Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Atheidon Jun 24
Gabi-gabing pinupuyat ng ilusyon nating dalawa,
puno ng kathang isip sa kung ano ba talaga.
Gawa lang ba ng guniguni o masyado lamang nagmumunimuni?

Hindi ko na rin alam.

Pinupuyat ang isa’t isa kahit hindi naman tayong dalawa,
PInakikilig sa mga salitang hindi mo alam kung may laman nga ba talaga,
Gumuguhit ng mga planong hindi naman yata maisasakatuparan.

Malabo.

Pagbati ng good morning at good night,
Pagtatanong kung kumain na ba ako,
Pagbibigay abiso kapag aalis ka,

Ano ba ‘to? Naglalaro ba tayo?

Mabagal, bumibilis, mga reply **** alanganin ang dating,
Hindi mo mawari kung ika’y interesado, o wala lang pagpipilian.
Gusto ko lang na malaman mo na ako’y hindi panandalian.

Gusto kong maniwala sa iyong kabutihan,
ngunit pinipigil ako ng aking nararamdaman,
bumabagabag ang mga tanong sa aking isipan,
dahil hindi ko naiintindihan kung bakit ka ganyan.

Para bang ako’y napagtripan,
Tila’y wala ka lang mapagpilian,
kaya ako’y pinaglaruan.

Kung bukas makalawa’y wala ka na,
Maaari bang ngayon na?
ayokong magsayang ng panahon,
sa taong hindi naman tatagal sa  paglaon.

Masyado nang maraming oras ang nasayang
sa mga taong hindi naman nanghihinayang.
Ayoko na makipaglaro ng apoy,
sa mga taong sa dulo’y ako’y itinataboy.

Huwag mo akong paasahin sa mga salita **** walang laman,
Mawala ka man, hindi ako maghahabol sa isang taong hindi naman kawalan.
Hamak na laro lang naman yata ang iyong hanap,
Wag na lang sana ako ang iyong paglaruan kung hindi ka naman pangmatagalan.
Atheidon Mar 18
Para sayo.

Sa paulit-ulit na pagkadapa mula sa mga lubak sa dinaraanan,
Sa pagkalugmok mula sa mga kabiguan at kamalian,
Sa hindi pagkatuto sa kabila ng kabiguan,
Sa walang katapusang katangahan,
Sa mga salitang hindi maipasok sa isipan at gawaing hindi mabigyan ng katuparan,

Okay lang.

Hindi sa mga pagkakamaling ito nakabase ang iyong pagkatao.
Higit ka sa mga salitang magmumula sa ibang tao.
Ikaw ay tao lamang — napapagod, nagkakamali, natututo.

Hinga. Huminga ka lang.
Kung sa pakiramdam mo’y hindi mo na kaya— huminga ka.
Mahirap man ngayon, ngunit nagawa **** bumangon.
Ang mga pinagdaanan mo noon,
ngayo’y magsisilbing inspirasyon,
para bukas ika’y lumaban.

Hindi ngayon ang oras para ika’y panghinaan,
Alalahanin ang mga pangarap na nais makamtan.
Mapapagod pero hindi Susuko.
Magpapahinga lang, hindi susuko.

Humahanga ako sa’yo at sa puso mo.
Matatag ka, malakas ka, hindi mo lang nakikita.
Wag kang mabahala,
Alam kong hindi ka kahiya-hiya.


                                                  ­   Lubos na naniniwala at nagtitiwala,
                                                    ­                                                        Ako.
Atheidon Mar 18
Anong oras na’t puno na naman ng puwang at kalungkutan?
Mga saya na bigla na lamang naglaho sa kawalan.

Sa paglipas ng oras,
tila ba’y nawawalan ako ng lakas at para bang gusto ko na lamang tumakas—
tumakas sa rehas na aking dinaranas.

Tahanan — ang palatandaan ng aking katauhan.
Dulot ng bigat ng kursong pinili sa kolehiyo,
ako ngayo’y malayo sa palatandaan ng aking katauhan.

