Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"balikat" poems
Ikaw lang, (Pangako) Sa iyong mga mata nasisilip ko ang langit Pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik Lapit ka ng lapit, Ang titig sa pisngi, ayaw mapapikit, Andito na ang iyong sandalang balikat Sa iyong luha, ako ang sasalo ng lahat Napakaganda mo para saktan, hindi  kita matitiis Parang mababasagin kagamitan, porselana, tulad ng ‘yong kutis Kapag nasisilayan kong Labi, may taglay na ngiti Kalungkotan ko ay napawi, Limot ko na ang pighati Wala akong minamadali, pagkat atin ang sandali Kaylangan ko pa bang bumawi? Kung Pakiramdam koy di na lugi Dahil ang bawat oras ko sayo aking pinagyayaman, Ikaw ang nagbigay ng karanasang di ko makakalimutan Ang bawat alaala’y binabalik paminsan minsan, Pwede bang **** ka nang lumayo, dito ka nalang Hawak ang malambot **** mga kamay may ibinubulong ang boses **** malumanay “Andito ka na, di na ko nalulumbay, di ako sanay na ikaw ay mawalay” "Ngunit mahal, kelan ba kita iniwan? Pinabayaan, at kinalimutan, Kelan ba ang panahong di kita isinaalang alang? Tapat ang pangako kong di kita pababayaan, magpakailan man."
0
Sep 27, 2018
Sep 27, 2018 at 11:47 PM UTC
Ikaw lang, (Pangako)
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG! KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT? TIWALA’Y NILAAN PAGKATAPOS AY IIWAN SUKDULANG HAPDI KATUMBAS AY PIGHATI HINDI MO BA NALALAMAN KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN? HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN? TATAWANAN MO NALANG BA ANG PUSONG NAPILAYAN? HABANG SA IYONG HIGAAN IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY? O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN? SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT AY HUWAG SANANG IPAGKAIT SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
0
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Pag-ibig ba't ang lupet mo? (TAGALOG)
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

Continue reading...
121
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

72
And in the end, the love you take is the love you make. -The Beatles Isa ito sa mga argumentong dapat lamang pagtalunan. Dahil hindi lahat ng pag-ibig na binibigay mo ay nasusuklian. Masarap lamang itong pakinggan. Noong inibig mo ako, Hindi. Mas tamang sabihin na noong naisip **** iniibig mo na ako, Ay mas pinili **** huwag magbigay ng buo. Hindi ko alam sa'yo pero ikaw na ang pinaka-duwag na taong nakilala ko. Naaalala ko noon ang mga sugat at pilat na naiwan niyang nakatatak at nakakabit sa mga braso mo. Nakikita ko ang mga bakas ng mga hampas nya sa mga balikat mo. Bawat kagat at kalmot at gasgas na ibinigay n'ya sa'yo, Sa mga pagkakataon na akala mo wala lang, Naramdaman ko. Pinaramdam mo silang lahat sa akin. Anghirap palang pilitin na bumuo nang puso na ayaw magpabuo sa'yo. Hindi ko din kasi alam dati na kailangan, ang kagustuhang maghilom, Manggaling sa kanya mismo. Pinilit kong pagtagpi-tagpiin ang mga piraso **** nakakalat sa sahig mula nang binitiwan ka n'ya. Sinubukan kong gamutin ang lahat ng sakit na nagpapanatili sa iyong gising sa alas-tres ng umaga. Pinili kong mahulog sa iyo kahit alam kong mas malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang pag-asa Na maisip **** sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na nakikita ng ibang tao ang mga pagbabago na akala nila ay ako ang dahilan pero ang hindi nila alam, Sa dami at haba ng mga sakit na iyong naramdaman, Natuto ka lamang na itago silang lahat sa loob mo. Na sa kahit na anong oras, pwede silang lahat lumabas at lamunin na lang ako ng buo. Oo. Ako. Dahil mas pinili kong lumapit sa'yo. Iyong-iyo lang ako. May mga pagkakataon na gusto kong isipin Na ang bagong taginting ng mga tawa mo ay dahil sa akin. Na ang mga panaginip mo kapag ikaw ay mahimbing, ako ang laman. Na ang mga pangarap mo sa hinaharap ay ako ang hiling. At ang bawat pulso mo ay para sa akin lamang. Dahil sa iyo lang ako. Iyong-iyo lang ako. Pero