin na ang buhay ay ganun lang kadali, na ang bawat simula’y pagpapakilala lang ng sarili na pagkatapos **** magpakilala ay makikinig ka nalang. Iniisip na ang kaginhawaan, galak at takot sa simula ay mananatiling sa’yo. Pangatlo, mapapagod ka. Na ikaw ay gigising ng mas maaga, papalitan ang dugo ng iba’t-ibang uri ng likido, sa pagbabasakaling ang simula ay mananatili hanggang sa dulo. Ikaw ay unti-unting susuko. Pero pang-apat, ang daan tungo sa tagumpay ay di dapat kalimutan at sukuan di’ba? Subalit panglima, ang tagumpay ay di palaging may sementadong daanan, na ang lahat ng bagay ay di perpekto. Na ang langit na narasanan mo nung simula ay di mananatiling ganoon hanggang sa dulo na ito’y posibleng maging blankong espasyo na lamang. Matatakot kang punuin ito ulit. Pang-anim, maghanda ka sa paglipad. Unti-unting buuin ang mga pakpak gamit ang mga balahibong parte ng iyong mga simula. Pangpito, lisanin ang lumbay, ang galit, gamutin ang mga sugat sa’yong mga pakpak. Unti-unting abutin ang araw kahit na ito’y iiwanan kang abo, susubukang pabagsakin. Ito ang pangwalo, maghanda kang bumagsak, mahulog, masaktan. Pangsiyam, masakit ang mahulog, bumagsak, umasa. Ngunit gawin mo itong lakas, lagyan mo ng pwersa ang bawat pagaspas ng mga pakpak ng iyong simula. Oo, di tayo handa na mahulog, bumagsak, umasa, at walang kahandaan sa mga ganitong bagay. Pero pangsampu, huwag kang susuko, magaling na ang iyong mga pakpak, tapos na ang paghahanda. Subukan mo nang lumipad muli sa langit na dati’y pinuno mo ng mga unang beses at mga unang bagay bumuo sa’yong pagkatao. Liparin mo ulit ang blankong espasyo, lagyan ng mga bagong simula, buksan ang mga nakakandong daanan, abutin ulit ang tagumpay, subukan muling lumipad, at pag ika’y muling nahulog, abutin ulit ang langit, lipad lang.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 10:59 PM UTC
Sampung Bagay na natutunan ko sa Kolehiyo

10
Susugod na sa bilang ng tatlo Isa… Dalawa… Tatlo… Sugod Ang giyera ay nagsimula Ilabas na ang mga baril at sandata Ilabas na ang mga kanyon at bomba Ang mga tauhan at ang mga preda Magsisimula na ang giyera GIYERA Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik At ngayon ay naiwan lang at tinangay na Ninakaw ng mga dayuhan Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan Humanap ng iba sa paligid At sa katiyakan ay nakahanap ka nga Nahanap mo ang ingles Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana Kumuha ng puting pampintura Kinulayan ang sarili Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal Pati na rin ang kulay ng sariling balat Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita Naisipan **** maglibot pa At lumibot ka pa Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng “Hart Hart Saranghaeyo oppa” Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel At nag-aral ng wikang banyaga Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin Na kahit ikaw ay hindi makaintidi Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa Hindi ba? Hindi nagtagal ay nagsawa ka Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan Kaya’t naglakbay ka pa Naglakbay ka hanggang sa wala Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala 
Napagod ka Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay Nasa’yo na mismo Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo Para mapigilan ang pagbabago Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako Itinatatak sa isip mo Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Laging magiging sosyal ang banyaga Laging magiging bulok ang sariling wika Nagtataka na ako sa iyo Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado Ano nga ba ang pumipigil sa’yo Handa na ako Sa aking pagsuko Pagsuko Hindi dahil natalo ako Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo Isusuko ko na ang mga sandata Isusuko ko na ang giyera Inaanyayaan kita Sabay sabay tayo Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika Buksan ang nakakandadong puso At doon ay makikita mo ang sedula Hawak ko na ang sedula 