Nakakamiss.

Malayo sa palatandaan ng aking katauhan,
katauhan na binabalot ng kalungkutan,
at hindi maipaliwanag na pakiramdam ng kawalan.

Paano nga ba ito?

Sa kabila ng nararamdaman,
patuloy akong lalaban at patuloy na paniniwalaan
na ang panghihinang  nararanasan,
ay pansamantala lamang.

patuloy kong tatandaan,
na ang kawalan ay panandalian lamang,
at ang palatandaan ng aking katauhan ay akin ding mahahawakan
dahil bukas, higit kong pagsisikapan
na aking pangarap ay makamtan.
Atheidon Jun 2018
Admittedly,
My stomach still flutters everytime I see you,
My eyes instantly recognize the sight of you
And my heart still wants you.

But honestly, i think,
This heart will always beat faster when you’re around,
My eyes will always look for you in a crowd,
And the way i’ll think about you would never change.

But now,
My mind does not think so much of you,
My thoughts does not only consist of you anymore,
My heart does not long for you the same way it did before.

We didn’t deserve each other,
We both deserved better people.
No, it’s not your fault,
Neither it is mine.

Wrong timing, that’s it.
Our conditions were already preset,
We met each other in the beginning of your end,
The circumstances were already unchangeable.

Whatever came between us,
It was wonderful and meaningful.
And whatever came between us,
Wouldn’t really change anything now.

There wasn’t a time in our relationship when label existed,
We have always remained labelless.
Like leaving no marks of whatever we’ve had,
As if we’re each others’ secrets.

Admittedly,
It breaks my heart to let you go,
It pains me to see you walk away,
Because i honestly thought,
You were a long term plan.

Despite the short time that we’ve spent together,
You definitely left your mark on me.

I didn’t tell you this but,
You. I prayed for you everyday since i met you.
I prayed for you to be the one;
To be the person that i’d introduce to all.

You were perfect and beautiful.
You didn’t only have the intelligence,
You had the character and personality.
The only thing that downed you was you can’t commit.

You are not capable of committing.
You are not the type that could be tied down by love.
You didn’t want your career to be ruined by whatever will come between you and it.
You were futuristic, not idealistic.

I admire you for that.

Following your dreams require commitment;
You were strong enough to choose to commit to your dreams;
Your determination was beyond my reach.
You were admirable for choosing to let go to whatever was keeping you down.

Farewell to you, my..
What shall i call you?
My dearest stranger.

The reality of us was quite impossible and unachievable,
But i do hope you the brightest of the future.
Your endeavors are already great,
And i hope you will be able to make them your reality.

Farewell.
Atheidon Mar 2018
Kaibigan?
Ka-ibigan?
Kai-bigan?

Ano nga ba tayo?

Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig,
Dalawang taong pinili ang isa’t-isa,
Dalawang taong nais maging isa.

Ngunit ano nga ba tayo?

Pinasaya,
Binigyan ng oras,
Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso,
Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan,
Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig.

Kinuha mo ang puso ko,
Pero gusto ko lamang linawin,
Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin.
Pero para bang ginago ako ng tadhana,
Itinakbo mo ang puso ko palayo—
Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon.

Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman,
Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin.
Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan,
Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang.

Totoo nga,
Madaya ang kapalaran.

Nakakatawang isiping
Sa loob ng isang buwan,
Kaya **** mainlove.
Pero, nakakagago din isiping,
Sa loob ng isang buwan,
Kaya ka rin nyang iwanan.

Sa bagay, ano nga ba tayo?
Wala naman, diba?

Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo,
Na marahil pagdating ng panahon,
Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin,
Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan.

Hindi ako yung tipo **** babae,
Hindi ako matalino,
Wala akong political stance,
Hindi ako kagandahan.

Ano nga bang kataka-taka dun?
Walang dapat ikasakit dahil
Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso.

Walang tayo,
Hindi rin tayo magkaibigan.
At lalong hindi magkasintahan.