hindi. Dahil andami mo nang natutunang paraan para magtago. Napakadami na ng mga pagkakataon na sinayang mo. Ang akala mo, lahat ng pagkabigo mo sa pag-ibig dati Ay natulungan kang maging mas malakas, mas matatag, mas matalino. Pero hindi. Dahil papasok sa isang bagong pag-ibig ay tinangay mo lahat ng galit. Iniwan mo ang mga aral na natutunan mo maliban sa "Ang pag-ibig ay hindi dapat pagkatiwalaan." Ang tanging bagay na hinahabol mo, na pinipilit **** makuha, Na pinipilit mo dating kapitan kahit na wala na, Ang bagay na akala mo ay lubos sa iyong magpapasaya, Tinitignan mo na may pagdududa ang iyong mga mata. At unti-unti kang nabulag. At hindi mo nakita ang pagibig na nasa harap mo na. Lumipad at nawala. Hindi bulag ang pag-ibig. Bulag ang mga taong pinipilit tumingin sa araw dahil gusto nilang makakita ng liwanag ngunit ayaw alisin ang kanilang mga de-kolor na antipara. Wala kang natutunan sa nakaraan. Hindi ka nga nasasaktan. Hindi mo naman mahagilap ang tunay **** kaligayahan.
0
Jun 9, 2016
Jun 9, 2016 at 1:58 AM UTC
Ang kaibahan ng katalinuhan at kaduwagan

59
totoo and sinasabi nila na sa segundong mawalan ka ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong magpapakita ng pakialam sayo na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo na sa sandaling binitawan mo ang kamay ng gusto ng makawala darating ang ibang kamay na hahawak muli nito ng mas mahigpit, totoo ang sinasabi nila tila mahirap lang maniwala sa sabi-sabi, sa haka-haka dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila tiwala tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo ang sinasabi nila oo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak sa tuwa, sa lungkot sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa dahil nandito ako, ako ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo kumapit ka lang sa aking kamay sa aking balikat sa aking katawan na kahit ulanan ng pasa at sugat ay ibinibigay ko sayo ng buong buo uulitin ko, totoo ang sinasabi nila na sa gitna ng kawalan sa gitna ng pagsuko sa gitna ng pagbitaw ito mismo ang maghahanap sayo siya mismo ang maghahanap sayo darating at darating ang parte nitong kwento na bubuo sayo at muli nanamang iikot ang iyong mundo pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito habang naghihintay ka pa, ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan bitawan mo lang at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako hindi kita iiwanan, tiwala magtiwala ka lang sa huling pagkakataon, uulitin ko, totoo ang sinasabi nila hindi ka nagbubulagbulagan kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako ng buong isip at buong puso, ako ako na nagtiwala rin sa Kanya ako na hindi umasa, ngunit humawak sa salita ng aking Ama, ako ito ang tatandaan mo
0
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 11:40 AM UTC
Pag-bitaw

66
*Bente kwatro oras ang kilos Mga gawain na tila' di natatapos Pagtitimpi na hindi nauubos Ano pa mahal kong Ina ang kaya **** ibuhos? Hindi ka ba napapagod? Araw-araw kang kumakayod Walang day off, walang bonus, walang sahod. Hindi ba nanghihina ang iyong mga tuhod? Tinanggap mo ang pagiging ina Kahit sa mga anak mo'y ikaw ay balewala. Pagkaing isusubo na lang, ibinigay mo pa, Sa bawat hakbang nila hindi ka nawala. Tinanggap mo ang pagiging kahalili Inalay sa'yong asawa ang buong sarili Sa mga desisyon nya, ikaw ay walang masabi Sa bawat hakbang nya ikaw ang katabi. Hindi sapat ang salamat Sa mga kalyo sa'yong palad Sa hindi maindang sakit sa balikat Kahit kailan wala kang sinumbat Alam ko hindi sapat ang aking salamat At hindi ka kayang tumbusan ng anumang salita Mahal kong Ina, salamat po sa lahat lahat Salamat po sa puso nyong 'di napapagod nagmamahal.*
0
May 13, 2015
May 13, 2015 at 4:08 AM UTC
Salamat ina