Hawak ko na ang sedula Ng pagkabilanggo ng wikang filipino Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago Ang dating linya ay magbabago Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Laging magiging sosyal ang sariling wika Susuko na sa bilang ng tatlo Isa. Dalawa. Tatlo. Suko Tapos na ang giyera
0
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 6:44 AM UTC
Binilanggong Wika

89
Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig Marahil walang karatula Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti Salungat sa kalsada Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan. Bawat butil ng Kanyang mukha’y Kumakapit at humihilik sa balat Sa’king palad, umaapaw ang mga ito Hihinto pa ba? Pagkat hindi handa Ang yerong gawa sa plastik Na syang bihis-bihis ng kabilang palad. Maraming yapak, aking naririnig Ngunit alam kong ang berdeng kulay Pawang hindi para sakin at sayo. Ang bawat kasuotan nila’y Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo. Unti-unti kong binagtas ang eskinita Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama Tila kayrami pa ring paninda Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo Ni hindi ito kinakalakal. Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon Masilayan man kita, bagkus likod lamang Ni hindi ko nga matanto ang itsura Basta’t sigurado ako Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa. Malayo pa ang lalakbayin Ng pawang minanhid na mga paa Pagkat ang direksyon nati’y Sa ngayo’y alam kong Hindi pa para sa isa’t isa. Ikaw na siyang iniirog Aking hihintayin Hanggang ang oras ay tumiklop At umusbong ang panibagong bulaklak Saka natin pagmasdan Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap. Tatandaan ko ang ating tagpuan Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan Buksan mo ang pusong minsang winarak Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas At saka na natin isulat ang makabagong alamat. Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog Tayo’y babalik at muling mangangarap Bubuo na panibagong larawan Na may tunay na ngiting Hahalimuyak sa mas Nakatataas. Sa Kalye Pag-ibig, Doon tayo magkita.
0
Dec 1, 2014
Dec 1, 2014 at 7:02 AM UTC
Kalye Pag-ibig

51
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

115
Lasapin ang bunga ng paghihirap Puso, isip at kaluluwa lang naman Ang iyong nilaan para ikaw ay bigyan ng kaunting sahuran. Kung minsan, napapagod Ay, madalas nga palang pagod Ang katawan man ay bumabagsak Gagaling ka rin at Itutuloy ang paghihirap Sabi ko noong bata pa ako "Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko. Pagka't gusto kong pagalingin ang bawat maysakit na tao." Hanggang sa nagpagtanto **** Habang lumalaki Ni hindi naman pagiging doktor ang gusto mo paglaki Ako ay sinanay upang maging alipin Upang siyudad ng sikat na Politiko ay yumaman sa aming kamay Ngunit salapi'y nadudulas sa aking palad Nalilipad-lipad at napunta sa "tagapaglingkod ninyong totoo, kami ay kasangga ninyo." Sabi nga ng ilan ay Buhay ay sadyang gulong ng palad Hindi ako naniniwala dahil, ikaw mismo na nabubuhay ang siya lamang makapagsasabi at makapagdidikta ng iyong kapalaran Nasa iyong kamay ang kasagutan Kaya pakilusin na ang mga paa Buksan ang iyong mga mata Pakinggan ng iyong mga tenga ang bawat hinaing Ito ay magbabago rin kung bawat katawan ay kikilos sabay-sabay muling galawin Tayo ang sagot sa hirap na dinaranas Tayo rin mismo ang makapagbabago Ng kung ano mang ang nakasanayan Ng kung ano mang gawaing katakwil-takwil Tayo lamang Tayo lamang ang pagbabago.