“Almost”, yun tayo.

Halos
   Halos naging tayo.
   Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo.
   Halos napaniwala mo kong mahal mo ko.
   Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako.
   Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan.
   Halos bigyan mo ko ng oras mo.
   Halos naramdaman kong sincere ka.
   Halos araw-araw kung hanapin kita.
   Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo.
   Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin.

Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman.

Halos.
Atheidon Mar 2018
Hindi ang mga tala ang magdidikta ng ating kinabukasan,
Kundi ang mga puso na syang handang lumaban at manindigan--
Manindigan para sa mga bagay na hindi kayang hawakan ng ating mga palad.

Hayaan **** maranasan ng iyong puso ang malumbay at mawalay
Sa isang pamilyar na pakiramdam
Nang maunawaan mo ang kahalagahan ng isang bagay--
Bagay na katangi-tangi at panghabambuhay.

Hindi masusukat ng lahat ng mga bituin ang pagmamahal na kaya **** ialay;


   Sa bawat minutong inilalaan mo para sa taong ito,
   sa bawat text na kaagad ay nirereplyan mo,
   Sa bawat araw na ninanais **** siya ang kasama mo,
   Sa bawat pagkakataon na hindi mo pinapalagpas para siya ay makasama.

                                                               ­                                    Oras.

   Sa lahat ng pagkakataon na hindi ka nagreklamo sa pagiging late nya,
   Sa lahat ng pagkakataong minahal mo siya sa kabila nang pagiging magulo nya,
   Sa lahat ng pagkakataong ika’y natulugan sa telepono habang kausap mo siya dahil alam **** pagod sya,
    Sa lahat ng lakad na hindi niya nasipot dahil kailangan pala niyang mag-aral.

                                                               ­                                   Pag-Unawa.

   Sa pananatili mo sa kanyang tabi kapag siya ay nalulumbay,
   Sa pag alo mo sa kanya kapag siya’y nananangis,
   Sa pagngiti mo at ng iyong puso sa sa tuwing siya’y masaya,
   Sa pakikinig mo sa lahat ng kanyang hinanaing tuwing nagpupuyos ang kanyang damdamin.

                                                               ­                                   Pagdamay.

Higit sa mga rosas at tsokolate,
Ipinakita mo ang iyong pagmamahal.
Pinatunayan **** higit sa mga bagay na kayang hawakan ng ating palad,
May iba pa palang paraan ang pagmamahal.

Pagdamay. Pag-Unawa. Oras.
Ilan lamang yan sa mga kayang magdikta nang ating pagmamahal.
Kaya wag **** hayaang ang tadhana lamang ang magdikta nang inyong kinabukasan.

Higit sa tadhana ang inyong pagmamahalan.
Hindi kayo itinadhana lamang,

/ Pinili nyong magkatadhana. /
Atheidon Jan 2018
Beyond the inconsistencies, i chose to see you perfectly.
Beyond the impurities, i chose to see your flawlessness.

I chose to see you beautifully,
Despite the many reasons to leave.
I found one good reason to hope,
I found you.

Once upon a time,
A guy talked to me;
To comfort my wounded heart—
He held it in his arms and healed it.

Another day came,
This 'guy' went to impress me with his wit and intelligence,
He went on to show his gifts— singing and poetry;
He made me like who he is.

I liked him and i told him that.
For once i thought,
Nothing would change.. because he's different.
BUT NO.

A week into knowing him,
I was slowly left waiting;
Waiting for messages and replies—
Replies that took minutes, that led to hours.

Remorseful of being needy,
I took a step back and thought to myself,
"I'm becoming too much; I'm being toxic once again".
But maybe it wasn't me.
Maybe he realized that he wasn't really charmed with me;
Maybe it's not my fault— maybe i wasn't too much.

Maybe i was okay;
Maybe i am good enough.

Here i am, starting to lose myself.
Once more, i'm drowning in liking someone.
But this time, i can't lose myself.
Next page