At sa pagkagat ng dilim Kasabay ng pamamaalam ng araw sa'tin Mahihimlay ko sa sulok ng apat na dingding Huhubarin ang mga ngiti, ipapahinga ang bibig at ibababa ang hinlalaki kong kanina pa nangangawit Sa kapapaalala sa mundo na ayos lang Na makakatagal pa ko ng kahit sampung minuto Sampung minuto--- Ito lang ang kailangan para tuluyan nang tapusin ang sinimulang kwento natin At sampung minuto para dapuan ka nila ng tingin at sabihin sa'king Kailangan na kitang talikuran Ngunit di na ko inabot ng sampung minuto pa para pakingga't tupdin sila Dahil sampung segundo lang--- Isa, dalawa, bitaw na, bitaw Lima, anim, ayoko pa, ayoko pero Siyam, sampu...ay nagawa na kitang bitawan Ang sabi kasi ni nanay ay di ka nararapat para sa'kin Sabi ni tatay pag-aaral ko muna ang atupagin Ang sabi nila ay dapat ko silang sundin Ang mga bumuhay at nag-aruga sa akin ay dapat na lagi kong susundin Huwag mo nang gawin yan, ito ang mas bigyan **** pansin Di yan makabubuti para sa'yo, bat di mo na lang tularan ang kapatid mo Ang lalaki dapat ay matikas Ang tanga tanga mo, wala kang mararating diyan Kahit sino kayang makagawa ng ganyan, magsundalo ka na lang Dinaig ka pa ng nakababata sa'yo? Dapat pareho kayong tinitingala ng tao Kaya't binigo ko ang nag-iisa kong pag-ibig at sumuong sa digmaang di ko kailanmang naisip Dahil dapat lagi pa ring susundin ang mga bumuhay at nag-aruga sa'kin, mga bumuhay at nag-aruga sa'kin dapat kong sundin, ang sa'kin ay nag-aruga't bumuhay lagi pa ring susundin Nay, yakapin mo ko't pahupain ang hapdi Kaya, Tay, tapikin mo ko sa balikat at sabihin **** tama ang ginawa kong pagtupad sa pangarap mo Dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na ko Sa panonood sa pagkislap ng mga mata ni bunso Mga kutikutitap na di mapapasakin dahil ang mga mata ko'y namumugto Mga matang naniningkit na katatanaw sa sarili kong mga pangarap Dahil ng mg paa ko'y habol ang bawat dikta't kagustuhan niyo Sawa na kong pilit pantayan si bunso Dahil kahit anong gawin ko'y di bubukal sa'kin ang kaligayahan Di tulad niyang may malayang kinabukasan Ako'y may busal ang bibig, may taling mga kamay, nakakulong sa ekspektasyon ng sarili kong mga magulang Pagod na ko, ayoko na Ayoko nang marinig ang "Tingnan mo siya,buti pa siya, mas magaling pa siya..." Hindi ako binigay sa inyo para ikumpara niyo sa isa niyo pang anak at sa anak ng iba na hinihiling niyong meron din kayo Gusto ko lang naman marinig na may tinama ako kahit papano, kahit kapiranggot Gusto kong marinig ang "Salamat" at "Mahal kita" at "Ipinagmamalaki kita" dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na kong Habulin ang liwanag ng talang matagal nang namatay sa kalawakan Kaya Nay, Tay Ako po muna Ako naman ngayon...
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 5:53 AM UTC
Sampung Minuto

50
Ako'y kinakabahan Saan ko kaya ito u-umpisahan? Siguro ito'y epekto ng iyong biglaang paglisan Kaya ako ngayon ay naguguluhan Pano mo nagawang mang-iwan? Iniwan .. iniwan ang puso ko sa ere ng walang kaalam-alam Na Hanggang ngayon halos puso ko'y nangunguyam Sa bawat oras na pumapasok sa aking puso at utak na tila isda na uhaw-uhaw Hanap-hanap palagi ay ikaw Minsan naalala ko pa nga naisulat ko ang iyong pangalan sa buhangin Nagbabakasakali na sana'y ika'y dumating Nakatingin sa mga bituin Umaasa na isa sa mga ito ay magbigyang diin na sana dumating Ang nagiisang bituin para sa akin Nilalamok na ko kakatingin sa mga butuin Iniisip pa din kung sakali man na ikaw ay dadating Agad kitang yayakapin At sasabihin Na ikaw padin ang nagiisang tao na kayang magpatibok nitong aking damdamin Ang tanga mo Yan ang mga katagang madalas kong marinig sa kanilang mga bibig na lagi nilang binabanggit kapag nakita nila akong nakaupo sa gilid dyan sa may sahig ngunit hindi ko sila pinakinggan Palagi nila ako tinatapik sa aking balikat at sinasabing wag ka nang umasang babalik pa yan Siguro nga hindi lang yan panandalian Pero asahan mo ko aking mahal hihintayin pa din kita Kahit wasak na wasak na ang puso ko ng tuluyan hihintayin kita At sa iyong pagbalik Umaasa na hindi mo na ako ulit Ipagpapalit. Ngunit bakit ka'y pait? Umaasa na makita ka na kahit saglit Sapagkat Hindi ko na kaya ang sakit . . Sana panginoon wag kang magalit. Nawa'y kunin mo ako sa langit.