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 5:19 AM UTC
"Inay, gusto kong maging doktor pagkalaki ko"
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko Sinulat ko to kahit di mo gusto Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko Sinulat ko to para sayo, aking sinta. Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot Di ka ba napapagod Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto? Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay. Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya Handa kang hintayin kahit gano man katagal Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta. Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso; Para sa lalake di uso ang laro Sa bawat bigkas na taludtod Pangako sayo di mapupudpod Puso **** naupod napagod Di na mauulit ang pagkakataon na iyon Sayo'y di kahit kelan mapapagod Intidihin ka sa bawat pagkakataon Respeto at pangunawa ang aahon Para sa panahon sa muling pagkakataon Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 2:05 AM UTC
Handa

40
"TAHIMIK!" sigaw ng mga nasa itaas, mga taong gumagawa ng batas, ngunit ang hustisya'y hindi patas, 'pagkat sa kanila ang batas ay may butas. "TAHIMIK!" sigaw ng mga may kapangyarihan, mga taong inaasaahang maging huwaran, sa panahon na sila'y ating kinakailangan, ang tanging naitatanong ay "saan?" "TAHIMIK!" sigaw ng mga mapagmanipula, mga taong ginagawang hanapbuhay ang pulitika, pondong mga winawaldas at nawawalang parang bula ang mga sagot ay tanging paghuhula. "TAHIMIK!" sigaw ng mga ayaw sa kritisismo, mga takot sa hinaing at nagrereklamo, mga tutang kinain ng koloniyalismo, sa ibang bayan sila ay tila maamo. ngunit sa kabila ng lahat ng pagtatahimik, patuloy kang umimik, sa hustiya at paglaban ay maging sabik, sa mga mapanakot huwag magpapitik. ipagpatuloy ang pagiingay, sa masa ika'y sumabay, magising ka sa iyong malay, pagkamakabayan huwag sanang mawalay. huwag **** hayaang kunin ang boses natin, 'pagkat ang pag-aaklas ay pilit na isinalin-salin, mag-salita ka pa rin, hindi lang para sa'yo kundi para rin sa akin. ialay ang mo ang salita mo sa mamayan, ikaw ang maging tunay na huwaran, susunod na henerasyon iyong ipasan, mag-ingay sa kahit anong paraan. "TAHIMIK!" ani ng taong bayan, sawa na sa pagmamanipula na naghahari-harian. "TAHIMIK!" ani ng mga mamamayan, tandaan na laging buksan ang mata at isipan.
0
Jul 3, 2020
Jul 3, 2020 at 5:22 AM UTC
tahimik
Kung sakaling ikaw ay magbalik, huwag mag-atubiling hanapin ako. Hindi kita aabalahin, hindi ako sabik na buksan muli ang matagal nang sarado. Bumisita ka sa amin, kumatok sa pinto at mag-abang. Kapag hindi ka agad papasukin, dumungaw sa bintana, makikitang ako'y narito lang. Maaaring hindi ko lamang narinig ang katok **** nag-aalinlangan. Paki-usap, huwag hayaang manaig ang dudang tatlong taong napag-ipunan. Huwag mag-alala, sumisilip pa naman ako paminsan-minsan kung may tao sa labas. Hindi kita malimutan, hanggang ngayo'y sigurado ako na balang-araw magtatagpo ang ating landas. Kapag magkasalubong ang ating sulyap at tayo'y muling sapian ng pagnanasa, kimkimin muna natin, idaan sa yakap pag-isipan kung handa nang muling magtaya. Anumang daan ang tahakin, pag-ibig nati'y walang kupas Nag-iiba ng anyo, ngunit nariyan pa rin, mas naititiyak pa sa pagdating ng bukas. Kung sakaling hindi ka magbalik, sisikapin kong maghanap sa'yo. Aabalahin kita, dahil ako'y sabik na mapagsaluhan natin ang mundo.
0
Jul 25, 2012
Jul 25, 2012 at 3:01 PM UTC
Kung Sakaling Ikaw ay Magbalik (If Ever You Return)
Nang dahil sa'yo ang mundo ko'y tila nagbago Nagkaroon ng kulay ang dating madilim na mudo Nang dahil sa'yo nag-iba ang tema ng aking tula Nabigyang buhay buhat ng tayo'y magkakilala Nang dahil sa'yo napunan ng saya ang dating malungkot kong mundo Napalitan ng ngiti ang bawat patak ng luha ko Nang dahil sa'yo natuto akong maniwala sa sarili ko Nagkaroon ng tiwala na kaya kong tumayo mula sa aking pagkadapa Nang dahil sa'yo handa akong sumugal sa hamon ng mundo Na puno ng pag-asang ito'y malalampasan ko Sapagkat sa bawat oras na ika'y nais makapiling Hindi ko magawa dahil sa magkalayo nating daigdig Nang dahil sayo natutunan kong kumapit Sapagkat sa minsang sinabi mo sa akin na ako'y gusto mo rin Handa akong kumapit alang-alang sa iyong sinambit Nang dahil sa'yo napunan ako ng walang humpay na pagmamahal Marahil ikaw ang biyaya sa aking buhay ng ating Maykapal Handa akong maghintay kung kailan ka uli magmamahal ng isang tulad ko At muling buksan ang iyong pusong lito.