0
Jun 16, 2016
Jun 16, 2016 at 7:56 AM UTC
Uhaw na Isda
kailan ba nabuhay ang mga manunulat? sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy. kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit? dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal. kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay. ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.' ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman, ang hindi lumingon sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho. pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon? ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso? kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya? kailan ba nabuhay ang isang eskribo? sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso. mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo nabuhay siya nang dumating ka nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina upang magliyab siya oo ikaw na irog niya nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
0
Jan 9, 2017
Jan 9, 2017 at 4:20 AM UTC
Ikaapat na Taon ng Pagluluksa

24
Ang monasteryo ay pugad ng dasal ng maya Nasa tono ang plawta, umiirog na nota Ang natatanaw na inakalang bukang-liwayway  ay magandang kasintahan Harana ng kalawakan, nakakabinging bulong alulong ng multo na nanahan Sundin ang pagkabigo Sapagkat ang harmonya'y bihasa sa pagbibilanggo Ang kinikimkim na rosas ay lumulubo Ngunit nakagapos ang mga ugat Nakapanlulumo man ito'y totoo Nabubuhay ang bulaklak sa hardin na nakatago Itigil ang kahibangan ng bahaghari Pagkatapos ng pag-iyak ng kalangitan puso'y nagdadalamhati Kahit gaanong tingkad ng kulay sa himpapawid Malaking imahinasyon lamang ang makisabay sa pana ng anghel Iwaksi ang pagtitibok Ang mga konstelasyon ang patunay Guhit ng relasyon sa hangin ialay Papalayo, hindi mamamatay paulit-ulit na mabibigo Ang samyo ng damuhan ay may kaluwalhatiang hatid Sa paraiso nakasandal ang mga balikat at pighati Malayang pag-iisip, paglalakbay ng diwa Lunas sa damdaming mahapdi
0
Dec 3, 2018
Dec 3, 2018 at 8:05 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #3
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno ng mga sigaw ng mga hagulgol ng mga mura na pinipilit na hindi makawala Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos hanggang sa tuluyan nang mapaos Hindi mo pa rin pakikinggan Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin ay tuluyan nang napupunit Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi Katulad ng pag-iibigan natin Sa pahinang ito Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho Nabura na ang tinta at naging malabo na ang mga salitang Mahal na mahal kita Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo Sa bandang kaliwa ng ating kama Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal Pero mahal Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata Nasaan na ang pinangakong walang hanggan? Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit? Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka Mali.. Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba o hanggang kaibigan lang ang tingin niya o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya Putang ina Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako Mas masakit yun Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan? Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal? Gusto ko lang naman pakinggan mo ako Gusto kong malaman mo na ayoko na Na kahit ayoko na ay ayoko pa Ayoko pang bumitaw Dahil natatakot akong maligaw Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw Ayoko pang mawalay sayo Ayoko pang ako’y iwan mo Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba Pero Mahal kita Pero Ayoko na Ayoko na sana Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal Mahal kita Oo na hanggang sa huli Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko At nakasulat sa huling basang pahina na ito Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
0
Jan 26, 2018
Jan 26, 2018 at 10:07 AM UTC
Huling Basang Pahina

68
dilaw na dyaket ang suot mo noon habang ako ay nananahimik hindi makaimik at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon na sinasala ng kinulayang bintana kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga dilaw na dyaket ang suot mo noon at ang unang naitala sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga nang dahil sa bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin ako'y napatitig na rin napatitig sa dilaw na dyaket mo at hindi ko mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat nakakibit hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo napapaliit ang tikas ng iyong pagkatao hindi ko rin mawari kung paano pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang anghel ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang anghel ika'y naging anghel sa aking isipan marikit na imahe sa aking kaloob-looban munting sigaw sa buong kalawakan o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw: nakikita mo ba? nakikita mo ba kung paano kita nakikita? nakikita mo ba kung paano kita sinasamba? nakikita mo ba kung paano kita sinisinta? oo, sinisinta, dahil munting anghel ko, o, mahal kita mahal kita, o, munting anghel ko mahal kita at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao mahal kita at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko mahal kita at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso at nais kong ako ay maging iyo at nais kong mahalin mo rin ako ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako natakot ako na kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay huhusgahan mo ako kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay magugulat ka at lilisanin mo ako kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang isang bulong na nagsasabing: o, munting anghel ko, mahal kita, o, munting anghel ko, pangarap kita, ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas at tuluyang mawala ka. maroon na dyaket ang suot mo kanina noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita ngunit may kasamang iba at siya'y ika'y inakbayan at ika'y siya'y nginitian at ako'y napaisip nang biglaan kayo ba? kayo ba? kayo ba? napakwento ang kaibigan ko: alam mo ba, ganun na nga sila na magdadalawang-linggo na. hindi naman sa nasaktan ako pero parang ganoon na nga. hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko pero parang ganoon na nga. hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo— pero parang ganoon na nga. ganoon na nga dahil kayo na nga kayo na kayo na kayo na. ganoon na nga dahil siya ang kasama mo hindi ako hindi ako hindi ako. siguro kung hindi ako natakot siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto ay mapapabalabal ko na ang iyong puso siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso ay ako na'y magiging iyo siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo ay mamahalin mo na rin ako ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako at ayan na nga, o, munting anghel ko, lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo at ayan na nga, o, munting anghel ko, baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko maroon na dyaket na ang suot mo ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
0
Feb 9, 2020
Feb 9, 2020 at 11:47 PM UTC
Dilaw na Dyaket

115
Kung isa-isahin ang nakaraan simula no'ng ika'y aking niligawan hanggang sa dumating ang kasalan, maikukwento ko ng walang alinlangan kung paano tayo nagsimula at nag ibigan. hindi sa lahat ng panahon ang mga bagay ay naaayon sa kung paano natin gusto at 'di lahat ay agad na natatamo. Unang kita palang, napaibig na ako Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako sa isang tulad mo puso ko'y nahulog ng di napagtanto, sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido. sa isang tulad mo puso ko'y nahulog ng di napagtanto, sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido. Sa iyong mga mata Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Palapit ng palapit, ang titig,   Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit, Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon at biglang kanyang  dininig Hindi inaasahan ang iyong pagdating. Pagod kong puso’y iyong ginising. Buhay ko'y binigyan ng ningning, Ikaw lang ang gustong makapiling Sa iyong mga mata Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na sa aki’y pinakamalapit Palapit ng palapit, ang titig,   Sa mapulang labi mo’y nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit, Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon at biglang kanyang  dininig Hindi inaasahan ang iyong pagdating. Pagod kong puso’y iyong ginising. Buhay ko'y binigyan ng ningning, Ikaw lang ang gustong makapiling. dumating ka sa mundo ko’t iyong niyanig pinukaw