0
Jun 15, 2017
Jun 15, 2017 at 9:39 PM UTC
Nang Dahil Sa'yo
Matapos ang bawat kanta ng aming pwedeng kantahin Dasal na alay para sa mga taong may ilaw na bilog sakanilang ulo Hihinga ako ng malalim Ngunit di maaalis ng aking paghinga ang kaba at takot sa aking dibdib Tubig at bolpen lang laman ng aking bag Sa pagdarasal Alam kong hindi sapat ito para ako’y manatili sa aking kinalalagyan At tulad ng aking dalangin Naghihintay ang aking ina sa ibaba Sa kanyang puso at mata Dama ko ang kanyang pagmamakaawa                                   “Bigyan niyo po kami ng awa”                                               “Maawa po kayo” Rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo Rosaryo sa Huwebes Rosaryo na aming kailangan sabihin sa wikang ingles Siguro sa aking pagdarasal ng rosaryo ng malakas Ay maawa sila saamin Masakit man ang tuhod sa pagluhod Hindi pa rin nito maalis ang takot at kaba sa aking puso                      “Alam ko pong hindi sapat ang aming dala” Ang Ikalimang Misteryo ng aking pagmamakaawa                             “Pero sigurado po na ako’y may alam” Naghihintay ang aking ina sa ibaba Nananalangin na sana’y hindi niya ako isama sa kanyang pag-uwi Matapos man ang mga Misteryo ng Rosaryo Alam kong hindi pa tapos ang aking kalbaryo Dahil ilang minuto na lang alam kong tatawagin na aking pangalan                                           “Maawa po kayo”                                                              .                                                              .                                                              .                                                              .                                                              .                                                              . Hindi maaalis ng lamig ang pagpawis ng aking mga kamay ng buksan ko ang pinto At sa ibaba, nakita ko agad ang aking ina Itinaas ko ang aking kamay Sabay ng kanyang pagngiti Ako’y mananatili Hindi na niya kailangang mag-alala Magsisimula na ang aming pagsusulit At kailangan kong pumasok na © 2019 B.L. All Rights Reserved.
0
Mar 11, 2019
Mar 11, 2019 at 11:12 PM UTC
Tubig at Bolpen

45
ALDUB, isang loveteam na hinahangaan ng sambayanan Lalaki, babae, o kung anumang kasarian man yan. Siguradong kikiligin ka sa tambalan ng banyan. Syempre ALDUB yan, sigaw ng taongbayan. Dalawang taong may pinag-aralan Naging isa sa EAT BULAGA; programa ng bayan. Walang halong kaartehan o kaplastikan ang pagtitinginan Inyo itong makikita sa kanilang mga tinginan. Si ALDEN na handang tumupad sa pangako, At si MAINE na handang maghintay sa mangingibig nito. Ang pag-iibigan nila minsan magulo, Pero madalas nagiging wasto. Mga mata nila'y nagtugma na, Ngunit kamay nila'y hindi pa naging isa. PLYWOOD, ALARM CLOCK, LONG TALBE Nidora, humarang sa kanila, Paglalapit nila'y naging HOPIA pa. Kailan kaya magiging isa ang mga ito? Kung ang layo nila'y magkabilang dulo ng mundo. Ang mga tao'y nagtatanong, Kailan nga ba ang tamang panahon? Ito'y huling hirit na ng mga tao. Lola Nidora tuluyang buksan ang iyong puso. Paglapitin landas ng dalawang ito. Upang ang mga tao'y kiligin mula BATANES hanggang JOLO.