ng iyong tinig “Happiness Happiness Happiness” Ang tinig na aking narinig at napatulala at napatitig Biglang nag usisa sa sarili nagtanong, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga nitong pagmamahal na kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo tuluyang hinamon ang matapang na puso Hindi ka na malulumbay, kapag nasisilayan ko ang iyong labi, may taglay na ngiti Pagod koy napawi, limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi kaya wag mag madali pagkat atin ang sandali At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo andito na ang iyong Sandalang Balikat Na hindi madadaan sa gulat Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay Habang may ibinubulong ang boses ****  malumanay Umalis ng walang plano, walang dala kundi ang puso. pero saan nga ba patungo? Bawat hakbang ng paa, bawat hininga, ninanamnam para sa ikasisiya pero saan nga ba patungo? Ramdam ang pagod kinailangan ng tumukod ngunit hindi susuko. pero saan ba talaga patungo? Marami ng nadaanan at natambayan Pero di naman kaianaman Hangang sa dumating na sa dulo na ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay Andito na ako Sa unang pag kakataon Sa araw ng mga puso   Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo Bungkos ng  rosas ay para sa iyo Sa masayang araw at hanging maaya, ang sinugong puso’y sumasaiyo at ito’y magsasabing Sa tuwa at dusa, Hirap at ginhawa Sarap at ligaya Ang “Balentayns” Ko’y ikaw Walang iba! ! ! ! ! Subukan naman
0
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:41 AM UTC
Tula Para sa unang Ika Labing Apat ng Pebrero

107
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

84
Hindi mo siguro alam, pero matagal na akong nagagandahan sa iyo. Hindi mo siguro alam, pero noong nagko-code ako, lagi akong umaasa na ikaw ang titingin sa gawa ko. Hindi ko gusto pumorma. Gusto ko lang ipakita na tama ang aking gawa kasi iniisip ko na kapag wala akong mali matutuwa at magpapaunlak ka ng pagkatamis **** ngiti (yihee). Kaso hindi ko alam kung bakit, pero lagi ka na lang may nakikitang putik. Kahit ilang lampaso ng tingin ang ginawa ko sa code ko bago ko ipasa sa iyo, may maisusulat ka pa rin na mali! Anong klaseng mata ba ang mayroon ka? Gusto ko magpakitang-gilas pero lagi mo akong natatabla. “Labag sa standards ang code mo”, “magdagdag ka pa ng test scenario” kulang na lang yata ay sabihin mo sa akin “sino ba ang nagturo sa iyo?” May mga pagkakataon na gusto ko nang umuwi. Pinapackage ko na ang mga code dahil ang lalim na ng gabi. Kaso may makikita ka sa testing, “hmm, parang may mali” Babagsak na lang ang balikat ko, sabay sabi, “ano?! uli?!” Siyempre, may magagawa pa ba ako kapag binanatan mo na ako ng ganito: “pasensya na, pero abswelto sana tayo “kung hindi ko lang sana napansin ang maling ito”. WOW. EH, ‘DI. OKAY. Pero hindi ko magawang magalit sa iyo. Kasi alam ko gusto mo lang ay halos perpekto. Ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pero utang na loob, pwede bang bukas na natin tapusin ito? Ngayon, magsasampung taon na ako. Matagal ka nang lumisan, pero ako pa rin ay nandito. Naiintindihan ko na kung bakit sa trabaho nating ito, kailangan matalim ang mga mata mo. Dahil sa bandang huli.. Ang batik sa isang dahon, ay batik sa buong puno.
0
Feb 9, 2016
Feb 9, 2016 at 7:57 AM UTC
Na-Code Review ka Ngunit Kulang

38
mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin? pilit **** dinala, ang bagaheng mabigat. pagkat gusto **** makatulong, sa abot ng iyong kaya. kahit hindi sayo'y minabuting dalin, nang sa iyong kasamaha'y na sa iyo ay binilin. buhat **** bagahe, di maikukubli. isinama mo na ang bagahe ng iba, magandang loob **** minabuti. Malayo na ang narating, ng pagod **** katawang hapo. sa pag intindi mo, sa mundong ikaw lagi ang balato ngunit pagkatapos ng araw, ang balikat mo'y halos mabali. subalit ang puna parin ay sayo, Ikaw pa ang siyang mali. nang tayo ay dumating, sa hating landas dapat pumili, di sinasadyang salungat, ang ninais na tahakin. bitbit mo ang puso, na iniintindi ang iba, subalit may mga desisyong, sa utak mo'y nakatalata. Sila ay bulag, sa kabutihang iyong dulot. ngunit sila ay dilat sa kagamitang nalaglag na hindi mo napulot. Sila'y dilat sa iyong kakulangan, di nakikita ang kabutihan ng puso. di ka nagpapatinag kahit ika'y napapaso mundong malupit, napakadami **** bitbitin. isa kang manlalakbay, anong landas ang pipiliin?
0
Jul 16, 2011
Jul 16, 2011 at 7:40 PM UTC
Landas
nakita mo ako noon na umiiyak may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak hinawakan mo ako noon sa balikat nakita mo sa mga mata ko wasak ang mundong kinatatayuan ko ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo Kinupkop mo ako. pinasilong sa iyong payong pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako hinagkan mo ako pinangalanang "tapat" tinanggap ko ang alok **** payong nananabik sa pagtanggap pagtanggap isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala Nananabik ako. kinilala mo ako binasa na parang librong daladala mo araw araw naging interesado sa kada buklat ng pahina Naiintindihan mo na. lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa nananabik akong matapos mo kilalanin mo ako ng buo itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot bigyan mo ako ng rason. ayan na, malapit ka na sa kabanata kung saan bumitaw sila tatlong pahina na, magtiyaga ka sana dalawang pahina na lang, huminga ng malalim isang pahina--- saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina? "magpapahinga muna", yan ang sinabi mo ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko Maghihintay ako at naghihintay pa rin ako nakatunganga ako sa labas ng kawalan hinihintay ang pagbabalik mo ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko hindi mo ba ako nakikita? hindi ka na bumalik hindi mo na sinubukang bumalik wala ka pa nga sa kadiliman ko hindi mo na kinaya ang kwento ko
0
Aug 15, 2017
Aug 15, 2017 at 7:46 AM UTC
Untitled
Inaantay ko ang takipsilim kung kailan nagtatagpo ang araw at ang karagatan at unti-unting lumalabas ang buwan at mga bituin inaantay ko ang dilim kung kailan mararamdaman ko ang marahang paghalik ng balat mo sa balat ko kung kailan inuungkat ng mga daliri mo ang lahat ng sikreto ng katawan ko Dito sa maliit na papag, sa ilalim ng mga dahon, at mga tagpi-tagping kahoy, sa tabi ng dalampasigan isinayaw mo ko isinasayaw mo ako at sana isayaw mo ako Ituro mo muli sa akin ang bawat hakbang dito sa indayog na walang musika kundi ang dwelo ng ating mga dila, ang mabibilis na paghinga, at mga impit na sigaw. wag **** tapusin dalhin mo ako sa isang paglalakbay kung saan mas kailangan ko ang mga kamay at mga mata mo kaysa sa aking mga paa at pag narating na natin ang rurok ng kaligayahan mahal, halikan mo ang aking mga balikat iparamdam mo sakin ang init na hindi naibibigay ng mga tela ibulong mo sakin ang mga bituin at buwan at ipikit natin ang ating mga mata sa muling pag-ahon ng araw.
0
Aug 26, 2016
Aug 26, 2016 at 3:46 AM UTC
ang halik
Patay sindi ang ilaw sa kwarto. Bawat pagsindi ay napuputol ang tulog na mga limang minuto pa lamang ang tinatagal. Kaluskos mula sa kisame ay pilit na sinasawalang bahala. Ang salamin sa aparador sa paahan ng aking kama ay mistulang naggiging larawan. Mayat maya'y nagkakaroon ng imahe ng isang babaeng naka trahe de boda. Balingkinitan ang katawan, bagsak ang balikat, bahagyang nakatungo't walang bahid ng kagalakan sa kanyang mukha. Ilang saglit lang ay mawawala. Dali-dali akong tumayo at binuksan na lamang ang pinto ng aparador. Ihinarap sa pader ang salamin, sabay balik sa aking kama. Ang loob ng aparador na lamang ang aking nakikita. Wala na ang babaeng nakaputi, di narin nagparamdam muli. Nawala narin ang nakakabahalang kaluskos sa kisame. Ang ilaw ay nanatiling nakasindi. Alas-tres na ng umaga nang ako ay nakatulog. Nagising ng alas-sais at nagmamadaling naligo't nagbihis. Iniligpit ang gamit sa bag, nagsuklay at napaharap sa salamin. Natigilan. Nakasara na ang aparador. - March 15, 2010, Vigan
0
Mar 16, 2010
Mar 16, 2010 at 1:34 AM UTC
Ang Aparador
Parang isang babasagin napakarupok ko sa iyong mga mata at sa iyong mga ngiti na bilang sa daliri. Marupok ako sa mga pasimpleng lambing na dumudurog sa malamig na puso. Sa balikat **** sinasandalan, sa yakap at amoy ng iyong anit kahit maghapong pawisan, napakahina ko. Natutuwa sa simpleng kwentuhan at kahit di mo pa subukan, dalang dala ako sa agos mo. Kahit wala ka pang gawin para ako'y suyuin nanlalambot ang Marupok na ako sa Marupok na ikaw Marupok pati ang isip ko na laging lumalakbay papunta sayo, lumilipad sa kalawakan mo, ramdam ang grabidad na lalong humihila sa pusong tila nalalaglag na. Kaya ba? Kaya bang saluhin ng marupok na ikaw ang marupok na ako?