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 4:35 PM UTC
ALDUB
Daan-daan, libu-libo Daang-libo, daang-libo Umaasang may milagro Limandaang-libong piso Kayamanang kinurakot Ng pamilyang naging salot Sa bayan kong binaluktot Isasabog, baryang simot? Marami ngang naniwala Iba nama’y sakali, baka Kapag pera ang nagwika Sumusunod tanang dukha Kapag baya’y maralita, Karamiha’y mangmang pawa Konting kiliti at banta Utu-uto bumabaha Dumaraming maralita Kailangan ng kalinga Karunungan ay biyaya Ibahagi, ‘wag magsawa. Kawawa ang sambayanan Kung palaging iisahan Ang 4Ps, pera ng bayan Hindi ng angkang kawatan Panloloko ay tigilan Pandarambong ay tutulan Diktadura ay labanan Kabataan, mata’y buksan Bagong bayani kaylangan Karununga’y kalayaan. Malalawak ang larangan Sambayana’y paglingkuran
0
Sep 23, 2017
Sep 23, 2017 at 3:05 AM UTC
Bumabaha ng Inuuto (Floods of the Credulous)
Sa dinami-rami ng mga maliliit na bagay na alam ko tungkol sa'yo, kaya ko ng makasulat ng isang nobela na iyon lamang ang nilalaman. Paano pa kaya kung malaman ko ang mga pinakatatago **** sikreto? Paano pa kaya kung matuklasan ko ang iyong pinakamaiitim na lihim? Paano kung kinaya kong buksan ang iyong puso't isipan para lang malaman kung sino ang itong nilalaman? Kaya lang sa'king palagay hindi ko kakayaning makita na iniisip mo kung paano mo hahawakan ang kaniyang kamay. Na ang tumatakbo pala sa iyong isipan ay kung paano mo siya gustong hagkan. Doon pa lamang, bumigay na ang aking puso Ginusto ko ng dukutin ang aking mga mata para lang hindi masilayan kung gaano ka kasaya sa piling niya. Iyon na siguro ang malaki **** sikreto. Mahal mo pa rin siya Hindi ko na naman kailangang tanungin dahil pag tinitignan kita, siya ang nakikita mo. Ayoko ng makita muli ang laman ng iyong puso. Ayoko ng matandaan. Ayoko ng pakielaman. Pero sana *Sana yung maliliit na bagay na lang ang aking nalaman.*
0
Jul 3, 2015
Jul 3, 2015 at 2:43 PM UTC
Maliliit na bagay
Unti-unti ko nang nararamdaman Ang ginaw na napapawi. Buksan mo ang iyong mga mata At tingnan ang madilim na kalangitan! Mabagal man pero masipag itong Sinasakop ng Liwanag sa mga kulay niyang Dilaw Pula Bughaw Puti. **Naniniwala ako Na sa ilan na lang saglit Sisikat din ang araw Sa Silangan muli**
0
Jun 15, 2014
Jun 15, 2014 at 11:11 AM UTC
Sa Asya
"Life is either a daring adventure or nothing at all" - Helen Keller May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 9:23 PM UTC
Ngayon ang panahon nang pagbabangon
Simula sa araw na ito, Hindi na kayo pwedeng tumawa, magalit at malungkot, Hindi na kayo pwedeng makadama ng kahit ano mang emosyon, Emosyong nagpapakita ng kahirapan, kahinaan, pagkatanda at pagkapagod, Huwag kang magsasayang ng hininga sa mga letrang alam **** wala namang makakarinig, At kapag nilabag mo ang isa sa aking mga utos, Tumayo ka sa sulok, Ipikit mo ang iyong mga mata, At harapin mo ang dilim na sa iyo’y lumalamon, Patungo sa apoy ng impyerno, At kapag naramdaman mo ang init ng apoy na sayo’y sumusunog, Pinapayagan na kitang sumigaw, Sumigaw sa taas ng iyong mga baga, Palabas ng apoy na nagbabaga, Patungo sa mga tenga ng