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 10:14 PM UTC
Mahina ako sa isang Mahinang ikaw
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman 'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'? Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang, Sabay ang galaw ng ating katawan Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo: Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo At sa mapupula **** labi ko narinig ang Sinabi **** ganiyan din ang nararamdaman ko Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba O kahit pareho pa tayong nakapalda Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y Maputulan ng hiniga Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa At mas maingay pa ang bulungan Kaysa awit ng banda O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo Mapapagod din sila Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal Pero huwag ka sanang mabibigla Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad Ng agos na pilit kong nilabanan At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan Sa walang hanggan nating habulan Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam? May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw Ang dalaga noong una't huli kong sayaw Na alam kong imposible nang balikan Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na Lahat ng 'yon ay tunay At mahal kita, maniwala ka Kahit ako pa ang unang bumitaw #
0
Aug 21, 2021
Aug 21, 2021 at 1:33 AM UTC
Sayaw

56
We aren't very different. Konkretong kahon ang tawag Ko sa eskwelahan ninyo, Na puro sikreto, Silaw—dahil sa napakaputi Ninyong mga balat, paa, Malambot, makinis, na halos Binasbasan Ng mga kayumangging kerubin— Ayaw basagin. Sila, ang taga-tayo ng mga Gusali ninyo, puro pawis. Puro naka-long sleeve, ang Init! Noo nila’y sunog, Kumikilabot, kumaladkad, Kilay itim sunggab ng Araw. Ngayon, Nakikita ko sila—puro trabaho, Balikat bumabagsak dahil sa Bigat ng mortar, laryo, Ulo baba-taas-yuko na parang Kumakadang sa luad, Tapak kasing bigat ng mga konkretong Tipak—taga-buhat ng mga Pintang maputla.
0
Aug 14, 2014
Aug 14, 2014 at 9:13 AM UTC
To the BSM Kids (and Xavier by Extension)
Sa sandaling iwan kita, Ay doon ka naman lalabas Habang tahimik na nanunulsol, Upang hindi ako makatakas Subalit ako'y bukod tanging nasasakal! Ang hininga'y bumibilis sa iyong pagdating Pakibit balikat akong nagdarasal, "Huwag mo sanang tapatan ng iyong patalim." At sa oras na matapos ang nginig, titingin nalang sa oras habang nakapikit. Ang aninong nagmumulto galing nakaraan Ang nagdala sa aking kinahahantungan.
0
Mar 5, 2017
Mar 5, 2017 at 11:08 AM UTC
Anino
Isang araw magigising ka na lang, Ayaw mo na umiyak. Ayaw mo na malungkot. Ayaw mo na masaktan. Ayaw mo na sa kanya. Ilang araw ka ba umiyak sa loob Nga kwarto kayakap ang mga unan **** basang basa na mga luha? Isa, dalawa, tatlo. Pinilit mo ngumiti araw araw. Tapikin ang iyong balikat At sabihin "Ayos lang yan. Lilipas din yan". Ilang gabi mo inisip ang mga paano at bakit na hindi nasagot ng tao akala mo'y hindi ka papaluhain? Isa, dalawa, tatlo. Lumipas ang panahon. Lumubog ang araw, nagpakita ang buwan. Sumikat muli ang araw. Nagising ka. Ayaw mo na. Ayaw mo na sa mga pangako'ng napako. Ayaw mo na sa matatamis na salitanv puro sugat ang dinulot. Ayaw mo na sa kanya. Isang araw nagising ka, Hindi mo na tinapik ang iyo balikat. Sa halip, gumising ka na puno ng pagasa. Ngunit, bakit tila may kirot pa din sa iyo mga mata? Nagising ka na ba talaga? O nasanay ka lang sa sakit na iyo nadarama?
0
Jun 11, 2018
Jun 11, 2018 at 12:09 PM UTC
Ayaw mo na.