mga taong sabi mo’y iyong mga kaibigan at kakilala, Ngunit huwag kang aasa na ika’y aming sasagipin, Hindi ka namin aangatin, At mas lalong hindi ka namin ililibing, Sa mga lupaing, Pati ang mga damo ay ayaw kang tanggapin, At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Bumuo ka ng bahay, Gamit ang mga bagay na iyong natutunan, Bumuo ng bahay, Gamit ang mga bagay na naiwan ng mga mananampalataya, Ang mga mananampalataya na nagpasabog ng mga bomba, Upang ingud-ngod sa aming mga mukha, Na kami’y mga anak ng mga makasalanan, Pinanood naming maging abo ang aming mga ari- arian, Sa isang pitik ng kasinungalingan, Pinanood namin ang mga pinto, mga libro, mga litrato na masunog at madurog, Nadurog sa sunog ang lahat ng aking minamahal, pinapangarap at hinahanap, Inalis nila sa aming mga mukha ang kasiyahang panandalian lamang nadama, Tinanggal nila sa aking katawan ang pangalang minsan na sa akin ay kumilala, "Ako ay taong makasalanan, sige, eto na lang, totoo naman, kaya sapat na," At kung ayaw **** maging tulad ng taong iyan, Magtrabaho ka nang mabuti, At kapag naramdaman mo ang dugo na tumutulo mula sa iyong ulo hanggang paa, Ipunin mo ito sa isang timba, At ibuhos mo doon sa nayong nagbabaga At kapag wala ka nang malanghap kundi ang usok at ang masangsang na amoy, Hanapin mo ito sapagkat ito raw ang amoy ng mga patay na pangarap at sigaw ng mga bata, Na sabi nila, ikaw raw ang may sala, Ikaw ang may sala, taong makasalanan, Taong makasalanan, “Mahal Kita, Tutulungan Kita, Pangako, Patawad, Paalam,” --- Dagdag na utos sa paaralan: Huwag kang maniniwala sa mga salitang inuulit- ulit pa, Sa mga salita ng sumasamba sa kasinungalingan, Dahil sa oras na mabuhay ang mga patay, Hindi ikaw ang una nilang papapasukin sa pinto... --- Ang pagpapalit ng administrasyon ng paaralan: Iguhit ninyo sa inyong mga palad ang inyong mga hangad at pangarap, Gamitin ang dugo na lalabas sa tenga at mga mata, Gamiting pang pinta ang kada hibla ng iyong patay na buhok, At kapag ubos na ang likido mo sa iyong buong katawan, Ngumiti, Tumingala, Buksan ang pinto, Kasabay ang pag sabi ng mga katagang: “Ang makabagong paaralan ng mga nawawala’t hinahanap”
0
Mar 14, 2022
Mar 14, 2022 at 11:07 PM UTC
Ang Paaralan ng mga Makasalanan (2017/18)

72
#011816 Kinausap ko ang Langit Na buksan ang malaking pintuan Nang pumagitna Siya sa'ting dal'wa. Sinalo Niya ang bawat butil ng luha At ako'y nagkusang mamahinga sa Kanyang piling. Hinarap ko ang pagkakamali noon, Nang minsang sadyain kong bitiwan ka rin Pagkat biglaan din ang pagbitaw mo. Inanod ako sa Kanyang bisig, Doon nahilom ang puso't Ngayong may panibagong katha. Hindi ko inasahang Iihipan ito ng Hangin at mapapadpad sayo. Pero hindi ko magawang magwelga't magrebelde pa, Pagkat hindi naman ako ganoon. Siya na rin ang nagkusang tulakin ako Pagkat kaya Niya sa buhay ko -- Nang tunay ngang lumaya ako. Sa amin na lamang ng Langit Ang huling pag-uusap; Maging ang panggagamay ko Sa karayom na sobrang sakit. Panalangin ko pa ri'y ikaw, Ikaw at ikaw, siyang anurin din ng Langit Nang bulong Niya'y mapagnilay-nilayan mo. Ganoon ang pag-ibig Niya..
0
Feb 17, 2016
Feb 17, 2016 at 9:23 PM UTC
Letting Go of Pride, Gaining Courage in Christ
Isang bagay na kailangan mo buksan para pumasok o lumabas.. Ang puso ko rin ay parang pinto. Pwede kang lumabas at pwede ka rin pumasok... Pero nung lumabas ka hindi na ako umaasang babalik ka pa Pero nagulat ako kumatok ka ulit Nag iisip ako kung papasukin pa kita o hahayaan nalang sa labas Dahil natatakot ako na baka may mawala ulit Baka mawala ulit yung saya na nararamdaman ko nung natangap ko na, na lumabas ka na. Natatakot ako na baka lumabas ka ulit at iwan nanaman akong naka bukas.. Bukas sa sakit,kirot,at pagkapagod. Natatakot ako na maramdaman ko ulit yung sakit na naramdaman ko noong nasa loob ka pa Natatakot ako na kumirot ulit yung mga sugat na ginawa mo Natatakot ako na baka mapagod ako sa mga reklamo mo na wala namang katuturan Pero pangako.. Pangako pag pumasok ka ulit sa pinto ng puso ko... Pag pumasok ka ulit sa pinto ng puso ko siguradong pasasayahin kita hanggang sa lumabas ka ulit ng pinto
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 8:30 AM UTC
Pinto
Masakit na nakaraan, tayo'y kapwa mayroon. Syang dahilan ng ating takot, Huwag ng balikan, bagkus Sa isa't isa halina't kumuha ng bagong lakas, ng bagong simula, at ng bagong pag ibig. Tila sinadya ng tadhana, Tayo'y sinaktan at tinuruan muna, Upang sa araw ng pagtatagpo, Kapwa tayong nakahanda. May dahilan ang lahat, ika nga. Ilang sulok na ba ng mundo, Ang ating nilakbay? Ilang tao na ba ang sinubukan kilalanin at sinugalan? Gaano karaming luha na ba, ang pumatak at naubos? Ilang beses na ba? At ilang beses pa ba? Nandito na ako, hindi ba? Nandito ka na rin, Nandito na tayo, Palalagpasin pa ba? Sa malayuan, mananalangin na lang ba? Sa malayo, mangangarap na lang ba? Aasa na lang ba sa malayo? Magmamahal na lang ba sa malayo? Hanggang sa malayo na lang ba ang lahat? Humawak ka lang sa akin, Pangako, hindi kita bibitawan. Buksan mo ang iyong mata, ang ganda ng bagong pagkakataon, pangako, ipapakita ko sayo. Maaari ka rin pumikit, Damahin mo ang aking haplos, pangako, ikaw lang ang mamahalin pangako, sa iyo, ako'y tapat. Huwag ka ng matakot, mahal ko. Tayo'y magtiwala sa Diyos, Sapagkat Siya ang may akda, Ng istorya ng ating pagtatagpo, Ng kwento ng ating pagmamahalan. Huwag kang sumuko, mahal ko. Huwag tayong susuko, mahal kita.
0
Feb 3, 2018
Feb 3, 2018 at 8:44 AM UTC
Pinagpala (ng Maykapal)
madilim ang kapaligiran dama ang katahimikan napatingin sa kalangitan abot tanaw ang kalawakan kay gandang pagmasdan mga tala at buwan tila nakahiga sa duyan hinehele ng marahan mata'y napapikit diwa'y kumalma ng saglit nanumbalik mga alaalang di mawaglit ninanamnam bawat kapit biglang napagtanto marami nang nagbago maraming dinanas na pagkabigo kaya bang buksan muli ang puso? mumulat at muling sisilay sa mga bituing nakalaylay Hihiling na sana'y pawiin ang lumbay at mundo'y muling bigyan ng kulay. sana'y hindi magsasawa sa paghiling at pagtingala hanggang sa dumating ang himala at matanggap ang pagpapala.
0
Mar 6, 2019
Mar 6, 2019 at 4:58 AM UTC
muni-muni
Ihain kaso Sa mga akusado Buksan ang lente At maging responsable Hiling sa presidente Bangkay na patong-patong Placard na nagsasabing Sila ay lulong Karapatang pantao Ba't di isulong? Dapat ibulong Sila ay mali Ng gawaing napili Mabuti pang isuplong Di ba dapat ikulong? Dugong dumanak Kailan katanggap-tanggap? Dulot ng panganganak Sumpa o tulong? Bara ba sa pagsulong? Lumobong bilang Mga napagbintangan Pagbilog ng b'wan Supling na nanakawan Walang kinabukasan
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 11:15 PM UTC
Due Process